Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 43

CASELINE

"Grabe ang dami palang may talents tapos nakakatawa din 'yung mga pinag gagawa nung iba 'no? Hahahaha!"

"Hahaha yes sobrang napasaya ako ngayong araw," masayang sabi ni Vin,sa loob ng kotse.

"Nakakatawa talaga!" hindi ko mapigilang matawa sa mga pangyayari sa club kanina.

"Mas madami pang masayang mangyayari hahaha!" tawa din ni Vin.

"Oo nga hahaha sinasakyan mo din eh 'no," sabi ko.

"Smpre coordinator niyo ako eh," sabi niya,sabay liko ng daan. Nasa loob kasi kami ng kotse at pauwi na.

"Teka hindi paba tayo uuwi bakit dito tayo?" tanong ko dahil huminto sa may tapat ng mcdo na bagong gawa malapit sa bahay namin.

"Hindi kakain muna tayo," sabi niya,sabay park ng kotse niya.

"Ha? Wala akong pera," sabi ko.

"Smpre libre ko," sabi niya.

"Pati ako?" singit na sabi ni Jaden sa backseat ng kotse.

Napatingin muna sa 'kin si Vin, hindi ko din alam kung bakit.

"Sige hahaha ngayon lang 'yan pinsan ah," sambit niya kay Jaden.

Tinaggal na namin ang kanya kanyang seatbelt,at bumama ng kotse nag lakad papasok ng loob ng Mcdo. Pag pasok palang sa pinto umiikot na ang tingin ko dahil mag hahanap na 'ko ng upuan para sa 'min.

"Doon," sabi ni Jaden,sabay hawak sa braso ko at akay sa 'kin.

Sumunod nalang din ako sa kaniya, isang pwesto na kasya kaming tatlo. Napansin kong naka ngiting naka sunod sa 'min si Vin.

"Anong gusto niyo?" tanong niya.

"Fries and McFloat advance thankyou," sabi ni Jaden.

"Ikaw Caseline?" tanong ni Vin sa 'kin.

"Burger? Kahit ano nalang siguro haha," nahihiyang sabi ko.

"Ah hindi mo sure ako na bahala," sabi niya,sabay alis sa harapan namin at punta sa counter ng Mcdo.

Habang nag aantay kinuha ko muna ang cellphone ko, nag bukas ng social media accounts at smpre nag picture din na nasa Mcdo ako.

"Sama ako," sabi ni Jaden,sabay dikit sa 'kin para masama siya sa picture.

Hindi na 'ko naka imik nag picture nalang din ako kasama niya. Pag tapos mag picture in-off ko na ang cellphone ko, nilagay ko ito sa bag ko. Tumingin ako sa counter tiningnan kung pang ilan ba si Vin sa mga pumipila. Pag ka tingin ko sa kaniya ay saktong naka tingin din siya sa 'kin, ngumiti siya at kumaway. Nakaramdam tuloy ako ng hiya pero kumaway din ako sa kaniya.

Bigla namang umubo si Jaden sa may bandang gilid ko. "Okay ka lang?" tanong ko.

Tumango siya at nag thumbs up pa.

Maya maya lang nakuha na ni Vin 'yung mga order, dinadala niya at nag si kain na kami. Mapapansin talaga na ang galante naman talaga nitong ni Vin, kaninang lunch libre din niya.

"Pala libre ka eh 'no," banggit ko.

"Hahaha oo kasi dayuhan lang naman ako dito dapat maki sama ng maayos," sagot niya.

"Hmm oo nga, pero sobra sobra na 'yung pan lilibre mo mula lunch," sabi ko sabay kain.

Ngumiti siya. "Because we're friends."

Muntik akong mabulunan sa sinabi niya, friends daw agad kami. Napatingin naman si Jaden sa 'kin habang pasubo ng kinakain niya.

"Are you okay?" tanong ni Vin.

Tumango ako. "Siguro bilisan nanating kumain para maka uwi na din tayo kasi baka hinahanap na 'ko eh," sabi ko.

"Done!" bulalas ni Jaden sabay tayo.

"Ang bilis naman," sabi ko.

"Baka nag mamadali ka eh saka baka mapagalitan kapa," sabi niya.

"Hindi mapapagalitan si Caseline," singit na sabi ni Vin.

Tumingin si Jaden kay Vin. "Paano mo nasabi?" tanong niya.

"Kasi pupunta ako sa bahay nila sasabihin ko dahilan kung bakit siya ginabi," sagot ni Vin.

"Sasama ako mag papaliwanag din ako sa papa niya," sabi ni Jaden.

"Teka teka! Mag tigil nga kayo umuwi na tayo para walang mapagalitan sa 'tin."

"Sige tara na nga pala Caseline may take out pa 'ko," sabi ni Vin,sabay tayo.

"Take out?" pag tatakang tanong ko.

"Oo wait," sabi niya,sabay punta sa may cashier tatanungin niya siguro 'yung take out niya.

Patay gutom ba 'tong si Vin? Mag tatake out pa talaga.

"Oh ito," banggit ni Vin,sabay abot sa 'kin ng isang plastik ng Mcdo.

"Huh?"

"Para sa'yo," sabi niya.

"Bakit?" tanong ko.

Biglang kinuha ni Jaden ang plastik sa may kamay ko. "Akin nalang mukhang ayaw niya eh," sabi niya.

"Para kay Caseline 'yan," sabi ni Vin.

"Eh mukhang ayaw niya naman akin nalang," sabi ni Jaden,sabay lagay nito sa bag niya.

"May pera ka naman bili ka ng sayo," akmang kukunin ni Vin sa bag ni Jaden 'yung pag kain na take out.

"Itigil niyo nayan umuwi na tayo," seryosong sabi ko,sabay lakad.

"Ayan para ka kasing bata Jaden alam mong para sa kaniya 'yan," sabi ni Vin.

"Eh ayaw niya eh," sagot ni Jaden.

"Ang kukulit tara na nga umuwi na tayo," sabi ko.

"Opo Boss," sabi ni Vin.

"Opo commander," sabi Jaden.

Napatingin ako sa kanilang dalawa, nagulat ako sa sinabi nila na Boss saka Commander. Weird ninyo ah, lumakad na kami pabalik ng kotse, tulad ng dating pwesto nasa frontseat ako at si Jaden sa backseat. Nag drive na si Vin.

"Kabusog," sabi ni Jaden mula sa backseat.

"Pasalamat ka naman sa libre," biro ko.

"Salamat pinsan, pag palain ka ng may kapal," malokong sabi ni Jaden.

Natawa ako nakita ko ring nangiti si Vin. Maya maya lang ay nasa tapat na kami ng bahay namin, nauna si Vin bumama sunod ako at si Jaden. Huminto muna ako sa tapat nilang dalawa, kita sa mukha nila ang pag kakataka kung bakit ako huminto sa harapan nila.

Ngumiti ako. "Salamat napasaya ninyo ako."

Nanlaki ang mata ni Jaden, ngiting ngiti naman si Vin.

"Walang problema nandito ako palagi para sa'yo," sabi ni Vin.

"Ikaw lang? Kaibigan din ako niyan 'no hello," sabi ni Jaden, sabay pa flip pa ng hair niya kunwari.

Natawa kaming tatlo. "Paano bayan? Bukas nalang ulit," sabi ko,habang sumesensyas na uuwi na'ko.

"Sige salamat din," sabi ni Vin.

Umalis na si Vin, lumalakad na'ko papasok ng bahay pero napansin kong may nakatayo pa sa may bandang likuran ko. Kaya humarap ako dito.

"Ah ikaw pala bakit---" nagulat ako dahil bigla niya akong niyakap, saka bakit hindi pa siya umuuwi kasama si Vin. Na frozen ako sa pag kakayakap sa 'kin ni Jaden, nagulat kasi ako sa ginawa niya.

"Mag iingat ka palagi," sabi niya sa gilid ng tenga ko habang naka yakap sa 'kin.

"Uhm?" tanging salita na nasabi ko. Hindi ako maka hinga hindi ko alam kung bakit, hindi lang isang simpleng yakap ang nararamdaman ko sa kaniya.

Bigla ko siyang nilayo sa 'kin. "Bakit?" tanong ko ang ibig kong sabihin sa tanong ko ay bakit niya ako niyayakap?

"Bawal ba?" tanong niya.

Nanigas ako sa tanong niya at feeling ko ay umiinit ang pisnge ko. Naka yuko at napatingin ako sa gilid ng konti. "Uhm? Ang gara lang kasi sa pakiramdam lalaki ka ta's---" naputol 'yung sasabihin ko ng bigla niya ulit akong niyakap.

"Eh ano ngayon diba mag kaibigan naman tayo?" tanong niya habang naka yakap sa 'kin. Parang may kung anong sumapi sa katawan ko at biglang naging blanko ang isipan ko. Naka hinto lang ako sa pag kakayakap niya hindi ako sanay na ganito siya.

Habang naka yakap nakaramdam ako na tumatawa siya. Kaya agad akong umalis sa pag kakayakap niya at humakbang ng dalawang hakbang papalayo sa kaniya.

"Bakit ka tumatawa?" tanong ko.

Tuloy padin siya sa pag tawa na parang nababaliw. "Wala hahaha ano kasi ang OA ng reaksyon mo," sabi niya.

Medyo nahiya ako sa sinabi niya dahil hindi ko alam ang irereact ko sa ginawa at sinabi niya. Lumapit ulit siya sa 'kin agad agad naman akong dumistansya sa kaniya.

"Bakit?" pag tatakang tanong niya.

"Eh mahirap na baka yakapin mo ulit ako eh," sabi ko.

Natawa siya. "So ano naman? Pag mag kaibigan ba bawal mag yakapan ah?" tanong niya.

"Hoy? Kahit beki ka may itlog ka padin kaya naman hindi pwde 'yung yakap yakap na 'yan kahit mag kaibigan pa tayo 'no," mataray kong sabi.

Nag pouted siya ng labi niya. "Ih, bakit gano'n pag si Ensley yakap na yakap ka pag sa 'kin ayaw mo?" pabebeng sabi niya with child accent.

Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil first time kong nakita si Jaden na ala bata ang ugali at para siyang ewan, medyo natatawa ako sa ginagawa niya.

Huminga ako ng malalim at nag kagat labi. "Bakit lalaki ka padin 'no? May t*t* ka padin pwde ka makabuntis," deretchahang sabi ko.

Natawa siya. "OA mo naman parang wala tayong pinag samahan ah hahaha," sabi niya.

"Ewan ko sa'yo kung ano anong alipaap na ang pumapasok sa isip mo," sabi ko. "Alis na papasok na 'ko sa bahay."

"Grabe ka pinapaalis na 'ko agad joke! Sige na nga haha see you tomorrow," sabi niya, sabay alis sa harapan ko.

Tiningnan ko muna siyang makapasok sa bahay nila, at dali dali nadin akong pumasok sa loob ng bahay namin. Pag ka pasok ay pinipigilan ko ang mabilis kong pag hinga habang nasa likod ng pinto. Hawak hawak ko ang dibdib ko na hindi matigil sa pag bilis ng tibok.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaksyon ko sa nangyari, hindi naman dapat dahil mag kaibigan lang naman talaga kami. Tumalon talon ako at nag sisigaw sa likod ng pintuan ng bahay namin para lang makalimutan ang nangyari kanina.

Biglang bumukas ang ilaw.

"Bakit nandiyan ka anong ginagawa mo diyan?" pag tatakang tanong ni Christian kapatid ko.

Bigla akong umayos at pumunta ng kusina para kumuha at uminom ng tubig.

"Ayos ka lang ate?" tanong niya.

Uminom ako at huminga ng malalim. "Ayos lang ako," sabi ko,habang nag hahabol ng hininga.

"Parang hindi hinihika ka ba?" tanong niya.

"Hindi ayos nga lang ako," sabi ko.

"Osige may pag kain na diyan, nga pala ate hindi makakauwi si papa ngayon bukas pa daw ng madaling araw nag overtime siya," sabi ng kapatid ko.

Napahinga ako ng malalim sa sinabi ni Christian, mabuti nga akala ko nandito na si papa kanina buti nalang walang nakakita sa ginawa ni Jaden.

JADEN POV

Natatawa akong pumasok ng bahay dahil sa reaksyon kanina ni Caseline, hindi ko din alam kung ano ang pumasok sa isip ko at ginawa ko 'yon, basta't naramdaman ko nalang bigla na gusto kong gawin sa kaniya 'yun. Umakyat na'ko ng kwarto napunas at nag palit ng damit pang tulog.
Pahiga na sana ako ng bigla kong maisipan tumingin pumunta sa may terrece.

Napa tingin ako sa baba ng bahay namin nakita ko ang kotse ni Jansen na nakaparada, habang naka tingin dito pumasok sa isipan ko ang larawan ni Jansen saka ni Caseline, nakikita kong masaya si Caseline sa kaniya at feeling ko masyadong desidido 'tong pinsan ko sa pag kakaibigan niya kay Caseline.
Me'ron lang akong konting takot na nararamdaman, baka mawalan ako ng nag iisang tunay na kaibigan, 'yung taong tumanggap sa pag katao ko.

Saka gusto ko siyang protektahan dahil kaibigan ko siya, ayoko siyang maloko o masaktan hangga't maari hangga't makakaya gagawin ko lahat para---

Kakatulala ko at kakaiisip nagulat nalang ako biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa ng pajama ko at tiningnan.

Caseline: Bakla gising kapa?

Ako: Oo bakit?

Caseline: Wala lang gusto ko mag sorry ka sa ginawa mo kanina.

Ako: Bakit naman may masama ba do'n?

Caseline: Grrrr! Hindi padin nga pwde 'yun kasi lalaki ka!

Ako: Hahaha lalaki nga pusong babae naman, saka mag kaibigan naman tayo eh.

Caseline: Kahit na! Mag sorry ka.

Ako: Sorry commander.

Caseline: 'yan good.

Ako: Ganito nalang

Caseline: Ano?

Ako: Gawa tayo rule bilang mag kaibigan.

Caseline: Ha? Ano nanaman 'yang mga naiisip mo?

Ako: Rules na gusto nating gawin sa isa't isa bilang mag kaibigan, like 'yung ayaw at gusto basta gano'n.

Caseline: Gulo mo ano?

Caseline: Rules? Sige limang rule.

Ako: Gulo gulo kapang nalalaman eh gets mo naman talaga.

Caseline: Rule number 1 walang yayakap ng walang permisyon ko.

Ako: hahaha sige 'yun lang pala.

Caseline: Ikaw anong rule mo?

Ako: Isang rule lang sa 'kin kung payag ka.

Caseline: Eh ano ba rule mo?

Ako: Hmmmm....

Caseline: ?

Ako: Hayaan mo'kong protektahan ka, alagaan ka at.

Caseline: Isang rule lang 'yan? Bakit parang ang dami?

Caseline: at?

Ako: 'yan lang muna, saka nalang ulit ako mag dadagdag pag may naisip na 'ko.

Caseline: Okay Rule number 2 ikaw palagi taga bitbit ng bag ko at taga pag ayos ng gamit ko.

Ako: Wow señorita ka? Joke. Sige hahaha.

Caseline: Ayaw mo? FO na tayo.

Ako: Joke lang eh, sige ano pa?

Caseline: 'yan lang din muna dahil matutulog na'ko.

Ako: sige 'yung tatlong kulang sabihin mo nalang sa 'kin ah.

Inantay ko siyang mag reply pero mukhang naka tulog na ata, pumasok nadin ako sa kwarto at tumingin sa may taas ng kisame. Tumingin ulit ako sa cellphone ko baka nag reply siya pero wala kaya napag desisyunan ko na matulog nalang.






















                 

                                     To be continue......




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro