Chapter 37
CASELINE
Nagising nalang ako na umaga na pala, dinilat ang aking mata. Hindi ko padin makalimutan yung nangayari kagabi, parang panaginip lang ang lahat.
FLASHBACK
"Uy?" sabi ni Jaden,sabay tapik sa akin.
"Ah?" napatigil ako sa pag kakatingin sa kaniya.
Natawa siya. "Deep talks tayo," sabi niya, sabay bugtong hininga.
Tumango naman ako.
"Medyo matagal nadin tayong mag kakilala,pero wala pa akong masyadong alam sa buhay mo," sabi niya.
"Gusto mo ba talagang malaman?" tanong ko.
"Oo naman bakit hindi?" sabi niya.
"Gusto ko ding malaman ang mga bagay na hindi ko pa alam sa buhay mo," sabi ko.Ewan ko bakit ko nasabi 'yon.
"Uumpisahan ko na," sabi niya.
"Wala na akong mama," malungkot niyang sabi.
Nagulat ako sa sinabi niya dahil kung gano'n ay parehas kami. "Wala ka nading ina bakit?" tanong ko.
"Sumakabilang bahay na," sagot niya.
"Sumakabilang bahay? Ano 'yon?" nag tatakang tanong ko.
"Haha edi nasa ibang pamilya na," sagot niya.
"Paano mo nalaman?" tanong ko.
"Sabi ni daddy eh, hindi ko pa nakikita ng personal ang nanay ko," sabi niya.
Hindi ko akalain na may ganito palang mga problema at malulungkot na nakaraan ang naka balot sa isang Jaden Saber.
"Hmmm ako naman wala ng mama dahil sumakabilang buhay na," sabi ko.
Medyo nalungkot siya at napatingin sa akin. "Sorry baka hindi ka pa ayos," sabi niya.
"Haha tanggap ko na ilang taon na simula ng nangyari 'yon," sagot ko.
"Bakit sumakabilang buhay anong dahilan?" tanong niya,sabay hagis ng bato sa lawa.
Napahinga ako ng malalim sa tanong niya, dahil ang tanong na iyon ang pinaka iniwas iwasan ko, hindi dahil hindi ko gusto yung tanong kundi, bumabalik ang nakaraang dapat ay limot ko na.
Tumingin siya sa akin. "Kung hindi mo kayang sabihin ayos lang--" pinutol ko yung dapat na sasabihin niya.
"Hindi ayos lang, pero sa ating dalawa lang sana," sabi ko.
"Smpre, sekreto lang natin yung mga pinag usapan natin dito ngayon," sabi niya, sabay hawi sa buhok niyang naka brush up style.
"Nalooban kasi kami dati noong bata pa ako," sabi ko.
"Nalooban ng? Mag nanakaw?" nag tatakang tanong niya.
"Oo hindi pa kami dati naka tira kung saan man kami naka tira ngayon,pinasok loob ng bahay namin noon, bata pa ako noon, binaril si mama at," huminga muna ako ng malalim.
Hinimas naman ni Jaden ang likod ko, dahil parang maiiyak na ako sa kwenkwento ko.
"At nakita ko 'yon harap harapan," sa wakas na sabi ko din.
Pinatong niya ang isang kamay niya sa noo niya. "Gano'n pala."
"Saka kaya ako takot sa dilim, hindi dahil sa mga multo o kung ano man kundi, noong araw na binaril si mama tinago ako ni papa sa loob ng cabinet,para hindi ko makita ang nangyayari pero hindi masyadong na lock ng maayos ang cabinet nakikita ko ang mga tao mula sa labas sa gitnang bahagi ng cabinet, tinitingnan ko sila nakita ko ang ginawa--" naiyak na ako, hindi ko na napigilan.
"Shhh shhh! Tahan na," sabi niya, habang hinihimas ang likod ko.
"Hindi ko makalimutan ang pangyayaring 'yon," naiiyak ko sabi.
"Hindi nanatin maiibalik 'yon Caseline, pero nandito ka ngayon lumalaban sigurado akong natutuwa ang mama mo kung nasaan man siya ngayon," sabi niya.
Napatingin ako sa kanya at huminga ng malalim. "Ikaw ba? Iiwan mo din ba ako?" hindi ko alam kung bakit ko tinanong kay Jaden yung mga ganitong bagay.
Nagulat siya sa sinabi ko. "Simula nung nakilala kita, naging mag kaibigan na tayo kaya naman, Oo Caseline kahit anong mangyari hindi kita iiwan," sabi niya, sabay hawak sa kamay ko.
Oo hinawakan niya kamay ko ng walang pag aalinlangan, hinawakan niya ito ng napaka higpit, ramdam na ramdam ko naman ang init na nag mumula sa palad niya. Hindi ko na maalis ang kamay ko, sobrang komportable ng pag kakahawak namin ng kamay sa isa't isa.
"Masaya ako dahil nakilala kita," sambit niya, habang naka ngisi at naka tingin sa akin.
Napangiti din ako,hindi ko alam kung bakit ako napa ngiti? Parang may kung anong masayang pakiramdam ang naramdaman ko.
"Masaya din ako dahil nag kakilala tayo," sabi ko.
Sh*t ano ba itong pinag sasabi ko? Hindi kaya't nababaliw na ako?
"Tandaan mo nandito lang ako palagi para sayo, hinding hindi kita iiwan at mamah---"
END OF FLASHBACK
Teka? Ano nga ulit yung sinabi ni Jaden? Yung hindi niya ako iiwan at? Takte! Hindi ko na matandaan, basta nagising nalang ako na nandito na ako sa loob ng tent at umaga na.
"Ahhhh!" napasigaw ako, dahil kinikilig ako sa nangyari kagabi.
"Caseline? Ayos ka lang?" tanong mula sa kalahating tent.
Ay f*uck! Oo nga pala si Jaden ang kasama ko ngayon dito sa tent, siya ang kahati ko ng tent! Putek! Bakit ako sumigaw ng gano'n, masyado naman ata akong kinikilig.
"Ah? Oo ayos lang ako," sagot ko.
Bobo mo Caseline! Hindi ka nag iingat nandiyan lang siya mamaya may nasabi kang kinikilig ka edi na buking ka! Wait? Nabuking? Saan ako mabubuking?
Oy! Hindi ko siya gusto! Wala akong gusto sa kaniya! Nag tatalo na ata ang isip ko saka damdamin ko putek!
"Gumising na kayo, ito na ang huling game at sasabihin na kung sino ang nanalo!" narinig kong sigaw ni Ma'am Petty, mula sa labas ng tent.
JADEN POV
Umaga na nasa isip ko padin yung pangyayari kagabi. Hindi ko akalain na sensitive pala si Caseline ng sobra, dahil may mga pang yayaring hindi maganda ang nangyari sa buhay niya.
Kaya tama lang na protektahan ko siya!
Huh? Bakit ako nag kakaganito? Hindi pa ba sapat Jaden na niligtas mo siya kagabi? Bakit gumagawa kapa ng batas sa sarili mo na proprotekhan mo siya? Ano bang nangyayari sayo?
"Hoy! Jaden anong tinutunganga mo diyan ikaw nalang wala sa linya!" pasigaw na sabi ni Sir Argoncillo.
"Ah sorry po Sir!" sabi ko, sabay punta ng maayos sa linya ng mga lalaki.
"Okay makinig kayong lahat ito na nag next game natin, pag katapos ay iaanunsyo na kung sino ang nanalong grupo," sabi ni Sir Argoncillo.
"Ano pong gagawin sa next game?" tanong ni Charlie.
"Oo ito na wait ka lang excited ka?" pilosong sabi ni Sir.
"Simple lang ang gagawin gagawa ang kada grupo ng bahay para sa mga aso," sabi ni Sir Argoncillo.
"Ha? Paano naging game 'yon? Eh task 'yon?" pag tatakang tanong ni Tyra.
"Game saka task pinag sama ko na may problema?" tanong ni Sir.
"Ah--ehh wala naman po Sir," sagot niya.
"Task ito dahil tutulong tayo sa mga asong walang tirahan, at game ito dahil kaylangan padamihan at pagandahan ang bawat grupo ng gawa," sabi ni Sir.
"Whooo! Eto nanaman tayo, mag papagod nanaman!" malokong sabi ni Rj.
"Sige Rj, mag reklamo kapa automatic talo ang grupo ninyo," masungit na sabi ni Sir.
"Joke lang Sir, ito naman hindi mabiro!" sabi niya.
"Ito ang mga pako at mga materyales sa pag gawa, pag dating sa kahoy walang problema dahil madaming kahoy ang pwdeng gamitin sa tabi tabi," sabi ni Sir, sabay lapas ng mga materyales na gagamitin.
"Mag start na," sabi niya.
Pumunta naman kami sa mga gilid at kumuha ng mga lumang kahoy, napansin kong tamad na tamad si Ensley, at si Alyana naman ay parang walang tulog.
"Uy? Anong anong oras ba kayo naka balik dito sa tent kagabi?" tanong ni Alyana, habang humihikab hikab pa.
Hindi ko naman pwdeng sabihin yung nangyari kagabi, naka mamaya ichismiss pa niya sa buong klase 'yon.
"Ah hindi ko nadin masyadong maalala eh," sagot ko.
Ang totoo niyan, noong habang nag uusap kami ni Caseline, biglang naka tulog siya, kaya naman binuhat ko siya pabalik ng tent, sakto naman nag aantay sila Teacher Marie at Sir Arnold, ang nirason ko nalang ay napagod na si Caseline kakahanap ng flag at naka tulog, kaya nauna na kaming bumalik dito sa tent, kahit ang totoo ay nag hiwa hiwalay kami ng pag hahanap ng mga flags. Hindi ko lang alam kung anong rason ang ginawa nila David at Ensley nung maka balik na sila ng tent.
"Ah gano'n ba iniwan ninyo ako nakakainis!" pasigaw na sabi ni Alyana.
Ako naman itong tinakpan ang bibig niya. "Shhh huwag kang maingay, gusto mo bang matalo grupo natin at maparusahan?" sabi ko.
"Ah hehe okay okay sorry hindi na mag iingay," sabi ni Alayana.
Pumunta na ako sa mga gilid gilid at nag simula ng mag hanap ng mga kahoy para sa pag gawa ng bahay ng mga aso.
CASELINE POV
Nakita ko si Alyana at Jaden na nag uusap sa may gilid, nakita ko din na tinakpak ni Jaden ang bunganga ni Alyana, para bang may alam si Alyana na ayaw mabunyag ni Jaden.
Pssh! Overthink nanaman Caseline, masama yang mga pinag iisip mo, malay mo nag uusap lang talaga sila tapos may papasok na langaw dapat sa bunganga ni Alyana tapos tinakpak ni Jaden, pwdeng gano'n!
Pumunta na ako sa may gilid sakto naman nakakita agad ako ng kahoy, at mukhang maganda ito para sa gagawin naming mga bahay ng aso. Kukunin ko na sana ito ng biglang....
"Akin na," nagulat ako kay Jaden, sabay kuha ng kahoy na dapat ako ang mag bibitbit.
Kinuha ko ito sa kaniya. "Hindi akin na," sabi ko, sabay agaw ng kahoy.
"Hindi akin na--" naputol yung sasabihin niya ng madumihan ang damit niyang puti, dahil madumi ang kahoy at nadikit ito sa may damit niya.
"Sorry sorry!" sabi ko, sabay lapag ng kahoy sa baba at pupunasan ko sana yung nasa damit niya ng maisip ko na....
Hoy? Caseline bakit mo hahawakan ang dib dib niya? Mali yan! Kahit ikaw pa dahilan kung bakit nadumihan ang damit niya.
Napaartras ako sa dapat kong gawin kaya kumuha nalang ako ng panyo, at binigay ito sa kaniya kaso....
"Oy!" sabi ko,sabay takip ng kamay sa mata ko.
"Hmm? Ahhh!" napasigaw na sabi niya.
Sira kaba talaga Jaden? Bakit ka nag topless tapos sa harapan ko pa? Putek! Hindi ko tuloy mapigilan ang pag tingin sa maputi at maganda niyang pangangatawan.
"Okay na," sabi niya, sabay kuha ng kahoy at tapik sa kamay kong naka takip sa mata ko.
Tinanggal ko naman ang kamay ko at hinampas siya sa braso ng malakas.
"Leche ka talaga nagulat ako sa ginawa mo!" sabi ko, pero ang totoo ay nahihiya talaga ako. Napansin ko ding binaliktad niya lang ang damit niya saka sinuot ulit.
"Hahaha ayaw mo nun? Nakakadalawa kana sakin ah," malokong sabi niya.
Loko talaga itong si Jaden, hindi tuloy ako naka pag salita sa sinabi niyang nakakadalawa na ako sa kaniya! Nakakainis pero totoo naman 'yon dalawang beses ko ng nakikita ang katawan niya! Arggh! Nakakaasar na nakakahiya!
"Tara na joke lang," sabi niya,habang nakangisi.
"Guys? Okay naba itong kahoy na nakuha ko?" bangag na tanong ni Alyana.
"Iwww! Alyana nag iisip kaba? Tingin mo maiigi may anay nayan," sabi ni Ensley, na biglang sumulpot kung saan kasama si David.
"Alyana, tapon mo nayan madami naman kaming kuha," sabi ni David.
"Okay pasensya na guys, pabigat lang ako sa grupong to," malungkot na sabi niya.
Nilapitan ko siya. "Hindi totoo 'yon, tara na bumalik na tayo sa tent at gumawa ng bahay para sa mga aso," sabi ko, sabay hawak sa kamay niya.
Nakita ko naman si Ensley na inirapan kami. Hindi ko nalang siya pinansin at nag lakad na papuntang tent.
"Okay mag start na tayo!" masayang sabi ko.
Naka isip ako ng magandang desenyo para sa bahay ng aso, tutal sa mga materyales ay mayroon paint saka paintbrush, naisip kong gumawa ng iba't ibang desenyo para naman mapaganda pa lalo, ang gagawin naming bahay ng aso. Nag umpisa na kami sa pag gawa, napasin kong bihasa si Jaden sa pag mamartilyo at pag papako saka pati narin sa pag lalagari ng mga kahoy.
"Bihasa ka ah," sabi ko, habang nag papaint na sa mga tapos ng gawin.
"Haha gano'n ba, si lolo kasi noong bata pa ako sinasama ako sa factory nila ng mga kahoy," sabi niya, habang tuloy sa pag lalagari ng mga kahoy.
"Ah kaya pala," sabi ko.
Naka tingin lang ako sa kaniya, basang basa na ng pawis ang puting damit niya. Tumutulo nadin ang pawis sa mukha niya.
Lalo siyang gumagwapo pag pawis siya, nakikita ko ang bawat pag lalag ng pawis niya mula sa ulo pababa sa baba niya. Grabe ang hot niya, ang hot ng baklang to!
"Uy? bilisan mo malapit na daw mag time," pag tapik sa akin ni Alyana.
"Ah oo nga pala," sabi ko ng maalala ko na may game nga pala kami at bawal ang pabagal bagal.
Maya maya pa ay nag time na, at prinesenta na namin ang gawa ng bawat grupo, tiningnan ito ng maiigi ng lahat ng guro namin.
"Okay may nanalo na!" masayang sabi ni Teacher Marie.
Shemay! Kinakabahan ako sino kaya ang nanalo? Sana kami, para may prize!
"Okay ang nanalong grupo ay kayla Tristan!" masayang pag kaka sabi ni Teacher Marie.
Nag palakpakan naman ang bawat grupo. Oo nga naman paano kami mananalo wala nga pala kaming team work, kanya kanya kaming gawa at walang pakialam sa bawat isa. Maliban lang kay Jaden, kaming dalawa lang ang nag uusap ng matino.
"Ang natalong grupo, naka kuha ng score na one over five ay grupo nila David," sabi ni Sir Arnold.
Ha? What the! Ang lala naman natalo talaga kami! Tulad nga ng inaasahan hays, one over five siguro yung one 'yon yung panalo sa hilahan na game the rest wala na kamig score.
"Dahil na talo ang grupo nila David, mag lilinis sila doon sa bahay na ni rentahan natin mamaya," sabi ni Teacher Marie.
Putek na! Pag lilinisin pa talaga ng bahay na nirenthan hays! Nakakainis naman pero di bale na last day naman na ngayon ng camp tour, papayag na akong mag linis doon sa nirentahan naming bahay.
"Bayaan mo na doon naman tayo matutulog mamaya," narinig kong sabi ni Jaden mula sa likuran ko.
Tama nga naman siya doon naman na kami mamayang gabi matutulog, pwde na ding kaming grupo ang mag linis nun talo naman kami eh.
To be continue..........
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro