Chapter 36
CASELINE
Ilang oras nalang at mag gagabi na, naka upo kami lahat sa gilid gilid habang nag aantay ng sasabihin nila Sir Arnold at Teacher Marie. Sobrang nakakapagod yung ginawa namin kanina, pero worth it naman dahil nanalo kami. Maya maya pa ay tumayo na si Ma'am.
"Kung anong grupo niyo kanina, gano'n na din ang grupo niyo sa next game," sabi niya.
What? Nakakaloka! Paano kami makakapag laro ng maayos eh ilang na ilang nga kami sa isa't isa ng mga ka grupo ko? Hindi ko na keri to pwde bang lumipat ng ibang grupo?
"Ma'am? Pwde po bang lumipat ng ibang grupo?" bulalas na tanong ni Ensley.
"Bakit? Hindi ba't nanalo ang grupo ninyo kanina? Ano pa bang hindi maganda sa grupo na iyan at lilipat kapa?" tanong ni Ma'am.
Umirap si Ensley sa amin. "Well, madami pong hindi maganda kung alam niyo lang Ma'am," sabi niya, sabay padabog na umupo.
"Pasensya kana, ayan ang napag desisyunan ko walang aayaw kahig hindi niyo pa gusto ang ka grupo ninyo, tandaan ninyo may parusa ang matatalo! Nag kakaintindihan ba tayong lahat?" pa sigaw na tanong ni Ma'am sa'min lahat.
"Naiintindihan po."
"Ayan ang mga bell nayan ang mag sisilbing guide ninyo sa isa't isa pati ng mga ka grupo ninyo," sabi ni Ma'am.
"Nakikita ninyo ba itong mga flag?" tanong ni Sir Arnold.
"Saan po Sir hindi ko nakikita?" tanong ni Tyra.
"Smpre hindi niyo makikita dahil ito ang hahanapin ninyo," pilosopong sabi ni Sir Arnold.
"Wait what? Eh mag tatakip silim na ah?" nag tatakang tanong ni Hera.
"Oo kaya nga uumpisahan nanatin ang sunod na game," sabi ni Sir.
"Ano? Gabi tayo mag stastart ng laro?" gulat na tanong ni Rj.
"Oo bakit Rj? Anong problema mo dun ah?" tanong ni Sir.
"Ah hehe wala naman po Sir nagulat lang ng konti," sagot niya.
"Ganito ang proseso ng laro, kada grupo padamihan ng flag na makukuha at mahahanap," singit na sabi ni Ma'am.
"Ma'am? Paano po eh gabi makikita ba namin agad yon?" tanong ni David.
"Glowing in the dark yun, smpre David nag iisip din naman kami bago gawin ang game na ito," sabi ni Ma'am.
"Oh wala naman pala problema eh! Glowing in the dark naman pala lahat ng flag," sabi ni Marisse.
"Oo wala problema sa mga flag, ang may problema ay kung saan ito naka lagay at kung gaano ba kadami ang makukuha ng kada grupo," sabi ni Ma'am.
"At smpre may oras yun bibigyan lang kayo ng dalawang oras para ikutin lahat ng lugar dito," sabi ni Sir Arnold.
"What? Buong kabundukan na ito? Iikutin? Ibig sabihin lahat ng parte ng bundok na ito ay may flags?" tanong ni Alyana.
"Oo Alyana, huwag kayo mag alala safe ang buong ka bundukan na ito, dahil ang kada end ng daan ay may harang na hindi na kayo mapupunta sa kabilang kabundukan," sagot ni Sir.
"Okay bawat isa sa inyo ay may bell, patunugin ninyo lamang iyan at ibig sabihin ay andoon kayo sa lugar na iyon, para malaman agad ng ka grupo ninyo, maliwanag ba?" sabi ni Ma'am.
"Maliwanag po," sagot namin.
"Malapit na mag alasais, mag uumpisa na tayo pumunta na sa kanya kanyang grupo," sabi ni Ma'am.
Pumunta naman agad kami sa kanya kanya naming grupo. Ang grupo namin ay walang kibuan, walang pansinan, kung hindi lang para sa game hindi naman na talaga kami mag kakausap ng mga ito. Napa tingin ako sa bahagi ni Jaden at nakita ko siya humihinga ng malalim.
"Uy," sabi ko,sabay tapik sa kanya.
"Bakit?" nagiginig na sabi niya.
Lumapit ako sa kanya at bumulong. "Bakit ka nanginginig?" tanong ko.
"Ha? Ah eh wala to!" tapang tapangan na sabi niya.
"Sus basta sunod ka lang sa akin para hindi tayo mawala," sabi ko.
Lumapit siya sa akin at bumulong. "Eh paano naman itong dalawa na ito?" tanong niya, sabay turo kay David at kay Ensley.
"Edi susunod din yan sa atin for sure," sabi ko.
Lumapit ulit siya sa akin at bumulong. "Basta sis huwag moko iwan natatakot ako," sabi niya.
"Hahaha oo," mahinang tawa ko.
"Isang minuto at mag sisimula na tayo," sabi ni Ma'am.
"Ready, start, now!" sabi ni Ma'am.
Nag simula na kaming mag lakad na mag kaka grupo, at itong si David at Ensley naman ay panay ang usap habang nag lalakad nasa likuran naman namin si Alyana. Mapapansin na ang dilim na ng paligid, at tila maririnig mo lamang ang tunog ng mga insecto o kung ano mang klaseng mga hayop ang nag iingay pag gabi sa kabundukan.
"Tara David dito tayo," narinig ko anyaya ni Ensley kay David.
"Teka!" sabi ni Jaden.
"Bakit? Dito gusto naming lugar mag hanap may problema?" mataray na tanong ni Ensley.
What the? Anong binabalak nitong si Ensley? Gusto niya bang hiwalay kaming mag hanap ng flags? Sabi na eh! Mang yayari ito dahil wala kaming teamwork, lalo na't walang teacher ang nag babantay sa amin ngayon, lalong na lintikan na!
"Wala naman pero---" hindi na tapos ang pag sasalita ni Jaden.
"Ops! Dito kami ni David bahala kayo kung saan ninyo gusto, tara na David," anyaya niya kay David.
Nag katinginan lang kaming tatlo si Alyana,Jaden at ako. Wari'y nag tataka at natatakot na nag aalala sa mga mangyayari dahil nahati ang grupo namin.
"Tara Caseline, kung ayaw nila tayo kasama ayaw din natin silang kasama," naiinis na sabi ni Jaden, sabay akay sa akin.
"Wait guys? Anong gagawin ko dito mag isa nalang ako? Wait!" sabi ni Alyana na naiwan mag isa, dahil nag kanya kanya na kami.
Nag patuloy kami ni Jaden sa pag lalakad, sobrang higpit ng pag kahawak niya sa kamay ko, siguro ay galit na galit siya sa ginawa ni Ensley, pati kamay ko hindi na niya napansing mahigpit na ang pag kaka hawak niya habang nag lalakad.
"Wait Jaden kamay ko," sabi ko, sabay tanggal ng kamay ko sa pag kakahawak niya.
"Sorry sorry Caseline, nadala lang ako dahil sa bwusit na Ensley na iyon!" naiinis niyang sabi.
"Bayaan nanatin tayong tatlo---" naputol yung sasabihin ko, dahil pag tingin ko sa likuran namin ay wala na si Alyana.
"Wait saan si Alyana?" tanong ko, habang tumitingin sa kung saan.
"Ha? Eh siguro naiwan siya." sabi ni Jaden.
Napa kamot ulo ako. "Shemay naman oh! Hays, edi dalawa nalang tayo ngayon na mag hahanap?" sabi ko.
"Ano paba? Eh mukhang napag iwanan na tayo," sabi niya, sabay ayos ng buhok niya.
"Hays tara na nga Jaden," sabi ko.
Nag lakad lakad kami ni Jaden, at sa kalagitnaan ng pag hahanap namin ng flags ay naisipan muna namin maupo at mag pahinga.
"Kakapagod!" sabi ko.
"Wala padin tayong nakikitang flags hanggang ngayon," malungkot na sabi niya.
"Oo nga eh, wala kabang tubig diyan nauuhaw na ako," sabi ko.
"Wait tingnan ko." binuksan ang maliit na slingbag na dala dala niya, "Eto me'ron pero huwag mong uubusin," sabi niya.
Kinuha ko agad ito at ininom.
"Sissy bakit--?" naputol yung sasabihin niya.
"Ha? Bakit?" pag tatakang tanong ko.
"Bakit ka uminom sa mismong inuman?" gulat na sabi niya.
"Bakit--" naputol sasabihin ko, ng maisip ko na bakit nga ako uminom sa lalagyanan niya ng tubig at sa misnong bunganga pa ako ng tubigan uminom.
Fuck? Nag indirect kiss ako! Shemay!
Nilayo ko agad ang tubigan niya, at pinunasan ang labi ko.
"Sorry sorry uhaw na kasi ako," nahihiyang sabi ko, sabay balik ng tubigan niya.
"Iww sis! First time may babaeng uminom sa tubigan ko, akala ko kasi isasahod mo lang ang pag inom pero uminom ka sa mismong bunganga ng tubigan ko," maarteng pag kakasabi niya.
"Arte sis ah, isipin mo nalang hindi nangyari yun tara na!" sabi ko, sabay tayo.
Tumayo na din siya ang nag simula na ulit kaming mag lakad, maya maya pa ay nag salita siya.
"First time mo bang umakyat ng bundok?" tanong niya, habang nag lalakad kami.
"Oo eh ikaw ba?" tanong ko.
"Pangalawang beses na una noong bata pa ako," sagot niya.
"Gano'n ba? Teka may para maliwanag doon sa may gilid ng puno," sabi ko, at pinuntahan ko ito.
"Jaden? Tingnan mo may flag dito!" masayang sabi ko.
"Hala oo nga, one down sis hahaha!" sabi niya, sabay apir sa akin.
"Tara na baka mas madami pa doon," sabi ko.
Nag lakad lakad pa kami,at habang nag lalakad ay tuloy naman ang kwento ni Jaden.
"Noong bata pa ako, nanibago din ako sa bundok sanay kasi ako sa syudad," sabi niya.
"Gano'n ba? Siguro gano'n din nararansan ko ngayon," sabi ko.
"Saka noong bata pa ako mahilig din talaga ako sa nature," sabi niya.
Maya maya pa ay may napansin ako kuneho na kulay puti kaya naman sinundan ko ito, natutuwa ako dahil panay tingin sa akin ng kuneho na tila pawang sinasabi nito sundan mo ako, sundan mo ako.
JADEN POV
"Mahilig ako sa nature kaya naman nasanay na din ako sa bundok, sabagay kasi si daddy mountain climber kaya naman---" naputol ang pag sasalita ko, ng mapansin kong walang sumasagot sa mga kwento ko.
Lumingon ako sa likuran ko.
Heck? Saan si Caseline? Bakit nawala nasa likuran ko lang naman siya kanina.
"Caseline? Caseline?" pag tawag ko sa pangalan niya.
Sinubukan kong bumalik kanina kung saan kami unang nag kwentuhan, pero wala akong nadatnan na Caseline.
Fuck! Kinakabahan ako hindi kaya't dinukot na siya ng aswang dito? O hindi naman kaya kinain na ng kung anong mabangis na nilalang o hayop? Sh*t Jaden! Huwag ka nag iisip ng ganyan!
"Caseline kung pinag tritripan mo man ako hindi magandang biro ito," sabi ko, habang tumitingin tingin sa likod ng puno, baka sakaling nag tatago siya doon.
"Caseline? Hindi nakakatuwa, mag pakita kana nasaan kaba?" nag aalalang sabi ko.
Naisipan kong mag lakad pa, baka kasi nauna na siya sa akin at hindi ko lang napansin. Maka lipas ang ilang minuto ng pag hahanap ay hindi ko padin siya nakita, kaya napag pasyahan ko na, patunugin na ang bell ko baka sakaling marinig niya at pumunta siya sa akin.
"Caseline? Kung naririnig mo ang bell sumagot ka! Si Jaden to!" malakas na pag kakasabi ko.
Lumipas ang ilang minuto, wala padin talagang sumasagot o kung pumunta man lang sa akin ni anino wala. Natatakot na din ako, dahil takot ako sa mga multo,aswang, engkanto at kung ano ano pang nilalang na hindi tao. Napag isipan ko nalang na bumalik kayla Teacher Marie at Sir Arnold pero may parang pumipigil sa akin.
Jaden? Bobo ka ba? Hindi oras para ngayon para maduwag ka! Hanapin mo si Caseline bago pa mahuli ang lahat!
Fuck sh*t naman! Pati sarili kong pag iisip kalaban ko na hays! Takte naman kasi bakit ngayon pa nangyayari yung mga ganito! Nakakainis, pero dibale na hindi ito ang tamang oras para maduwag.
Hahanapin ko si Caseline, hahanapin ko siya kahit anong mangyari.
Naka pag desisyon na ako na hanapin si Caseline, kahit na natatakot akong mag lakad mag isa sa gitna ng mapupunong lugar na ito, at hindi ko alam kung anong mga hindi magagandang nilalang ang makikita ko ngayong gabi. Ang tanging nasa isip ko lang ay hanapin si Caseline, dahil?
Wait? Oo nga dahil? Dahil saan nga naman para hanapin ko siya?
Dahil kaibigan ko siya? Dahil ka grupo ko siya? Oo tama, kaibigan at ka grupo ko siya kaya kaylangan ko siyang hanapin, kahit sarili ko pa ang mapahamak mahanap ko lang siya. Importante ngayon ay makita ko siya, at malaman kong ligtas siya!
CASELINE POV
"Jaden? Jaden? Hoy bakla ka asan ka?" pag hahanap ko sa kaniya.
Letche talaga yung baklang yon saan kaya siya? Bakit iniwan niya ako dito! Hays!
"Jaden? Mag pakita ka hindi nakakatuwa ito!" naiinis na sabi ko.
"Mr.Rabbit nakita mo ba si Jaden?" tanong ko sa isang cute at puting rabbit na sinundan ko.
Tinitingnan ko lang ang kuneho, nag aantay na parang tanga na sumagot sa tanong ko, kahit alam ko namang hindi ito sasagot. Habang tinititigan ko ang kuneho biglang naging pula ang mga mata nito, kaya agad ko itong nabitawan.
"Ahh! Mama! Mama! Lumayo ka sa akin!" sabi ko, sabay takbo papalayo sa kuneho.
Huhuhu nakakatakot hindi ata kuneho yon bakit naging pula ang mga mata niya? Saan na ako ngayon pupunta padilim na ng padilim ang tinatahak kong daanan.
Tumingin tingin ako sa paligid at tila wala akong makita, dahil madilim at malalaking puno lamang ang nandoon, tanging liwanag lamang ng buwan ang naaaninag ko mula sa itaas, bilog na bilog ito at masilaw kaya naman ang buwan ang ang silbing ilaw ko, ngunit hindi naman gano'n kalakas ang liwanag nito upang makita ko ang madilim na kapaligiran, sapat lamang ang liwanag niya habang sa daanang tinatahak ko.
Habang nag lalakad napansin kong parang may maliliwanag na mata ang naka tingin sa akin, mula sa gilid ng mga puno, madaming mata umiilaw, at sinusundan ang bawat hakbang ko.
Caseline tumakbo kana,tumakbo kana baka kainin kapa ng kung anong hayop diyan na nag tatago sa mga puno. Mga pumapasok sa isip ko habang nag lalakad, ngunit tila hindi ko maigalaw ang aking mga paa, at tumakbo ng mabilis ang tanging nagagawa ko lang ay mag lakad.
Maya maya pa ay may lumabas na kung ano mula sa may puno, at dahil sa sobrang kaba ko ay napatakbo na talaga ako ng mabilis, hindi ko na alintana ang mga natatapakan ko, wala akong pakealam kung matulis ba ang natatapakan ko, tae naba ang natatapakan ko o kung ano man, basta ang nasa isip ko lang ngayong mga oras na ito ay tumakbo papalayo.
Sa kakatakbo ko ay, napunta ako sa lugar kung saan may lawa, ngunit hindi ito ang lawa kung saan kami nang huli ng isda. Itong lawa na ito ay mas malaki kung ikukumpara sa pinuntahan namin. Napag isip ko na umupo sa may gilid kung saan tanaw ko ang lawa at ang buwan, at sa tingin kong ligtas na lugar pag pahingahan.
Umupo na ako dito, naka hawak ako sa mga tuhod ko dahil nanginginig ito sa takot, tanging mga insecto lamang ang naririnig ko sa paligid at masimoy na hangin lamang ang nalalanghap ko, lalo akong kinakabahan dahil sa lamig, malamig kasi ang simoy ng hangin sa bundok, talaga preskong hangin ang nandito.Habang naka upo may mga pang yayari sa buhay ko ang naalala ko.
Naalala ko na takot ako sa dilim, dahil noong bata ako ay kinulong ako sa isang lugar na madilim, hanggang ngayon hindi ko padin ito makalimutan, ang pakiramdam na nag iisa ka sa dilim. Hindi ko na napigilan umiyak at mag isip na paano kung wala ng sumagip sa akin dito, ito na ang katapusan ko, mamatay ako sa mga oras na ito.
Bumabalik ang mga alala ng nakaraan ang nakakatakot, nakakapangilabot at nakakagimbal hindi ko mapigilan umiyak ng umiyak sa tuwing naalala ko ang madilim na nakaraan, at sa mga oras na ito ay nararamdaman ko ulit iyon. Natatakot ako, kinakabahan at hindi alam ang gagawin. Patuloy lang ako sa pag iyak, habang naka hawak sa tuhod ko.
"Nahanap din kita," isang pamilyar na tinig ang nag salita mula sa likuran ko.
Maya maya pa ay naramdaman kong may naka patong na jacket sa likod ko at may tumabi sa gilid ko. Napatingin ako sa tumabi sa akin.
"Jaden," tanging linya na nasabi ko, habang naka tingin kay Jaden at umiiyak.
Naka tingin din siya sa akin, bakas sa mukha niya ang pag aalala. Bigla niya akong niyakap.
"Huwag kang mag alala hindi ka nag iisa nandito lang ako palagi para sayo," mga salitang lumabas sa bibig niya, habang niyayakap niya ako.
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko dahil, nagulat ako sa pag kakayakap niya.
"Natatakot ako," sabi ko, habang tuloy padin sa pag iyak.
"Huwag kang matakot, sasamahan kita hindi kita hahayaang mag isa," malambing na boses ang pag kakasabi niya.
Habang tumatagal ay napansin kong hindi siya umalis sa pag kakayakap niya sa akin, kaya naman natigilan na ako sa pag iyak ko at inalis ang kamay niya sa pag kakayakap.
"Salamat," sabi ko,sabay punas ng luha.
"Nag alala ako sayo buti hanap kita," sabi niya, habang naka tingin ng deretcho sa mga mata ko.
"Pasensya kana, sinundan ko kasi yung kuneho," sabi ko.
"Tigil mo na ang pag iyak mo, hindi bagay sayo nakakabawas ganda yan," sabi niya, sabay kuha ng panyo niya sa bulsa at punas sa mata ko.
"Salamat," sambit ko.
Umusog siya sa pwesto ko at tila ay mag kalapit na ang mga braso namin.
"Takot kaba sa dilim?" tanong niya.
"Oo dahil may nangyaring hindi maganda noong bata pa ako," sagot ko.
"Simula ngayon hindi kana matatakot, dahil nandito lang ako," sabi niya, sabay tingin ulit ng deretcho sa mga mata ko.
Si Jaden ba talaga itong kausap ko ngayon? Bakit parang hindi? Bakit parang ang tapang tapang niya? At parang iba ang mga tingin niya sa akin? Si Jaden ba talaga ito? Baka naman sinasaniban na siya ng masamang espirito? Or hindi naman kaya nag panggap na Jaden lang.
Hinakawan ko ang mukha niya hindi ko inalis ang kamay ko rito.
Hinawakan niya din ang kamay ko na nasa mukha niya. "Bakit? Ako to huwag ka mag alala," sabi niya, sabay ngisi.
Natigilan ako aalis ko na sana ang kamay ko sa mukha niya ng biglang....
"Huwag mo munang alisin," seryosong sabi niya.
Huh? Anong nangyayari? Bakit ganito ang mga nangyayari ngayon? Bakit parang iba ata ang mga kinikilos ni Jaden ngayon?
"Hahaha, masyado kang seryoso Caseline," sabi niya, sabay alis ng kamay ko sa mukha niya.
"Letche ka talaga!" sabi ko.
Tumahimik kami ng ilang saglit, at maya maya pa ay may naisip akong itanong sa kanya, nakakahiya man itanong pero hindi kasi ako mapalagay hangga't hindi ko ito naitatanong.
"Jaden?" sabi ko.
"Hmm?" sabi niya.
"Totoo ba na nag ka gusto kana dati sa babae?" tanong ko.
Medyo natawa siya. "Oo," sagot niya.
"Ahh, totoo pala yun," sabi ko.
"Bakit selos ka?" tanong niya.
"Ha? Bakit ako mag seselos--?" naputol yung sasabihin ko ng biglang pumunta siya sa may likuran ko.
"Hawakan mo buhok mo," sabi niya, sabay abot ng buhok ko paharap.
"Teka bakit--?" naputol kong sabi.
May nilalagay siya na kwintas sa leeg ko, hindi ko tinitingnan ang kwintas, dahil tanging anino namin ang nakikita ko sa lupa.
"Matagal ko na itong gustong ibalik ito sayo, humahanap lang ako ng tyempo," maamong boses ang narinig ko mula sa mga labi niya.
Habang nilalagay niya iyon may mga nararamdaman akong ngayon ko palang naramdaman.
Bakit? Para may butterfly na umiikot sa sikmura ko? Saka parang tumatayo ang balahibo ko? Teka? Kinikilig ba ako? Bakit ko nararamdam ang mga ganito? Bakit?
"Parang may butterfly sa tiyan ko," sabi ko, hindi ko namalayang nasabi ko pala yung dapat na nasa isip ko lamang.
Nagulat naman si Jaden, at nakabit niya na agad ang kwintas. "Ha? Bakit may butterfly? Kumain kana ba ng butterfly?" nag tatakang tanong niya.
"Ah eh hindi," nahihiyang sabi ko.
"Hala bakit ka namumula? May lagnat kaba?" tanong niya, sabay hawak sa noo at leeg ko.
"Wa-wala a-ano kasi ah?" nauutal utal na sabi ko.
"Ano?" tanong niya.
"Wala saka hindi din ako kumain ng butterfly ano kaba!" sabi ko sa kanya.
"Ah kala ko kumain ka ng butterfly, kaya sabi mo parang may butterfly diyan sa tiyan mo eh," malokong sabi niya.
Nanaig ulit ang katahimikan sa aming dalawa walang nag sasalita, nakatingin lamang ako sa may lawa at siya hindi ko alam kung saan siya naka tingin. Nakakaramdam kasi ako ng hiya sa mga pangyayari ngayon lang. May naramdaman kasi akong kakaiba, na tila ngayon ko palang naramdaman, hindi ko din naman maexplain kung ano iyon, basta't ang alam ko lang nag kaganito na ako simula noong nakilala ko si Jaden.
Oo tama si Jaden sa kanya ko naramdaman itong kakaibang pakiramdam, na hindi ko ma explain.
Tumingin ako sa kanya, at pag tingin ko sa kanya saktong naka tingin din siya sa akin. Nag ka tinginan kami, mata sa mata. Kitang kita ko kung gaano kagwapo at kapungay ang mga mata niya, lalo na kapag naka tingin.
Napahawaka ako sa dib dib ko, napaka lakas ng tibok nito, feeling ko hinahighblood ata ako? Bakit ganito? Pati ang bawat tibok ay rinig na rinig ng dalawa kong tenga. Napaka bilis hindi ko ito mapigilan.
Tug! Tugtug! Tug! Tugtug!
To be continue.....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro