Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 48

CASELINE 

Isang gabi na pala ang lumipas, isang gabi kung saan hindi ko makakalimutan. Napahikbi at napa kagat ako sa labi ko nang maalala ko nanaman ang pangyayari kagabi.

"Ay teka." Kinuha ko ang aking cellphone, naalala ko kasi na nasa hospital pala si Jaden ngayon.
Pag ka tingin na pag katingin ko sa cellphone akma namang 1% nalang ito, dali dali kong hinanap sa contacts ang name ni Vin para itext, gusto kong malaman ang kalagayan niya.

Ako:Okay naba siya?

Sinend ko na ang text ko at chinarge ang cellphone ko napatayo at nag lakad ako ng konti, binuksan ko ang bintana at tumambad agad sa 'kin ang simoy ng umaga. Napasandal ako sa may gilid ng kwarto ko habang naka tingin sa malayo. Hindi ko mawala sa isip ko ang nangyari kagabi, na tila ba isang panaginip lamang.

FLASHBACK

"So ikaw sinong crush mo?" naka tingin at halatang desidido siyang nag aantay ng isasagot ko.

Napahinga ako ng malalim, kumukuha ng lakas mag sabi sa kaniya ng totoo.

"Ang crush ko si..." hindi natuloy 'yung sasabihin ko ng bigla niya akong yakapin papalapit sa kaniya.

"Huwag mo ng sabihin," sambit niya.

Napalunok ako ng laway dahil sa pag ka bigla sa kaniyang ginawa, hindi ko akalain na bigla niya 'yung gagawin dahil hindi naman siya gano'n. Ilang segundo akong hindi naalis sa pag kakayakap niya, nag karoon nadin ako ng lakas ng loob kahit ka onti na sabihin sa kaniya habang naka yakap pa.

"Jaden, alam mo bang first crush ko ang pinsan mo."

Biglang natahimik ang paligid, hindi ko narinig na kumibo o nag salita man lang si Jaden. Kaya sinubukan kong umalis sa pag kakayakap niya pero ang higpit nito na tila ayaw niya akong kumalas sa kaniya.

Napatawa nalang ako. "Sorry, hindi ko nasabi sayo agad na first crush ko si Vin simula pa nung bata ako." Wala padin akong natatanggap na responde mula sa kaniya, ang tangin nararamdaman ko lang ngayon ay maluwag na pakiramdam dahil naamin ko nadin sa kaibigan ko ang matagal ko nang sekreto.

"Ah," tanging mahinang sambit niya.

Huminga ako ng malalim. "Buti naman nasabi ko na."

"Nice! Nandiyan lang pala kayo, pwde bang maki join sa group hug na 'yan?" nanlaki ang mga mata ko ng biglang may mag salita sa hindi kalayuan. Napatingin ako agad dito, at saktong nakita kong isang lalakin pamilyar walang iba kundi si Vin.

Napa tulak ako kay Jaden. "A-ah hindi 'yon ang iniisip mo!" pag tatangi ko.

Nakita ko namang naka ngiting papunta sa pwesto namin si Vin. "Hays okay lang 'yun sasama naman ako e," tinaas na niya ang kamay niya para yumakap sa 'kin ng biglang....

"Jaden!" napasigaw ako, dahil biglang bumagsak nalang sa semento si Jaden, nawalan siya ng malay at biglaan ito.

Pinuntahan ko siya at niyugyog. "Jaden! Gising!" Sinubukan ko ding tapikin ang pisnge niya ngunit hindi siya nagigising.

"Let's get him in to the car!" anyaya ni Vin. Hindi nadin ako nag dalawang isip, tinulungan ko si Vin sa pag bubuhat kay Jaden.

"Pumunta na tayo sa malapit na hospital!" pasigaw kong sabi dahil kinakabahan na 'ko. Nakita kong tumingin sa may salamin ng kotse si Vin, bakas mukha nito ang pag aalinlangan.

"Bakit? Tara na dalhin nanatin siya sa hospital hangga't maaga pa!"

"Okay, just please calm down." Pinaandar na niya ang kaniyang kotse, mabilis naman ito mag drive kaya walang problema wala pang sampung minuto naka dating na kami ng hospital, nakita ko namang nag mamadali din ang mga staff para asikasuhin si Jaden.

Ako naman itong parang nawawala na sa sarili dahil kinakabahan, hindi ko kasi alam ang nangyari biglaan nalang siyang natumba at hindi na nagising. "Jusko Lord, sana okay lang siya," mahina kong sabi. Hindi ko alintana ang mga dumadaan sa paligid naka focus lamang ako sa kwarto na pinasukan ni Jaden at ng mga staff, hindi din ako mapalagay ramdam ko ang panlalamig ng aking kamay, nanginginig pa ito.

"He will be okay," rinig kong sabi ni Vin malapit sa 'kin.

Napalunok ako ng laway ko sa kaba. "Ano bang nangyari bakit bigla nalang siyang nag ka gano'n?" tanong ko.

Hindi agad naka sagot si Vin sa tanong ko kaya naman sinubukan kong humarap ng kaonti sa kaniya para tingnan at tanungin siya.
Pag kaharap ko, nakita kong hawak hawak niya ang kaniyang cellphone may tinatype ito at seryosong seryoso ang mukha niya. Tiningnan ko lang din siya sa kaniyang ginagawa, maya maya pa ay tumaas na ang ulo niya at huminga ng malalim isang pag hingang halatang may halong kaba.

Tumingin siya sa 'kin. "Hindi ko din alam, basta magiging okay din siya," sagot nito. Hindi na 'ko umimik pa, pumirmi na 'ko sa may gilid at umupo nag aantay ng kung sinong nurse ang lalabas para naman matanong ko kung kamusta ang kalagayan ni Jaden.

Lumipas ang ilang minuto wala padin lumabas na nurse ni isa, nakakaramdam nadin ako ng antok sumandal muna ako sa pader saglit.

"Caseline umuwi kana muna kaya, paalam ko nalang sa 'yo bukas."

Napadilat ako ng mata. "Hindi na siguro antayin ko nalang."

"Susunduin kana daw ng papa mo," sabi ni Vin.

Lalong nagising ang kaluluwa ko sa sinabi niya. "Patay!" Tanging salitang nasabi ko, hindi kasi ako nakapag paalam na gagabihin ako.

"Don't worry alam niya naman nangyari," pag pawi na sabi ni Vin.

Lumuwag ang pag hinga ko napatingin ako sa orasan ng hospital. "Mag 11 na pala," sambit ko.

"Oo kaya umuwi kana at matulog hindi naman kita mahahatid dahil babantay ko pa dito," sabi niya.

"Hindi na kaylangan antayin ko nalang si papa." Nakalipas lamang ang ilang minuto tanaw ko sa may hindi kalayuan si papa. Nag mamadali itong mag lakad kasama ang kapatid kong lalaki. Nag lakad nadin ako para salubungin siya.

"Anak! Jusko buti wala kang galos hindi kaba nasaktan?" tanong niya.

Nanlaki mata ko sa tanong niya. "Na galos po?" pag tatakang tanong ko.

"Ayos ka lang ba talaga? Buti hindi ka nabalian ng buto? Chineck kana ba ng mga doctor? Teka, bakit ka pala nasa labas---"

"Pa! Ano pong pinag sasabi mo? Ayos lang po ako," sagot ko.

Niyakapyakap niya ako. "Buti naman ayos ang anak ko, bakit nandito ka tapos kana ba icheck? Ano daw results okay ba---?"

"Pa! Ayos nga lang po ako wala pong nangyari sa'kin, si Jaden po 'yung nasa loob ng room at ineexamine," sabi ko.

"Ha? Kala ko na disgrasya ka?!" Gulat na sabi ni papa.

Nakita kong natawa ng ka onti si Vin sa may bandang gilid.

"Pa hindi po ako ang may sakit o kung ano pa man ayos lang po talaga ako," sabi ko.

"Bakit sabi aksidente?" pag tatakang sabi niya.

"Po? Sino? Wala pong naaksidente," sabi ko.

Nakita kong sinampal sampal ni papa ang sarili niya. "Nanaginip ba 'ko?" sabay titig sa 'kin.

"Pa hindi 'to panaginip totoo to! Saka sino ba nag sabi sa 'yo na may naasidente?"

"Si pareng Eli tatay ni Jaden 'yun kasi pag kakarinig ko habang sumisigaw siya sa labas ng gate natin e," sambit ni papa.

Napakamot ulo ako at napaisip na bingi na talaga 'tong tatay ko. "Hays kayo lang po ang namali, okay po ako tara na at umuwi na tayo," anyaya ko.

Habang inaakay ko si papa bigla siyang huminto sa pag lalakad.

"Sandali," sambit niya sabay lingon ulit sa likuran niya. "Ito sino naman ito?" Turo niya kay Vin.

"Ah pinsan nga pala yan ni Jaden pa," sabi ko.

Tiningnan ni papa mula paa hanggang ulo. "Hmm, mukhang matipunong lalaki ah, ilang taon kana iho?" tanong niya.

Napahawak ako sa kamay ko sa noo ko. "Hays papa naman!"

"Bata pa po hindi naman nag layo sa edad ni Caseline," sabi ni Vin.

Wow ah! Kaylangan gano'n talaga ang sagot? Medyo papansin lang ah!

"Ahh minsan punta ka naman sa bahay," masayang sabi ni papa.

"Ah sure po!" sagot ni Vin.

"Pa tara," akay ko kay papa, nilakasan ko nadin ang pag akay dahil hindi maayos ang tingin at ngiti niya kay Vin.

END OF FLASHBACK

Ay! Naalala ko mag rereview pala ako ngayon dahil exam nanamin sa monday pumunta muna akong kusina para kumain pag ka tapos ay naligo at nag sipilyo.

"Paubos na talaga ang toothpaste." Habang nag sisipilyo, naka tingin ako sa may salamin iniisip ang mga aking rereviewhin para sa lunes.

"Math," banggit ko. "Math nanaman ayoko ng subject na 'yon," Napa buntong hininga ako ng malalim.

Biglang pumasok sa isip ko na may isa akong kakilala na magaling sa math, nag dali dali ako sa pag sisipilyo at agad na umakyat sa aking kwarto. Kinuha ko ang cellphone ko hinanap ko sa contacts si Vin dahil alam kong magaling siya dito.

Tinawagan ko siya.

"Hello," aniya mula sa kabilang linya.

"Hello Vin, pwde kaba mamayang hapon?" Kagat labi kong tanong.

"Bakit may problema ba?" tanong niya.

"Hmmm, wala naman may papaturo lang sana ako sa 'yo kung ayos lang naman," sabi ko.

"Walang problema anong oras?" tanong niya.

"Teka! Nakapag pahinga kana ba? Baka mamaya hindi pa tapos iniistorbo pala kita," sabi ko.

"Hindi nasa bahay na'ko naka tulog nadin naman ako ng mga ilang oras, pero kung mamaya hapon pa hmmm," sabi niya.

Nag igting ang aking dalawang tenga nag aantay ng kaniyang isasagot. "Hmmm ano?"

"Matutulog muna ako tapos pupunta nalang ako mamaya diyan sa inyo," aniya.

Para akong nabunutan ng isang malaking tinik dahil pumayag siya. "Salamat ah mga alas kwatro nalang ng hapon, saglit lang din naman may papaturo lang ako sa 'yo," sabi ko.

"Walang problema sige mamaya nalang," sabi niya.

"Sige salamat talaga bye!" Pinatay ko na ang tawag. Sawakas problem solve nanaman ako! Gano'n lang talaga para naman pumasa sa subject na 'yon at hindi mangulelat. Sabi nga nila "mag aral ng mabuti upang buhay ay bumuti at hindi mangamoti." Pero para sa akin, "Mag aral ng mabuti at sabayan ng diskarte upang buhay ay mas bumuti!"

Dahil maaga pa naman naisipan kong lumabas sa terrece namin at mag pa araw para naman maging maganda ang kalusugan ko no! Dinala ko din ang aking cellphone para mag bukas muna ng mga social media accounts, sakto naman puro issue nanaman ang laman ng aking newsfeed. "Mga tao talaga mahilig makialam sa buhay ng iba!" sabi ko.

Hindi naman nag tagal lumipas ang oras at maya maya ay nag text na sa akin si Vin dahil tuturuan nga niya ako sa pag aaral.

"Masyado kang maaga ah kaysa sa oras na napag usapan," sabi ko.

Natawa siya. "Ofcourse gano'n talaga pag importante," sabi niya.

"Importante ang---?"

"Importante na mapag aralan mo 'yung mga hindi mo alam," ilang na sagot niya.

"Ah oo oo," sabi ko.

"So let's start?" tanong niya.

Tumango naman ako, kinuha ko na ang notes ko at nilagay sa lamesa. Napatingin siya sa 'kin na para bang nabigla siya.

"Bakit?" tanong ko.

"Wala ang dami mo palang dapat reviewhin."

Napakamot batok ako. "Ah oo hehe," sabi ko. Kumuha siya ng isang notes at tiningnan ito, halatang seryoso siya sa pag babasa rito.

"Ah okay alam ko na," sabi niya. "Halika ka dito umupo ka sa tabi ko."

Nagulat ako sa pag kakasabi niya dahil pinapaupo niya ako sa tabi niya, hindi naman ako makaimik dahil aarte paba ako? Ako na nga 'tong tinutulungan no!













To be continue

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro