Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 42

CASELINE

"We have some announcement, punta tayong lahat sa information hall."

Pumunta kaming lahat sa information hall, umupo kami sa upuan. Katabi ko si Ensley na kumakain ng piatos, kanina pa siya kumakain hindi niya mapigilan para siyang nag lilihe.

"Okay goodmorning everyone!" bati ng isang teacher mula sa stage.

"Goodmorning po," pabalik na sagot naming lahat.

"May kaylangan kayong malaman lahat simula ngayon mag uumpisa na ang ating club."

Club? Bar club? Joke!

"Ang club ay may iba't ibang aspeto, may club para sa mga performers, may club para sa academics at me'ron din sa sports."

"Simple lang ang gagawin pipirma lang kayo---" naputol yung sasabihin ng isang teacher dahil may sinasabi 'yung katabi niyang isang teacher. May binulong ito sa kaniya.

"Ah oo nga pala kaylangan ninyo malaman na may ccordinator ang bawat club, sila ang mag babantay sa inyo, kaya nga lang 'yung mga coordinator na napili namin ay hindi niyo pa kilala dahil hindi sila teacher dito," sabi niya.

"Pinapakilala ko ang unang coordinator na nag handog ng kaniyang sarili Vin Jansen Domingo coordinator para sa mga performers."

Tumigil ang mundo ko ng marinig ko ang pangalan ni Vin, anong ginagawa niya dito? Saka bakit naging coordinator siya eh hindi pa naman siya teacher.

"Uy okay ka lang?" siko sa 'kin ni Ensley,habang ngumunguya padin ng piatos.

"Ayos lang," sagot ko,sabay ayos ng upo ko.

Kinuha ni Vin ang mike. "Well Hi everyone, My name is Vin Jansen domingo, I'm 18 years old turning 19 on december 12, I offered my self as one of the coordinators of club because I want to help student's like me to enhance their knowlegde and also their skills thankyou! I hope you enjoy all and Godbless!" sabi niya, sabay balik ng mike at punta sa upuan na nilagay sa may gilid ng stage.

Para akong natanggalan ng laluluwa sa sinabi niya, sumali siya bilang coordinator tapos ang masaklap pa do'n sa club pa siya ng mga performers, at do'n ako kasali. Nak ng tokwa naman!

"Ang pogi naman nung Vin na coordinator ng performers, do'n nalang kaya ako sumali," rinig kong usapan ng mga babae sa gilid ko.

"Yes girl mukhang jowable saka mukha ding single ready to mingle!" sabi pa nung isa,sabay apir sa kausap niya.

Totoo naman talaga sinabi nila, kaya nga first crush ko si Vin, gwapo na matalino at talented pa magaling kaya siyang sumayaw, pero nahihiya ako sa kaniya. Una palang alam kong hindi naman ako 'yung tipo ng babaeng magugustuhan niya.

JADEN POV

Psh! Ano nanamang kalokohan naiisip nitong Jansen na 'to, may pa coordinator pang nalalaman, pero okay naman din hindi na dapat ako mainis dahil naka pag usap na kami ng masinsinan kagabi.

FLASHBACK

"Bakit parang ayaw mo padin akong maging kaibigan ni Caseline?" tanong niya.

Nasa tapat kami ng gate, bigla nalang siyang nag salita. Tingin ko nairita siya dahil sa nangyari kanina.

"Bakit? Ano bang pinuputak ng butchi mo diyan?" tanong ko.

"Kanina ayaw mo 'kong pag bitbitin ng bag niya tapos ayaw mo din akong ihatid siya sa bahay nila," sabi niya.

Kinunutan ko siya ng noo. "Okay ka lang Jansen? OA mo ah, 'yan oh 'yan lang bahay nila," sabi ko,sabay turo ng bahay nila Caseline. "Saka Jansen, tigilan mo'ko kilala kang playboy sa US alam ko na mga galawan mo."

Natawa siya. "Why masama bang makipag kaibigan? Teka bakit parang ayaw mo talaga? Ayaw mong maunahan kita sa kaniya?" tanong niya.

"Ha?" tanong ko.

"Bakit ano ba kayo? Ano ba siya sayo?" tanong niya.

"Kaibigan," bulalas ko.

"Ba't ang protective mo masyado?" tanong niya. "Dahil kaibigan ba talaga?" diniinan niya ang salitang kaibigan.

"Huh? Anong pinag sasabi mo? Oo dahil kabigan ko siya."

Lumapit siya sa 'kin habang naka pamulsa. "Anong klaseng kaibigan?" tanong niya.

"Friends... special friends," sagot ko.

"Special friends? May gano'n?" tanong niya.

"Oo me'ron si Caseline special siya dahil kaibigan ko siya at kaya ko siya prinoprotekhan," sabi ko.

"Hmmm edi special din siya sa 'kin," sabi niya.

"Bakit naman?" gulat na tanong ko.

"Dahil simula bukas umpisa ng pagiging mag kaibigan namin," sabi niya,sabay kindat at pasok sa bahay. "At nga pala, edi ayos na tayo napag usapan nanatin? So huwag na tayong mag away."

END OF FLASHBACK

Ngayon alam ko na gumawa talaga siya ng paraan.
Sa totoo lang ayos lang naman talaga sa 'kin na maging friends din sila, kaso nga lang nangangamba ako para kay Caseline, babaero kasi si Jansen ayoko siyang mabiktima.

"Next," sigaw ng nasa unahan.

"Psst ikaw na," sitsit sa 'kin ng katabi ko.

Tiningnan ko ang nakasulat sa papel, tinitingnan ko kung saan ko ilalagay ang pangalan ko kasi ang gusto ko talaga academics pero may bumabagabag sa 'kin kaya naman sinulat ko ang pangalan ko sa performers.

"Tapos kana?" masungit ng tanong ng nasa harap ko.

"Ah opo," sagot ko.

"Ah tagal eh," sabi niya.

Umalis na 'ko ng pila, pumunta ulit sa upuan ko. Nakita kong pababa ng stage si Jansen hindi ko alam kung saan 'to papunta pero mukhang pupunta niya si Caseline. Tumayo agad ako para maunahan siya.

"Hey whats up?" narinig kong tanong niya kay Caseline.

"Ay Vin ikaw pala," bati ni Caseline.

"Pinsan ikaw pala," banggit ko mula sa likuran ni Caseline.

Napalingon sa 'kin si Caseline. "Nandiyan ka pala," banggit niya.

"Oo kanina pa 'ko nandito," sabi ko.

"Ha? Eh si RJ naka upo diyan paano ka napunta diyan?" tanong ni Ensley.

Nak ng! Mukhang mabubuking pa 'ko ng dahil dito kay Ensley ah.

"Ah oo nakipag palit ako ng pwesto dahil mainit sa pwesto ko," sabi ko, sabay pay pay kunwari mainit.

"Ah I see, by the way pwde ba tayong sabay mag lunch mamaya?" alok niya kay Caseline.

"Tayong dalawa pinsan oo," singit na sagot ko.

"Wait mag pinsan kayo?" tanong ni Ensley.

"Ah yes," sagot ni Jansen.

"Ah pero mas pogi ka ah joke," sabi ni Ensley.

Psh jusko mas pogi ako bakla nga lang kasi ako duh!

"So ano game ba kayo mamaya?" tanong ulit ni Jansen.

"Game ako ikaw ba Caseline?" sabi ni Ensley.

Napatingin si Caseline sa 'kin. "Ah oo sige," sagot niya.

"Attention everyone, mamayang after 12 ang start ng clubs so bale may mga pupuntahan kayong mga room at do'n kayo mag uusap usap at kung anong gustong pagawin sa inyo ng coordinator ninyo, okay ba nag kakaintindihan?" tanong nung teacher na nasa stage.

"Yes po."

Nag si balik na kaming lahat sa classroom, nag turo na ang kasunod na teacher, maya maya lang dahil mabilis ang takbo ng oras ay nag lunch time na. Tumayo ako agad at pumunta kay Caseline.

"Let's go," sabi ko.

"Wait lang excited parang kahapon lang ayaw mong makita si Vin," sabi niya.

Nag kibit balikat ako. "Well, gano'n lang talaga kaming mag pinsan," sabi ko.

"Psh tara na nga, Ensley tara na," sabi niya,sabay yaya kay Ensley.

Pumunta na kaming canteen nauna silang mag lakas sa 'kin, nasa likuran lang nila ako. Pinag titinginan naman kami ng mga ma iissue na tao. Hindi pa man din kami nakaka upo sa canteen, nakita ko na agad si Jansen naka upo at mukhang hinanda niya talaga ang upuan para sa 'min. Maya maya lang ay napatingin sila sa side namin.

"Ayun na pala si VJ," sabi ni Ensley.

"VJ?" pag tatakang tanong ni Caseline.

"VJ Vin Jansen ano kaba?" sabi ni Ensley.

Natawa si Caseline. "Kalokohan mo talaga 'no."

"Hi girls umorder na'ko ng foods para sa'tin, upo nalang kayo," banggit ni Jansen.

"Ang bait mo naman VJ," sabi ni Ensley.

"VJ? Me?" tanong ni Jansen.

"Oo haba kasi name mo Vin Jansen, kaya pinaikli ko VJ nalang," sabi pa niya.

"Hahaha that's crazy."

"Vin pag pasensyahan mo na si Ensley, nakulangan ata sa kain pa," sabi ni Caseline.

"No problem actually nakakatuwa nga 'yang ganiyan para hindi tayo masyadong seryoso hahaha," sabi niya.

Hinayaan ko lang sila mag kwentuhan naka upo lang ako at kumakain para nga akong hindi kasali eh dahil silang tatlo lang nag uusap.

CASELINE POV

Ang weird lang talaga, ang bait kasi ni Vin nang alok pa ng lunch tapos libre niya feeling ko type niya si Ensley, kasi masiyahin saka cute. Sayang naman hanggang ngayon hindi padin pala ako matitipuhan ni Vin. Jusko! Asa ka girl!

"May dumi ka dito," sabi ni Vin, akmang tatanggalin na niya ang dumi sa mukha ko ng---

"Oo nga ito ito punasan mo bilis," nag mamadaling sabi ni Jaden,sabay bigay sa 'kin ng panyo niya.

Kinuha naman ni Vin ang panyo na binibigay ni Jaden. "Okay pinasan ko---" naputol 'yung sasabihin niya.

"Ah ako na bestfriend ko 'to kaya ako na," sabi ni Ensley,sabay punas ng kamay niya sa mukha ko. "Laki laki na hindi pa marunong mag alaga ng sarili jusko," bulalas niya.

"Thankyou," sabi ko,sabay balik sa pag kakain.

Napangiti si Vin. "Well, anong club nga pala sinalihan mo Caseline?" tanong niya.

"Performers club," sagot ko.

Nakita ko sa mukha niya na para siyang nasiyahan sa sinabi ko. "Oh coordinator mo pala ako," sabi niya. "How about you Elise? Ely?"

"Ensley," pag tatama ni Ensley sa pangalan niya.

"Ah yes sorry Ensley anong club sinalihan mo?" tanong niya.

"Sports club, nag vovolleyball kasi ako," sagot ni Ensley.

"Ah good," sabi ni Vin.

"Ako performers club din saka masaya ako na ikaw coordinator ko, pinsan."

"Oh? Masaya din ako na matuturuan kita, pinsan," sabi ni Vin kay Jaden.

"Masaya ako para sa inyo," nagulat akong sabi ni David mula sa may gilid.

"Ah may I know you? Bigla bigla ka nalang kasing nakiki upo," sabi ni Vin.

"Aba coordinator ka diba?" tanong ni David.

"Yes why?" sabi ni Vin.

"Wala kaklase ako nito kaya for your information pre, kaklase ko sila," sagot ni David.

"Ah I see," sabi ni Vin.

"Nako VJ pag pasensyahan mo na ganiyan talaga 'yan, si David 'yan isa sa mga mahahangin naming kaklase," sabi ni Ensley.

"Haha hindi naman ako pumatol sa mga mahahangin eh," sabi ni Vin,sabay ayos ng buhok niya.

"Aba sumosobra ka pre!" sigaw ni David, akmang susuntukin ni Vin. Inawat naman agad ni Ensley at Jaden.

"Umayos ka sa pag uugali mo pre hindi ka taga dito ah!" bulalas ni David.

"David tumigil kana nakakahiya pinag titinginan tayo," sabi ni Ensley.

"Eh ang yabang niyan eh!" galit na sabi ni David.

"Ow okay okay, David pre alis na muna tayo dito at pag pasensyahan mo na 'yang pinsan ko," sabi ni Jaden,sabay akay kay David.

"Pinsan? Pinsan mo pre?" tanong ni David,habang tinuturo turo pa si Vin.

"Oo pre kaya tara na," sabi ni Jaden.

"Buti pinsan ka nito kundi nabugbog na kita," sabi ni David,sabay alis.

Napahinga ako ng malalim. "Sorry sa nangyari, may mga gano'n talaga dito sa school," sabi ko.

Natawa lang si Vin. "Maliit na bagay sa US nga halos patayan na eh," sabi niya.

"Oh talaga sa US gano'n---" naputol 'yung sasabihin ni Ensley ng biglang mag ring ang bell.

"Oras na ng club," banggit ni Vin.

"Oo nga tara na sa sports club ako mauna na 'ko sa inyo," banggit ni Ensley.

Tumango naman ako sabay tayo. Tumayo din si Vin.

"Sabay na tayo sa may second floor tayo," sabi niya.

"Sige."

Umakyat kami ng second floor, nakita naman agad namin ang iba pang mga istudyante na naka pila at mukhang inaantay si Vin dahil nga siya ang coordinator namin.

"Okay hi everyone kilala ninyo naman siguro ako, start na sa pag papakilala ng pangalan," sabi niya.

Nag pakilala na ang bawat istudyante, at mukhang may ilang mga istudyante ang naka pansin na hindi pa'ko tinatawag.

"Coordinator ito hindi niyo tatawagin?" tanong ng isang istudyante.

"Ah kakilala---" naputol 'yung sasabihin ni Vin,ng bigla akong tumayo at nag pakilala.

"I'm Caseline Oralipa 17 years old at dancer," sabi ko.

"Ayon nag pakilala na siya haha,ano pa bang inaantay natin mag pakitang---" naputol 'yung sasabihin niya.

"I'm sorry I'm late," sabi ni Jaden sa may tapat ng pintuan.

"Oh okay mag pakilala ka muna sa kanila," sabi ni Vin.

"No need na coordinator kilala po siya ng lahat," sabi ng isang babae.

"Ah sikat naman pala ang pinsan ko," sabi niya.

"Woah pinsan? Kaya pala gwapo ka---" naputol 'yung sasabihin ng isang babae ng biglang takpan ang kaniyang bibig na katabi niya.

"Haha yes pinsan ko siya, hindi ko akalain na sikat pala siya," sabi ni Vin.

"Hahaha hindi naman ewan ko nga din ba bakit nila ako kilala," pa humble pa na sabi ni Jaden.

"Hmmm so bale mag start na tayo mag pakita ng talents," sabi ni Vin. Tinawag na niya ang isang istudyante.

Napansin ko namang tagaktak ang pawis ni Jaden. "Ayos ka lang?" tanong ko.

"Oo ayos lang," sabi niya,habang hinihingal hingal pa.

"Para kasing hindi para kang hinabol," sabi ko, sabay kuha ng panyo ko.

Ipupunas ko na sana sa mukha niya na pawisan ang panyo ko ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Kaya ko na," sabi niya,sabay kuha ng panyo.

Napatango nalang ako. Hindi ko din alam kung anong pumasok sa isipan ko ba't ko ginawa 'yun. Ang akward tuloy!








           





                                  To be continue......

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro