Chapter 46
CASELINE
"Iha?"
"Sino ba 'yun? Bakit hindi ko makita?" lakas loob kong sabi.
"Iha dito sa pinto sa taas!" sigaw ng tumatawag sa 'kin. Agad naman akong lumingon sa may taas.
"Ah saan po?" tanong ko dahil wala padin akong makitang tao.
"Lumapit ka iha," sabi niya. Sinunod ko naman dali dali akong lumapit sa may pinto sa taas umakyat ako ng isang hagdan.
"Ay kayo po pala," bati ko sa isang matandang babae na may kaliitan. "Kaya naman po pala hindi ko kayo nakita agad," kamot ulo.
"Iha? Anong ginagawa mo do'n?" tanong niya, habang tinuturo 'yung inupuan ko kanina.
"Ah nag papahangin lang po," sabi ko.
Ngumiti ng isang kaligaligalig sa 'kin ang matanda. "Halika samahan mo'ko do'n," anyaya niya sa 'kin. Agad ko naman siyang inalalayan dahil may katandaan na siya at napansin kong medyo hirap na siyang kumilos.
Sinamahan ko nga siya, kaso nga lang nung makarating na kami do'n malapit sa may upuan ay, huminto siya.
"Bakit po kayo huminto hindi po ba kayo uupo?" tanong ko.
Ngumiti lamang siya at umiling.
"Upo na po kayo baka mangawit po kayo diyan kakatayo," sabi ko. Tiningnan ko siya ng maiigi at napansin kong bakas sa mukha niya ang tuwa, ngunit ang pinag tatakahan ko nga lang ay bakit ayaw niyang umupo.
"Iha, pag masdan mo lang ng mabuti ang upuan na 'yan," masayang sabi niya. Humarap naman ako para makita ng mas malinaw at buo ang upuan na sinasabi niya. "Ah bakit po anong me'ron dito?" pag tatakang tanong ko.
"Iha hindi ba't napaka ganda? Sweneswerte sa pag ibig ang sino mang umupo diyan," sambit ng matandan sa 'kin. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kung matatawa ba 'ko sa pinag sasabi niya. Pumasok tuloy sa isipan ko na baka nag uulyanin na siya kaya kung ano ano na ang kaniyang mga pinag sasabi.
"Ah gano'n po ba," sabi ko.
"Oo ikaw ang pang anim na umupo diyan, naniniwala ako na sweswertihin ka sa mapapangasawa mo," sabi niya.
Agad naman akong natawa sa sinabi niya. "Hindi po totoo 'yan, bata pa po ako at istudyante pala po ako paanong---" naputol 'yung sinasabi ko sa matanda habang naka ngiti siyang may tinuturo. Agad naman akong napalingon sa tinuturo ng matanda.
Nakita ng dalawa kong mata na nag lalakad si Jaden papunta dito sa 'min, napalunok naman ako ng laway ko.
"Ayan sinasabi ko sa 'yo dadating talaga ang para sa 'yo, at naniniwala ako iha na siya 'yon," sabi ng matanda, habang naka turo kay Jaden.
"Ha hindi po teka!" nag mamadaling sabi ko sabay takbo kay Jaden.
"D-diyan ka lang," sabi ko.
Tumingin naman siya sa 'kin. "Bakit?" nag tatakang tanong niya. Sabay lakad sa may gilid ko, agad ko naman agad siyang pinigilan.
"Bakit ba?" tanong niya.
"Kasi... ano... basta huwag!" kinakabahang kong sabi.
"Caseline, umalis kana diyan madami pa 'kong aakasuhin," seryosong sabi niya.
Hinawakan ko siya sa may braso niya, habang tinutulak siya pabalik. "Huwag nga sabi do'n ka nalang huwag kang pupunta dito," buong pwersa kong sabi.
"Caseline ayos ka lang ba umalis kana diyan para maka pag cr na 'ko---" naputol 'yung sasabihin niya ng matipalok ako sa pinag gagawa ko.
"Caseline!" sigaw niya. Ako naman itong naka salampak sa may lupa dahil ang sakit ng paa ko. Lumapit siya sa 'kin, para tingnan kung ano ba ang nangyari sa paa ko.
"Ang sakit!" bulalas ko. Hinawakan naman niya ang paa ko para hilutin 'to.
"Sabi sa 'yo e, gumilid ka nalang sana edi sana hindi kana natapilok," sabi niya.
"Kasi nga ano---" naputol 'yung sasabihin ko ng bigla niya akong kinarga. "Hoy huwag ayoko sa'n mo 'ko dadalhin?" pag pupumiglas ng kamay ko.
"Ano kaba naman edi dito i uupo kita," sabi niya, sabay lapag sa may upuan. Agad akong napabalikwas ng mapansin kong ito 'yung upuan na sinasabi ng matanda kanina, pinilit kong tumayo kahit masakit ang paa ko.
"Hindi huwag dito," saad ko.
Bigla niya akong hinawakan sa braso para pigilan na tumayo. "Umupo ka nalang kasi diyan, mag pahinga kana muna huwag kanang makulit," sabi niya. Nilakihan pa niya ako ng mata niya, kala niya matatakot ako sa kaniya.
Inirapan ko naman siya. "Nakakainis naman pero sige dito nalang ako," sabi ko.
"Good girl," mahinang sabi niya, pero narinig ko 'yon.
"Ikukuha muna kita gamot ah, huwag kang aalis diyan mamaya kung ano nanaman mangyari sa 'yo," sabi niya.
Tumango naman ako, agad naman siyang umalis at nag madali. Ako naman itong hinawakan ko ang ankle ng paa ko, dahil masakit ito. Bigla kong naalala 'yung matanda kong kausap kanina may itatanong sana ako kaso pag taas ko ng noo ko ay wala na 'kong nakitang kahit sino sa paligid. Tumingin naman ako sa may taas kanina kung saan ko siya unang nakita kaso nakakandado ito at mukhang walang tao.
"Saan na kaya siya?" mahina kong tanong. Hindi ko naman siya mapupuntahan dahil masakit itong paa ko, hindi din naman ako pwdeng mag sisigaw dito baka pag kamalan na nirarape ako.
Napaka malas ko naman talaga, natapilok pa paano nalang ako mag lalakad nito pauwi nakakainis naman!
"Caseline." Napalingon ako sa tumawag sa 'kin, lalo kong kinagulat kung sino ang tumambad sa harapan ko. Si Vin.
"Are you okay?"
Umiling ako.
"Hilutin ko," sambit niya.
"Teka---" hindi ko na napigilan ng bigla niyang hawakan ang paa ko.
"Relax marunong ako ng first aid para sa natapilok."
"Ah!" sambit ko dahil ang sakit ng pag kakahawak niya.
"Sorry sorry," sambit niya. Hinawakan niya ang paa ko at dahan dahang hinawakan ang ankle ko saka ito hinilot ng taas baba.
"Caseline!" narinig kon boses ni Jaden. Agad akong tumingin sa kaniya. Dali dali siyang tumakbo, may dala dalang isang maliit na box.
"Bakit ka may dalang ganiyan?" tanong ko.
"Para sa 'yo akin na gagamutin ko," sabi niya sabay urong kay Vin.
Kumuha siya ng alchohol at pinahid ito sa may paa ko. "Teka? Bakit alchohol 'yan? Hindi naman ako nasugatan ah," sabi ko.
"Para malinis muna bago gamutin kasama 'yun, sa safety first alam mo ba 'yon Jansen?" pang aasar na tanong niya dito.
"Haha! Ofcourse I know that, pero kasi malinis naman si Caseline kaya wala naman dapat ipag alala diba? Caseline?" pangungumbinsi niyang sabi.
"Hahaha! Hindi ko alam na me'ron kana palang microscopic eyes ngayon Jansen," pang aasar niyang sabi sa pinsan niya.
"Hindi na kaylangan no'n Jaden," may diin niyang sabi. "Para kasing pinapalabas mo sa ginagawa mo na madumi ang paa ni Caseline."
Hinampas ko sa ulo si Jaden. "Hoy! Hindi madumi paa ko 'no!"
"Ah-h hindi naman talaga, ang pinupunto ko lang dapat maging malinis bago mang gamot parang mga doctor gano'n," depensiya niya sa sarili.
"Hmmmp! Siguraduhin mo lang kung hindi lang masakit ang paa ko, nasipa na kita!" sabi ko.
"Opo!" sagot ni Jaden.
"Vin paano mo nga pala nalaman na natipalok ako?" pag tatakang tanong ko.
"Nakita ko... I mean sinabi ni Jaden narinig ko nung nag mamadali siya kanina tapos, 'yun nakita ko nga na naka upo ka dito at hawak hawak ang paa mo," sagot niya. Bakas sa mukha niya ang pag ka gulat sa tinanong ko. Tumango nalang ako sa sinabi niya.
"Sir Vin! Tawag kana po," sigaw ng isang batang babae sa kaniya. Napatingin sa 'kin at sa paa ko si Vin, na parang ayaw pa niyang umalis dahil sa kalagayan ko.
"Sige na pumunta kana tapos pakisabi na din sa kanila na na disgrasya ako," sabi ko.
"Sige sige, babalikan nalang kita mamaya ah," sabi niya, sabay alis sa may harapan namin.
Naiwan kaming dalawa ni Jaden, habang hinihilot niya ang paa ko. Maya maya lang ay hindi ko sinasadyang mapalingo sa may bintana sa itaas, at bigla kong nakita 'yung matanda kanina. Nanlaki ang mga mata ko dahil kanina lang ay wala siya diyan, tapos ngayon ay bigla bigla nalang lilitaw na parang kabute. Kumaway at ngumiti ako sa matanda. Nakita ko namang ngumiti at nag thumbs up siya sa 'kin.
"Pst! Sino kausap mo diyan?" pag tatakang tanong ni Jaden, sabay tingin kung saan din ako naka tingin.
"Siya."
"Ha? Saan? Okay lang walang tao diyan e," sabi ni Jaden.
Nainis naman ako sa sinabi niya. "Anong walang tao e kausap ko pa nga 'yung matanda diyan kanina, tapos kakaway ko lang sa kaniya ngayon," pag mamalaki ko.
"Ha? Walang matanda dito okay ka lang?" sabi niya.
"Paanong wala e nakita ko nga at naka usap ko pa kanina!" sabi ko. Agad naman tumayo si Jaden para tingnan 'yung sinasabi kong matanda.
"Wala talagang tao dito," sabi niya.
Napakamot ulo ko. "Me'ron nga naka usap ko pa nga kanina, i check mo kasi sa taas," sabi ko. Agad naman siyang umakyat ng hagdan tulad ng inakyatan ko kanina para tingnan 'yung sinasabi kong matanda. Ilang segundo lang ay mabilis na nakababa na ulit si Jaden pabalik sa 'kin.
"Wala talaga walang kahit anong gamit 'yung nandoon," sambit niya na siyang ikinagulat ko.
"T-talaga? Kanina lang kausap ko talaga 'yung matanda," utal utal kong sabi.
"Sabing wala nga," ulit niyang sabi. Napalunok ako ng laway sa sinabi niya.
"Sigurado ka talaga ah? Edi kung gano'n umalis na tayo rito," sabi ko.
Huminga siya ng malalim. "Paano 'yan hindi ka naman makakalakad," sabi niya. "Ay teka alam ko na---" aalis siya dapat sa 'kin ng pigilan ko siya.
"Na... Caseline.... Caseline..." sabi niya habang tinatapik ang kamay ko sa may bewang niya. Napayakap kasi ako sa kaniya para hindi siya umalis, dahil natatakot akong mag isa.
"Don't go please," pag mamakaawa kong sabi. Naramdaman kong parang tinatanggal niya ang dalawa kong kamay sa pag kakayakap sa bewang niya. "No.... please---" nagulat ako ng bigla siyang humarap sa 'kin hawak hawak ang braso ko. "What are you doing?" tanong ko, habang naka tingin sa kaniya. Agad naman siya nag bigay ng pwersa at naramdaman kong binuhat niya ako. "Teka---" naputol 'yung sasabihin ko ng mawala siya sa balanse at bumagsak kaming dalawa sa may semento.
"Ang bigat mo," sabi niya habang iniikot ikot ang braso niya.
"Che! Ikaw may gustong mag buhat sa 'kin 'no!" sabi ko. Narinig kong natawa siya. "Anong tinatawa tawa mo diyan?" tanong ko.
"Wala naman naisip ko kasi na pag lakarin ka naman tutal ang arte mo hahaha!" pang aasar niyang sabi.
Inirapan ko siya. "Mag lalakad talaga ako!" lakas loob kong sabi sabay tayo ngunit naramdaman ko ang kirot sa 'king paa kaya napa upo ako ulit.
"Ang kulit naman talaga!" sabi niya sabay hawak sa braso at bewang ko at buhat sa 'kin, hindi na 'ko naka angal.
"Tara na dalhin na kita sa kotse dun ka nalang ah," dag dag niya pa. Tumango naman ako, at mas hinigpitan ko ang pag kapit ko sa kaniya dahil feeling ko malalag lag ako.
"Chill ka lang masasakal naman ako niyan," sabi niya.
"Tsk! Bilisan mo nalang baka may maka kita sa 'tin ano pa isipin," sabi ko. Habang medyo yumuyuko yuko para walang makakita ng pag mumukha ko.
"Ano naman?" sabi niya.
"Anong ano naman? Issue nanaman pag gano'n," sagot ko.
"So? Friends naman tayo e pake ba nila," proud niyang sabi.
"Okay nga pala bakit hindi mo 'ko kinakausap kanina ah?" masungit kong tanong.
"Saan?"
"Sa kotse nung papunta tayo dito, hindi mo'ko pinapansin," sabi ko.
Natawa siya. "Bakit anong masama do'n?" tanong niya.
Kunurot ko siya sa tenga. "Ito anong masama do'n ah kapa diyan! Malamang hindi mo 'ko pinapansin 'yun masama do'n!"
"Ouch! Teka teka sige ka mabitawan kita," sabi niya.
"Sasabihin o sasabihin mo dahilan ano? Mamili ka?" sabi ko. Wow ah feeling boss ako dito hahaha!
"Ito na easy ka lang pag naka dating na tayo sa kotse," sabi niya. Piningot ko ulit siya sa tenga.
"Ngayon na! Mamaya kapa e gano'n din 'yon!" pag pipilit ko.
"Oo teka teka ito na nga sasabihin na!" nasasaktan niyang sabi.
"Kasi ano..." medyo nahihiya niyang sabi.
"Bilis!" pag mamadali ko.
"Hindi ako naka pag toothbrush okay?" pasigaw niyang sabi.
"Hahaha! Kaya pala! Baka hindi kapa nag toothbrush ngayon niya?" tanong ko.
"Nag toothbrush na 'ko 'no, pag dating dito kanina pumunta na agad akong cr."
"Mabuti hahaha bilisan mo punta na tayong kotse," sabi ko. Agad naman siyang nag madali mag lakad sa hindi kalayuan nakita naman na agad namin ang kotse ni Vin na nakaparada. Tinuro ko ito. Pag kadating sa may tapat ng kotse, tiningnan ako ni Jaden mula sa repleksyon ng bintana ng kotse. Naka tingin lang din naman ako sa kaniya ng mga ilang segundo.
"Why?" tanong ko.
Nangisi siya. "Wala haha," sagot niya, sabay bukas ng pinto ng kotse ngunit naalala niya na naka lock pala ito dahil na kay Vin ang susi.
"Naman talaga!" sambit niya dahil nainis siya. "Nakalimutan ko 'yung susi."
"Edi babalik pa tayo?" tanong ko.
Napakamot ulo siya. "Dito ka kaya muna ay teka..." sabi niya habang iniikot ikot ang tingin niya na para bang may hinahanap.
"Do'n," sabi niya sabay punta sa may isang malaking tipak ng bato.
"Ano me'ron dito?" tanong ko.
"Diyan ka muna, kukuhanin ko 'yung susi," sabi niya. Tumango naman ako.
"Diyan ka lang ah mabilis lang 'to," sabi niya habang tumatakbo palayo.
Naupo naman ako ng maayos sa bato, habang inaantay si Jaden. Wala akong magawa dahil hindi din ako makalakad ng maayos dahil sa pag kakatapilok ko. Naalala ko, kunin 'yung cellphone ko sa bulsa ko. Naisipan kong mag selfie muna habang nag aantay, mga naka sampung take ako ng picture pero walang maganda akong napili ni isa. Inikot ikot ang ulo at tingin ko, sa may bandang kaliwa ko ay may nakita akong isang magandang bulaklak, sinusubukan ko itong abutin ng kamay ko ngunit hindi ko ito maabot, kaya naman naisipan kong umurong ng inuupuan para makuba ito kaya nga lang...
"Aray!" nalaglag ako. Ang sakit ng balakang ko dahil ito ang unang tumama sa may lupa, ngunit napa tingin ako sa may bulaklak, abot kamay ko na ito kaya kinuha ko.
"Ang bango fresh na fresh!" sambit ko habang inaamoy ang bulaklak.
"Caseline." rinig kong tawag sa 'kin ni Jaden, mukhang hindi niya akong napansin na nakasalampak ako sa lupa dahil nahaharangan ito ng malaking bato, at dahil may kalokohan ako naisipan kong huwag muna mag pakita sa kaniya bahala siya basta dapat hanapin niya ako.
"Caseline asan ka?" sigaw niya.
"Caseline?" nakikita ko siya mula sa gilid hinahanap ako. Aantayin ko lang napadpad siya banda dito.
"Caseline hoy? Nasaan ka?" sigaw ulit niya. Habang tumitingin sa mga gilid ng kotse ngunit hindi niya ako makita.
Nakita kong papunta na siya dito banda sa may pwesto ko, kaya naman nag hahanda na 'kong gulatin siya.
"Caseline? Saan kaba bilisan mo aalis na tayo," sabi niya, naririnig ko ang bawat footsteps niya na palit ng palit dito.
Huminga ako ng malalim hanggang sa...
"Caseline---"
"Are you lost barbie boy?" sabi ko, habang naka model pa na naka salampak sa may lapag.
Nanlaki ang mata ni Jaden. "Gaga ka nagulat ako sayo!" sabi niya habang naka hawak sa dib dib.
Ako naman ay tawang tawa sa nangyari. "Hahaha! Sorry!" sabi ko.
"Ano bang ginagawa mo diyan?" tanong niya, sabay kuha sa 'kin mula sa pag kakasalampak ko sa lupa.
"Kinuha ito," sabi ko, sabay pakita sa kaniya ng bulaklak.
"Tsk tara na sa kotse," sabi niya sabay buhat ulit sa 'kin.
"Aalis naba tayo?" tanong ko.
"Oo papunta na din sila dito," sabi niya.
"Dederetsyo ba tayo sa bahay?" tanong ko.
"Oo bakit ayaw mo pabang umuwi?" tanong niya.
"Eh nandoon mga gamit ko sa school e iniwan ko," sabi ko.
Pinaupo niya ako sa loob ng kotse. "Ha? Edi pupunta pa tayo do'n?" tanong niya.
"Oo kasi nandoon gamit ko," sabi ko.
"Sabihin ko kay Jansen," sabi niya, tumango naman ako. "Antayin muna natin siya."
Hindi pa pumapasok ng kotse si Jaden, nasa labas lang siya habang inaantay si Vin. Ako naman itong na babagot na dahil walang magawa ng dahil sa paa ko. Kaya naman nag aantay nalang din ako kay Vin.
Maya maya lang ay narinig kong bumakas ang pintuan ng kotse sa may gilid ko, pag tingin ko dito si Jaden.
"Jaden," banggit ko.
"Hmm?"
"Ano sabi ni Vin?"
"Okay daw basta kayo lang," sagot niya.
"Ha?"
"Kayo lang daw pupunta sa school umuwi na daw ako," sabi ni Jaden.
"Hindi pwde sumama kana ako bahala kay Vin," sabi ko.
Huminga siya ng malalim at bakas sa mukha niya ang pag ka irita. "Sige."
Tumahimik ulit ako paligid namin, at nakita ko ang mga iba kong kaklase na pasakay nadin sa van na sinakyan nila. Natanaw ko nadin sa hindi kalayuan si Vin, papunta na dito.
"Ayan na siya," sabi ko. Mabilis lang siyang pumasok sa loob ng kotse at inis start ito. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin, pero nilakasan ko na ang loob ko.
"Isama nanatin si Jaden mamaya sa school."
Nakita kong natigilan si Vin sa ginagawa niya at ngumisi. "Sasama naman talaga siya ah sino ba nag sabing hindi?" sabi niya.
Natigilan ako dahil kakasabi lang ni Jaden na ayaw siyang isama ni Vin, pero ngayon parang si Vin pa 'yung walang alam. Tiningnan ko si Jaden naka takip ito ng bunga nga na para bang natatawa.
Napalunok ako ng laway ko. "Ah sige," sabi ko. Hinayupak talaga 'tong si Jaden, siguro niloloko ako nito! Inirapan ko siya.
Umaandar na ang kotse hindi ko na muling tiningnan si Jaden dahil naiinis ako sa kaniya dahil, nakakahiya 'yung sinabi ko kay Vin para tuloy lumalabas na epal si Jaden gano'n! Nakakainis talaga! Nakakainis talaga 'tong si Barbie Boy!
JADEN POV
"Ako na kukuha---"
"Ako na," seryosong sagot ni Caseline.
"Teka kaya mo na ba mag lakad?" tanong ko.
"Medyo kaya naman na," sagot niya, sabay bukas ng pinto ng kotse. Agad ko din naman binuksan ang nasa gilid na pinto ko, at sinundan si Caseline.
Nakikita kong mas nakakapag lakad na siya ng maayos kaysa kanina, hindi nalang ako nag pahalata na sinusundan ko siya. Konti nalang ang bukas na ilaw sa school dahil alasais na. Nakikita kong nag mamadali siyang mag lakad kahit na iika ika. Hindi nalang kasi nag pasama sa 'kin! Nahiya pa jusko!
Nakita ko na siyang pumasok sa classroom namin, medyo lumapit naman ako sa may bintana ng classroom para makita siya. Para stalker ang dating ko dito! Naisipan kong takutin siya sa pamamagitan ng anino ko, para mabilis siyang lumabas. Humanap lang ako ng konting chamba para patayin ang ilaw sa classroom at tanging shadow ko lamang ang makikita niya.
Bumilang ako ng "Isa... dalawa... tatlo---"
"Ah!" Narinig kong sigaw ni Caseline, pero hindi ko pa naman pinapatay 'yung ilaw ah para takutin siya. Wala na 'kong choice kung 'di pumasok na sa loob ng classroom.
Nakita ko siyang naka tingin sa may tapat ng broad, at mukhang hindi na siya maka galaw sa pag kakatayo niya. Dahan dahan naman akong lumapit sa kaniya, at tiningnan kung ano bayung tinitingnan niya.
"Bakit nandito ka ah?" tanong niya.
Nabigla ako sa tanong niya dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko. "A-ah a-no bawal ba?" depensa ko.
"Oo!" masungit niyang sabi.
"Sungit naman nito," sambit ko.
"Teka ano bang nakakagulat dito?" tanong ko habang naka turo sa may broad namin.
"Ayan mismo nakakagulat," sagot niya, sabay turo sa naka sulat dito. Tinitigan ko itong mabuti at binasa.
"Exam? Oo exam na nga next week," sabi ko.
Napahawak siya ng dalawa niyang kamay sa may mukha niya. "Ngayon ko lang naman," sabi niya.
"Ha? Ngayon lang, kahapon pa 'yan sinulat diyan," sabi ko.
"Talaga? Ngayon ko lang talaga nakita jusko!" sabi niya.
"Hays! Bayaan mo na ayusin mo na gamit mo at umalis na tayo," sabi ko. Pumunta naman agad siya sa kaniyang upuan at kinuha ang bag niya.
"Tara na," sabi niya, sabay lakad ng iika ika. Nauna siyang nag lakad sa 'kin, naka sunod naman ako sa kaniya na para bang isang anino. Hindi na masyadong masilayan ang araw dahil padilim na, buti nalang bukas na ang mga ilaw sa paligid hindi gaanong madilim.
Dali dali kaming bumalik sa kotse at sumakay.
"Okay na?" bungad na tanong agad ni Jansen.
"Okay na thankyou," sagot ni Caseline.
"Good let's go," dag dag pa nito. Hindi din katagalan umandar na ang kotse at umalis na kami ng school.
Habang nasa byahe pauwi hindi alintana na walang nag sasalita sa 'min ni isa, kung titingnan mo parang madaming iniisip ang bawat isa. Gusto kong basagin ang katahimikan kaya naman...
Bumwelo ako para mag salita. "Bakit---"
"Caseline are you free tomorrow after our club?" bilang nag salita din si Jansen. Aba bida bida talaga 'tong pinsan ko! Tumahimik nalang ako at hindi ko na itinuloy kung ano man 'yung sasabihin ko.
"Bakit?" tanong ni Caseline.
Ngumisi si Jansen. "We will go out for a date," deretsyahang sabi nito. Agad namang tumaas ang buong dugo ko sa aking katawan nung marining ko 'yung sinabi niya.
"Date? For what?" tanong ni Caseline. Hindi ko na napigilan ang aking sarili.
"Date for friends, ganiyan kasi 'yan si Jansen isasama tayo niyan bukas na dalawa kasi F-R-I-E-N-D niya tayo," madiin at sarcastic kong sabi.
"Ah," Napatangong sabi ni Caseline. Agad naman akong napatingin sa may mirror ng kotse, nakita kong tinaasan ako ng kilay ni Jansen at nag smirk ito.
"Yes by the way Caseline are you free tomorrow?" tanong niya nanaman ulit.
"Pwde naman saan ba?" tanong ni Caseline.
"Basta secret," sagot nito.
"Walang secret secret---" naputol 'yung sasabihin ko dahil nag salita si Caseline.
"Okay," sabi niya.
Ilang minuto lang ang lumipas at nasa tapat na kami ng kanyang kanyang bahay. Sinamahan naman ni Jansen si Caseline hanggang sa mat gate ng bahay nila. Hindi ko na inusisa kung ano pa ginawa at kung ano pa pinag usapan nila,pumasok na 'ko agad sa 'ming bahay at umupo sa sofa para mag pahinga. Binuksan ko 'yung electrifan saka aircon sa sala para malamigan ako dahil nakakaramdam ako ng init. Ilang segundo lang ay naisipan kong buksan ang tv para manood ng balita. Nakaramdam ako ng uhaw kaya naman tumayo ako para kumuha ng tubig.
"Nag babagang balita hatid sa inyo ng HQA news, ayon sa ating mga eksperto pag dating sa kalawakan bukas lamang pag patak ng alas dose ng hating gabi ay makikita ang mga meteor na nag sisibagsakan sa ating kalangitan dala daw ito ng pag babago ng ikot ng mga planeta at pag iiba ng rotasyon ng mga bituin, makikita ito ng malapitan kaya naman mga kapatid bantayan natin at huwag palagpasin ang magandang tanawin, ayan lamang po ang balita balik sa 'yo Johann Cruz."
Napahinto ako sa pag lalakad at naka tayo ako sa may gilid ng kusina. "Minsan lang mangyari 'yung ganong pangyayari aabangan ko nga."
"Oh nak andiyan kana pala si Jansen?" narinig kong tanong ni Daddy, pag ka labas palang sa kaniyang kwarto.
"Ah nandoon pa po ata kayla Caseline," sabi ko.
"Gano'n ba kumain naba kayo?" tanong niya.
Umiling ako at nilapag ang hawak hawak kong baso sa may lamesa.
"Order nalang tayo teka tawagan ko," sabi niya, sabay kuha sa cellphone niya. Napapaisip tuloy ako kung anong masarap na kakainin.
Chicken fillet kaya o fish fillet anong mas masarap sa dalawa? Hindi ko sinasadyang napatingin sa may salamin sa may gilid habang nag lalakad papunta upuan.
Ako. Ako ang masarap joke!
"Ah chicken fillet nalang with carbonara saka cokefloat," bulalas ko.
"Dad!" tawag ko kay Daddy. "Chicken fillet saka carbonara with cokefloat sa 'kin!" sigaw ko.
Hindi sumagot si Dad pero sure naman akong narinig niya at i oorder niya. Sa pag balik sa sofa teleserye na ang palabas at dahil hindi ko naman hilig ito pinatay ko na at umakyat sa kwarto ko.
Nag haft bath na muna ako para mawala ang mga pawis sa katawan ko, binuksan ko ang tubig sa bath tub at nilagyan ito ng milk with honey na liquid soap. Hinubad ko ang aking pang baba na pants, at sinunod ang pang itaas kong t-shirt. Humarap ako sa salamin ng naka hubad.
"Nice body," naka ngisi kong sabi.
Inapak ko na ang paa ko sa bath tub. "Shet! Hindi pala hot water nabuksan ko!" sigaw ko.
"Ang lamig."
Wala na 'kong magagawa, bibilisan ko nalang ang pag hahaft bath. 10 minutes lang dapat tapos na 'ko. Lumubog na 'ko sa ilalim ng tub para mabasa ang buong katawan ko. Sa pag lubog ko, nakaramdam ako ng freedom at katahimikan. Pumasok sa isipan ko 'yung sabi sa balita kanina, naisipan ko kasing manood kasama ang isang taong napaka halaga sa 'kin pero parang hindi ko kayang sabihin sa kaniya ng deretchuhan. Ewan ko ba bakit ganto hays!
Inangat ko na ang aking ulo, at nag hilamos ng pag mumukha. Umalis nadin ako sa tub pumunta ako sa may shower at nag banlaw. Kinuha ko na ang towel ko para mag patuyo, nag suot na din ako ng bath robe.
"Jaden nandito na ang order!" rinig kong sigaw ni Daddy. Dali dali naman akong pumunta sa may cabinet ko para mag suot ng damit at bumaba para kumain.
Habang pababa nakita ko na kumakain nadin si Jansen, parang nawawalan ako ng gana kumain kasama siya.
"Jaden halika dito kain na," alok ni Daddy. Binilisan kong baba at kinuha ang aking parte ng pag kain. Nakita ko din may isang box ng pizza at isang bucket ng chicken ang nasa lamesa.
"Bakit hindi ka ba sasabay sa 'min?" tanong ni Daddy.
Napahinto ako. "Ah hindi po sa taas ako kakain," sabi ko.
"Why? Am I looking ugly?" tanong ni Jansen.
"Psh!" I sigh.
"Hahaha just joking!" bawi niya.
Agad naman akong umakyat papuntang kwarto ko para do'n kumain. Inayos ko muna ang mga pag kain dahil pipicturan ko sila, at i my my day.
Wait parang may kulang!
"Ay shemay 'yung hamburger hindi ko nasabi," sabi ko habang kagat kagat ang thumb ko. "Okay na 'to, mabubusog naman ako nito." pinicturan ko na ang aking pag kain.
Habang kumakain naisipan kong mag scroll scroll ng news feed sa facebook. Puro love qoutes ang aking nakikita, nag bibigay kana ba ng signs Lord? Charot!
"Walang kupas ang carbonara," sambit ko habang sarap na sarap sa aking kinakain.
Pumunta ako sa messenger para tingnan kung sino ang online, nakita kong online si Caseline, teka anong oras naba?
"8:30 pm."
"Maichat ko nga ito."
Ako:Caseline Kain tayo.
Nag delivered na, pero hindi man lang niya na seen agad. Nilapag ko muna ang cellphone ko dahil hindi pa ako tapos kumain at hindi padin naman siya nag rereply sa chat ko. Binuksan ko na ang rice at chicken fillet para ito naman ang kainin. Chineck ko ulit ang cellphone ko ngunit wala padin siyang reply, galit padin kaya siya?
Maichat nga ulit.
Ako: Hoy! Sumagot ka. Galit kapa din ba?
Nag delivered naman ang chat ko pero hindi padin niya na seseen. Napag desisyunan ko na ubusin muna ang kinakain ko bago ulit siya i chat. Kapag hindi pa siya sumagot pasabugan ko ng paputok bahay nila! Joke!
Ako:Caselineeee!
Ako: Caseline uy!
Ako: Galit kapa din ba?
Ako: Sumagot ka naman!
Ako:please!
Caseline:Gusto mo sagutin kita?
Ako: Ha? Oo naman smpre bakit bawal?
Caseline: Edi sasagutin kita hahaha!
Ako: Oo nga ayan nga sinasagot mo na ako!
Caseline: Oo nga ito nga sagot ko.
Ako:Ha? Ang gulo hindi ko maintindihan.
Caseline: Wala wala! Bakit ka nga pala napa chat?
Ako: aalukin lang kita pag kain haha sayang ubos na.
To be continue.....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro