Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 45

JADEN

"Sige salamat ah," rinig kong usapan sa may baba ng bahay.

"Sige salamat magandang gabi," boses ni Jansen.

Agad agad akong tumayo ng higaan at pumunta sa may terrece ko para tingnan, nakita kong kumakaway si Caseline kay Jansen. Napa tingin ako sa orasan ng cellphone ko. "7pm na ngayon lang sila naka uwi mula alas singo ng hapon." Mukhang masyado silang masaya kitang kita sa mukha ni Caseline na nag enjoy sila ni Jansen.

Naisipan kong bumama para salubungin si Jansen. Narinig ko ang pag bukas ng pintuan, agad ko siyang hinarap.

"Bakit?" inosenteng tanong niya sa 'kin.

Huminga ako ng malalim. "Saan kayo nag punta?" tanong ko.

"Gumala lang bakit?" tanong niya,habang nag tatanggal ng sapatos.

"Wala lang gabi na kasi delikado para kay Caseline," sabi ko.

Tumawa siya. "Chill wala akong gagawin masama sa kaniya, besides we're friends," sabi niya, sabay kindat.

Napalunok ako. "Friends? Pumayag ba siya?" tanong ko.

"Well insan, alam mo kasi sa mundo madami ka talagang pwdeng maging kaibigan," sabi niya.

"Psh! Huwag mo'ko lokohin Jansen hindi ako nakikipag biruan," sabi ko.

Tumawa siya. "Chill hahaha oo pumayag siya," buong pag yayabang niyang sabi.

Tumango lang ako at tumingin sa may sahig. "Ah," tanging sagot ko.

"Bakit may problema ba do'n?" tanong niya.

Umiling ako. "Wala naman, sana lang hindi na kayo nag pagabi," malamig na boses kong sabi. "Akyat na 'ko," dag dag ko.

"Jaden wait," sabi ni Jansen. Napahinto ako sa pag akyat ko ng hagdan at bumaba. Tumingin ako sa kaniya.

"Sana okay lang sa 'yo na mag kaibigan kami ni Caseline, balita ko kasi siya lang ang only friend mo," deretsyahang sabi niya.

Ngumisi ako. "Walang problema do'n, masaya pa nga ako na friends kayo," sarcastic kong sabi.

"Mabuti naman pala sana hindi maapektuhan ang friendship ninyo ng friendship namin," pang aasar niyang sabi.

Tumawa ako. "Hindi, hinding hindi," sabi ko,sabay akyat pabalik sa kwarto ko.

Humiga ako sa higaan at napa isip na, baka maging iba ang friendship namin ni Caseline, baka hindi ko na siya makasama tulad ng dati makausap. Me'ron akong feeling na dapat sa 'kin lang siya, hindi ko alam kung bakit ko 'to nararamdaman, parang nababaliw na'ko!

KINABUKASAN

CASELINE POV

Ang sakit pa ng ulo ko parang kulang na kulang pa ako sa tulog. Naisipan ko munang umidlip dahil maaga pa naman at wala pang teacher.

"Guys anong nadala niyo?" narinig kong tanong ng isa kong kaklase.

"Toys lang e, ikaw ba?" tanong nung isa.

"Damit saka mga pag kain," sagot ng isa.

"Dapat dumating na 'yung sasakyan para makaalis tayo ng maaga," rinig kong sabi ng isa kong kaklase, agad akong napabalikwas sa pag kaka tulog.

Tumingin agad ako sa mga nag uusap, at napansin kong may dala dala siyang mga karton. "Para saan 'yan?" pag tatakang tanong ko.

"Para sa charity bakit?" sabi ng isa.

"Charity?" tanong ko.

"Oo me'ron tayong pupuntahan ngayon, at mamimigay tayo ng mga gamit at kung ano pang mga gusto nating ibigay sa mga naulila," sabi ng isa kong kaklase.

Nanlaki ang mata ko sa pag ka gulat. "Charity? Kaylan sinabing may charity?" tanong ko.

"Kahapon wala kaba dito?" pag tatakang tanong ng isa kong kaklase.

"Nandito siya," sagot ni Tyra.

"Teka ngayon ko lang nalaman na may pupuntahan pala tayo," sabi ko.

"Nandito kanaman pala kahapon Caseline bakit hindi mo alam?" tanong ng isa naming kaklase.

"Ah eh," sabi ko habang napapakamot ulo.

"Hi bessy! Are you ready?" narinig kong sigaw ni Ensley mula sa malayo. Agad naman akong napatingin sa kaniya.

"Why?" tanong ni Ensley sa 'kin.

"Ensley hindi mo man lang sinabihan si Caseline na may pupuntahan tayo ngayon?" tanong ni Tyra.

"What? Bakit hindi niya alam wala siyang dala?" gulat na tanong ni Ensley. "Wala kang dala?" Lumapit at tanong niya sa 'kin.

Umiling naman ako.

"My goodness Caseline, may lagnat kaba? Okay ka lang ba?" tanong niya. Hinipo niya pa ang noo at leeg ko.

Tinapik ko ang kamay niya. "Ano ba wala, hindi ko lang talaga alam," sagot ko.

"Hala paano na 'yan kasama sa grades ang pag punta do'n," sabi niya.

Umupo ako sa isang gilid at nag isip kung ano nga ba ang pwdeng gawin. Tumingin tingin ako sa paligid, napansin kong hindi pa masyadong madami ang mga kaklase ko at ang mas swerte pa do'n hindi pa pumapasok si Jaden. Sakto! Kinuha ko agad ang cellphone ko, at hinanap si Jaden sa contacts.

"Hello?" sagot niya.

"Jaden pwde favor?" sabi ko.

"Ha? Ano 'yun?" tanong niya.

"Ano kasi," sabi ko.

"Bilisan mo na ano ba 'yun?" tanong niya.

"Kaylangan ko ng mga gamit para ipamigay sa charity e hindi ko alam na may charity pala kaya wala akong dala," sabi ko.

"Ha? Paano 'yan? Pasakay na 'ko ng bus," sabi niya.

"Jaden please, nasa bahay pa naman si papa sabihin mo pinapasabi ko kasi kaylangan," pag pupumilit ko.

"Ayoko nga," sabi niya.

"Ano ba 'yan! Sige na please aalis na daw mamaya maya e," sabi ko.

"Hmmm sige na nga antayin mo 'ko diyan," sabi niya.

"Yes yes! Thankyou!" sabi ko sabay hang up ng cellphone.

Humarap na 'ko sa mga kaklase ko. "Problem solve na!" sambit ko.

"Paano?" tanong nila.

"Basta let's go na antayin na natin 'yung sasakyan," sabi ko.

Lumabas na kami ng room para antayin yung sasakyan naupo muna ako sa may tabi ng puno para hindi ako mangawit kaka tayo. Binuksan ko ang cellphone ko, wala namang nag text pero tinext ko si Jaden kung saan na siya.

"Wow si Vj ba yang kausap mo?" sabi ni Ensley mula sa gilid ko at naka tingin sa cellphone ko.

"Ha? Hindi 'no, pinadala ko lang 'yung mga gamit ko na ipapamigay sa charity mamaya," sabi ko.

"Wushu, kunwari kapa sabihin mo nalang kasi kung type mo naman talaga si Vj," malokong sabi ni Ensley.

Natawa ako. "Haha hindi 'no mag kaibigan lang kami."

"Kaibigan?"

"Oo, friends lang walang malisya do'n," sabi ko.

"Sus! Ang hina mo talaga Caseline, kasi ako nararamdaman ko nararamdaman nv aking presenya na gusto ka niya," sabi niya habang inaaksyon niya pa ang kamay niya na parang nag hahagilap ng hangin.

"Wala nga ikaw lang nag iisip niyan jusko," sabi ko.

"Dito na 'yung sasakyan!" sigaw ng isa naming kaklase.

"Tara na Caseline," yaya ni Ensley sa 'kin. Humakbang na dapat ako nang maalala ko na wala pa si Jaden at nandoon 'yung mga gamit na ipapamigay sa charity.

"Wait," sabi ko, sabay kuha ng cellphone ko.

"Ha? Hindi na makakapag antay tong van halika na!" anyaya ni Ensley.

"Saglit lang talaga wala pa 'yung mga dadal---" naputol 'yung sasabihin ko ng may tumapik sa balikat ko mula sa likuran ko. Napatingin ako dito.

"Jade---, ay ikaw pala Vin," sabi ko, kala ko si Jaden na. "Saan si---"

"Nasa kotse siya nando'n na din 'yung mga pinadala mo," sabi ni Vin.

"Oh kaya naman pala, hi Vj magandang umaga," bati ni Ensley.

"Goodmorning din Ensley, let's go," sabi niya, sabay hawak sa kamay ko.

"Bakit sa kotse tayo papuntang charity?" tanong ko.

"Ah yes sorry hindi ko pala nasabi sa'yo kahapon, isa ako sa mga officials na nag pasya na mag charity don't worry may grades din naman 'to," sabi niya, sabay bukas ng pintuan ng kotse niya.

Agad agad akong pumasok nakita kong naka upo sa may kabilang gilid si Jaden, naka tingin ito sa malayo at parang walang ibang napapansin. Kinalabit ko siya hindi man lang siya kumibo! Nakakainis! Lumapit ako ng kaunti sa pwesto niya. "Thankyou," mahina kong sabi ko. Nakita ko namang tumango siya sa 'kin.

Mukhang badtrip araw niya, bumalik ako sa pwesto ko at kinabit na ang seatbelt. Maya maya pa ay nag umpisa ng umardar ang kotse. Tahimik lang kami sa loob walang man lang nag nag balak na mag salita o mag kwento, pero dahil gusto kong dumaldal lumapit ulit ako ng kaunti sa pwesto ni Jaden.

"Pst salamat talaga ah," sabi ko. Nakita kong tumango siya ulit.

"Uy bakit hindi ka namamansin?" tanong ko, ngunit wala padin siyang kibo. Dito ko na naisipang hawak siya sa braso para mas lalo pang kulitin.

"Pansin mo naman ako," sabi ko,habang inyuyugyog ang braso niya. "Hala ayaw talaga kausapin mo ako uy," pangungulit ko. Bigla niyang tinaas ang braso niya, hudyat na tigilan ko na ang pangungulit.

Narinig kong tumawa si Vin. "Caseline don't mind him, baka nakulangan pa siya sa tulog ako nalang ang kausapin mo," pag aalok ni Vin.

Tumigil na'ko sa kakakulit kay Jaden, bumalik sa pwesto ko. "Okay, nga pala malayo ba 'yung charity na pupuntahan natin?" tanong ko.

"Hindi naman mga 30 minutes lang ang byahe," sagot ni Vin.

"Ah nagugutom na kasi ako," sabi ko.

"Do you want to eat some fastfood? Mag dridrive thru nalang tayo ano?" tanong ni Vin.

Napangiti ako sa sinabi niya. "Oo sige game ako diyan!" sabi ko.

"Sige just wait," sabi niya.

Napansin ko namang may dinudukot si Jaden mula sa bag niya, mukhang nasa ilalim pa ito ng bag niya kaya naman ang tagal niya bago ito malabas. Hindi ko nalang siya pinansin tumingin nalang ako sa may labas ng bintana, tinitingnan 'yung mga taong nag lalakad at mga motor na nilalagpasan kami. Maya maya lang may narinig ako at naramdaman na parang may humagis sa may hita ko, pag tingin ko dito isang oreo biscuits.

"Wow kanino 'to?" tanong ko, ngunit walang sumagot sa kanilang dalawa. "Bahala kayo hindi niyo aangkinin akin nalang!" bulalas ko.

Agad kong binuksan ang oreo dahil nagugutom na talaga ako, at mukhang pipila pa sa drive thru na 'yan.

"What's your order Caseline?" tanong ni Vin. Napatingin ako kung saan fastfood kami pumunta, sa Jollibee pala.

"Spag, saka coke saka sundae icecream... saka fries nadin," sabi ko. Kinuha ko ang bag ko para ibigay ang bayad iaabot ko na dapat kay Vin ang bayad kaso biglang tinapik ni Jaden ang kamay ko. Kinuha naman agad ito ni Vin.

"Teka ito ibayad mo," sabi ko,sabay kuha ng pera ni Jaden na nakay Vin.

"No problem Caseline sa 'king pera din naman 'tong binigay ni Jaden, kasi utang niya 'to sa 'kin," sabi ni Vin.

"Ah, pero kahit na nakakahiya akin---" naputol 'yung sasabihin ko ng biglang hinawakan ni Vin ang kamay ko para pigilan.

"Just relax and sit down, no need to pay kasi hindi naman din kamahalan kaya ako na," sabi niya,sabay kindat.

Bumalik nalang ulit ako sa pag kakaupo ko. "Nakakahiya sa'yo nakakailang libre kana sa 'kin," sabi ko. Narinig kong nag smirk si Jaden sa may gilid habang naka tingin padin sa may bintana ng kotse.

"We're friends remember? Kaya okay lang 'yun saka lalaki pa ako dapat ako ang mas mapag bigay diba?" sabi ni Vin.

"Oo pero next time ako naman sana pagastusin mo mukha kasi akong palamunin mo," maloko kong sabi.

Natawa si Vin. "Hahaha ofcourse not, palamunin? Hindi 'no hindi ka naman malakas kumain," sabi niya. "Konti lang," pabulong at dag dag niyang sabi.

"Psh! Ewan ko sa'yo basta next time ako naman mang lilibre," sabi ko.

"Isang bucket saka spag, saka fries saka tatlong sundae nadin," sabi ni Vin mula sa bintana na kaniyang kotse.

"Iyon lang po Sir?" tanong ng crew ng jollibee.

"Saka burger tatlo din pala miss thankyou," dag dag niyang sabi.

"Bucket? Ilan ba tayong kakain?" pag tatakang tanong ko.

"Tatlo ay apat pala," sabi ni Vin.

"Apat sino isa?" tanong ko.

"Bale ikaw dalawa tig isa lang kami ni Jaden," malokong sabi niya.

Nangisi ako. "Edi wow, grabe ka sa 'kin! Pero sige kakainin ko pag kain e," sabi ko.

Biglang tumahimik ulit ang paligid habang nag aantay kami ng order namin. Binuksan ni Vin ang music niya ng kotse niya, pang pa tanggal bored habang nag aantay ng mga orders.

Nag umpisa na ang music...

"Do you remember when I said I'd always be there?
Ever since we were ten, baby
When we were out on the playground playing pretend
I didn't know it back then

Now I realize you were the only one
It's never too late to show it
Grow old together
Have feelings we had before
Back when we were so innocent

I pray for all your love
Girl our love is so unreal
I just wanna reach and touch you, squeeze you
Somebody pinch me (I must be dreamin')
This is something like a movie
And I don't know how it ends girl
But I fell in love with my best friend

Through all the dudes that came by
And all the nights that you cried
Girl, I was there right by your side

How could I tell you I loved you
When you were so happy
With some other guy?

Now I realize you were the only one
It's never too late to show it
Grow old together
Have feelings we had before
When we were so innocent

I pray for all your love
Girl our love is so unreal
I just wanna reach and touch you, squeeze you
Somebody pinch me (I must be dreamin')
This is something like a movie
And I don't know how it ends girl
But I fell in love with my best friend."

Napatingin ako sa bahagi ni Jaden habang tumutugtog ang music, dahan dahan ako lumingon sa kaniya at pag ka lingon ko saktong naka tingin din siya sa 'kin at naka lumbaba pa siya. Agad ko namang nilihis ang tingin ko sa kaniya at tumingin kung saan.

Tumingin ako sa may bintana ng kotse, pero nasa isipan ko padin ang pamumungay niyang tingin sa 'kin, at maamo niyang mukha. Nakaramdam tuloy ako ng hiya, saka hindi ko maintindihan bakit ang bilis ng kalabog ng dibdib ko. Feeling ko may sakit ata ako sa puso!

"Here's your order Sir," sabi ng crew.

"Thankyou," sabi ni Vin, sabay abot sa 'min ng order.

Kukuhanin ko ito ng...

"Sorry," sambit ni Jaden dahil na hawakan niya ang kamay ko ng hindi sinasadya.

Tumingin lang ako sa Jollibee na order kinuha ko ito at kinuha ang burger, fies saka sundae ice cream.

"Let's go na," sabi ni Vin,sabay paandar ng kotse niya.

Kumakain lang ako ng fries habang tumitingin sa mga nadadaanan namin. Napapaisip din ako tungkol sa charity, ano kayang ginagawa ng mga tao do'n? Masaya kaya sila do'n? Tinabi ko na muna 'yung burger sa bag ko at inubos ko ang fries saka sundae ice cream, ng maubos ko ito nakaramdam ako ng antok.

"Vin malayo paba tayo?" tanong ko.

"Mga 20 minutes pa," sabi niya.

Maya maya lang naramdaman kong huminto na ang kotse, tumingin ako sa bintana at nakita ko ang isang malaking gate naka sulat pa sa itaas nito ay pangalan ng charity. Naka pag tataka naman, sabi ni Vin 20 minutes pa daw pero bakit nandito na kami? Tinanggal ko ang seatbelt ko.

"Vin bakit---" naputol 'yung sasabihin ko ng makita kong walang driver, wala si Vin.

Baba dapat ako ng kotse ng may biglang humatak sa kamay ko. Napatingin ako dito at nakita ko si Jaden.

"Bakit---"

"Shh!" sabi niya.

Agad naman akong tumahimik nung sinabi niyang shhh, hawak hawak niya ako sa may braso at ako naman ay naka sandal sa may dibdib niya.

"Caseline," sambit niya.

Tumingin ako sa kaniya. "Bakit---" bigla niya akong hinalikan sa labi.

"Caseline I like you, I really like you..."

"Ahh!" bulalas ko.

"Okay ka lang?" nagulat akong tanong ni Vin.

"Nandito ka?" pag tatakang tanong ko.

"Okay ka lang kanina kapa namin ginigising nandito na kasi tayo sa charity," sabi niya.

Agad ako napabalikwas at napatingin sa may bintana, oo nga nandito na kami, teka ano 'yung kanina? Panaginip lang? Tiningnan ko si Jaden, nakita kong nag cecellphone ito sa pwesto niya.

Napahinga ako ng malalim. "Kala ko totoo na," mahina kong sabi, habang naka hawak sa 'king dib dib.

"Baba na tayo," sabi ni Vin. Tinanggal ko na ang seatbelt ko at bumaba na kami. Nakita ko din naka parada sa may loob ang van na sinakyan ng iba kong mga kaklase papunta dito.

Tiningnan ko si Jaden saka si Vin, binaba nila 'yung mga ipapamigay para sa charity, apat na karton ang nakita ko. Lumapit ako para tanungin kung saan 'yung sa 'king karton.

"Saan 'yung sa 'kin diyan?" tanong ko. Tinuro naman agad ni Jaden ang isang maliit na karton na naka siksik sa may gilid ng compartment ng sasakyan.
"Ito?" gulat kong tanong. Hindi na nag salita si Jaden, agad niyang kinuha 'yung kaniya saka umalis.

Napakamot ulo nalang ako sa nakita ko dahil, bukod sa maliit na karton ito parang hindi pa kakasya ang laman nito sa apat na bata. Jusko naman talaga si papa! Kinuha ko nalang ito at binitbit, nag lakad na kami papasok sa may charity, agad ko namang nakita ang iba ko pang mga kaklase na busy sa pag aayos ng mga kanilang ipamimigay.

"Maganda umaga po sa inyo," bati ng isang taga pangalaga.

"Magandang umaga din ho," sabi ko.

"Tuloy po kayo sa loob at do'n niyo nalang po ilagay ang mga bitbit ninyo," mabait at magalang na sabi ng isang matandang babae sa 'min. Gaya ng sinabi ng matandang babae, agad naman kaming pumasok sa loob at pag ka pasok ay may isang malaking lamesa ang tumambad sa 'min, may maka nakalagay na box na siguro ay do'n ilalagay ang mga ipamimigay namin.

"Kaylan ba tayo mag stastart ng program para sa kanila?" rinig kong tanong ng isa kong kaklase sa isa pa naming kaklase na nag lalagay din ng karton sa lamesa.

"Mamaya daw e," sagot nung isa.

Hindi man lang ako nasabihan na mag peperform papala ng program para sa mga bata na 'to, sabagay ni hindi ko nga alam na aalis ngayon, buti nahabol pa 'tong kakapiranggot na karton na ipamimigay ko. Hindi man lang dinamihan ni papa napaka dami kong mga lumang damit, para sa mga bata at matatanda.

"Attention everyone!" rinig kong sabi ni Vin. Agad naman kami napa tingin sa kinaroroonan niya.

"Ako ang nag plano ng lahat ng ito kaya sana lahat din kayo maki cooperate dahil may grades ito," sabi niya. "Inutusan ako ng dalawa sa inyong teacher na gawin 'to, dahil masunurin ako ginawa ko nalang," dag dag niyang sabi.

"Okay po," sagot ng iba.

Jusko sana sinabihan mo man lang din ako Vin, ilang oras tayo mag kasama kahapon ni isang information about dito wala kang na banggit kakaloka ka! Pero wala na okay nadin 'yan nandito na tayong lahat.

Maya maya lang nakita ko ang iba kong mga kaklase na pinapalila ang mga bata at 'yung iba namang mga matatanda sa gilid. Naki cooperate din ako sa kanila, napansin ko na busy si Vin na nakikipag usap sa mga taga pangalaga ng charity. Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko, hinahanap ng tingin ko kung saan si Jaden, pero hindi ko siya nakita.

"Salamat po," sabi ng isang bata na binigyan ko ng laruan. Hinawakan ko siya sa ulo at nginitian.

"Next," sabi ng kaklase ko. Sumunod ang isang batang lalaki naka simangot ito, naisipan ko siyang tanungin.

"Bakit parang malungkot ka?" tanong ko. Hindi ito nag salita at kinuha agad ang laruan sa kamay ko kahit hindi ko pa ito inaabot sa kaniya.

"Ay teka---" naputol 'yung sasabihin ko ng biglang humarap sa 'kin ang bata, naka tingin ito sa 'kin na para bang may ginawa akong masama sa kaniya.

Nginitian ko lang siya. "Next time kapag hindi---" nagulat ako ng bigla niya akong akmang babatuhin ng laruan, napa ilag at napa pikit ako, naka harang ang dalawa kong kamay sa 'king mukha para hindi ito matamaan ng laruan na ibabato niya sa 'kin.

Ilang segundo na ang naka lipas napansin kong walang tumama sa kahit anong parte ng katawan ko. Kaya agad kong tiningnan kung saan naba ang laruan nagulat ako ng hawak hawak ito ni Jaden sa harapan ko.

"Kapag hindi pa binibigay sa 'yo ang laruan hindi mo dapat kunin," isang malalim at seryosong boses ang narinig ko mula sa kaniya. Napa tingin naman ako sa batang lalaki, naka yuko ito ay mukhang nahiya sa kaniyang ginawa.

Agad ko namang kinuha ang laruan sa kamay ni Jaden, ibabalik ko na dapat ito sa bata ngunit nag salita ulit si Jaden.

"Mag sorry ka kay ate," sabi niya. Hindi ko alam pero ang sarap pakinggan sa tenga ang matawag na ate.

"Sorry po ate," naka yukong sabi ng bata.

Nginitian ko ito. "Ito laruan mo, sa susunod huwag mo na ulit gawin 'yon ah," sabi ko, sabay abot ng laruan niya.

"Opo," sagot niya.

Tumayo ako para kumuha ng inumin nauuhaw na kasi ako sa kakatayo, napansin ko namang busy ang iba kong mga kaklase na nag aayos ng mga pag kain na ipapamigay para sa mga bata at sa ibang matatanda dito sa charity.

Nakita kong papunta sa kinaroroonan ko si Vin naka ngiti ito na para bang sobrang saya ng araw niya.

"Caseline towel," sabi niya, sabay abot nito sa 'kin.

"Salamat," sambit ko.

"Ayos ka lang?" tanong niya, sabay inom din ng tubig.

"Oo," sagot ko. Nilapag ko ang tubig sa may lamesa at sa hindi sinasadyang pangyayari nag kasabay pa kami ni Vin sa pag lagay nito. Napa ngiti ako. "Ano bayan parang parehas tayo ng iniisip ah," sabi ko.

Natawa siya. "Oo nga e, sabay pang uminom sabay din nag pag lagay," sabi niya. Nag tawanan kaming dalawa sa ginawa namin.

"Ehem ehem," narinig kong may nag salita sa may likuran namin. Agad akong napatingin dito.

"Jaden ikaw pala," bati ko.

"Insan bakit uhaw kana din ba?" tanong ni Vin. Hindi nag salita si Jaden, bigla lang itong pumagitna sa 'min ni Vin.

"Teka---" pag pupumigil ni Vin pero wala na siyang nagawa dahil nasa gitna nanamin si Jaden.

"Parang hindi tama 'yan bigla kang susulpot tapos gigitna kapa," sabi ni Vin.

Tumingin ng deretsyo at seryosong tingin sa kaniya si Jaden. "Bakit bawal ba?" sabi niya.

Nag smirk si Vin. "Hindi naman pero kasi kami ni Caseline ang naunang mag kausap at mag katabi," may diin na sabi niya.

Nag smirk din si Jaden. "Teka ah, sa pag kakaalam ko kasi kami ni Caseline ang mag kausap kanina do'n palang sa may mga bata," taas noo niyang sabi.

Natawa si Vin. "Ops! Teka lang din ah, pero kami ni Caseline ang masayang nag uusap dito tapos sisingit ka diyan sa gitna diba?"

"Hahaha! Teka lang din ah kami kasi ni Caseline ang unang mag kaibigan dito," proud to be na sabi ni Jaden.

Nag kakatapatan na silang dalawa at mukhang nag kakainisan na sila.

Huminga ng malalim si Vin. "Para lang din sa kaalaman mo official na kaming mag kaibigan ni Caseline," may diin na sabi niya.

Natawa si Jaden. "Ano naman? Atleast kaming dalawa ang unang mag kaibigan dito," sabi niya, sabay akbay sa 'kin.

Nag smirk si Vin. "Mas pinoprotekhan ko si Caseline," sabi niya, sabay akbay din sa 'kin.

"Aba teka ah bakit kanina wala ka---" pinutol ko 'yung sasabihin ni Jaden.

Inalis ko ang kamay nilang dalawa sa batok ko dahil ang bigat. "Teka ah masakit na likod saka batok ko sa kaka akbay niyo sa 'kin ah, saka teka lang din ah para lang din sa kaalaman ninyong dalawa, parehas ko kayong kaibigan kaya wala dapat mag tatalo ah? Okay?" taas kilay kong sabi, habang naka pamewang pa.

Napakamot ulo silang dalawa.

Tinuro ko silang dalawa. "Kayong dalawa ah, huwag muna kayong papakita sa 'kin ah, nababadtrip ako sa inyo ah," gigil kong sabi.

"Pero Caseline---"

"Ops! Ops! Huwag kang lalapit sa 'kin, sasapakin kita!" sabi ko sabay takbo papalayo sa kanilang dalawa. Iniwan ko silang dalawa na naka tayo do'n. Ako naman ay pumunta sa kung saang gilid gilid na hindi nila makikita, at umupo ako sa may isang kahoy na upuan para mag pahangin at mag pa lamig ng ulo ko.

"Nakakabadtrip talaga 'yung dalawang 'yon!" bulalas ko,sabay punit ng isang dahon sa may gilid.

"Nakakainis talaga!" sigaw ko. Napapabilis ang pag hinga ko dahil sa inis.

"Iha?" nagulat akong may nag salita. Agad agad naman akong tumayo at kumuha ng kahit anong bagay pang palo baka kasi may multo dito, ayon kasi sa mga napapanood ko ganito ang mga nangyayari, kapag ang isang tao ay mag isa saka sila nag papakita.

Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko, wala naman akong ibang nakitang tao.

"Iha?" narinig ko ulit na may nag salita. Agad akong pumunta sa may gilid at siniksik ang sarili ko do'n habang hawak hawak ko ang palaso na hawak ko. Tumingin tingin ulit ako sa gilid kung may tao ba pero wala talaga akong ibang nakikita.
















   








                                    To be continue.....

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro