Chapter 41
JADEN
"Fuck this shit!" bulalas ko habang naka lapag ang kamay ko sa may harap ng salamin.
Nakakaasar talaga bakit nandito 'yung Jansen na 'yon? Para ano? Sirain nanaman buhay ko, kontra bida nanaman? Nakakagago!
Bakit pinayagan ni daddy dito tumira 'yung mokong na 'yon? Hindi ba pwdeng kumuha nalang siya ng bahay na rerentahan niya o 'di kaya tumira nalang siya sa hotel?! Kaylangan talaga dito siya mamalagi sa bahay?
Maya maya ay may narinig akong katok sa pintuan ng kwarto ko. Binuksan ko agad ito. Nakita ko si Jansen na naka tayo sa may tapat ng pinto, naka tingin sa 'kin na parang isang mabuting tao.
Huminga ako ng malalim. "Anong ginawa mo dito?" tanong ko, habang hawak hawak ang doorknob ng pinto.
Lumapit siya sa 'kin at tumingin ng nag tatakang tingin. "Bakit ganiyan ka kumilos?" tanong niya.
"Huh? Bakit?" nag tatakang tanong ko.
Tinuro niya ako mula baba pataas. "Ayan balita ko bakla ka daw pero bakit ganiyan?"
Ngumiwi ako. "Bakit may problema ka ba sa suot ko?" tanong ko.
"Wala nag tataka lang kasi ako parang hindi ka naman bakla," sabi niya,habang palapit sa 'kin.
Tinuro ko ang sarili ko. "Ako? Hahaha pag bakla ba dapat pang babae din ang damit?"
Huminto siya sa may gilid at sumandal sa may pader. "Hindi, may gusto lang akong linawin sa'yo," sabi niya.
Lumakad ako at pumunta sa may gilid ng salamin. "Ano naman 'yon?"
"Well Jaden, simula bata palang tayo ramdam ko na namainit dugo mo sa 'kin," sabi niya. "Kaya ngayon naisipan kong linawin ang lahat at ayusin ang mga hindi natin pag kakaintindihan, well you know me I am the Alpha in every aspects," sabi niya.
"So?"
"What I mean is ayoko ng humarang pa sa landas mo kaya do want you want," sabi niya,sabay kibit balikat.
Isang Jansen nakikipag ayos? Isang malaking himala 'to hindi ko siya kilalang ganto.
Tumingin ako ng deretchong tingin sa kaniya. "Nakakagulat, kasi kanina lang mukhang pati kaibigan ko aagawin ko sa 'kin eh," sabi ko.
"Well? Caseline? Hindi naman agaw 'yun, I just want to be friends with her, infact she's so nice saka isipin mo 'yun mag kaklase kami dati?" sabi niya,with a wide smile.
Lumapit ako sa kaniya. "Jansen siguraduhin mo lang maayos intensyon mo sa kaniya dahil ako makakatapat mo pag may nangyaring hindi maganda sa kaibigan ko," seryosong sabi ko.
Tumawa siya. "Bakit tingin mo ba sa 'kin rapist? Smpre wala gusto ko lang talagang maki pag friends sa kaniya saka hindi kita aagawan," sabi niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Sure?"
"Sure!" sabi niya,sabay abot ng kamay niya sa 'kin.
"Parang wala akong tiwala sa'yo," sabi ko.
Natawa siya. "Jaden? Let's forget the past, pwde naman maging friends tayong tatlo diba?" sabi niya.
"Pwde naman," sabi ko, pero medyo hindi ako sure sa sagot ko.
Inakbayan niya ako. "Ayon! So simula ngayong araw wala ng ilangan ah?" sabi niya,sabay kindat.
Inalis ko kamay niya sa pag kaka akbay. "Oo na sige,lumabas kana ng kwarto dahil matutulog na'ko okay?" sabi ko.
"Okay cous, goodnight!" sabi niya sabay labas sa pintuan ng kwarto.
Kinuskos ko ng kamay ang mga mata ko, dahil hindi ako makapaniwala sa nangyari, hindi naman talaga gano'n ugali ni Jansen, pero sa kabilang banda baka naman nag bago na siya ayaw na nga talaga niya sigurong maging kontrabida sa buhay ng iba.
KINABUKSAN
CASELINE POV
"Una sa lahat hindi ako mahilig sa math," sabi ni Ensley.
"Bakit naman ang math ang pinaka magandang subject sa lahat," salungat na sabi ni Alyana.
"I vote for science," singit ni Hera.
"Ikaw Caseline ano bang favorite subject mo?" tanong ni Tyra.
"Ako? Okay sa 'kin ang history," sagot ko.
"Jusko mahilig ka lang talaga sa mga nakaraan," sabi ni Ensley.
"Bakit sa kung hindi dahil sa history hindi natin alam kung bakit may ganito,may ganiyan 'no," sabi ko.
"Tama naman siya," sabi ni Hera.
Maya maya lamang ay narinig namin ang lamesa ni Teacher Marie, pinalo niya ito para tumahimik kaming lahat.
"Aga aga ang ingay!" sigaw niya.
"Sorry po Ma'am."
"Goodmorning class!" bati niya.
"Goodmorning Ma'am."
"Kamusta ang camptour natin?" tanong niya. "Mukhang madami paring absent, pagod na pagod ba?"
"Masaya Ma'am na nakakatakot," sagot ni Hera.
"Bakit sinundan kaba ng nanay ni clarisa sa bahay ninyo?" malokong tanong ni Teacher Marie.
Umiling si Hera. "Hindi po,pero mukhang malapit na," sagot niya.
"Antayin mo ng may bisita naman kayo," sabi ni Tyra.
Nag tawanan ang buong klase.
"Okay enough na, start na tayo ng klase at malapit na ang exam ninyo," sabi ni Ma'am, habang may sinusulat sa blackboard.
"Kailan po?" tanong ni Alayana.
"By next week, so be ready," sagot ni Ma'am.
Ang bilis ng panahon pag estudyante ka, parang kaylan lang tapos exam na agad.
"Nga pala 'yung mga cleaners mamaya mag linis sa library ah, sobrang maalikabok daw do'n," sabi ni Ma'am,habang patuloy sa pag susulat sa board.
Tumingin ako sa isang board kung saan do'n naka sulat kung sino ang cleaners. Habang tumitingin, nakita ko agad ang pangalan ko. Talagang ngayon ako cleaners, sabagay mag lilinis nadin ako madalas ko naman ding takasan, babawi nalang ako ngayon. Lumipas ang oras, ang dumating na ang oras ng uwian.
"Girl? Hang out naman tayo ngayon?" yaya ni Ensley.
"Nako Ensley, cleaners kasi ako ngayon next time nalang," sabi ko.
"KJ talaga yang si Caseline, tara na nga," sabi ni Tyra.
"Cleaners nga talaga ako," sabi ko,habang hawak hawak ang dustpan.
"Sige basta next time bawal humindi, ang hihindi siya ang manlilibre," sabi ni Hera.
Huminga ako ng malalim. "Oo na sige ingat kayo ah bye," sabi ko sa kanila,habang kumakaway.
Pumunta na'ko ng library, pag pasok ay ichecheck muna ng librarian ang ID kung talaga do'n nag aaral, uso kasi 'yung may pumapasok sa library para mang hiram ng libro pero hindi dito nag aaral, bawal kasi 'yun sa rules ng school. Tinap na ang ID ko.
"Okay na mang hihiram kaba books?" tanong ng librarian.
Tumingin ako sa hawak kong walis at dustpan,sabay taas nito para makita niya. "Ah hindi mag lilinis lang," sabi ko.
"Ah sure, paki tanggal nadin 'yung mga agiw agiw, medyo matagal nadin kasing hindi nalilinisan 'tong library," sabi niya.
Tumango lang ako at nag simula ng mag lakad. Sa unang helera ng mga libro, mapapansin na luma na ang mga ito napag isipan ko na hindi muna linisan ang sa may harap, mauuna kong linisan ang sa may bandang dulo ng library. Pumunta na'ko do'n at nag umpisang mag linis, mapapansing puro alikabok na ang gilid gilid at mga taas ng lalagyan ng libro. Habang nag lilinis at medyo inuubo ubo na'ko ng dahil sa alilabok, umurong ako ng kaunti at...
Nalaglag ang isang helera ng libro, dahil nasagi ko ito.
Kinuha ko ito isa isa, ng mapansin kong may tao sa gilid ko, kaya agad naman akong napatingin dito. Nagulat ako si David pala, ngumiti siya sa 'kin,at tinulungan niya ako sa pag kuha ng mga nalaglag na libro. Mga ilang minuto ang lumipas at natapos kami.
Nag katinginan kaming dalawa.
"Ah pasensya na," sabi ko,sabay yuko.
"Haha wala 'yon cleaners kadin ba?" tanong niya.
Tumango ako at kinuha ang walis.
"Cleaners din ako tulungan na kita," sabi niya,sabay kuha ng walis sa kamay ko.
Pumiglas ang kamay ko. "Hindi na, salamat nalang," sabi ko,sabay talikod sa kaniya.
Nag lakad na'ko ng mga ilang hakbang at bigla siyang nag salita. "Caseline wait," mairiin niyang sabi.
Lumingon naman ako. "Bakit?" tanong ko.
Lumapit siya sa 'kin, "Can we talk?" ilang na tanong niya,habang hawak hawak ang batok niya.
Tumango naman ako umupo kami sa may gilid ng library kung saan hindi matatanaw ng mga tao. Habang naka upo inaayos ayos niya ang neck tie ng polo niya.
"Anong pag uusapan?" tanong ko.
Ngumisi siya. "Masyado ng madaming nag bago 'no," sabi niya.
"Huh? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Huwag ako Caseline, halata nga ng lahat ikaw pa kaya," sabi niya.
Huminga ako ng malalim. "Ibig mo bang sabihin 'yung nangyari about sa---" naputol 'yung sasabihin ko ng bigla siyang mag salita.
"Oo 'yun nga, pero don't get me wrong okay? Gusto ko nga maayos na para wala ng ilangan," sabi niya.
Natawa ako. "Bakit ganiyan? Parang ikaw pa may mali, eh ako nga 'tong may mali at dapat maki pag ayos eh," sabi ko.
Ngumiti siya. "Wala naman sa kung sino ang may mali."
"Nakakahiya nga sayo eh," sabi ko,sabay kagat labi.
He pouted his lips. "Nakakahiya? Walang nakakahiya do'n choice mo 'yon eh," sabi niya,sabay tingin sa 'kin.
Tumahimik ang paligid. Maya maya lang ay inabot niya ang kamay niya at inabot din niya ang hinliliit niyang daliri sa 'kin.
"Friends?" tanong niya, habang naka tingin sa 'kin.
Napa ngiti ako sabay abot din ng hinliliit ko. "Friends, saka I'm sorry,"
"Sorry for what?" nag takang tanong niya.
"Nasaktan kita," akward na sabi ko.
"Para 'yun lang, ta try ko nalang ulit," malokong sabi niya.
"Hindi nga pwde---" naputol 'yung sasabihin ko,dahil nag salita siya.
"Smpre hindi na sa'yo, sa iba naman, friends nga tayo diba?" sabi niya.
Napahiya ako do'n ah, ayan feeler ka kasi Caseline! Hindi nga lang naman talaga ikaw ang pwdeng ligawan sa mundo! Jusko ka!
Napa ngiti ako at tumango.
"Kayong dalawa tapos naba kayong mag linis? Isasara ko na kasi 'tong library?" tanong ng librarian.
"Ah oo!" sigaw ko.
Tumingin ako kay David. "Paano ba 'yan? Mukhang mauuna na'ko, salamat ah," sabi ko.
Ngumiti siya. "Mag iingat ka ah."
Lumabas na'ko ng library, pumunta agad ako ng classroom para kunin ang gamit ko at umuwi na, pag ka pasok ko ng classroom unang tumambad sa mata ko si Jaden.
Teka? Bakit nandito pa 'to kanina pa uwian diba?
"Tapos kana pala," sambit niya.
"Ah oo bakit nandito kapa?" tanong ko,sabay kuha ng bag ko.
"Inantay kita."
"Ako?" tanong ko.
"Oo," sabi niya,sabay kuha ng bag at bit bit nito.
"Teka---" kukunin ko dapat bag ko, pero hinarang niya ako ng kamay niya.
"Ako na, umuwi na tayo," sabi niya,sabay lakad papalabas ng classroom.
Habang nag lalakad palabas ng gate tinanong ko siya.
"Hoy? Paano mo nalaman na cleaners ako ah?" sigang tanong ko.
"Sa isang board naka sulat," sagot niya.
Oo nga naman, makikita naman ng kahit sino 'yun. Tanga tanga mo naman Caseline!
"Gano'n eh bakit moko inantay?" tanong ko.
"Kasi---" naputol 'yung sasabihin niya ng may bumusinang kotse sa may harapan namin,pag ka labas namin ng gate.
Bumukas ang bintana ng kotse.
"Hoy tago!" sabi ko,sabay kuha sa braso ni Jaden at tago sa may likod ng puno sa may tapat ng gate ng school.
"Ano ba?" iritadong sabi niya.
Tinuro ko naman 'yung kotseng bumusina sa'min. "Mukhang holdaper 'yung nasa loob ng kotse," sabi ko.
"Ha? Holdaper bitawan mo nga---" naputol 'yung sasabihin niya ng may isang lalaking nag salita mula sa may bandang gilid namin.
Napatingin ako agad dito at napaartras. Ngumiti naman ito sa'min.
"Hi?" bati niya.
"Ikaw pala Jansen," sabi ni Jaden, sabay tayo ng maayos.
Tumingin sa 'kin si Vin.
"Uuwi kana?" tanong niya.
"Ah oo sabay kami ni Jaden," sabi ko.
"Ah I see, if you don't mind sakay na kayo sa kotse ko, tutal mag kapit bahay lang naman tayo eh," sabi niya.
Napatingin ako kay Jaden, tumingin din naman sa 'kin si Jaden.
"Pag iisipan niyo paba? Mag gagabi na sabay na tayong tatlo pauwi," sabi ni Vin.
"Sige tara na," sabi ni Jaden, sabay lakad.
Biglang pwumesto si Vin sa harapan ni Jaden.
"Ano haharang ka diyan?" tanong ni Jaden.
"Nope," sabay kuha sa bag ko na hawak hawak ni Jaden.
Inagaw naman ito ni Jaden mula kay Vin. Naka tingin lang ako sa kanilang dalawa.
"Akin na 'to," sabi ni Jaden.
Ngumisi naman si Vin. "Kukunin ko lang naman para hindi ka mahirapan."
"Hindi kaylangan--" naputol 'yung sasabihin ni Jaden ng biglang kunin ulit ni Vin ang bag ko.
"Sabing akin na para hindi kana mahirapan."
"Eh ako nga mag dadala---"
"Kayong dalawa! Tigilan niyo na 'yan! Akin na ang bag ko," sabi ko,sabay agaw sa bag ko.
Napatingin silang dalawa sa 'kin.
"Oh anong tiningin tingin niyo diyan? Umuwi na tayo," sabi ko,habang hawak hawak ang bag ko at nasa harapan na'ko ng kotse.
Nag lakad na silang dalawa papunta sa kotse. Pumasok na kaming tatlo sa loob ng kotse.
Mukhang hindi maganda 'to, parang may war na nagaganap sa pagitan nilang dalawa! Jusko po! Hindi ko kaya ang intense na nararamdaman ko dito ngayon sa loob ng kotse. Seryosong nag dridrive si Vin si Jaden naman deretchong tingin lang. Nararamdaman ko ang bagsik nilang dalawa parang umaapoy! Nag liliyab!
To be continue.......
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro