Chapter 31
JADEN
Naka upo ako sa upuan sa loob ng classroom,feeling ko inaantok pa ako kaya naman tinakpan ko ng panyo yung mukha ko at natulog, noong patulog na ako biglang nag sigawan naman yung mga kaklase kong lalaki.
"Uy pare bakit ngayon ka lang?" tanong ng isa naming kaklase.
"Pre grabe na miss ka namin" sabi pa ung isa naming kaklaseng lalaki.
Hindi ko naman pinansin kung sino yung sinasabihan nilang bakit ngayon ka lang, tuloy padin ako sa pag takip ng panyo sa aking mukha.
"Ah eh, may mga inasikaso lang." sabi nito, isang pamilyar na boses ang aking narinig kaya't napa mulat ang aking mga mata at tinangal ang panyo sa mukha ko.
"Grabe namiss kita pre." sabi ni Tristan sabay yakap dito.
"Parang isang linggo lang akong nawala ay hindi mag dadalawang linggo na pala." sabi niya sabay tingin sa pwesto ko.
"David ikaw pala." Pag pansin ko sa kanya
"Uy Jaden, kamusta?" tanong niya.
"Ito ayos naman nga pala bakit ngayon ka lang?" tanong ko.
"May mga inaasikaso lang." Sabi niya sabay alis at upo sa pwesto niya
"Uy pre may bagong labas na hot style ng mga damit ngayon sa magazine." narinig kong sabi ng isa naming kaklase kay David.
"Oo nga pre ano mamaya punta tayo sa mall bili tayo?" sabi pa nung isa naming kaklase
"Saka nalang siguro madami akong balak gawin eh." sagot ni David sa kanila
"Ano bayan sayan---" naputol yung sasabihin ng isa namin kaklase kay David dahil biglang pumasok si Teacher Marie.
"Goodmorning Class!" Bati niya sa amin.
"Goodmorning din po Ma'am" sagot namin
"May important annoucement ako sa inyo" sabi niya sabay upo sa desk niya.
"We will have camp tour, 3 days overnight at madaming team building na nagagawin." sabi niya.
"Ah eh Ma'am? May bayad po ba yon?" tanong ni Alyana na kaklase namin.
"Well, Alyana wala ng libre sa panahon ngayon malamang may bayad." sabi ni teacher Marie
"Ay ganon po ba mag kano naman po?" tanong nanaman ulit ni Alyana.
"1,500 pesos kasama na ang 3 days rent sa isang house doon, pero sa 3rd day lang tayo matutulog don." sabi niya
"Excuse po Ma'am?" sabi ng isa naming kaklase na si Marisse
"Yes?" sabi naman ni Ma'am
"May i go to comfort room?" sabi ni Marisse
"Go, kala ko pa naman may tatanong na." Napakamot ulo si Teacher Marie, "Okay balik tayo sa pinag uusapan natin,first day lang may mag hahanda ng food sa inyo sa house na iyon, next day wala na kanya kanyang luto." dagdag pa niyang sabi.
"Ma'am pwde malaman sa buong tatlong araw doon tayo matutulog sa house na iyon?" tanong ko sa kanya.
"Magaling na tanong Mr.Saber, well infact hindi." Nakakagulat na sagot ni Teacher Marie.
"Ah eh? Bakit saan naman po?" tanong ni Ensley.
"Sa kabundukan at kagubatan tayo matutulog." sagot niya sa tanong ni Ensley.
"Po?" Gulat na tanong naman ni Caseline.
"Smpre mag dadala tayo ng tent, doon kayo mag luluto sa kahoy at ang ilaw lang din ay kahoy kayo kung gusto niyo mag dala ng flash light saka solar na ilaw sige pwde naman." sabi ni Teacher Marie
"Eh Ma'am para saan ba itong Camp tour na ito?" tanong ni Tristan.
"Para matuto kayo sa survival, malay niyo in the future maligaw kayo sa isang isla edi namatay na kayo kasi wala kayong alam." sagot ni Teacher Marie
"Tama nga naman, pwde ng mag bayad ngayon?" sabi naman ni David.
"Sure David leave it here mamaya nalang dahil nag uusap pa tayo." sabi ni Teacher Marie
"May rules din tayo class, no phones sa loob ng 3 days, ang mga babae ay bawal mag short kahit matutulog at ang lalaki naman ay bawal mag boxer short." sabi niya pa.
"Ha? What if maiinit doon Ma'am?" tanong ni RJ.
"RJ, hindi mainit don bundok yun fresh air saka napuntahan ko na din yun okay?" sabi ni Teacher Marie.
"Ma'am tanong lang po kung sino ang kasama sa tent?" tanong ni Caseline.
"Pwdeng babae pwde ding lalaki, depende sa ipapakita ninyong performance saka kung mag ka salungat man na kasarian ayos lang may hati ang isang tent sa ginta hindi kayo mag kakayakapan at hindi mo din makikita kung sino ba kasama mo unless tingnan mo siya galing sa labas." sagot niya
"Ah okay po Ma'am, nga po pala yung kasama mo sa isang tent permanent na po ba yun hanggang 3rd day?" tanong pa ulit ni Caseline.
"No! Hindi exciting pag ganon, papalit palit kada araw." sagot niya sa tanong ni Caseline.
"Bakit Caseline? Sino ba gusto mong katabi sa tent mo ah?" tanong ni Joy na kaklase namin.
"Baka gusto niyang katabi si---" sabi Mae sabay tingin kung saan ako naka upo.
"Ahh kaya hahaha." sagot ni Joy
"Ha? Ako wala noh wala naman akong problema kung sino maging kasama ko sa tent." sabi ni Caseline
"Hmmm sige sabi mo eh!" nanlolokong sabi ni Joy.
"Ma'am bakit po babayaran natin ang 3 days rent sa house kung sa last day lang naman tayo don matutulog?" tanong ni Tristan.
"Babayaran natin kasi sa kanila yung lupa na i cacamp tour natin saka yung may mga dalang maleta iiwan yan doon sa house camp hindi pwdeng dalhin yan sa kagubatan." sagot ni Teacher Marie.
"Ganon po ba maam eh diba first day lang naman tayo kakain don?" tanong pa ulit ni Tristan.
"First and last day tayo kakain don, dahil sa first day hapon na tayo makaka dating doon." sagot ulit ni Teacher Marie sa tanong ni Tristan.
"Ah okay po." sabi niya at tumahimik na siya.
"Ma'am? Saan po ba itong pag cacamp touran natin? Saka ilang hours ang byahe?" tanong ko.
"Sa may Loposean City lang naman at 6 hours ang byahe doon." sagot niya
Nanlaki mga mata ko sa sagot niya, dahil ang Loposean City ay isang sikat na city na pinapagitnaan ng Luzon at Visayas, ayon sa mga kwento kwento lahat daw ng nag babakasyon doon ay hindi na nakakabalik.
"Ah eh Ma'am sure po ba yun? Diba yun yong may mga kwento kwentong kababalaghan na nangyayari doon?" tanong ko sa kanya.
"Yes Mr.Saber! Totoo yun, kaya nga doon tayo mag cacamp tour para mas exciting diba?" sabi niya.
Habang naka tingin kay teacher Marie, na iimagine ko na yung itsura ng pupuntahan namin, na iimagine ko na sobrang madilim at kahit anong oras mas ay pwdeng may mag pakita sayo na hindi ka aya ayang tingnan.
Napatingin ako kay Caseline, tumawa naman ito pero tinakpan lang niya agad nung nakita ko siya. Napalunok naman ako ng laway ko, dahil hindi ko alam kung sasama paba ako sa camp tour nayan.
"Okay class wala nabang tanong?" sabi ni Teacher Marie
"Meron po!" malakas na pag kaka sabi ko.
"Yes Mr. Saber?" sabi niya
"Pwde po bang mag back out, hindi nalang po ako sasama sa camp tour nayan." sabi ko
"Sige pero may kabayaran, aaralin mo ang 5 chapters ng libro ko at mauuna kang mag exam pag balik namin, magiging janitor ka din ng buong school for 1 month at babayaran mo pa ang 1,500 pesos na rent sa house ng camp tour kahit hindi ka sasama, ano ayos lang ba sayo?" tanong niya.
"Ah ehh ummm--- hindi po na sasama na ako." sabi ko
"Okay yun naman pala bukas last day ng bayaran at next day hanggang sunday wala ng pasok, mag pahinga kayo kasi mabibigat na team building ang gagawin natin at madami pang activites." sabi ni Teacher Marie.
"Okay po" sagot ng buong klase.
"Ma'am ito na po ang bayad sa camp tour." sabi ni David
"Okay salamat, class bukas ah last day ng payment." sabi ni Teacher Marie
"Opo Ma'am" sagot namin.
"Okay class dismiss."
CASELINE POV
Nakita kong natakot si Jaden dahil sa Loposean City, ang camp tour namin.
Hahahaha! pwde ko siyang takutin pag andoon na kami, ayan ang mga naiisip kong kalokohan.
Nag ring ang bell, hudyat na uwian na.
"Jaden?" tawag ko sa kanya
"Bakit?" tanong niya
"Uwi na tayo baliw." sabi ko
"Ay oo nga pala." sabi niya
Nag lakad kami papuntang labas ng gate at pumunta sa waiting shed na antayan ng bus, dahil may upuan doon umupo muna kaming dalawa. Walang nag sasalita sa amin, tiningnan ko siya at mukhang ang lalim ng iniisip niya, kaya naisipan ko siyang tapikin.
"Ha?! Bakit?" Gulat na sabi niya.
"Hahahah bakit ka nagulat?" tanong ko.
"Eh nagulat ako eh biglang may tumapik sa akin." Sabi niya
"We? Siguro iniisip mo lang yung Camp Tour sa Loposean City." malokong sabi ko.
"Ha? Hindi noh, bakit ko naman iisipin yun?" pag tangging sabi niya.
"Smpre iisipin mo kasi takot ka diba?" malokong sabi ko.
"Ako takot? Hindi noh!" Tapang tapangan na sabi niya.
"Ahhh hindi ka takot eh ano yang nasa braso mo?" malokong tanong ko sa kanya.
Napatingin naman siya agad dito ay umusod siya sa akin.
"Saan saan?" Nag mamadaling tingin niya sa balikat at sa paligid.
"Hahahaha joke lang, tinatakot lang kita." Natatawang sabi ko.
"Bwusit ka talaga Caseline, kinabahan ako don!" Pag mamataray na sabi niya sa akin.
"Pero promise, may langgam sa braso mo kasi yun ibig ko sabihin." sabi ko sa kanya.
"Sige tanggalin mo." Utos niya
"Wow? Inuutusan moko girl?" sabi ko.
"Bilisan mo na sis, baka ma iritate ang balat ko eh." Sabi niya
Lumapit ako sa kanya para tanggalin ang langgam, ng maka lapit ako sa may braso niya, naamoy ko siya sobrang bango niya parang amoy ng isang bagong sibol na bulaklak fresh na fresh. Kinuha ko na ang langgam at nilagay sa may semento.
"Oh ayan little ant, malaya kana mula kay Jaden." sabi ko
"Malaya bakit kinulong ko bayan?" Nag tataray niyang tanong.
"Hahaha joke lang, uy langgam hindi kapa patay gumalaw ka." Sabi ko
"Luh OA naman nitong langgam na ito, buhay kapa arte kapang patay ka." dag dag ko pang sabi.
"Nako Caseline, huwag mo awayin langgam, baka balikan ka sa bahay ng nanay niya." sabi niya.
"Hindi kaya noh!",sabi ko sabay napa tingin ako sa liwanag ng ilaw na nag mumula sa bus na papunta sa amin.
"Ay ayan na pala tara na Jaden bilis." sabi ko sa kanya habang nag mamadali papasok sa bus.
To be continue....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro