Chapter 40
CASELINE
"Tinatanggap mo ba siya bilang maging kabiyak ng iyong puso?"
"Opo father tinatanggap--"
"Itigil ang kasal!"
Napabalikwas ako sa higaan ko ng bigla akong magising sa isang panaginip na hindi masyadong malinaw pero may mga tanging salita lamang akong naalala.
"Panaginip lang pala, buti panaginip lang." Nag tanggal ang ng muta,habang naka upo padin sa kama. Ang bilis ng tibok ng puso ko parang may karumaldumal na nangyari sa 'kin sa panaginip ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung may nag message ba, sakto naman pag ka bukas na pag bukas ko rito ay mayroon nga.
Jaden:Goodmorning, i hope okay ka lang sis.
Me:Goodmorning sana ikaw din.
Hindi ako sanay na nag memessage sa 'kin si Jaden, ng "goodmorning" pero ba't ngayon may pa gano'n? Anong nakain niya?
Bumaba na'ko para kumain ng umagahan,medyo masakit padin ang katawan ko dahil sa camp tour, kaya naman nag unat unat ako habang pababa ng hagdan.
"Gising kana pala anak kumain kana," bungad na sabi sa 'kin ni papa.
Napakamot ulo muna ako, "Saan si Christian?" tanong ko,sabay upo sa upuan.
"May pasok smpre," sagot ni papa.
"Oo nga pala ba't ikaw pa wala kabang pasok ngayon?" tanong ko.
"Meron pero absent muna ako asikasuhin muna kita, alam kong pagod ka dahil sa camp tour ninyo," sabi niya, habang kumukuha ng pag kain at nilagay sa pinggan niya.
"Swerte ko naman talaga sa papa ko," ngumising sabi ko.
"Talaga! Buti alam mo," sabi niya,sabay kindat.
Nag patuloy kami sa pag kain, hanggang sa may naisip akong itanong kay papa, tutal hindi ko pa naman nalalaman 'to at gusto ko din talagang malaman.
"Pa?" sabi ko.
"Hmm? Bakit?" sabi niya.
"May tatanong sana ko," sabi ko, sabay ayos ng upo.
"Ano naman 'yon? Itanong mo lang," sabi niya.
Umubo ako ng konti at tumingin sa may bintana sabay balik ng tingin sa kaniya. "Gusto ko lang sana itanong kung paano malalaman kung gusto ka ng isang tao?" sabi ko, habang naka titig ng deretsyo kay papa.
Natawa siya. "Bakit? May nagugustuhan kana ba?" tanong niya.
Umiling ako ng konti. "Wala naman curious lang akong itanong pa," sabi ko.
"We? Eh parang tanungan 'yan ng mga taong inlove eh," sabi niya.
"Porket nag tanong grabe ka naman pa advance ka mag isip," sabi ko,sabay subo ng kanin.
"Hahaha sige tutal nag dadalaga ka naman na sasabihin ko sa'yo," sabi niya, sabay hawak sa balbas niya.
Tumingin ulit ako ng deretsyo sa kaniya para marinig at maintindihan ko ng maayos yung sasabihin niya.
"Unang una sa lahat malalaman mong gusto ka ng isang tao kapag concern siya sa'yo," sabi niya.
Tumango naman ako. "Hmm concern ano pa?" sabi ko.
"Pag ka special ka sa kaniya yung tipong kakaiba trato niya sa'yo kaysa sa iba," sabi ni papa.
Kakaiba trato? Bakit biglang pumasok sa isipan ko si Jaden? Nako! Erase Erase!
"Tapos ang huli malalaman mong gusto ka ng isang tao kapag nag tapat siya ng nararamdaman niya sa'yo," sabi ni papa. "Hindi lahat ng concern ay may gusto sa'yo kaya huwag kang umasa agad," dagdag niya pang sabi.
"Ah oo nga tama po kayo," sabi ko,habang napaisip ng malalim sa kinauupuan ko.
"Hay nako bilisan mo na kumain at may mga aasikasuhin pa ako," sabi niya, sabay tayo.
JADEN POV
Nakakainis hindi ko din matindihan sarili ko! Bakit ba parang concern na concern ako kay Caseline? Ano bang problema at bakit kada galaw niya parang gusto ko siyang bantayan?
Naka upo ako sa kama ko habang naka tingin sa may salamin, tinitingnan ko ang sarili ko kung ano ba ang nag iba sa 'kin dahil nag kakaganito ako. Tumayo ako at mas lumapit pa sa salamin.
"Ang gwapo ko pala," bulalas ko sa harap ng salamin, habang naka titig at tinitingnan ako buong mukha at pangangatawan ko.
Hanggang sa na realize ko na bakit ko pinag sasabi ang mga ganito bagay, napasampal ako sa sarili kong mukha,at inalog alog ang ulo ko.
Jaden? Kaylan mo pa naisip na gwapo ka? Hindi ma gwapo maganda ka! Tandaan mo maganda ka!
Mga salitang umiikot sa isipan ko. Maya maya pa ay naka rinig ako ng katok mula sa may pintuan ng kwarto ko.
"Bakit dad aga aga?" iritadong tanong ko.
"Bakit hahaha masaya ako ngayong araw," sabi niya sa tapat ng pintuan ko.
"Well kung masaya ka ako hindi kasi hindi ko na maintindihan ang saril---" naputol yung sasabihin ko,ng marealize ko na hindi dapat sabihin 'yon.
"Bakit hindi ka masaya kasi?" pag tatakang tanong ni daddy.
Umiling ako. "Wala po anong ulam?" tanong ko,sabay hinga ng malalim.
"Ulam sinigang saka fried chicken," sagot niya.
"Okay po," sabi ko. "Susunod nalang ako sa baba," dagdag kong sabi.
Nag suklay na'ko ng buhok ko, at bumaba para kumain ng umagahan. Nakita ko naman agad si daddy na naka upo na at inaantay ako.
May napansin akong kakaiba sa kaniya, abot langit yung ngiti niya mula pa kaninang pag katok niya sa pintuan ng kwarto ko.
Umupo na'ko. "Sobrang saya mo ata dad," sabi ko.
"Smpre may dadating kasing special na tao mamaya eh kaya masaya ako," sabi niya,habang naka ngisi.
May dadating? Sino kaya? Nako wait! Baka si Caseline, fuck kaylangan ko ng bilisan sa pag kain at makaligo na nakakahiya naman sa kaniya pag nakita niya akong ganito.
"Dahan dahan sa pag kain baka mabulunan ka," sabi ni daddy.
Tumango lang ako at tuloy padin sa pag kain, dahil mag aayos na'ko ng sarili kasi dadating si Caseline. Parang may kung anong espiritu ang sumanib sa 'kin at nag mamadali akong gawin lahat ng bagay. Sa sobrang bilis kong kumain natapos na'ko agad, naligo na'ko at nag palit ng damit, kumuha lang naman ako ng isang bagong t-shirt na black at nag suot ng pants. Inayos ko din ang buhok ko at nag pabango din ako pero habang nag susuklay ng buhok ko bigla akong napaisip.
Teka? Si Caseline lang naman ang bibisita mamaya diba? Bakit parang aligaga ako saka bakit kaylangan ko gawin itong mga ganitong bagay? Fuck! Hindi ko na talaga maintindihan mga pinag gagawa ko!
Maya maya pa ay tumigil ako sa pag susuklay ng buhok ko, umupo muna ako sa kama at nag patugtog ng music, una kong napindot ay sweet music kaya naman agad kong pinalitan ng pop music. Habang nag papa music, napakalma ko ang sarili ko, hindi ko na namalayan na nakahiga na pala ako at naka tingin sa may kisame ng kwarto ko. Lumipas ang ilang oras at biglang kumatok si daddy sa pinto ng kwarto ko.
"Jaden? Nandiyan na siya bilisan mo!" nag mamadaling sabi niya sa may tapat ng pintuan.
"Opo!" sigaw ko,sabay ayos ng damit ko at harap sa salamin kung maayos pa ba ang pag mumukha ko. Dali dali akong bumaba ng hagdan, hindi ko alam pero habang pababa ng hagdan para may kung anong excitement ang nararamdaman ko. Pag baba ko ng hagdan agad akong nag lakad papuntang sala at...
Nagulat ako sa nakita ko, nawala yung excitement na naramdaman ko kanina.
Bakit nandito 'to?
CASELINE POV
Habang nag lilinis ng bahay, hindi ko mapigilang sumayaw habang nag mamap ng sahig ang weird, pero bigla nalang napapagalaw ang katawan ko. Maya maya pa ay nakaramdam ako ng pagod kaya naman uminom muna ako ng tubig, at bumalik ulit sa pag lilinis. Pag katapos ko ay umakyat ako sa kwarto ko para mag palit ng damit habang nag papalit ng damit napansin kong hindi ko pala nabuksan ang bintana kaya naman agad agad ko itong binuksan, pag ka bukas ko ay napansin kong may isang magarang kotse ang naka parada sa harap ng bahay nila Jaden.
May bago silang kotse? Wow yaman talaga nila!
"Caseline?" rinig kong sigaw ni papa mula sa baba.
"Po?" sabi ko.
"Bumaba ka dito!" sigaw niya.
Hays! Ano na naman kaya ang papagawin sa 'kin nito?!
"Bakit pa ano ba 'yon?" tanong ko,habang pababa ng hagdan. Nakita ko siyang may inaasikaso sa lamesa.
"Ito ibigay mo ito kayla Jaden," sabi niya,sabay abot ng isang buong pizza.
"Po?" sabi ko.
"Sabi ko ibigay mo 'yan kayla Jaden," pag uulit na sabi niya.
"Ah," tanging sagot ko dahil, bigla nalang ni papa inabot sa 'kin yung pizza ni hindi pa nga ako punas dahil kakatapos ko lang mag linis ng bahay, hindi din maayos ang buhok ko at wala man lang akong pulbo saka ni hindi man lang ako nakapag pa bango.
"Oh? Anong tinatayo tayo mo diyan? Ibigay mo na 'yan do'n baka lumamig pa 'yan," sabi ni papa.
"Ah opo," sagot ko.
Nako naman talaga, kapag nilapag ko 'to sa mesa magagalit si papa kapag hindi ko naman nilapag muna hindi naman ako naka pag ayos ng sarili! Hays bahala na, basta ibibigay ko 'to do'n agad sabay alis, gano'n nalang gagawin ko.
Nag lakad na'ko palabas ng gate bitbit ang pizza na pina pabigay ni papa kayla Jaden. Pag karating ko sa pintuan nila, agad naman akong nag doorbell. Bumukas agad ang pinto.
"Ah tito Eli, pinapabigay po ni papa," sabi ko, sabay abot ng pizza.
Naka tingin lang ng ilang segundo sa 'kin si tito Eli, at sabay sabi ng "Iha pumasok ka."
Nako naman talaga oh! Ito nga yung pinaka ayaw kong marinig, hays pero wala ng magagawa nakakabastos naman kung hindi ako papasok sa bahay nila.
"Ah sige po," sabi ko,sabay pasok sa bahay nila.
Pag pasok ko sa bahay nila agad kong napansin ang istranghero na naka upo sa sofa.
"May bisita po pala kayo," sabi ko.
"Ah Iha oo nga pala pinsan siya ni Jaden, Siya si Vin," sabi ni tito Eli.
Vin? Pamilyar ang name.
"Vin Jansen Domingo," sabi niya, sabay abot ng kamay sa 'kin na para bang close kami.
Napatitig ako sa kaniya, dahil mukha talaga siyang pamilyar. Hindi ko namalayan na napatagal pala ang pag titig ko sa kaniya kaya naman kumaway siya sa mukha ko.
Sh*t! Naalala ko na! Siya yung classmate ko noong elementary ako at siya ang first crush ko!
"Ah ikaw anong name mo?" tanong niya.
"Ah Caseline, Caseline Oralipa," sabi ko,habang naka tingin padin dahil sa pag ka gulat. Hindi ko kasi akalain na ganiyan na mukha niya ngayon, mas gwapo at ibang iba na siya kaysa dati mas lumakas ang dating niya ngayon.
"Caseline?" sabi niya, habang nag tatakang tingin niya sa 'kin.
Natatandaan niya kaya ako? Nako patay bakit ba nangyayari sa 'kin 'to!
"Caseline? I think I heared that name before saan ka nag aral ng elem?" tanong niya.
Sabi na nga ba! Siya talaga si Vin walang pag aalin langan.
"Ah sa may Metrower Angelican Elementary School," sagot ko.
"Oh yeah! Hahaha naging kaklase kita for sure doon din ako nag aral ng elementary," masayang sabi niya.
"Iha lagay mo muna yang dala mo dito oh," sabi ni tito Eli, sabay kuha ng pizza na hawak ko.
Umupo din ang sa may sofa nila, napansin ko naman si Jaden sa may kabilang sofa na busy sa cellphone at tila hindi mapintura ang pag mumukha niya. Hindi siya umiimik, parang ang sama ata ng gising niya.
"So? Ikaw si Caseline kaya naman pala pamilyar," sabi niya.
"Ah oo haha ikaw nga hindi ko na nakilala," sabi ko. Ang akward ng sitwasyon ngayon, ikaw ba naman ma meet mo yung first crush mo dati tapos nakakausap mo pa ngayon ng harap harapan grabe talaga!
"Me too, hindi na din kita na kilala parang mas gumanda ka lalo," sabi niya, sabay ngiti.
Bolero naman pala, hindi kaya ako maganda! Pero aminin medyo kinilig ako do'n.
"Hahahaha hindi naman," sabi ko.
"Well, ilang years nadin kasi lumipas saka sa states na kasi ang nag aral kaya hindi ko nadin masyadong tanda mga naging kaklase ko noong elementary, but luckly I met you here," sabi niya.
Grabe may pa ingles ang kuya niyo Vin. Ibang klase na talaga kapag nasa ibang bansa.
"Ah kaya pala, bakasyon mo ba ngayon?" tanong ko.
"Well oo bakasyon ko ngayon saka---" naputol yung sasabihin niya dahil sumingit si Jaden.
"Oo bakasyon niya, ano nga pala yang dinala mo dito Caseline?" tanong ni Jaden, sabay tingin niya ng deretcho sa 'kin pero may mali sa mga tingin niya para siyang hindi masaya.
"Oh juice muna kayo saka kainin ninyo yang dinala ni Caseline," singit na sabi ni tito Eli.
"Ah pizza nga pala 'to," sabi ko,sabay bukas sa lalagyan.
"Wow you cooked it?" tanong ni Vin.
Umiling ako. "Haha hindi si papa," sagot ko,sabay kuha ng isang hiwa ng pizza.
Napansin kong pumunta si Jaden para kumuha ng pizza, habang papunta kitang kita sa mukha niya ang pag ka lugmok, tila bang parang natalo sa loto gano'n kasi ang nakikita kong expression niya. Maya maya pa ay napansin kong umupo si Jaden sa tabi ko.
"Thankyou," narinig kong sabi niya,sabay kagat ng pizza.
Na weweirdohan ako sa kaniya ngayon, parang may kung anong sumanib sa kaniya at iba ang pinapakita niyang pag uugali.
"Welcome," mahinang sagot ko.
Napatingin ako kay Vin, nakita ko siyang naka tingin sa 'kin at naka ngiti. Nakikita naman ng bandang gilid ng mata ko si Jaden na nakatingin ng masama kay Vin,habang kumakain ito ng pizza.
I feel something wrong na, hindi siguro gusto ni Jaden itong si Vin, halata naman sa mga tingin niya dito parang papatay ng tao eh!
Habang kumakain naisipan kong mag isip ng mga tanong para naman hindi maging akward ang paligid.
"Bakit nga pala hindi ka nag highschool dito?" tanong ko kay Vin.
"Dahil mas maganda ang pag aaral sa US," sagot niya, sabay inom ng juice.
"Gusto mo din bang mag aral sa US kasi pag kakaalam ko noong elementary tayo matalino ka eh madami akong alam na scharship kung---" naputol ulit yung sasabihin niya ng sumingit si Jaden.
"Mas maganda parin mag aral dito sa Pinas," sabi niya, sabay lapag ng baso sa lamesa. Sa pag kakalapag niya ng baso sa lamesa parang may mga hinanakit na ito, dahil ang bigat ng pag kakalapag niya rito. Parang may sama ng loob sa baso eh.
"Well Jaden is right, pero kung gusto mo lang naman free kasi sa lahat," sabi ni Vin.
"Ah gano'n ba?" sabi ko, sabay tingin sa may bintana. Makalipas ang ilang minutong kaakwardan naisipan kong mag paalam na at umuwi sa bahay.
"Ah? Mauuna na'ko kasi siguro hinahanap na'ko ni papa, pinahatid niya lang kasi itong pizza eh," sabi ko,sabay tayo. "Tito Eli mauna napo ako," sabi ko.
"Oh? Sayang naman you know i can talk to your dad para naman maka pag stay kapa dito ng matagal at maka pag kwentuhan tayo," sabi ni Vin.
"Nako hindi na," sabi ko,sabay ngiti.
"Hatid na kita sa labas ng gate Caseline," seryosong sabi ni Jaden,sabay kuha sa kamay ko.
Nagulat naman ako sa ginawa ni Jaden, hindi naman niya kasi kaylangan gawin 'yon.
"Ah well, sige ingat nalang usap nalang ulit tayo next time," naka ngiting sabi ni Vin.
"Oo nga saka pagod yang pinsan ko, ikaw umuwi kana," medyo naiinis na sabi Jaden, habang hawak hawak padin ang kamay ko.
Kumaway nalang ako kay Vin saka kay tito Eli, sensyas na nag papaalam na'ko dahil uuwi na'ko.
Nakalabas na kami ng pintuan at hawak hawak padin ni Jaden ang kamay ko, ang higpit ng pag kakahawak niya dito kaya naman napapiglas ako.
"Sorry," narinig ko sabi niya.
"Ah wala 'yon masakit lang kasi pag kakahawak mo sa kamay ko," sabi ko,habang hawak hawak ang kamay ko.
"Pasenysa na," hindi mapinturang mukha ang pag tingin niya sa 'kin. Napansin niyang naka tingin ako sa kaniya kaya agad siyang tumalikod.
"Ah Jaden thankyou," tanging nasabi ko, habang naka talikod siya. Napansin ko naman ang pag tango niya sabay lakad papasok ng bahay nila.
Ang weird lang bakit gano'n ang reaksyon niya? Okay lang ba siya? Grabe mga nangyayari ngayong araw, isipin mo 'yon nakita ko ang first crush ko noong elementary tapos pinsan pa siya ni Jaden! What a small world!
To be continue.....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro