Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35

CASELINE


Nagising ako at umaga na pala, hindi pa ako bumabangon, naka tingin lang ako sa loob ng tent kung saan ako naka higa, naka tingala ako sa taas, naririnig ang mga huni ng ibon.

Ganito pala pag sa bundok ka naka tira ang tahimik at ang aliwalas ng umaga.

Maya maya pa ay umupo na ako, nag unat unat ng katawan,habang naka upo na sa isipan ko pa din yung nangyari kagabi, yung nag ka gusto na pala si Jaden sa isang babae dati.

"Oh gising gising na, umaga na madami tayong gagawin ngayon!" Narinig kong sigaw ni Teacher Marie mula sa labas.

Maya maya pa ay, bumangon na ako, binuksan ko ang pinto ng tent at lumabas, kinatok ko si Joy ang kasama ko sa tent, baka kasi hindi niya narinig yung sigaw ni Ma'am.

"Hindi na ako ang kasama mo diyan simula ngayong araw," nag salita si Joy mula sa likuran ko.

"Nandiyan kana pala," sabi ko, sabay lingon agad sa kaniya.

"Oo, hindi na ako kasama mo diyan matulog," sabi niya.

"Ah oo nga pala mag papalit ng kasama kada araw," sabi ko.

"Oo pero kilala mo na ba pumalit sa akin na kasama mo sa tent?" tanong niya.

"Ah hindi pa," sagot ko.

Tok! Tok! Pag katok ni Joy sa kahati kong tent.

"Bakit?" bulalas na tanong nito, sabay bukas ng pinto.

"Siya ang kasama mo," sabi ni Joy.

Nagulat ako sa nakita ko. Jaden? Si Jaden ang kasama ko ngayong buong araw sa tent?

"Kayo pala,kala ko kung sino," sabi ni Jaden,sabay labas ng tent.

"Sige maiwan ko na kayo," paalam ni Joy, sabay alis papalayo.

"Tara na? Hindi kapa ba pupunta?" tanong ni Jaden.

"Ah eh? Tara na!" Nabigla na pag ka sabi ko.

"Okay, pumila kayo dahil pupunta tayo ng lawa ngayon," sabi ni Ma'am.

"Ako ang magiging guide ninyo sa pag punta doon," sabi ni Sir Arnold.

"Ma'am ano pong gagawin natin sa lawa?" tanong ni Rj.

"Mang huhuli ng isda na kakainin sa almusal," sagot ni Ma'am.

"Ha? Isda wala bang manok dito?" tanong pa ulit ni Rj.

"Mero'n naman Rj, kaso mag isa kang kukuha," pilosopang sagot ni Ma'am.

"Okay tara na tama ng satsat sundan na natin si Sir Arnold," dag dag pang sabi ni Ma'am.

Lumakad na kami ayon sa pag kakapila namin papuntang lawa, tinitingnan ko itsura ng mga kaklase kong antok na anok pa, mukhang kulang pa sa tulog.

Puk!

"Ano ba? Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" sigaw ni Ensley na nasa likod ko pala.

"Sorry sorry, hindi ko napansin na may maliit na bato pala," sabi ko.

"Hays tabi nga diyan ako mauuna!" sabi niya, sabay punta sa harapan ko.

Hindi ko nalang pinansin tuloy lang ako sa pag lalakad, hanggang sa maya maya lang ay narating nanamin ang lawa. Napaka ganda nito, talagang virgin na virgin ang katubigan, malinis na malinis pwdeng inuman.

"Wow!" Reaksyon ni Tyra ng makita ang lawa.

"Ma'am pwde po maligo dito?" tanong ni Tristan.

"Pwde pag tapos nating kumain," sinagot siya ni Sir Arnold.

Pwdeng maligo dito sa lawa? Paano naman kaming mga babae? Maliligo din dito kasama yang mga lalaki na iyan? No way! As in NO!

"Ah Ma'am paano po kaming mga babae dito din maliligo?" lakas loob kong tanong.

"Smpre hindi, sa kabila nito ay may isa pang lawa doon tayong mga babae maliligo," sagot ni Teacher Marie.

Buti nalang! Kala ko dito din kami maliligo eh!

"Okay lahat kayo makinig!" pa sigaw na sabi ni Sir Arnold.

"Itong pamingwit na ito, ganito ito gamitin tingnan ninyo," sabi ni Sir Arnold, sabay gawa ng instructions niya.

"Naiintindihan niyo ba?" tanong niya.

"Opo," sagot ng lima, sa aming mag kaklase.

"Bakit lima lang ba ang nakakaintindi?" tanong ni Sir.

"Opo gets!" sabi naming lahat.

"Sa kinatatayuan ninyo ngayon may kanya kanyang pamingwit diyan, kunin ninyo at mang huli na kayo ng isda," sabi niya.

Kinuha ko na agad ang pamingwit na nasa harapan ko, agad ko namang ginawa ang instructions ni Sir Arnold kanina kung paano mamingwit ng isda. Lumipas ang sampung minuto, nakita kong mukhang naka huli na si Ensley.

"Oh ito na ito na! Naka huli ako," masayang sabi niya, habang tinataas ang pamingwit.

"Tulungan na kita," sabi ni David, sabay punta kay Ensley.

Hindi ba't parang ang close naman na ata nila? May pang tulong tulong na nangyayari.

"Pst!" may sumitsit mula sa gilid ko.

"Jaden? Bakit?" tanong ko.

Lumapit siya sa akin at bumulong. "Hindi mo ba napapansin dalawa nalang kayo ni Alayana na walang nahuhuling isda," sabi niya, sabay lapag ng mga nahuli niyang isda sa may maliit na plastik.

Napatingin naman ako sa gilid ko, para tingnan kung sino sino pa ba ang hindi nakaka huli ng isda.

Oo nga, dalawa nalang kami ni Alyana na nag aantay ng mahuhuling isda.

"Caseline? Ilang minuto na bakit wala ka pa ding huli?" tanong ni Teacher Marie, na papunta sa pwesto ko.

"Anak ng! Eh kaya naman pala wala kang huli, tingnan mo yung pamingwit mo oh," sabay taas ng pamingwit ko. "Walang pag kain para sa isda, paano ka nga naman makakahuli ng isda niyan?" sabi ni Teacher Marie.

"Ah eh oo nga sorry po, hindi ko napansin," sabi ko.

"Pambihirang bata ito!" medyo naiinis na sabi ni Ma'am, sabay lagay ng kamay sa noo dahil na istress ata sa ginawa ko.

"Hahahaha grabe ka Caseline, first time mo bang mamingwit?" tanong ni Charlie, habang tawang tawa sa ginawa ko.

Hindi nalang ako nag salita, nilagyan ko nalang ng pag kain yung dulo ng pamingwit ko at saka....

"Huwag na," sabi ni Jaden, sabay hawak sa kamay ko kung saan ko hawak ang pamingwit.

"Ha? Bakit?" tanong ko.

"Baka abutin ka ng gabi wala ka paring mahuli, tatlo naman itong nahuli ko bigay ko sayo itong isa," sabi niya.

"Ha? Nako, hindi pwde yan hindi ko naman pinag hirapan kunin yan," sabi ko.

"Ang kulit mo talaga, nakikita mo ba silang lahat? Nag iihaw na ng isda," sabi niya, sabay turo sa mga kaklase kong nag iihaw na ng isda para may ma ulam.

"Eh kaso---" naputol yung sasabihin ko, ng bigla niya ako hinatak.

"Umupo kana at ihawin nanatin ito," sabi niya, sabay kuha sa mga nahuli niyang isda.

"Ahhhh! Ang sweet!" mapang asar na sabi ni Hera.

"Luh Hera papansin ka nanaman!" sabi ni Tyra, sabay irap ng mata niya.

"Mga baliw talaga kayo kumain na lang kayo diyan," sabi ko, sabay ayos ng pang ihaw.

Kumain na kami at pag tapos naming kumain, nag salita nanaman si Teacher Marie.

"Bilisan ninyong kain, dahil pupunta na tayo sa gitna ng kabundukan," sabi niya.

"Ano pong gagawi natin doon Ma'am?" tanong ni Alyana.

"Malalaman ninyo na pag nandoon na tayo," sabi ni Ma'am.

Pumunta na kami sa lugar na sinasabi ni Ma'am, matitirik na ang inaakyat namin pa taas na kasi ng pa taas ang lugar. Narating nanamin ang destinasyon na sinasabi ni Ma'am, agad naman siyang may kinuha sa maliit na bag na dala niya.

"Makinig kayong maiigi ngayon palang i grugrupo ko na kayo," sabi niya.

Grupo? Ano kayang gagawin namin bakit kami i grugrupo?

"May apat na lubid diyan sa tabi tabi, ang unang grupong maka hanap ay makikipag labas sa pangalawang makakahanap ng lubid," sabi niya.

"Tapos po Ma'am anong gagawin namin sa lubid?" tanong ni Marisse.

"Ang unang grupong makakahanap sa lubid ay makikipag laban sa ikadalawang grupong makakahanap ng lubig, mag hahatakan lang naman kayo," sabi ni Ma'am.

"Hatakan iyon lang po ba Ma'am?" tanong ni Rj.

"Hindi lang basta hatakan dahil umpisa palang ito ng laro, at may puntos ang bawat grupong mananalo," sagot ni Ma'am.

"Eh paano kung matalo Ma'am?" tanong ni Hera.

"Smpre may parusa, pero hindi ko na muna sasabihin dahil maaga pa," sagot ni Ma'am.

"Sige mag umpisa na tayo," dag dag niya pang sabi.

"Unang mag kaka grupo, Caseline, Ensley, David, Jaden at Alyana," sabi ni Ma'am.

What?! Ka grupo ko si Ensley? No! No! No! Alam kong hindi kami okay, kaya for sure matatalo agad kami nito dahil team work palang wala na.

"Pumunta na sa mga ka grupo ninyo," sabi ni Ma'am.

"Sunod na mag kaka grupo,Tristan,Marisse,Tyra,Joy at Rj," sabi ni Ma'am.

"Sunod na grupo, Denise,Mae,Mike,Charlie saka Lyka," sabi ni Ma'am.

"Huling grupo, Hera, Rose, Jason, Tobson at wala na pala apat lang kayo sa grupo ninyo," sabi ni Ma'am.

"Ma'am!" Sigaw ni Hera.

"Bakit Hera? Anong problema?" tanong ni Ma'am.

"Luge po kami lima lima sila tapos kami apat lang," sabi ni Hera.

"Hera? Nakikita mo ba katawan niyang si Rose saka si Tobson, sobra pa kayo sa limang mag kaka grupo," pilosopang sabi ni Ma'am.

"Ma'am naman eh!" Pag mamaktol ni Hera.

"Tama ng sat sat mag simula na kayong mag hanap, titingnan kayo ni Sir Arnold huwag kayong mag alala," sabi niya, sabay pito sa pituhan na kinuha niya mula sa maliit niyang bag.

Nag simula na kaming mag hanap, naka hawak naman sa akin si Alayana dahil takot daw siya sa mga butterfly na lumilipad. Ang weird niya talagang babae, kung ano anong pinag gagawa hindi ko siya maintindihan.

Habang nag lalakad naman, napapansin ko si Ensley na iwas na iwas siya sa amin, at kay David lang siya sumasama at si David lang din ang kinakausap niya.

"Do you think mag wowork out tayo ng walang team work?" tanong ni Jaden, habang tumitingin tingin sa gilid gilid.

"Sana kasi pag natalo tayo, may parusa," sagot ko.

"Try ko silang kausapin," sabi niya.

"Hi guys? Anong pinag uusapan niyo? Hindi kasi ako maka relateeh hehe," sabi ni Alyana, habang kumakamot sa ulo.

"Never mind," sagot ko.

Patuloy kami sa pag hahanap ng lubid, maya maya pa ay may napansin ako naka sabit sa may puno.

Fuck? Ahas kaya iyon? Bakit parang kulay brown na may kulay yellow? Sht! Katapusan ko na ata.


Dali dali naman akong pumunta kay Jaden.

"Jaden?" natatakot kong tawag sa pangalan niya.

"Bakit?" tanong niya, habang nag hahanap sa gilid gilid pa din.

"Ma-may-- ahas doon," nauutal utal kong sabi, sabay turo sa taas ng puno.

"Saan?" sabi niya, sabay lingon sa tinuturo ko.

"Doon nakakatakot kulay yellow pa ata," sabi ko, habang medyo nanginginig na.

Nilapitan ito ni Jaden, at kumuha siya ng kahoy na malapit sa kanya. Dahan dahan niya itong nilapitan at....

"Aha! Ang galing mo Caseline," sabi niya.

Ako naman ay hindi naka tingin, dahil naka takip ang dalawang kamay ko sa mata ko, dahil alam kong ahas yun.

"Wow! Tara na balik na tayo kayla Ma'am," masayang sabi ni Alyana.

Huh? Bakit sila masaya? Ano ba iyong nakita nila?

"Caseline? Caseline?" sabi ni Jaden, habang tinatapik ako.

"Ahhh! Huwag kang lalapit parang awa na! Mama! Mama!" pag sisigaw kong ganiyan.

"Oh ayan na pala ang lubid saan ninyo nakita," sabi ni David, na biglang sumulpot kung saan man siya galing.

Napa dilat at napa tanggal ako ng kamay sa mukha ko, naisip ko na hindi pala ahas yun.

"Caseline? Ano okay kana, hindi ahas nakita mo kundi lubid," sabi ni Jaden,habang naka ngiti.

"Ahh?" lutang na sabi ko.

"Tara na ang dami ninyong drama," mataray na sabi ni Ensley.

Bumalik na kami kayla Teacher Marie.

"Okay nandito na ang ikadalawang grupo na nakakita sa lubid," sabi niya.

"Ang kakalabanin ninyo ay grupo nila Tristan, ang unang naka hanap sa lubid," sabi ni Sir Arnold.

Infairness! Mukhang magaling humanap ang grupo nila Tristan ah? Saka mukhang maayos din ang samahan ng grupo nila. Samantalang sa amin, kung hindi ko siguro napag kamalang ahas iyon hanggang ngayon nag hahanap padin kami.

"Okay ang grupo nila David, pumesto na kayo ayon sa gusto ninyong pag kaka sunod sunod," sabi ni Ma'am.

Pumila naman kami ayon sa gusto naming pag kaka sunod sunod, una si David sumunod si Alyana tapos ako, tapos si Jaden at nasa dulo si Ensley. Naka pwesto na din ang grupo nila Tristan, at mukhang handang handa na sila.

"Sa pag bilang ko ng tatlo, mag simula na kayo sa pag hatak, isa... dalawa.... tatlo.... Go!" sigaw ni Sir Arnold.

Argghhhh! Putek, ang bigat naman pala ng lubid na ito, tapos ang sakit sa kamay hilain!

"Isa dalawa, atras!" sigaw ni David na nasa harapan namin.

"Ahhhh!" narinig kong sigaw ni Ensley mula sa likuran.

Fuck? Akala ko madali lang itong laro na ito, hindi pala. Buong pwersa ang kaylangan ilabas para manalo.

"Pag bilang ko ulit sabay sabay ninyong hilahin pa atras!" sigaw ulit ni David.

"Isa... dalawa.... Atras!"

"Ahhhhhhhhh!" narinig kong sigaw naming lahat, habang binuhos ang buo naming pwersa sa pag atras.

Bigla kaming napa upong lahat, sa sobrang kapaguran, pati ang grupo nila Tristan ay bulagta din.

"Okay magaling!" narinig ko sabi ni Teacher Marie, sabay palakpak.

"May nanalo na!" sabi ni Sir Arnold.

Hala! May nanalo na, kinakabahan ako hindi ko naman kasi napansin kung sino ang unang bumulagtang grupo, kung sa amin ba? O kayla Tristan?

"Ang nanalong grupo ay...." pa suspense pa na sabi ni Sir Arnold.

"Grupo nila David!" malakas na pag kaka sabi niya, sabay palakpak.

Nanalo kami? Nakakabigla iyon ha dahil alam ko naman na wala kaming team work, pero nanalo padin kami, kahit hindi namin pinag usapan ang mga dapat gawin sa hilahan na iyon.

"Magaling, magaling pero hindi pa diyan nag tatapos, mabuting mag pahinga muna kayong lahat para sa next game, panoorin na muna natin ang sunod na mag lalaban sa hinalahan challenge na ito," seryosong pag kakasabi ni Teacher Marie.

What? May next game pa? Hindi paba tapos iyon? Grabe na nga ang pagod ko oh! Tapos may next game pa? Ano naman kaya ang next game na iyon? Saka saan gaganapin?















To be continue......

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro