Chapter 51
JADEN
Nag lalakad lang ako papuntang school alam kong malalate na'ko pero dahil sa sobrang pag ka inlove ko hindi ako tatakbo. Nadaan ako sa isang bahay kung saan may mag asawang nag aaway habang nag lalakad narinig ko ang sigawan nila.
"Ayoko na hindi na tayo nag wowork! Iiwan na kita!" Sigaw ng babae.
"Ayoko, ayoko mahal huwag hindi ko kaya kapag nawala ka mag lalaslas ako!" sabat naman ng lalaki.
"Bwiset ka! Mag patuli nga hindi mo kaya eh mag laslas pa kaya!" walang hiyang sigaw ng babae sa kaniya.
Hindi ko alam kung matatawa ba'ko o maawa sa lalaki. Pumasok na ako ng room at nakitang wala doon si Caseline, nakita ko naman sa hallway si Vin na nag lalakad napag isip isip ko na kausapin siya dahil masyado pa naman akong maaga sa klase.
"Vin." sabi ko. Tumingin naman siya sa'kin at mukhang alam niya naman na kakausapin ko siya. Pumunta kami sa may isang sulok ng school at doon nag usap.
"Simula ngayon layuan mo na si Caseline." sambit ko.
Kita ko sa mga mukha niya ang pag ka gulat pero expected ko narin naman ang magiging reaksyon niya. Napa kunot noo ito at sinabing
"Bakit?"
Huminga ako ng malalim para masabi ko ng maayos sa kaniya. "Umamin na ako kay Caseline." seryosong mukha saka pag kakasabi ko.
"Huh? Alam niya ng bading ka matagal na ito naman oh." pa sarcasm pa niyang sabi.
Nangiti ako ng bahagya at sinabing "Hindi, na gusto ko siya." Tila parang may bumaril sa kaniya noong sinambit ko ang mga salitang iyon.
Napa iling iling siya. "Sabi ko na nga ba eh, pero sana alam mo din na natitipuhan ko siya." Sabay kindat sa'kin. "At mukhang may gusto din siya sa'kin." confident na confident na sabi pa niya.
"Kung gano'n bakit hindi tayo mag patagisan ng galing?" aniya. Natawa lamang ako sa sinabi niya. "Paunahan kung sino makakapag pasagot kay Caseline." seryosong sabi niya.
Tumango ako at pumasok na sa classroom. Lumipas ang oras at hindi pumasok si Caseline nag aalala ako kung ano ba nangyari sa kanila kaya naman pag kauwi ko ay dumeretcho ako sa bahay nila. Ngunit, ang tumambad sa'kin ang kapatid niya na si Chris. Tinanong ko ito,
"Hi si Case? Andiyan ba? Hindi siya pumasok eh." sabi ko.
"Ah wala po kuya ano po kasi..." nag aalangan siya sa mga sinasabi niya.
"Ano may nangyari ba na hindi maganda?" sambit ko.
"Wala po kuya ano masama po kasi pakiramdam niya masakit ulo niya saka..." sabay lapit sa'kin at binulong "me'ron po kasi siya."
"Ahhh, sige pagaling siya kamo." Umalis na ang ako sa tapat ng bahay nila. Pumunta ako sa may pinaka malapit na tindahan at bumili ng pads niya saka bumili ako ng milk ng milktea para sa kaniya bumili din ako ng siopao saka lugaw para hindi siya magutom kahit masama pakiramdam niya.
Nag doorbell ulit ako sa gate nila at lumabas naman ulit ang kapatid niya. Inabot ko yung binili ko at nag pasalamat naman ito sinabing dapat hindi na'ko nag abala, sinong hindi mag aalala importante sa'kin yung tao na'yon.
Habang pauwi ako sa bahay may tumawag sa phone ko dali dali ko naman itong sinagot.
"Hello." sagot ko.
"Hello! Good afternoon! Na move po ng wensday yung interview ninyo." isang babaeng mula sa kabilang linya ang kausap ko.
Naalala ko na may interview ako sa scholarship ko sa UK importante sa'kin 'to dahil madami akong gusto mapatunayan sa sarili ko.
"Yes po hello! Okay po maraming salamat sa info." sambit ko at pinatay na ang call.
Kinabukasan
"Grabe Caseline ang ganda ganda mo ngayon ah, may pinagagandahan ba?" asaran ng mga babae sa gilid ko.
"Wala naman no! Gusto ko lang mabago yung style ko, saka isa pa malapit na tayo grumaduate eh bakit hindi diba?" sabi ni Caseline.
"Oo nga saan ba balak niyo girls after graduation?" tanong ng isa naming kaklase.
"Mag aasawa na agad charing!" sabi ni Ensley.
"Hala hindi ah! May plano pa tayo Ensley na pumunta abroad sa Paris, Canada, Japan saka saan nga yung isa?" tanong ni Caseline.
"UK! saka Korea hay nako Caseline makakalimutin yarn!" sabi ni Ensley.
Medyo nagulat ako sa UK, kasi naalala ko nanaman na dapat ko siyang kausapin tungkol sa pag alis ko. Nilakasan ko loob ko at lumapit sa kaniya.
"Cassy, ano Case?" tawag ko sa kaniya. Cassy kasi ang cute pero nagulat din ako na biglaan lumabas ito sa bibig ko.
"Hmmp?" sabi niya.
"Pwde ba kita makausap mamaya?" sabi ko.
"Oo naman sige saan?" tanong niya.
"Sa may coffee shopp--" hindi natuloy yung iba kong sasabihin may biglang pumasok na ingay sa room at nawala na'ko sa momentum na ituloy pa ang sasabihin ko.
May mga ibang lalaki sa paligid at may mga iba't ibang klaseng bulaklak silang hawak. Maya maya pa nakita ko si Vin may dala dala gitara. Sus! Ang chaka! Nasa isip ko. Dahan dahan siyang kumakanta habang yung mga lalaki naman na may dalang bulaklak ay inaabot ito kay Caseline.
Habang papalapit ng papalit siya kay Caseline, ako naman ito gumawa ng eksena. May dalang mga milktea yung kaklase namin kinuha ko ito at kunwari sinanggi at natapon. Nakuha ko ang atensyon nilang lahat sus ako paba! Nadumihan ang damit ko pero smpre plano ko talaga yun.
Nagulat ang lahat ang ibang mga babae naman ay ang offer ng mga panyo nila at nag tatanong kung ayos lang daw ba ako. Sinagot ko naman na ayos lang ako. Si Caseline naman bakat pag aalala sa mukha niya at pag ka gulat. Si Vin naman ay natigil sa kaniyang ginagawa, at natigil sa isang gilid.
Dahil papansin ako at gusto ko makuha ang atensyon ni Caseline. Dahan dahan kong tinangal ang butones ng damit ko at dahan dahan ko din pinunasan ang katawan ko mula sa chest pababa ng pababa hanggang sa malapit ng makaabot sa may tyan at nag sisigawan na nga ang mga babae.
"Grabe ka Jaden hindi mo sinabi na may ganiyan ka palang tinatago ha!" tilian sila ng tilian.
Tuluyan ko ng hinubad ang polo uniform namin at kitang kita naman ang hulma ng katawan ako alam kong hindi ako straight pero alam kong talbog ang isang straight sa hulma ng katawan ko. Kita kong natameme nalang sa gilid si Vin kinindatan ko ito at palakad ng patakbo akong paalis ng room dahil mag papalit na ako ng damit. Sabay na malakas na sambit ko "Caseline mamaya uwian sa Coffee Shop see you!"
Rinig ko naman ang kwantyawan ng mga babae naming kaklase sa kaniya.
Nag uwian na nga at inantay ko si Caseline sa coffee shop inayos ko ang itsura ko para naman hindi ako talagang pag kamahal na hindi straight. Dumating siya, kinawayan ko siya at binigyan ng maganda ngiti.
"Hi." sambit niya.
Nag hi-hi palang siya pero hindi na'ko mapakali sa sobrang saya. "Hi, upo ka." sabi ko.
Umupo naman siya at sinabi ko na umoder siya sagot ko lahat ng gusto niya.
"Ano ba gusto mo?" tanong ko. Tumingin siya ng deretcho sa mga mata ko na parang bang may gusto ipahiwatig.
"Isang matcha lang saka fries." sabi niya.
Tumayo naman ako dahil sasabihin ko na ganun ang gusto niya iorder pumili nadin ako ng sa'kin isang fruit tea lang para mabango sa hininga.
Habang inaantay ko ang order bumalik ako sa kaniya para kausapin siya.
"Kamusta ka?" tanong ko.
"Okay lang medyo okay na, salamat pala sa binigay mo kahapon ha." mahinhin niyang sabim
"Wala yun ikaw paba." sabi ko. Tumahimik lang siya. May dull moments kami kasi hindi ko alam mga sasabihin ko kung paano ko aambahan na sabihin na mag aaral na'ko sa ibang bansa. Habang tahimik ang kapaligiran namin bigla naman tumugtog ang kanta ni Zack na may title na "Gusto"
Habang napapasulyap sulyap ako sa kaniya saktong sakto ang lyrics.
"May gusto aminin hindi ko masabi naaaaa~ gusto na kita
Gusto lang kita makasama hanggang sa pagbaba ng araw
'Pag tayo na lang dalawa hindi lang masabi 'pag may iba
Gusto lang naman na aminin sa'yo ang nararamdaman ng aking puso
Wala nang iba 'wag nang pahirapan pa andito na"
"Ma'am, Sir here's your order po, thank you!" sambit ng nag dala ng order namin.
Humigop na'ko ng fruit tea ko at nag simula na mag salita.
"Caseline..." sambit ko. Tumingin naman siya sa'kin.
"I'm going abroad." sabi ko, sabay tingin sa mga mata niya. Kitang kita ko ang pag ka lungkot sa kaniyang mga mata.
"Ahh halos isang buwan nalang pala." sabi niya.
"Isang buwan, pwde ba sa isang buwan makasama kang masaya?" tanong ko. Kitang kita ko kasi na napaka lungkot niya kahit naka yuko siya. "Gusto mo gala tayo ililibre kita saan ba gusto mo?" dadag ko.
"Pwde kaso parang hindi na pwde pa." malungkot na sabi niya.
Nag tataka naman ako bakit pwde pero parang hindi na daw? Ano? Ang gulo minsan talaga 'tong babae na'to! Hays! Pero okay lang mahal ko naman eh.
"Bakit?" tanong ko kasi.
"Kasi Jaden may aaminin ako----" naputol yung sasabihin niya ng biglang may tumawag sa phone niya at sinenyasan niya ako na sasagutin niya muna.
Inantay ko siya ngunit halatang nag mamadali siya.
"Jaden, pwdeng sa sunod na araw nalang may importante lang akong kailangan ayusin." nag mamadaling sabi niya.
"Aalis kana ba? Tara saan bayan samahan na kita." nag offer ako para may kasama siya.
Nanlaki mata niya at ang lakas ng boses niya.
"Hindi na! Huwag! Huwag!" sobrang itinatangi niya akong sumama sa kaniya. Nabigla man ako sa reaksyon niya pero wala naman ako nagawa.
Hinatid ko lang siya sa may sakayan ng bus, at kumaway naman siya sa'kin papalayo. Umupo naman ako aa isang bench. Napaisip ako sa mga kinikilis ni Caseline lately parang may itinatago siya?
Baka sila na ni Vin hala! Hindi! Hindi! Nakausap ko pa si Vin eh. O baka kaya aalis din siya? Nako! Hindi pwde! Hays ang gulo ng isip ko.
To be continue......
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro