Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32

CASELINE

Umagang umaga palang pinag iisipan ko na kung paano sasabihin kay papa yung bayad para sa camp tour namin sa monday,bumaba ako para sumilip kung gising na ba si papa, alas kwatro palang kasi ng umaga.


"Caseline? Anong tinitingin tingin mo diyan?" tanong ni papa.

"Ah eh, may sasabihin po sana ako," malumanay kong sabi

"Halika bumaba ka dito at dito mo sabihin." Masayang sabi ni papa

Bumaba naman ako at umupo sa may sofa
namin,habang naka upo tinititigan ako ni papa na tila bang "sabihin mo nayan pag yan may kalokohan kang ginawa lagot ka sakin" ayan ang nakikita kong ipinapahiwatig ng mga mata niya.

"Ano po kasi-- kaylangan ko po ng pera." Nakayukong sabi ko dahil nahihiya ako.

"Pera bakit para saan naman?" tanong niya sa akin

"Para po sa camp tour sa monday tatlong araw po kasi yun." sagot ko sa kanya

"Mag kano naman?" tanong niya

"1,500 po," napakagat labi kong sabi dahil nag aalinlangan akong bibigyan niya ako ng ganung kalaking pera.

"1,500?!," gulat na reaksyon niya.

"Opo pa ayos lang naman po kung---," naputol yung sasabihin ko ng bigla siyang kumuha ng pera sa pitaka niya.

"Ito nak, 1000 pesos lang ayan lang kasi kaya ko pag pasensyahan mo na." sabi niya sabay abot sa akin ng pera.

"Okay lang po pa, gagawan ko nalang ng paraan," nakangiting sabi ko kay papa sabay tayo.

Maya maya pa ay narinig ko ang pag bukas ng pintuan mula sa kwarto ng kapatid kong si Christian.

"Aga aga bakit ang ingay niyo?," reklamong sabi niya habang nag pupunas pa ng mga muta sa mata.

"Wow ah ikaw lang tao dito bahay?" Pag tingin ko sa kanya mula paa hanggang ulo at sabay irap ng mata sa kanya.

"Aga aga sungit naman nitong isa." sabi niya sabay punta sa kusina.

"Ano bayan oo ang aga aga nag aaway kayong dalawa," sambit ni papa.

"Ito kasing si Christian eh." sabi ko

"Ito kasing si Ate eh." sabi naman niya, sabay kaming nag salita.

"Osya osya tama na yan mag asikaso na kayo at kakain na tayo." sabi ni papa.

Pumunta na ako sa bag ko at kinuha ang pitaka ko para ilagay ang perang binigay sa akin ni papa, maya maya ay umupo na din ako sa hapag kainan. Habang kumakain ay biglang nag tanong si papa.

"Nga pala Caseline hanggang kaylan bayang bayaran para sa camp tour ninyo?" tanong niya.

"Hanggang ngayon lang po," malumanay kong sabi.

"Ha?! Ngayon lang? Eh paano yan 1000 pesos lang ang bigay ko sayo?," nag aalalang tanong ni papa habang sumusubo ng pag kain.

"Eh ako na nga pong bahala." sagot ko

"Ito oh 1000 ate gamitin mo muna para sa camp tour ninyo," inabot ni Christian ang pera niya sa akin.

"Saan ka naman naka kuha ng pera ha?," pag tatakang tanong ko.

"Sa bakla ate, de joke sa mga sinalihan kong liga yan noong makaraan," malokong sabi niya haban medyo natatawa tawa pa.

"Ah okay, kala ko talagang galing sa bakla na lagot ka talaga kay papa pag nangyari yun." sabi ko.

"Oo nak pati yung bakla mo isasabit ko sa puno ng mangga," pabiro na sabi ni papa.

"Hindi mang yayari yun hahaha ako pa!," malakas na sabi ng kapatid ko.

"Salamat dito ah babalikan nalang kita pag nag ka pera nadin ako." sabi ko

"Sige ate no prob yung sobrang pera pang bili mo ng mga kaylangan mo para sa camptour ninyo." sabi ng kapatid ko.

Ngumiti lang ako sa kanya at nag pa tuloy sa pag kain, maya maya pa ay napatingin na ako sa orasan 6:10 am na kaylangan ko ng mag madaling maligo para pumasok sa school dahil maaga ang pasok namin ngayon. Natapos na ako sa lahat ng dapat kong gawin kaya naman sumakay na ako sa bus.


School


"Yung dapat bayaran, bayaran na ngayon ah last day ng payment ngayon," malakas na sabi ni Teacher Marie.

"Ang aga mo ngayon ata Ma'am?" tanong ng isa naming kaklase.

"Ganun talaga kaylangan eh, oh punta na dito yung mga mag babayad para sa Camp Tour!," sigaw ni Teacher Marie habang inaayos ang mga unang nag sisipila para mag bayad.

Habang naririnig ko ang pag sisigaw ni Teacher Marie, nakita ko si Ensley sa gilid na tila ba may hinahanap sa pitaka ka niya. Naisipan ko siyang lapitan kahit na alam kong hindi pa kami bati.

"Ensley?" Pag tawag ko sa kanya.

Hindi siya lumingon sa akin at tila hindi niya ako pinansin, kaya naman inulit ko ang pag tawag ko sa kanya.

"Ensley? May problema ba?" tanong ko sa kanya, huminto siya sa pag hahanap sa kung ano man ang hinahanap niya at lumingon siya sa akin.

"Caseline? Pwde ba huwag kang nakikialam ng buhay ng may buhay?" Inirapan niya ako at sabay tayo dala ang bag niya at lumipat ng ibang upuan.

'Ito ka nanaman Caseline, pinipilit mong maging okay kayo eh galit nga yung tao sayo hindi kaba talaga nakakaintindi?'  Mga salitang nasa isip ko habang naka tayo kung saan ko sinubukang kausapin si Ensley.

"Uy," may tumapik sa akin mula sa likuran ko lumingon ako para tingnan.

"Uy ayos ka lang?" tanong ni Jaden.

Tumango lang ako sa kanya at bumalik na sa upuan ko kinuha ko nalang ang pitaka ko.

"Sino pa hindi nag babayad diyan pumunta na dito?" tanong ni Teacher Marie habang nag bibilang ng pera.

"Ah ako po Ma'am," sabay taas ng kamay ko at tumayo.

"Oh Caseline halika kana dito at mag bayad ano pabang tinatayo tayo mo diyan?" tanong ni Teacher Marie.

"Ay okay po sorry po Ma'am," sabi ko sabay punta lakad papunta sa desk niya.

Nag bayad na ako at pag ka tapos ko ay bumalik ako sa upuan ko, maya maya pa ay tumayo na si Teacher Marie.

"Okay class uulitin ko lang by monday no phones pag naka rating na tayong Loposean City, at girls please walang mag shoshort ah pati ang boys walang mag boboxer ah." sabi ni Teacher Marie.

"Okay po Ma'am." sagot ng buong klase.

"Mag pahinga kayo ng husto dahil sinisigurado kong mahihirapan kayo sa mga gagawin," paalalang sabi ni Teacher Marie sabay buklat ng pamaypay niya hawak.

"Ma'am may tanong po ako?" sabi ni Alyana.

"Yes?" sagot ni Teacher Marie.

"Paano po pag may nangyaring hindi maganda paano namin ma cocontact ang isa't isa kasi wala kaming phone?" tanong niya.

"Magandang tanong! Malalaman niyo nalang yan pag andoon na kayo at saka kaming teachers lang ang pwdeng may phone." sagot ni Teacher Marie.

"Nag kaka intindihan ba tayong lahat class?" tanong ni Teacher Marie sa aming lahat.

"Opo," magalang na sagot namin habang may kanya kanyang pinag kakaabalahan sa upuan.

Lumipas ang oras at nag uwian na maya maya pa ay lumapit naman sa akin si Jaden.

"Psst! Girl?," mahinang tawag niya sa akin.

"Bakit?" tanong ko.

"Sabay na tayong umuwi." sabi niya


Sabay kaming umuwi ni Jaden, habang nag lalakad sa street namin bigla nanaman siyang nag tanong.

"May mga gamit at pag kain kana ba para sa camp tour sa lunes?" tanong niya.

"Wala pa eh, ikaw ba?" sabi ko.

"Wala pa bibili palang ako sis bukas ay... wait gusto mo sabay tayo bukas?," maligayang pag tanong niya sakin.

"Pwde naman, kaso konti lang pera ko konti lang din mabibili ko." sabi ko

"Nako hindi na problema yang bibilhin mo, libre ko na yung iba," masayang pag kaka sabi niya habang tinitingnan niya ako.

"Libre ka diyan, nakakahiya uy! Saka isa pa okay na sa akin yung konti lang bibilhin ko." sabi ko

"Hays basta ako bahala sis! Bukas ah," aniya at sabay kaway nito sa akin.

"Sige sige bukas." sambit ko sabay open din ng gate namin.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at nakita ko si papa.

'Ang aga naman yata niya o baka hindi siya pumasok sa work?'  Mga naiisip habang sinisirado ang pintuan ng bahay namin.

"Oh nak, andiyan kana pala meryenda kana muna," alok niya sa akin ng tinapay at juice sa mesa.

"Papa hindi ka po pumasok? Bakit andito ka?," nag tatakang tanong ko sa kanya.

"Hahaha! Day off ko ngayon nak nakalimutan mo?," natatawang tanong niya sa akin sabay kagat ng isang pirasong tinapay.

Napakamot ulo ako at napasabi sa sarili ko na 'Caseline ano ba naman lutang ka naman masyado'

"Kumain kana ng meryanda Caseline ano bang tinutunga tunganga mo diyan." sambit ni papa


Kumuha ako ng tinapay at juice at umupo sa sala namin, si papa naman tuloy lang sa panonood ng paborito niyang teleserye sa tv tuwing hapon, ako naman itong nakikinood nalang din kahit ayaw ko sa palabas na iyon.

"Nak, dahan dahan lang naman sa pag kain hindi ka mauubusan madami pa doon," malokong sabi ni papa habang tuloy padin sa panonood ng tv.

"Opo pa, nga pala pa aalis ako bukas." sabi ko

"Saan ka pupunta?," pag tatakang tanong niya.

"Bibili po ng mga kaylangan para sa camp tour." sagot ko

"Osya sino namang kasama mo?" tanong niya.

"Si Jaden po." sagot ko

"Sige mag iingat kayo ah." sabi niya.



Lumipas ang oras at gumabi na dumating na din ang kapatid ko mula sa training nila sa school, at kumain kami ng hapunan umakyat na ako sa taas para matulog ngunit, noong pa higa na ako biglang tumunog ang cellphone ko dahil may mag text sa akin.
Binuksan ko iyon at nakitang nag message sa akin si Jaden.



Jaden: Sis bukas ah 8:30 am alis na tayo.

Me: walang problema, huwag kana mag text matutulog na ako, goodnight!

Jaden:pssh, aga aga pa hindi uso puyat sayo teh?

Hindi ko na nireplyan ang sinabi niya in off ko na ang cellphone ko at natulog na ako.










KINABUKASAN SA MALL







"Hoy babaita wait mo ako," nag mamadaling sabi ni Jaden habang dala dala ang basket na lalagyan ng mga bibilhin.

"Ang bagal mo kasi," sambit ko sa kanya sabay kuha ng isang basket na bitbit niya.

"Hoy akin yan!" sabi niya.

"Pssh ang laki laki niyang sayo oh akin ito," malokong kong sabi sa kanya habang hawak na ang isang basket na kinuha niya.

"Hay nako ewan ko talaga sayo!" medyo naiinis na sabi niya habang kumukuha na ng mga pag kain at inilalagay sa basket niya.

"Tooth paste... toothbrush... alchohol" sabi ko habang tinitingnan yung mga naka lista sa papel na dapat kong bilhin.

"Ito tooth paste lima sayo ito sis." sabi niya sabay lagay ng limang tooth paste sa kanyang basket.

"Grabe ka naman sa limang tooth paste bakit Jaden ha? Ganun naba ka baho hininga ko ha?" medyo naiinis na tanong ko sa kanya.

"Hahaha hindi naman gusto ko lang maka sigurado na madami tayong extrang dala." sagot niya

"Okay kala ko mabaho na hininga ko kaya limang tooth paste na ibibili mo para sa akin eh." sabi ko sa kanya habang kumuha ng tissue at nilagay ito sa basket ko.

Maya maya pa ay pumunta ako sa stall ng pag kain at mga stall ng gamot. Kumuha ako ng bonamine, kasi mahihiluhin ako sa byahe. Kumuha din naman ako ng chocolate sa stall ng mga pag kain para hindi ako masuka pag nasa byahe na ako, ng makumpleto ko na ang mga dapat kong bilhin hinanap ko si Jaden kung saang stall siya nag punta. Sakto naman nakita ko agad siya kaya nilapitan ko siya.

"Andiyan kana pala," pag pansin niya sa akin habang kumukuha ng kanyang mga bibilihin.

"Ano yan? Para saan yan?," pag tatakang tanong ko sa mga kinukuha niya.

"Hammer saka screwdriver sis bakit?," seryosong sabi niya.

"Ha?! Bakit para saan yan bakit ka bibili niya?," pag tatakang tanong sabay lapit sa mga pinamimili niya.

"Para sa camp tour ano ba sis?" sagot niya.

"Bakit may hammer tapos screwdriver at may tape saka pliers pa?" tanong ko.

"Okay na yung ready tayo diba? Baka mamaya may aswang don edi may hammer akong dala saka tape kasi i tatape ko siya," seryosong pag kakasabi niya sa akin.

Hindi ko alam magiging reaksyon ko sa mga pinag sasabi niya, sobrang takot siguro talaga siya sa Loposean City, ay hindi mali talagang matatakutin siya.

"Hahaha, okay sige bilhin mo lang gusto mong bilhin." sabi ko

"Ikaw hindi ka bibili hammer?" tanong niya.

"Hahaha hindi noh, hindi pa naman ako ganun ka baliw." sabi ko

"Sige sis bahala ka pag may multo doon o aswang wala kang manangga," nangungunsenya pang sabi niya.

"Hahaha osya pag tapos mo diyan mag pa counter na tayo ah," natatawa kong sabi.




















                                                            

                                                    To be continue.....










Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro