Chapter 47
CASELINE
Nagising nalang ako umaga na, dali dali akong tumayo at nag unat unat para naman hindi ako ma stroke kakahiga. Kinuha ko ang cellphone ko, at tiningnan ito. Binuksan ko ang aking facebook at sumunod naman ang messenger at...
"What the F is this?" laking gulat ko ng makita kong may convo kami ni Jaden kagabi. Tri-ny kong mag backread,at alalahanin kung naka usap ko ba siya kagabi ngunit wala akong maalala. Iniisip ko pa ang mga ginawa ko bago ako matulog.
"Kumain... nag toothbrush... nag skin care at natulog!" bulalas ko. "Pero bakit kami may convo nito? Hindi ko talaga siya naka usap kagabi."
Sinubukan ko pang mag backread ngunit ilan na lamang ang mga messages na makikita do'n dahil deleted ang iba. Nakakainis naman sino kayang nakialam ng account ko! Ang tanging nakita ko nalang na huling chat ay galing kay Jaden at ang sabi sa chat ay "sige 8pm bukas ah, huwag mo kalimutan."
Abay nakipag kunchaba pa ang kausap ni Barbie boy sa kaniya na makipag kita ng alas otso ng gabi! Hindi ko na alam ang iba pa nilang napag usapan, nakaramdam tuloy ako ng hiya paano kung isipin ni Jaden na ako talaga ang kausap niya? Nakakainis naman! Napatingin ako sa orasan at lalong sinigaan ang pwet ko ng makitang malapit na'kong malate sa klase kaya naman dali dali akong bumaba para kumain at mag ayos.
Bumungad agad sa 'kin ang pinaka mabait kong kapatid sa buong mundo.
"Bakit ka tatawa tawa diyan?"
"Wala lang masaya gising ko e," naka ngising sabi niya.
Tinitigan ko siyang mabuti. "May ginawa kang kababalaghan 'no?"
Bigla siyang natawa ng malakas. "Ako? Wala! Hahaha!"
Umupo na'ko ng upuan at kumain. "Si papa?" tanong ko.
"Maaga pa umalis," sagot ng kapatid ko.
"Ikaw bakit nandito kapa? Diba maaga kadin umaalis?"
Nanlaki ang mga mata niya sa tanong ko. "Ah kasi a-ano, ummm..." halatang hindi niya alam ang isasagot niya.
Hinampas ko ng mahina ang lamesa. "Anong oras ka natulog kagabi?" seryosong tanong ko.
Nakita kong parang namutla siya. "H-ha? Mga 8 ata 'yun bakit?" nauutal na sabi niya.
Lumapit ako sa kaniya at pinakita ang cellphone ko. "May ginawa ka dito 'no?" pag pupumilit kong sabi para umamin siya.
Naka tingin siya sa cellphone. "H-ha? Anong namang gagawin ko diyan?" Nag lunok laway siya.
"Chinat mo si Jaden 'no?" tinititigan ko siya ng isang pamatay na tingin. "Tulog na'ko kagabi bakit kami may convo?" sabi ko.
"Ah eh, hindi ko alam!" depensa niya.
"Christian! Makinig ka sa'kin, hindi kita ibibili ng sapatos na gusto mo pag hindi ka umamin saka---" naputol ang sasabihin ko.
"Saka ano?" kabado niyang tanong.
"Saka sasabihin ko kay papa mga sekreto mo!" pag mamatigas kong sabi.
Nakita ko siyang huminga ng malalim at kinuha ang basong may lamang tubig. "Sige sasabihin ko na, chinat ko lang naman si kuya Jaden kala niya ikaw nag chachat kagabi at---"
"At ano?!"
"At ayun, niyaya ka niya mamayang gabi hindi ko din alam saan kayo pupunta," pag amin niya.
"Ano pa mga sinabi mo?" tanong ko.
"Nakalimutan ko na 'yung ibang usapan e, basta ang naalala ko lang masaya usapan tapos gusto ka niya makita mamayang gabi," sabi niya.
Napatigil ako sa pag kain at tinuturo turo ko si Christian na para bang sinasabi kong "Walang hiya kang bata ka! Damay mo pa ako sa mga kalokohan mo sa buhay" pero smpre hindi ko sinabi 'yun, napatingin ako sa may orasan at ilang minuto nalang ay talagang malalate na'ko agad na'kong nag asikaso at nag ayos, para pumunta ng skwelahan.
Madami pading pumipila sa may bentahan ng siomai saka fishball sa may labas ng school namin, nag sisiksikan sila do'n na para bang mga langgam. Hindi ko na naisipang pumila at bumili dahil malalate na'ko sa klase namin.
Agad na'kong tumakbo, papuntang loob ng room namin at saktong nakita ko na naka upo na ang lahat nag aantay sa guro namin, dali dali naman akong pumunta sa pwesto ko para maupo. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa, dahil nakaramdam ako na may tumutulong pawis mula sa may noo ko.
"Caseline bakit nandito kapa?" narinig kong tanong ng isang babae mula sa may likuran ko.
Lumingon ako ng kaunti. "Bakit may klase tayo ah?"
"Pumunta kana sa club mo dahil pinapatawag kayo ng coordinator niyo kanina."
Nanlaki ang mata ko. "Ha? Bakit?"
"Bilisan mo na one subject lang 'to, tapos lahat kami pupunta nadin sa kanya kanyang club," sabi niya.
Agad naman ako napa tayo ng mabilis sa aking kinauupuan, at sa kasamaang palad nabangga ang buto ko sa bewang sa may gilid ng upuan. Napaka sakit! Napahawak ako rito at hindi muna kumilos.
"Bilisan mo Caseline!" nag mamadaling pabulong ng kaklase ko.
Ako naman itong gusto nading mag madali kaya nga lang, nabangga pa 'tong bewang ko kaya naman hindi ako maka pag lakad ng maayos.
"Sige teka ah," sabi ko. Hinawakan ko na ang bag ko para ready na sa pag alis. Sinubukan kong iangat ang paa ko ng dahan dahan, at hindi naman ako nakaramdam ng kahit ano mang sakit, sa hindi sinasadyang tingin napa tingin ako sa may pintuan namin at nakita kong papasok na ang guro namin.
"Bilisan mo Caseline hindi ka papapuntahin pag naabutan ka dito!"
"Oo oo ito na!" pinilit kong mag lakad ng mabilis palabas ng room, kahit na medyo masakit ang buto ko sa may bewang. Naka labas naman ako ng room, pero hindi nga lang kalayuan ang narating ko umupo muna ako sa may bandang gilid. Kinuha ko ang tubigan ko at uminom.
"Napaka malas naman talaga oh!" sambit ko.
Maya maya pa narinig kong may ng message sa phone ko. Binuksan ko ito para tingnan.
Galing kay Vin.
Vin:Saan kana? Pumunta kana agad dito sa club ah, see you!
Vin: By the way, Goodmorning!
Tumayo na'ko't nag madali kahit na aligaga ako at parang lutang sa araw na'to. Nag lakad ako sa corridor napansin kong sirado ang mga classroom, hindi ko tuloy malalaman agad kung saan kakatok nalang ako sa dalawang classroom sa dulo baka sakaling nadoon.
Papalit na'ko sa unang pintuan, ng bumukas ito agad at tumambad ang isang matangkad at malaking pangangatawan ng isang lalaki. Halatang isa siyang guro, napatingin ako sa kanya sa napa bati ng magandang umaga ngunit sa kasamaang palad bigla niyang sinirado ulit ang pinto. Masungit! Bakla ata haha.
Dumeretsyo na'ko sa kasunod na pinto, kumatok lamang ako ng tatlong beses at agad din itong bumukas. Tumambad sa 'kin ang isang pamilyar na mukha mula sa grupo.
Nag tanong ito sa 'kin. "Caseline kanina kapa inaantay."
Hindi ko na siya pinansin at dali dali nga akong pumasok ng room, nakita ko namang may itinuturo si Vin sa may black board. Pumunta ako sa may isang sulok, sa kasamaang palad hindi ko maintindihan ang kaniyang sinasabi dahil sa ingay ng mga babae sa may harapan ko. Nag uusap sila tungkol kay Vin naririnig ko pa nga ang usapan nila.
"Daks kaya si Coordinator?"
"Mukha tingnan nalang natin pag gumalaw kung may babakat ba."
"Basta sa'kin lang yung face niya napaka perfect! Parang angel!"
Ang mga mamalanding babae nga naman, na parang hindi naka kita ng isang lalaki. Mga katagang pumasok sa isip ko.
"Okay sino pa ang gusto sumali may isa pa tayong slot dito?" narinig kong sigaw ni Vin. Agad naman ako nag madali at nag lakas loob pumunta sa may harapan para makita at maintindihan ko kung ano 'yon. Kaya nga lang 'yung mga lintek na babae sa harapan ko ay mas malalaki kaysa sa 'kin kaya medyo nahirapan ako sa pag alis sa may badang sulok, sa sobrang kalandian nila hindi na nila napapansin na dumadaan na'ko.
"Ah excuse me po---"
"Ah yes ikaw?" rinig kong sabi ni Vin, ngunit hindi ko alam kung sino na ba ang nag salita.
"Girls padaanin ninyo," rinig ko pang sabi niya.
Bigla namang umurong ang mga babae sa may harap ko, at naka ginhawa nadin ako agad akong humarap at nakita kong naka ngiting naka tingin sa 'kin si Vin.
Nanlaki ang mata ko. "Bakit?" tanong ko, sabay napansin kong naka tingin din ang halos lahat sa kinatatayuan ko.
"Oo ikaw diba nag taas ka ng kamay mo," sabi niya,sabay lagay ng pangalan sa board.
"Ha teka ano ba 'yun? Nag taas ng kamay ako?" pag tatakang tanong ko.
Tumango si Vin, at nilagay nito ang isa niyang kamay sa kaniyang bulsa ng pantalon. "Yes kanina kapa nag tataas ng kamay buti napansin ko,naharangan ka kasi ng mga babae do'n kanina."
Napaisip ako bigla. "Ah---" naalala kong habang gusto kong lumabas mula sa mga babae na'yon kanina ay tinataas ko nga pala ang kamay ko para mapansin nilang may gustong dumaan. Napaka kamot ulo nalang ako.
"Ah sige pero para sa'n po ba 'yan?" tanong ko.
"Dance Contest."
Nagimbal ang buong katawan ko ng marining ko ang sinabi niya. Hindi niya ata alam na may trauma na'ko sa dance contest dahil nung makaraang laban ay hindi ko naipanalo ng 1st, at malaking kahihiyan 'yon sakin, dahil isang magaling na dancer ang pumanaw ko ng ina.
"Ano? Game na nalagay ko na name mo e," maloko niyang sabi.
Hindi nalang ako sumagot, hindi ko kasi alam kung paano ulit makakabangon, nakakaramdam kasi ako ng hiya at hindi ako gaanong kompansya sa sarili ko. Hindi ko din masabi sa sarili ko na kaya ko 'to. Naka upo ako sa may isang gilid, naka tingin sa malayo tila nag iisip ba ng dapat gawin. Kung aayaw ba'ko o hindi.
"Kaya mo." Rinig kong may nag salita mula sa gilid ko. Napa lingon ako dito ngunit wala na, nalapansin ko din na may isang maliit na papel sa may gilid ko naka tupi ito ng maayos kaya halatang hindi naman 'to basura na naligaw lang.
Kinuha at binuksan ko ito. Ang naka sulat ay, kaya mo yan nandito lang ako. Huwag mo kalimutan mamayang gabi ah. See you!
Sabi nito sa sulat. Kilala ko na agad kung sino siya, hindi ko man lang siya nakita ngayong umaga baka ayaw niya talaga mag pakita sa 'kin. Tinago ko nalang ang sulat sa 'king bulsa.
Lumipas ang oras, naka uwi na'ko ng bahay at kumain na napansin kong may mga bagong movies ngayon kaya naman nanood muna ako. Tumingin ako sa orasan at nakita kong 6 palang maaga pa para sa naka takdang oras na pag kikita namin ni Jaden mamaya.
Nag palit ako ng damit at umupo sa'king kama, nag iisip na kung ano bang mangyayari mamaya. Bumaba na'ko para kumain at para manood dinala ko ang pag kain ko sa sofa namin.
Hindi ko alam ang gagawin dahil paano ko nga naman ba sasabihin kay Jaden na hindi ako nag chat no'n kapatid ko 'yun! Sa pag lipas ng oras bumukas ang pinto at nakita kong pumasok ang aking pinaka mabait na kapatid. Bakas sa mukha niya na masaya siya.
"Saya ka?"
"Ate." Tanging salita na lumabas sa bibig niya, habang naka turo sa orasan. Lumingon naman ako dito laking gulat ko ng saktong 8pm na.
"Ate umalis kana baka mahuli kapa."
"Teka hindi ko alam sasabihin ko? Ikaw kasi letche ka!"
Tinulak niya ako palabas ng pinto. "Sige na go, kahit anong sabihin mo do'n," nag mamadali niyang sabi. Pinipigilan ko pa lumabas ng pinto ngunit mas malakas ang kapatid kong lalaki sa 'kin na naitulak niya ako ng tuluyan.
"Bye goodluck hahaha," sabi niya, with evil laugh pa.
Wala na'kong nagawa kundi pumunta sa lugar kung saan i me meet si Jaden. Nag madali nadin ako kasi gabi na, habang nag lalakad ng mabilis tumingin tingin muna ako sa may gilid kung baka may maka kita sa 'kin at mag tanong bakit ako lumalabas ng gabi. Mamaya baka mapag kamalan pa akong nag popokpok sa gabi.
Natatanaw ko na ang park na napag usapan naming pag kakitaan, hindi pala namin silang dalawa ng kapatid ko ang nag usap dapat sila ang mag kita. Malapit na'ko ng maisipan kong kapain ang bulsa ko. Sh*t! hindi ko pala nadala ang cellphone ko hindi ko tuloy alam kung saan banda na si Jaden.
Pumunta nalang ako sa may gilid, may upuan do'n, malamig ang ihip ng hangin at kapansin kapansin na wala ng tao sa paligid.
Nakakabobo naman bakit ba kasi gusto akong kitain ni Jaden sa may gantong klaseng lugar at gantong oras.
Hindi ko mapigilan mag isip kung bakit. Nag antay nalang ako ng ilang minuto habang naka tingin sa mga puno puno sa may gilid, at pinapakinggan ang tunong ng mga maliliit na insekto. Nakakaramdam nadin ako ng inip, kaya sinubukan ko tumayo tapos balik sa pag kaka upo.
"Wala pa'kong cellphone takte naman!"
Naka palumbaba akong naka upo sa gilid ng maramdaman kong may tumakip sa'king mga mata. Dali dali ko itong hinawakan, nakaramdam din ako ng kaba baka kasi holdaper pala 'to.
Sinubukan kong kapain at tanggalin ang pag kakatakip niya sa mga mata ko ngunit nag mamatigas ito at hindi talaga matanggal.
"Jaden, ikaw na ba 'to?" tanong ko.
"Uy Jaden ano ba?" pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa mata ko, ngunit hindi padin ito na tatanggal at ni hindi din siya nag sasalita.
Maya maya lang ay parang nakaramdam na'ko na pinapatayo ako. Sumunod nalang ako dito, kahit na parang may kaba sa'king dibdib. Nararamdaman ko din na may tao sa likuran ko, sure ako do'n atleast hindi multo diba hahaha.
Nakaramdam ako na para siyang nag lalakad, at ginaguide niya din ako mag lakad kahit hindi siya nag sasalita. Pipe siguro 'to, kasi hindi nag sasalita hahaha! Sumunod nalang din ako sa hakbang ng paa niya kung saan papunta. Habang nag lalakad, biglang tumama ang daliri ko sa paa sa isang cemento ngunit hindi naman gaanong kalakas. Naramdaman kong hagdan, kaya naman dahan dahan kong inangat ang paa ko para maka akyat.
Isa... dalawa... tatlo... bilang ko sa aking isipan. Pang apat---
Naramdaman kong parang wala ng hagdan, inurong ko pa ng konti ang paa ko para sure kung may hagdan paba ngunit wala na nga, pero hindi padin ako binibitawan nitong nasa likuran ko. Pinilit ko ulit tanggalin ang kaniyang kamay mula sa pag kakatakip sa mata ko ngunit matigas talaga at ayaw matanggal.
"Pag hindi mo 'to tingnanggal sisigaw ako ng tulong," pag babanta ko. Hindi ko padin siya naririnig na mag salita.
"Pag bilang ko ng tatlo at hindi mo talaga tinggal sisigaw talaga ako!" pag mamatigas ko. Inantay ko pa ang kaniyang sasabihin o isasagot ng ilang segundo ngunit ni a,e,i,o,u wala.
"Isa." Bilang ko.
"Dalawa... tatloo..." dahan dahang bumaba ang kaniyang mga kamay mula sa pag kakatakip sa mga mata ko.
"Mabuti at---" nagulat ako sa pag kakaharap ko sa kaniya, isang tanawin na ngayon ko palang napag masdan, nakakaakit at hindi maipaliwanag ang aking nararamdaman.
Napatingin ako sa kaniya, naka ngiti siya isang ngiti na ngayon ko palang nakita sa pag mumukha niya. Masaya si Jaden, sobrang saya habang naka tanaw sa alapaap.
Ngayon alam ko na kung bakit niya ako gusto makita sa gantong lugar ng gantong oras. Kitang kita ang madaming bulalakaw na bumabagsak mula sa kalangitan. Napaka gaganda nito, at talagang mamamangha ka sumasabay ang kanilang mga liwanag, kumikinang sa kalagitnaan ng dilim. Wala akong masabi, hindi ko alam na gano'n pala ako ka special na kaibigan para kay Jaden.
Patuloy lang naming pinapanood ang magandang tanawin na ito,hanggang sa lumipas ang oras at tumila na ito tanging kadiliman lamang ng langit at liwanag ng buwan na ang aming nakikita ngayon.
"Napaka ganda hindi ba?" narinig kong salita ni Jaden.
"Oo."
"Sa ilang libong taon lang 'yun nag papakita."
"Gano'n ba, hindi ko namamalayan ang mga gano'n dahil sa pag ka busy sa ibang bagay," sabi ko.
Tumingin siya sa 'kin. "Busy? Tulad ng?"
"Pag aaral, yung mga bagay na ginagawa ko."
"Ah."
"Hindi ko na namamalayan ang ganda ng buhay."
Nakita kong inabot niya ang kamay niya sa 'kin, hindi ko alam kung para sa'n at bakit. Nag tiwala nalang ako, at inabot ko ito.
Hinatak naman niya ako at sabay umupo sa may taas ng cemento, mas mataas kung para sa kinakatayuan namin kanina.
"Lahat ng bagay para sa 'kin maganda, at naniniwala akong lahat ng bagay nangyayari ng may dahilan," sambit niya.
"Hmmm gano'n ba, para naman kasi sa 'kin, kung saan ka liligaya do'n ka."
Natawa siya. "Kaso minsan diba 'yung kaligayahan mo, minsan hindi mo alam kung saan, ano at kanino ba talaga?"
Isang salita na kinagulat ko mula sa kanya. "A-ah, totoo naman."
"Sabi ng iba pag destiny mo destiny mo daw talaga kahit gusto o hindi mo gusto."
"Talaga? Haha tulad ng?"
Huminga siya ng malalim at lumapit sa 'kin. "Like you, destiny na nandito tayo ngayon."
Nanlaki ang mata ko. "Ha?" hindi ko alam ang gagawin ko ngayon, dahil bakas sa mukha niya ang pagiging seryoso.
He smirk. "Ibig kong sabihin destiny ngayon na makita natin ng sabay ang magandang natawin na nangyari tulad kanina."
Naka hinga ako ng maluwag sa sinabi niya. "Ah oo haha," sabi ko. "Nga pala bakit mo naisipan dalhin ako dito?"
"Smpre kaibigan kita e, bawal ba?" tanong niya.
"A-ah h-hindi! Hindi naman! Okay nga e, nakita ko din 'yung mga bulalakaw kanina, ang ganda!" utal utal kong sabi.
Tumango siya. "Ikaw dinala ko dahil ikaw ang una kong kaibigan na tumanggap sa 'kin ng buo." bakas sa mukha niya ang lungkot.
"Masyadong seryoso ah? Hahaha! Dapat pag sa 'kin hindi kana nahihiya, kasi nga diba? Best of friends."
"Yeah, I know nag papasalamat talaga ako ng sobra." Bumaling ang tingin niya sa malayo.
"Welcome, ako din naman nag papasalamat."
"Nga pala Caseline diba kasali ka sa dance contest? Tournament na 'yun ah!" bulalas niya.
"Ah oo hindi naman talaga ako dapat sasali kaso ayun nataas ko 'yung kamay ko ng hindi sinasadya bigla na'kong sinulat ng pinsan mo tsk!"
"Hahaha! Para sayo talaga 'yun, tawag do'n destiny!"
"Destiny destiny ka diyan! Ayoko na nga dapat sumali kasi alam kong matatalo nanaman."
"Talo?"
"Oo hindi nanaman mag fifirst."
"Caseline hindi ka talo 'no!"
"Anong hindi parang pinahiya ko si mama, hindi ko man lang maibigay ang gusto niya."
"Bakit sumusuko kana ba?" tanong niya.
Nag kibit balika't ako. "Ewan, hindi ko alam."
"Eh nung panahon ba sumali ka ano ang nag push sayo para lumaban?"
"Si mama."
"Ayon naman pala e! Ibig sabihin this time kaya mo!"
"Psh! May pa ganyan kapa, alam ko sa sarili kong wala naman talaga akong ibubuga."
"Ha? Anong klaseng Caseline 'yan! Hindi kita nakilalang ganyan."
"Bakit ano ba pag kakakilala mo sa 'kin?"
"Matapang, palaban saka---"
"Saka?" tumingin ako sa kanya ng deretsyo.
"Saka cute!" sabay pisil sa pinge ko.
"Aray!"
"Sorry hahaha!"
"Bwusit ka Jaden, baka mamaga pisnge ko sayo!"
"Eh ang cute kasi hahaha!"
Nakaramdam ako na nag init ang mukha ko. "Letche ka masakit!" habang hawak hawak ko ang pisnge ko.
"Hahaha sorry na hindi na mauulit."
Inirapan ko siya. "Sapakin kita diyan e!"
"Sorry na nga hindi na," sabi niya.
Tumahimik ang paligid namin, ako naman itong hawak hawak ko ang pisnge ko, ang sakit kasi ng pag kaka kurot niya.
"Hindi, seryoso kaya mo talaga." Pag sira niya ng katahimikan na namamagitan sa 'min.
"Oo na kaya na," mataray kong sabi.
Tumingin siya sa'kin at nag thumbs up. "Go! Go! Kaya mo yan support kita!"
Hindi na'ko sumagot sa sinabi niya, napatingin nalang ako sa may isan deretsyo, kitang kita ang mga bahay sa iba iba ng pwesto namin. Ang ganda tingnan parang mga maliliit na langgam na may ilaw hahaha!
Maya maya pa ay napansin kong may kinuha si Jaden mula sa kaniyang bulsa at nilagay din sa may kaniyang gilid.
Maya maya pa ay bigla nalang may tumunog. Nag patug tog pala siya ng music, hindi ko pa maintindihan dahil hindi naman ito gano'n kalakas.
Maya maya pa ay nag simula na ito. Best Part pala.
"Oh, ey
You don't know, babe
When you hold me
And kiss me slowly
It's the sweetest thing
And it don't change
If I had it my way
You would know that you are
You're the coffee that I need in the morning
You're my sunshine in the rain when it's pouring
Won't you give yourself to me
Give it all, oh
I just wanna see
I just wanna see how beautiful you are
You know that I see it
I know you're a star
Where you go I follow
No matter how far
If life is a movie
Oh you're the best part, oh oh oh
You're the best part, oh oh oh
Best part"
Pota ng dahil sa kanta may naramdam akong hindi ko maintindihan, at feeling ko naging akward ang paligid. Ewan ko! Bakit ganto?! Hindi ko mapigilan kagatin ang labi ko. Napapahawak ako ng mahigpit sa aking sariling daliri.
Huminga ako ng malalim. "Jaden."
"Hmmm?"
"Sinong crush mo?" sabay tingin sa kaniya.
Bakas sa mukha niya ang pag ka gulat. Bobo mo Caseline! Ano bang pinag tatanong mo?! Pati ako sa sarili ko hindi ko din alam pinag tatanong ko hays!
Na freeze lang siya ng ilang segundo.
"Crush? Crush ko?" pag uulit niya ng tanong.
Tumango ako.
Ngumisi siya. "Hindi ko alam na interesado ka pala sa gano'n haha!"
Nakaramdam tuloy ako ng hiya. "Ah huwag mo nalang sagutin kung hindi mo gusto."
"Hindi, sasagutin ko."
Ewan ko ba pero parang nakakaramdam ako ng excitement, tapos ng kaba sa mga oras na'to.
"Kahit sino pwde ko kasing maging crush.... ikaw..."
Nanlaki mga mata ko sa sinabi niya. "Ako?" Turo ko sa sarili ko.
"Ang ibig kong sabihin pwde kita maging crush ng five minutes, fice seconds tapos wala na."
Sumakit ulo ko sa sagot niya. "A-ah? Okay haha." Kahit hindi ko masyado naintindihan.
"Hahaha magulo ba? Ang ibig ko sabihin, kahit sino pwde ko maging crush ng 5 minutes or seconds lang gano'n crush lang naman e," sabi niya.
"Ah oo hahaha oo nga naman." Naka hinga ako ng malalim.
"Psh hahaha ano ba yang mga tanong mo hahaha!"
Hanggang sa nag tawanan nalang kami.
"Bakit ikaw ba sinong crush mo?" Isang tanong na hindi ko alam ang isasagot ko.
Nakaramdam ako ng lamig na umakyat mula sa paa papuntang ulo ko.
Ano sasagot ko takte?!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro