Chapter 39
SOMEONE POV
"Please give this to him."
I smiled. "Sure no problem I will go now," I said, get my luggage and wave my hands saying goodbye.
This is the second time I will travel alone for a cause, I'm so excited to meet"that girl" I dont know who is she or what she look like but, I can feel something that she's a good person and interesting girl.
"Flight 408 please fall in line here," one flight attendant said.
"Mommy, is Philippines is a good country?" I heared one little kid asked her mother.
Her mother smiled. "Ofcourse darling after a day we are already there," the mother said,and kiss her daughter on her forehead.
I was used to be there in the Philippines five years ago,actually its not that good after all but, I don't know if there is something new there,perhaps some of my family are still there living in that country, but this time I will explore more about that country, I want to know what's the deepest revelation of that country.
"Please put your luggage here Sir," flight attendant said.
"Sure," I said,I put down my luggage into the machine. I finding my seat number on the airplane. While finding my seat, i heared a foreigner talking to the flight attendant. He said, "Hi miss saan direction?" tanong niya sa babaeng flight attendant, nag tatagalog siya well ako din nakakaintindi din ako ng tagalog kahit malalim na mga salita pa 'yan.
He keep asking, I think iritado na ang babaeng flight attendant, ng makalagpas ako sa kanila narinig ko ang banat niya sa flight attendant. He said "Saan direction sa puso mo?" so cringe.
Finally I found my seat and I look at my watch, pagabi na pala pag kadating ko sa Philippines for sure umaga bukas. Nag salita na ang nag iinstruction para sa safety tips, after that humingi ako ng coffee para hindi ako maka tulog. Straight flight kasi ang airplane na sinakyan ko. Habang naka tunganga naisipan kong iopen ang phone ko, pero smpre naka airplane mode na, nag back read lang ako sa messages namin ni Uncle. Siya na daw kasing bahala sa lahat ng kakaylanganin ko pag dating ko sa Philippines, basta gawin ko lang daw pinapatrabaho niya sa'kin.
Infact, yung pinapatrabaho niya ay sobrang dali lang naman sa'kin dahil sa US uso yung mga gano'ng bagay,madali ko nalang ma iiapply sa ibang tao 'yon.
Tumingin ulit ako sa watch ko, nine hours to go pa bago makadating do'n, kaylangan ko ng lakas kaya naisipan kong matulog nalang.
CASELINE POV
Nasa bus na kami pabalik sa'min, tumingin ako sa may bintana at hindi pa gaanong nawawala ang mga pag ulan ulan dahil nga bumagyo kagabi at kakaalis lang ng umaga. Sobrang saya naman na mga pangyayari sa camp, para akong na refresh pero pagod parin ako dahil sa mga pinag gagawa namin. Tumingin ako kay Jaden, natutulog siya at naka takip ng sleeping mask niya. Habang naka tingin ng matagal sa kaniya, naalala ko yung pang yayari kagabi.
FLASHBACK
Hindi ako makatulog ng maayos, iniisip ko yung mga nakakatakot na pang yayari na nangyari sa'kin, yung matandang babaeng nakita ko pati yung nag cr sa cr kanina. Bakit kaya nag pakita sa'kin 'yon? Alam niya kaya yung mga malulungkot na nakaraan ko? Imposible hindi naman kami close para malaman niya saka hindi pa naman ako ng kwekwento ng masamang nakaraan ko maliban kay Jaden. Imposible din namang ikwento ni Jaden sa kaniya 'yon edi nanginig na sa takot yung baklang 'yon.
"Girls," sabi ni Tyra, habang naka higa.
"Bakit?" tanong ni Hera.
"Tulog naba kayo?" tanong ni Tyra.
"Hindi pa malamang sumagot kami diba?" sabi ni Farrah.
"Kung hindi pa tara girls talk tayo," sabi niya.
"Girls talk about saan?" tanong ko.
"Sa'tin sa'tin lang 'to yung mga pag uusapan natin," pabulong na sabi ni Tyra.
"Ano Tyra hindi kita marinig malakas ulan sa laban," sabi ni Alayana.
"Edi lumapit ka dito, o isusog mo yang ulo mo kung saan mo'ko maririnig diba? Ano ba naman Alyana common sense din paganahin pag may time," mataray niyang sabi.
"Shh! Tama na'yan ano ba kasing pag uusapan?" tanong ko.
"Well, lapit kayo dito girls," sabi niya,sabay galaw sa pwesto niya.
"Oh ano naman yang naisip mo Tyra ha?" tanong ni Farrah.
"May naisip ako, punta tayo sa ibang kwarto tapos manakot tayo," maloko niyang sabi.
"Tyra hindi kakatuwa kung yan lang pala plano mo edi matutulog nalang ako sayang oras," sabi ni Hera, sabay talukbong ng kumot.
"Ang KJ naman nito, osige iba nalang tanungin ko nalang kayo," sabi niya.
"Hmm?" sabi ko.
"Lapit kayo dito dali," sabi ni Tyra sabay hawi sa buhok niya at yumuko ng konti.
Lumapit naman kami sa kaniya. "Ano bayon?" tanong ko.
"Well, gusto ko lang naman malaman kung sinong crush niyo sa mga kaklase natin?" tanong niya.
"Crush?" gulat na tanong ni Hera,sabay alis sa pag kaka talukbong niya ng kumot.
"Wow pag crush usapan game na game," sabi ni Tyra,sabay irap ng mata.
"Sige mauna kana Caseline," tanong niya.
Nanlaki mata ko. "Ako?" sabi ko,sabay turo sa sarili ko.
"Oo ikaw, sino ba?" tanong niya.
Nakita ko naman lahat sila ay nag aabang ng sasabihin ko, at talagang titig na titig sila sa'kin ni pag kurap ata ng mata ko ay binabantayan nila.
"Actually wala," sabi ko.
"Ha? Kala ko crush mo si Jaden kasi palagi kayong mag kasama?" gulat na sabi ni Alyana.
"Kala ko boyfriend mo na siya kasi sobrang close ninyo," sabi ni Farrah.
"Ayon sa mga narinig ko mag asawa na daw kayo kasi sabay kayo palaging umuuwi," sabi ni Hera.
Sobrang gulat na gulat ako sa mga pinag sasabi nila, hindi ko akalain na may mga gano'ng pag iisip sila tungkol sa'min ni Jaden. "Ah eh--" utal na sabi ko,dahil sa pag ka bigla ng mga pinag sasabi nila.
"Umayos ka Caseline, mag kakapatayan tayo ayusin mo isasagot mo ah," malokong sabi ni Tyra.
"Ah eh, hindi wala akong crush at hindi kami ni Jaden," sabi ko.
"Sure?" sabay sabay nilang tanong at lumapit pa sila sa'kin.
"Oo hindi talaga promise," sabi ko, habang nag hahabol ng hininga at tinaas ang kamay na senyales ng promise.
"Okay, sa totoo lang ideal guy si Jaden," sabi ni Tyra.
"Oo nga saka ang gwapo niya 'no?" kinikilig na sabi ni Hera.
Kung alam niyo lang lahat na hindi siya tunay na lalaki, baka nandiri na kayo sa mga pinag sasabi ninyo.
"Well kung ako tatanungin mas bet ko si Tristan," sabi ni Farrah.
"Ha? Bulag ka ba ate girl? Tristan eh may pag ka manyakis 'yon!" sabi ni Hera.
"Manyakis bakit may ginawa ba siya sayo?" tanong ni Farrah.
"Hoy wala 'no," sagot ni Hera.
"Paano mo nasabing manyakis eh wala naman palang ginawa sayo?" tanong ni Farrah.
"Manyakis naalala mo ba yung tanong sa kaniya yung chocoate or sex ba'yon? Sagot niya sex edi manyakis siya," sagot ni Hera.
"Hoy Hera hindi manyak tawag do'n pinapili lang siya ng gusto niya!" sabi ni Farrah.
"Kahit na manyak padin 'yon! Pwde namang chocolate ang piliin bakit sex?" pag tatanggol ni Hera sa sarili.
"Hindi nga sabi manyak yung gano'n naiintindihan mo ba?" medyo naiinis na sabi ni Farrah.
"Kahit na malibog--" naputol yung sasabihin ni Hera, ng may biglang kumatok sa pintuan namin.
"Patay baka nanay na ni Clarise yan tago!" nag mamadaling sabi ni Tyra, sabay tulakbong ng kumot sa buong katawan.
"Hoy mag situlog na kayo!" sigaw ng isang teacher mula sa labas ng pinto. Narinig siguro yung sigawan ni Farrah at Hera.
Nakaramdam ako ng uhaw, kaya naisipan kong bumaba saka mukhang gising naman yung isa naming teacher, hindi ako matatakot kumuha ng tubig sa kusina. Bumaba ako ng kama.
"Saan ka pupunta?" natatakot na tanong ni Farrah.
"Iinom ng tubig sa may kusina sama ka?" tanong ko.
Umiling siya, "Hindi salamat nalang," sagot niya, sabay talukbong ng kumot.
Bumaba na'ko, nag dahan dahan pa akong bumaba ng hagdan dahil medyo may kaingayan ang hagdan kapag inaapakan. Nakarating na'ko sa kusina, isang ilaw lang ang bukas mula sa may bintana medyo madilim na ang dinadaanan, nag lakad ako papuntang ref para kumuha ng tubig, ng maka rating ako do'n naka limutan kong kumuha ng baso, kaya naman bumalik ako ng konti para kumuha ng baso, ng makabalik na'ko sa ref, agad agad kong kinuha ang tubigan at nilagay ang tubig sa baso ko at uminom. Naka dalawang inom din ako, at ng isasara ko na ang pintuan ng ref.
"Ahhh! Anak ka ng hipopotamus!" gulat ko sabi, dahil may matangkad na lalaki ang nasa gilid ng pintuan ng ref.
"Natakot ka?" tanong niya.
"Hindi nagulat lang," sagot ko, sabay lapag ng baso sa lamesa.
"We?" tanong niya.
"Hindi nga, hindi tulad mo matatakutin---" naputol yung sasabihin ko na marealize ko na mag isa din si Jaden dito na nasa kusina. "Bakit ka nga pala nandito at himala mag isa ka ah?" tanong ko.
"Nauuhaw din ako eh," sabi niya, sabay punta sa tapat ng ref,at kinuha yung baso ko na ininuman.
"Oy teka lang baso ko 'yan!" sabi ko,pero huli na dahil nalagyan na niya ito ng tubig at ininom.
Tumingin siya sa'kin habang umiinom. "Oo nga," sagot niya,sabay lapag ng baso sa lamesa.
"Eh bakit mo--" naputol yung tanong ko sa kaniya,ng bigla niyang tinakpan ng kamay niya ang bunganga ko.
"Shh!" sabi niya,sabay lapit sa'kin habang tinatakpan ang bunganga ko.
Tiningnan ko siya at nakita kong parang may pinag mamasdan siya sa mga gilid gilid. "Bakit?" mahinang tanong ko dahil naka takip ang kamay niya sa bunganga ko.
"Tara dito," sabi niya,sabay akay sa'kin papuntang gilid ng kusina.
Umupo kami sa may bandang madilim na parte ng kusina, tanging liwanag lamang na nangagaling sa labas ang makikita mula sa may bintana. Napatingin nadin ako sa may paligid kung bakit niya ako biglang hinatak dito, pero wala naman akong napapansin ni isang kumikilos.
"Bakit ba?" tanong ko ulit sa kaniya.
"Shh! kanina ko pa napapansin mukhang aswang yung mag asawang nakatira dito," sabi niya.
Nilalis ko ang kamay niya sa bunganga ko. "Ano paano?" tanong ko.
"Sorry," banggit niya,dahil naka limutan niya alisin kamay niya sa pag kakatakip sa bunganga ko.
"Makinig ka, kanina bago ako nakadating dito sa may kusina may napansin na'ko na silang dalawang mag asawa hindi pa tulog tapos parang may pinapahid silang langis sa katawan nila," pabulong na sabi ni Jaden.
"Oh? Buti naka dating kapang kusina?" tanong ko.
"Nakita ko si Teacher Marie bumalik ng kwarto niya kaya nag lakas loob ako na pumunta dito at uminom ng tubig dahil uhaw na'ko," sabi niya.
Kinabahan ako ng konti, "Talaga sure kaba sa mga nakikita mo?" tanong ko. "Baka kasi namamalik mata ka lang?" tanong ko.
"Hindi shh! Hindi natin naririnig dahil malakas din ang ulan at hangin," sabi niya. "Huwag kang maingay may naririnig na'kong sigaw," sabi niya.
"Potek ka kinakabahan ako bumalik nalang tayo sa loob ng mga kwarto natin?" sabi ko.
"Hindi huwag pag may nakita yang tao baka kainin nila tayo, dito lang tayo mas safe dito madilim saka may mga harang," sabi niya.
"Paano mo naman nalaman na aswang?" mahinang tanong ko. Biglang kumidlat ng malakas, napahawak ako kay Jaden.
"Nag babasa kasi ako at nag basa ako ng mga kwento kwento bago tayo pumunta dito sa Loposean City," sabi niya, habang kinokoveran ang ulo ko dahil naka tago ako ng dahil sa kidlat.
"Oh anong nabasa mo?" mahinang tanong ko habang naka yuko padin at naka hawak kay Jaden.
"Gumigising sila ng mga gantong oras tapos nag lalagay ng langis sa katawan tapos bigla daw mag iiba ang anyo nila," kinakabahang sabi ni Jaden.
Nanlaki mga mata ko at feeling ko napayakap na ako kay Jaden. "Talaga?" natatakot kong tanong.
Tumango siya. Maya maya may narinig kaming sigaw, sigaw na hindi humihinga ng tulong o kung ano pa man, isang sigaw na parang nabunutan ng mga kayarom sa katawan.
"Ayan na 'yon," sabi ni Jaden, sabay yakap sa'kin at umusog kami sa may gilid pa kung saan madilim na pwesto talaga.
Hindi ko alam ang dapat kong maramdam sa mga oras na'to parang hindi gumagawa ang utak ko, tanging nagagawa ko lamang ay mag tago dito sa dilim, habang naririnig ang mga nakakatakot na tinig na'yon. Kasabay pa nito, ang pag bugso ng malalakas na hangin at malalakas ng tipak ng ulan sa labas.
Lumipas ang oras hindi ko namalayan umaga na, nasilawan ako sa sikat ng araw mula sa may bintana, kaya agad naman ako napabalikwas, napansin kong dito na pala ako sa kusina naka tulog buong gabi, at pag ka tingin ko ay naka hilata si Jaden at naka yakap sa'kin, agad agad ko namang tinanggal ang kamay niya at ginising siya.
"Jaden gising umaga na baka may makakita sa'tin dito," nag mamadaling sabi ko,habang tinatapik siya.
Napamulat naman agad ang mga mata niya. "Umaga na," mahinang sabi niya, sabay hikab.
"Oo bilisan mo, baka may makakita sa'tin," sabi ko,sabay tayo.
END OF FLASHBACK
Nakatingin padin ako kay Jaden, swerte ko lang siguro sa mga oras na'yon at nadoon din siya kasi kung wala siya do'n baka nakain na ako ng mag asawang aswang na'yon.
"Ilang minuto nalang makakauwi na kayo," sabi ni Teacher Marie,habang hawak hawak ang microphone.
Salamat naman at makakauwi nadin kami, makakapag pahinga nadin ng maayos sa kanya kanya naming mga bahay.
Naramdaman kong nagising si Jaden, sa gilid ko.
"Anong oras na?" tanong niya,sabay tanggal ng sleeping mask niya.
Tumingin naman ako sa cellphone ko. "5 na ng hapon," sagot ko.
Uminat siya. "Salamat naman makakauwi nadin,"sabi niya sabay hinga ng malalim.
Tiningnan ko siya. "Jaden salamat ah," sabi ko,sabay kagat ng labi ko.
"Salamat saan?" nag tatakang tanong niya,habang nag mumuta pa ng mata niya.
Tumingin ako sa malayo, "Salamat dahil kagabi kung wala ka baka patay na'ko ngayon," sabi ko,sabay hinga ng malalim.
Natawa siya. "Wala 'yon, kung wala kadin do'n baka nahimatay naman ako sa takot," sabi niya.
Napangiti ako at tumingin sa may bintana ng bus. Ilang minuto ang lumipas at huminto na ang bus, saktong nasa tapat kami ng school.
"Mauunang bumaba ang nasa unahan," sabi ni Teacher Marie.
Smpre mauuna talaga ang mga naka upo sa harapan dahil sila ang malapit sa pinto palabas, ano ba namang klase 'yan.
Nag silabasan na ang mga kaklase ko at kinuha ko na ang dala dala kong bag, at lumabas nadin ng bus napansin kong pumunta si Ensley sa bandang likod ng bus, nandoon kasi nakalagay ang mga maleta nila. Pinuntahan ko siya.
"So kamusta ang trip?" tanong ko.
"Masaya naman," sabi niya,sabay kuha ng maleta niya.
"Nga pala Ensley," sabi ko.
"Bakit?" tanong niya.
"Gusto mo padin ba siya?" tanong ko.
"Sinong siya?" tanong niya.
Tumingin ako kung nasaan banda si Jaden, at siya ang tinutukoy ko kung gusto paba siya ni Ensley.
Natawa siya. "Bakit? Dahil ba 'to sa pag tatakip ko sa kaniya sa camp?" tanong niya.
Tumango ako.
"Hahaha hindi, hindi ko na siya gusto ginawa ko lang 'yon para sa'yo," sagot niya.
"We? Para sa'kin ba talaga?" tanong ko,sabay kaming nag lakad papalayong bus.
"Oo hindi na, mas concern ako sayo kaibigan kita eh," sabi niya, sabay tingin at ngiti sa'kin.
Natawa ako. "Oo nga naman haha, ingat ka pauwi ah," sabi ko, sabay lakad papalayo sa kaniya.
"Bye Caseline, pahinga ka ng maiigi," sabi niya,sabay kindat at pasok sa kotse nila.
Nag lakad na'ko papunta sa kotse nila Jaden, sakto kasing nag aantay na doon 'yon pag kadating palang ng bus namin. Pumasok na'ko sa kotse, napatingin ako sa may salamin ng kotse at bakas sa mukha ko ang kulang sa tulog dahil sa nangyari kagabi. Narinig kong bumukas ang pintuan ng kotse sa front seat sumakay sa siguro si Jaden.
"Kamusta ang Camp Tour mukhang enjoy na enjoy kayo ah?" masayang bungag sa'min ni tito Eli.
"Okay lang po," pagod na sagot ko.
"Dad umuwi nalang tayo pag usapan nalang natin yan next day," sabi ni Jaden.
"Okay mukhang pagod na pagod kayo eh, tara na lagay niyo na seatbelt ninyo," sabi ni tito Eli,sabay drive sa kotse.
To be continue.......
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro