Chapter 38
CASELINE
"May kailangan kayo malaman."
Narinig kong nag mamadaling sabi ni Teacher Marie, habang hawak hawak ang cellphone niya. Nasa loob na kasi kami ng nirentahan naming bahay. Nag aayos na din ng gamit ang lahat para sa pag alis bukas.
"Hindi tayo makakaalis agad bukas dahil may paparating na bagyo ngayong gabi," aligagang sabi ni Teacher Marie.
Nako naman! Wrong timing naman yung bagyo, uwing uwi na'ko eh!
"Kaya yung natalong grupo mag simula ng mag linis ng mga pwdeng linisin ngayon," sabi ni Sir Arnold.
Pumunta na kami ng second floor, nilagay yung mga konting gamit galing sa bundok.
"Bakit ngayon pa talaga mag kakabagyo?" tanong ni Hera.
"Oo nga eh, tapos mamayang gabi pa ang dating," sagot ni Tyra.
"Basta ako matutulog lang," singit na sabi ni Alyana.
"Matutulog? Eh mag ka grupo tayo mag umpisa na tayong mag linis," sabi ko.
"Ay oo nga pala," sabi niya.
"Aww, hindi kayo makakapag pahinga," sabi ni Hera.
"Oo nga eh wala naman magagawa talo grupo namin," sabi ko,habang inaayos yung mga laman ng bag ko.
"Alyana, mag papalit lang ako ng damit tapos umpisa na tayong mag linis malapit nadin kasing mag gabi," sabi ko.
"Sige mauna na akong mag linis," sabi ni Alyana.
Pumunta muna akong cr para mag palit ng damit, nangangamoy pawis na kasi simula noong nasa tent palang kami sa bundok. Pag ka tapos kong mag palit ng damit, kumuha na ako ng walis at map para linisan ang ground floor ng bahay na 'to, nakita ko naman si Alyana na nag lilinis ng mga bintana, hindi ko napansin kung saan sila Jaden, siguro sa mga kwarto nila sila nag lilinis. Habang nag lilinis nakita ko ang isang matandang babae na naka upo at naka tingin sa may bintana.
Siguro isa din siya sa may ari ng bahay na 'to.
Hindi ko na pinansin, nag patuloy nalang ako sa pag wawalis at maya maya ay aasikasuhin ko naman ang pag mamap nitong tiles. Maya maya pa ay nakita ko si Teacher Marie, lumabas ng kwarto.
"Ayusin ninyo pag lilinis diyan ah, mag iingat din kayo huwag lalabas paparating na daw ang bagyo mamaya," sabi niya, sabay pasok ulit sa kwarto.
Nye, eh mamaya pa naman yung bagyo huwag masyadong excited Ma'am!
Natapos na ako sa pag wawalis, kaya naman pumunta ako ng cr para lagyan ng tubig yung ipang mamap ko sa sahig. Palabas na ako ng pinto ng cr ng makita ko si Ensley, may hawak hawak itong basahan at mukhang palabas siya ng bahay.
Nag patuloy na ako sa pag mamap ng sahig, medyo may kalakihan kasi ang bahay kaya mukhang matatagalan ako sa pag mamap, habang ginagawa ko ito nakaramdam ako ng pagod kaya naman naisipan kong pumunta ng kusina ng bahay na ito para uminom ng tubig. Nasa kusina na ako, mapapansin na masyadong luma na ang mga kagamitan sa kusina at yung bintana ng kusina ay gawa lamang sa kahoy, hindi din gaanong malakas ang ilaw sa loob ng kusina. Natapos na akong uminom ng tubig, nag patuloy ako sa pag mamap, napa lingon ako sa bandang kanan ko kung saan nandoon ang matandang babae kanina kaso....
Wala na siya? Naka upo lang 'yon kanina diyan ah? Pati upuan wala nadin? Nakakapag taka naman.
Pinag patuloy ko ang pag mamap ko ng sahig,napatingin ako sa may bintana sa labas, napansin kong mag isa lang si Ensley, naisipan kong tulungan siya sa pag pupunas ng gilid gilid sa labas. Oo alam kong hindi kasi bati, pero iba naman yung tutulungan mo yung tao. Lumabas na ako ng bahay, at pumunta sa kaniya.
"Tulungan na kita diyan," sabi ko, sabay kuha ng basahan.
Huminga siya ng malalim. "Kakapagod," sambit niya.
"Gano'n talaga talo tayo, tingin ko kasalanan ko bakit tayo natalo," sabi ko, sabay punas ng doorknob.
"Baka nga pero may kasalanan din naman ako," sabi niya.
Napatingin ako sa kaniya. "Ikaw? Wala ako may kasalanan, kami ni Jaden," sabi ko.
"Come on Caseline, malinaw na sa'kin lahat," sabi niya.
"Malinaw ang alin?" tanong ko, sabay lapag ng basahan.
"Well, ang totoo niyan nainis lang ako dahil hindi mo ako pinag kakatiwalaan pero--" naputol yung sasabihin niya, dahil niyakap ko siya.
"Sorry."
Natawa siya. "Haha hindi ka padin nag babago," sabi niya.
"Sorry Ensley, sana mag bati na tayo hindi ko kaya yung ganito," naiiyak na sabi ko, habang naka yakap sa kaniya.
Inalis niya ako sa pag kakayakap at tiningnan. "Hindi mo kasalanan Caseline, may mali din sa pag kaka intindi ko," sambit niya.
"Pero mali ko dahil hindi ko sinabi sayo, hindi kita pinag katiwalaan," sabi ko.
Umiling siya. "Siguro nga mali mo sa part na 'yon pero, ngayon lang ako naliwanagan na may mga bagay na hindi dapat sabihin o hindi kaya hindi agad dapat sabihin," sabi niya, sabay tapik sa balikat ko.
"Pero hindi dahil kaibigan kita." "Kaibigan kita dati," sabi ko, sabay yuko.
Natawa siya. "Sineseryoso mo talaga mga sinabi ko sayo?" sabi niya.
Tumango naman ako.
Natawa lalo siya. "Hahahaha smpre galit ako no'n pero yung mga sinabi ko ay dala lang ng galit," sabi niya.
"So ibig sabihin mag kaibigan padin tayo?" tanong ko.
"Hahaha obvious ba?" sabi niya.
Umiling ako, "Hmmm hindi."
"Hahaha ewan ko sayo, oo mag kaibigan padin tayo," naka ngising sabi niya.
Nakaramdam ako ng saya sa puso ko, dahil malinaw na sa'kin lahat ngayon na mag kaibigan parin pala kami ni Ensley.
"Talaga?" hindi makapaniwalang sabi ko.
"Oo naman bakit ayaw mo ba?" tanong niya.
"Ahh hindi hindi, smpre gusto ko," sabi ko.
"Hahaha 'yon naman pala eh, tuloy nanatin pag lilinis natin," sabi niya.
"Ensley, sorry talaga ah," sabi ko.
"Bayaan mo na yun, kalimutan nanatin ang nakaraan," sabi niya.
"Hindi ko na ulit gagawin 'yon," sabi ko.
"Sure?" sabi niya.
"Sure! Mamatay man ako ngayon," sabi ko,sabay panata ng kamay.
"Bestfriends?" sabi niya, sabay abot ng hinliliit niyang daliri sa'kin.
"Bestfriends."
Pinag patuloy na namin ang palilinis, maya maya pa ay nakaramdam kami ng malakas na hangin, at biglaang pag ulan.
Ito na siguro yung bagyo, dumating na.
Dahil hindi pa kami tapos sa pag lilinis, kaylangan namin ng payong dahil maulan, naisipan kong kumuha ng payong sa kwarto para gamitin habang nag lilinis kami.
"Ensley? Kukuha muna ako payong," sabi ko.
"Sige sige bilisan mo ah," sabi niya.
Agad agad naman ako nag lakad ng mabilis papasok nf bahay kaso....
Heck? Biglang namatay lahat ng ilaw! Brownout siguro, ano ba naman yan kung saan---
Puk!
Muntik na akong madulas, naalala ko kaka map ko lang pala ng sahig, buti nalang! Wait! Sino itong naka hawak sa mga braso ko? Baka mamaya multo 'to patay na! O hindi kaya maligno! Sh*t.
Bibitiw na dapat ako sa pag kakahawak sa braso ko, dahil hindi ko din naman nakikita kung sino ang sumalo sa'kin, aalis na dapat ako ng biglang---
Tak!
Ang shunga naman talaga, nadulas ulit ako at mas lumala pa ang sitwasyon, dahil nandito ako naka hawak sa dibdib ng hindi ko nakikita na nilalang, ni hindi ko alam kung tao ba ito or kung ano man.
"Hays sorry po hindi ko sinasadya--" naputol sasabihin ko ng mag salita siya.
"Ayos ka lang?" tanong ng isang maamo at pamilyar na boses.
"Opo ayos lang," sagot ko,sabay nag sibukasan naman ang mga ilaw.
Napatingin ako sa naka hawak at sumalo sa'kin.
Ha? Si Jaden nanaman? Nako, po help me!
Nanigas ang mga kamay ko na naka hawak sa dib dib niya, pati nadin ang tingin ko ay parang napako na din sa kaniya, paano ba naman kasi pag bukas ulit ng mga ilaw ay nakita ko ang mga magagandang ngiti niya at mapupungay niyang mata.
Napalunok ako ng laway ko. Naka tingin padin sa mga mata niya, at siya naman ay naka tingin din sa mga mata ko. Walang kurap kurap,deretchong tingin lang.
"Hoy? Kayong dalawa ayos lang kayo?" nagulat ako sa pag sasalita ni Teacher Marie.
Napa bitaw ako agad kay Jaden, at napa iwas ng tingin.
"Wow para kaming nanunuod ng teleserye ah," malokong sabi ni Tyra mula sa second floor, na naka dungaw dito sa first floor.
Kami? Anong ibig niya sabihin? Napatingin ako sa buong paligid, putek! Halos lahat pala ng kaklase namin ay nasa labas at naka tingin sa aming dalawa ni Jaden! Ano ng gagawin ko nakakahiya?!
"Caseline? Ayos ka lang?" tanong ni Rj, mula sa tapat ng kwarto niya.
Tumango naman ako at nag dali daling pumunta ng cr. Nag hilamos ang ng tubig, at humarap sa may salamin.
"Nakakahiya! Argh!" sabi ko, sabay saboy saboy ng tubig sa may salamin.
Nag hilamos ulit ako ng pangalawang beses, at narinig kong may nag bukas ng pinto sa cr, hindi ko naman ito pinansin dahil nag hihilamos ako.
"Nakakahiya ka talaga Caseline!" bulalas ko,sa may harap ng salamin.
Kumuha ako ng sabon sa may gilid at sinabunan ang kamay ko, binuksan ko na ang gripo at napasin kong may nag flush sa isang banyo, hindi ko na ito pinansin nag patuloy nalang ako sa pag hugas ng kamay ko, maya maya pa ay bumukas ang pintuan ng cr nakita kong papasok si Ensley.
"Loka ka inantay kita sa labas nandito ka lang pala," sabi niya.
Hala oo nga nag paalam pala ako sa kaniya na kukuha ako ng payong nakalimutan ko na!
"Sorry naka limutan ko nag cr muna ako," sabi ko.
"Gano'n ba bayaan mo na, kakain naman na daw tayo," sabi niya, sabay papasok sa may cubicle
"Wait may tao diyan," pag pigil na sabi ko sa kaniya.
"Ha? Tao? Walang tao," sabi niya.
Ha? walang tao eh narinig ko kanina may nag flush pa diyan kanina. Pumunta ako kay Ensley kung saan siya mag ccr, at nakita ko na wala nga talagang tao. Heck!
"Wala ngang tao," sambit ko.
"Hello? Caseline okay ka lang?" tanong niya.
"Ensley maniwala ka man o sa hindi narinig kong may pumasok bago ka at nag flush pa nga," sabi ko.
Nagulat ang reaksyon ni Ensley. "Ano sure ka?" tanong niya.
"Oo," sabi ko.
Dalawa lang naman ang cubicle ng cr na ito kaya naman naisipan ni Ensley na tingnan ang isang cubicle, para i sure kung may tao nga ba o wala.
"Wala naman talagang tao Caseline," sabi niya.
Nag umpisa na akong makaramdam ng takot, nararamdaman kong parang tumatayo ang mga balahibo ko.
"Wala nga," takot na sabi ko.
"Putek ka Caseline nakakatakot ako paano ako makaka ihi nito?" sabi niya.
"Ah eh, babantayan kita dito sa labas," sabi ko.
"Ha? bakit sa labas samahan mo ako sa loob!" sabi niya.
"Samahan ka sa loob? Baliw ka ba Ensley?" sabi ko.
"Oo samahan mo ako sa loob huwag ka lang tumingin," sabi niya.
"Sure k--" naputol yung sasabihin ko, bigla niya akong hinatak paputang loob ng cubicle.
"Putek ka Ensley," sabi ko, habang naka talikod sa kaniya.
"Mabilis lang ako antayin mo nalang ako," sabi niya, habang umiihi.
Talaga itong babaeng 'to! Kung hindi lang kami mag kaibigan hindi ko gagawin yung mga nakakasukang bagay tulad nito.
"Tapos na," sabi niya, sabay flush.
Lumabas na kami ng cr, at nakita namin nag aasikaso na silang lahat para sa hapunan, malakas padin ang ulan dahil may bagyo, at kitang kita ang pag galaw ng mga puno sa labas dahil sa lakas ng hangin.
"Nandiyan na pala kayo, kumain na tayo," pag aalok ni Sir Argoncillo.
"Opo Sir," sabi namin ni Ensley.
Nag umpisa na kaming kumain, na upo na sa kanya kanyang pwesto, nag umpisa ng mag dasal para sa hapunan. Maya maya pa ay, biglang nag salita si Rj.
"Ma'am tayo lang kakain hindi kasama yung matandang babae?" tanong niya.
"Matandang babae si Aling Carmen ba?" sabi ni Ma'am.
Maya maya pa ay may lumabas na matandang babae mula sa may kusina, pero hindi naman siya mukhang masyadong matanda tulad ng isang matandang babae na nakita kong naka upo at naka tingin sa may bintana kanina.
"Iho, kumain lang kayo diyan dito nalang kami kakain ng asawa ko," sabi niya.
"Gano'n ho ba? Eh saan na po yung isang matandang babae nakasama niyo din po?" tanong ulit ni Rj, sabay subo ng pag kain.
Napatingin ako kay aling Carmen, na tila inaantay din ang sagot niya sa tanong ni Rj, pero bakas sa mukha niya ang pag ka gulat sa tanong.
"Ah eh, iho dalawa lang kami ng asawa ko dito," sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni aling Carmen, at nabulunan din ako sa pag subo ko ng pag kain.
"Ayos ka lang Caseline?" tanong ni Ensley, habang hinihimas ang likuran ko dahil nabulunan ako.
Tumango naman ako at uminom ng tubig.
"Talaga ho? Eh bakit nakita ko kanina may isang matandang babae na nag lalakad lakad sa labas ng hardin," sabi ni Rj.
Nag katinginan sila Teacher Marie, Sir Arnold, Sir Argoncillo at Ma'am patty, wari'y may alam sila sa mga nangyayari, tumingin naman ako kay aling Carmen hindi na siya sumagot pumasok ulit siya sa kusina.
"What the? Guys? Hindi kaya't minumulto na tayo," sabi ni Charlie.
"Tumigil ka diyan bansot at kumain ka!" naiinis na sabi ni Tyra.
"Bilisan ninyong kumain, at may ikwekwento ako sa inyo," sabi ni Teacher Marie.
Sa pag kakasabi palang ni Teacher Marie, alam ko na agad na may alam siya sa mga nangyayari dito, lalo tuloy akong kinakabahan na may halong takot pero may halo ding excitement sa ikwekwento niya. Nag patuloy lang kami sa pag kain, at pag ka tapos ay dinadala namin ang mga hugasin sa may kusina. Ang mga lalaki naman ay inutusan ni Sir Arnold na igilid ang mesa. Bumalik na ulit kami, at tila may pinag uusapan ang mga guro namin.
"Umupo kayong lahat sa lapag," sabi ni Teacher Marie.
Dapat mag pasalamat silang lahat sa'kin ako nag map ng sahig kaya mabango at malinis 'to.
Biglang namatay ang lahat ng ilaw, at biglang nag sindi ng kandila si Teacher Marie at nilagay ito sa gitna namin.
"Wala titingin sa likuran, deretchong tingin lang sa kaharap ninyo o sa may kandila," sabi ni Sir Arnold.
Ang creepy naman nito! Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon, may parang kung anong malamig na hangin ang umiikot sa buong katawan ko.
"Mag uumpisa na kami ng kwento, sa kababalaghan dito sa loob ng bahay na ito," sabi ni Teacher Marie.
"Hindi pa nag sisimula na iihi na ata ako," sabi ni Marisse.
"Walang pupunta kung saan kung ayaw mong mag pakita sayo," sabi ni Ma'am.
Putek ah, nakakatakot na talaga 'to dagdagan pa ng gabi at bumabagyo.
"Opo," sagot ni Marisse.
"Nag papakita lamang siya sa mga taong may malungkot na nakaraan," sabi ni Teacher Marie, habang naka tingin sa may kandila.
"Dahil bago siya patayin ay naransan niya ang hinagpis sa buhay," dag dag pang sabi ni Sir Arnold.
"Minsan ay mag papakita siya ng malapit, minsan malayuan pero minsan kumakausap din siya ng buhay," sabi ni Ma'am Patty.
"Ah excuse po ano pong pinag uusapan natin?" panirang tanong ni Alyana na hindi gets ang pinag uusapan.
"What the f*ck Alyana, hindi ko akalain na ganiyan ka slow!" sabi ni Tyra.
"Hindi dapat ginagawang biro ang usapang ito," sabi ni Sir Argoncillo.
Natahimik kaming lahat at wala ng nag salita.
"Umpisahan nanatin ang kwento ni Clarisa," sabi ni Teacher Marie.
Sa pag sasalita niyang 'yon talaga hindi na napigil ang pananayo ng balahibo ko sa takot.
"Ang babaeng si Clarisa ay anak ng isang heneral sa panahon pa ng mga hapones, maganda at matalino at sikat na sikat siya sa kanilang baryo," kwento ni Teacher Marie.
"At dito sila nakatira sa bahay na 'to," dagdag pang sabi ni Sir Arnold.
"Si Clarisa ay pinag malupitan ng tadhana, ikinasal kay Prinsepe Havier isang Prinsepe sa Italya noong panahon ng mga hapones," kwento ulit ni Teacher Marie.
"Pinatay siya ng Prinsepe dahil sa selos, at dahil sa ka gustuhan niyang makauwi sa bahay na ito, nag padala siya ng liham sa mga magulang niya bago siya mamatay," kwento niya ulit.
"Teka eh sino yung matandang babae na nakita ko kanina? Siya na ba 'yon si Clarisa?" tanong ni Rj.
Tama si Rj, bakit naman matandang babae yung nakita ko din kanina eh mukhang hindi pa naman matanda yung Clarisa nung pinatay siya.
Umiling si Teacher Marie. "Hindi talaga siya 'yon Rj, dahil yung nakita mong matandang babae kanina ay nanay niya," sabi nito.
"Po?" nagugulang tanong ni Rj.
"Noong nag padala ng liham si Clarisa, na gusto na niyang maka uwi dito sa bahay na ito, isang linggo at nalaman ng nanay niya na pinatay pala siya ng asawa niya kaya naman sinaksak niya ang sarili niya," sabi ni Sir Arnold.
Hindi pala tao yung nakita kong matandang babae kanina putek! Buti nalang hindi ko naisipang lapitan!
Napatingin ako kay Jaden, nakikita kong tumutulo tulo na ang pawis niya, mukhang takot na takot siya.
"Pag nakita niyo ang nanay ni Clarisa huwag na huwag ninyong lalapitan, dahil sa pag kakaalam namin may pinatay na siyang tao, isang lalaki," sabi ni Teacher Marie.
"Ah bakit ko siya nakita?" tanong ko.
"Baka may malungkot kading nakaraan kaya nag pajita sayo," sabi ni Tyra.
Oo nga pati multo hindi nag kamali mayroon nga din akong malungkot na nakaraan at hindi pa ito lubusang nabubura sa isipan ko.
"Baka type lang ako nun," sambit ni Rj.
Boogsh!
"Ahhh!" napasigaw kaming lahat, dahil may nabasag ata sa loob ng kusina.
"Wala iyon may nabasag--" naputol yung sasabihin ni aling Carmen.
"Ahhhh mutlo!" sigaw ng ilang kababaihan sa amin.
Biglang bumukas ang lahat ng ilaw.
"Haha hindi multo, map lang ito mukhang buhok kasi naka patay yung ilaw," sabi ni aling Carmen.
Napahawak ako sa dib dib ko, natakot din ako. Kala ko muklo na mahaba buhok, yung map pala naka balikwas ako at...
"Huwag kang umalis," sabi ni Jaden, habang hawak hawak ang braso ko.
"Ano ba? May makita sa atin maiissue pa tayo," sabi ko.
"Ayoko huwag baka mag pakita nanay nung Clarisa," pabulong at nanginginig niyang sabi.
"Ano kaba? Wala 'yon madami tayo oh tingnan mo," sabi ko.
Tumingin siya sa paligid, at binitawan na ang braso ko.
Nakita ko din ang pag tatakang tingin ng iba namin kaklase kay Jaden, mukhang nakita nila yung ginawa ni Jaden at halata kasing takot na takot siya.
"Ahhh natatakot din ako," sabi ni Ensley, sabay yakap sa'kin.
Medyo hindi naman plastik pag katakot mo bes ah?
Nagulat ang tingin ni Jaden sa aming dalawa at sabay turo nito, kay Ensley saka sa'kin. Para bang nag tatakang tanong ng mga mata niya ay okay na kayo?
Habang nakatingin naman si Jaden, ay napa tango ako sa kaniya na para bang sinagot ko yung tanong niya ng oo bati na kami.
"Pst! Ensley, okay na bukas na mga ilaw umalis kana diyan," pabulong kong sabi.
"Hehe girl, ginawa ko lang 'yon para hindi nila mapansin si Jaden," sabi niya.
Wow? Concern ba siya kay Jaden? O sa'kin? May pag tingin padin kaya siya kay Jaden kahit alam niya na ang tungkol sa pag ka babae nito?
To be continue......
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro