Chapter 30
CASELINE
Pauwi na ako galing school, hindi ko na napansin kung naka uwi naba si Jaden or naiwan sa pa sa school, pupuntahan ko nalang bahay nila mamaya at titingnan kung andoon naba siya.
Sumakay na ako ng bus habang nasa bus ako hindi ko mapigilan isipin si Ensley, baka nga kasi hindi na maayos pa yung friendship namin.
Maya maya ay huminto na ang bus at bumaba na ako, nag lakad ako sa street namin, habang nag lalakad napansin kong may bagong tinatayong store na malapit lang sa bahay namin. May nakita akong isang matandang lalaki nilapitan ko ito at tinanong.
"Kuya? Ano po yang tinatayo na bagong store?." Tanong ko
"Ahh yan ba mag tatayo na MCDO dito" sabi niya habang na ninigarilyo pa.
"Ahh wow, ayos naman pala sige po." Sabi ko sabay paalam
Ayos naman pala may MCDO na pwde na akong araw araw lumabas para kumain. Mga naiisip ko habang nag lalakad.
Pumasok na ako ng bahay nag palit ng damit at naisipan ko pumunta kayla Jaden.
Ding dong!
Dinoor bell ko ang bahay nila, maya maya pa ay bumukas na ang pinto.
"Oh iha, ikaw pala." daddy niya
"Ah hello po Mr.Saber, magandang hapon." Pag bati ko sa kanya ng sobrang magalang.
"Nako, huwag na Mr.Saber tawagin mo nalang akong tito Eli ha?." Sabi niya
"Ahh okay po tito Eli." Sabi ko
"Nga pala bakit ka napa dito? Pasok ka." Sabi niya sa akin sabay papasok sa bahay nila.
"Tatanong ko lang po kung naka uwi na po ba si Jaden?" Sabi ko habang tumitingin tingin sa gilid na nag babaka sakali na andito siya.
"Oo andito siya iha, nasa taas puntahan mo nalang." Sabi ni tito Eli.
"Sige po salamat po." Sabi ko
Umakyat ako sa taas, nakita ko na hindi naka sirado ang pinto ng kwarto niya kaya naman pumasok ang ako dito. Nakita ko siyang naka talikod at naka harap sa may bintana, kaya naman nag dahan dahan ako, naisipan ko kasing gulatin siya.
Kaya nga lang nung maka rating na ako sa likod niya....
"Aha! Ayan pala pinag kakaabalahan mo ah!" Sabi ko, nakita ko kasing tumitingin siya ng abs ng mga lalaki sa cellphone niya.
"Ahhhh!" Gulat na reaksyon niya, "leche ka naman Caseline saan ka galing? Bakit biglang andito kana?." Tanong niya
"Gulat ka noh? Hahaha! Edi sa pinto alangan naman sa bubong o hindi kaya sa may bintana." Sabi ko
"Whoo! Kinabahan ako sayo babae ka!" Sabi niya habang naka hawak sa may dib dib niya.
"Wushuu! Bakit ka kinabahan ha? Dahil ba diyan?" Malokong sabi ko habang tinuturo yung nasa cellphone niya.
"Hmm! Hindi noh!" Sabay off at inalis niya ang cellphone niya.
"Nako! Kunwari kapa eh alam ko naman hahaha!" Sabi ko
"Hoy! Gaga ka parang ikaw ah hindi kaba nag papantasya sa mga ganon." Sabi niya
"Hoy gaga karin! Hindi noh pake ko sa mga abs abs nayan." Sabi ko sabay taray sa kanya
"Edi wow! Kung sa whole life mo hindi ka tumingin sa abs ha?" Sabi niya.
"Hoy isang besess palang ak--" pinutol ko yung dapat na sasabihin ko.
"Isang besesss naaa?" Tanong niya.
"Isang beses palang akooo---uhmmm?" Sabi ko nadulas kasi ako.
"Na?" Sabi niya.
"Na nakakakit ng abs! Hindi ko sinasadya yun noh." Sabi ko pero medyo nahiya ako.
"Sabi na eh nako ikaw pa,kaninong abs?" Masayang pag kakatanong niya.
"Uhmmm--- yung anoo--?" Paputol putol na sinabi ko.
Alangan namang sabihin ko sa kanya diba? Na siya palang nakikitaan ko ng abs nung bigla siyang nag hubad sa harapan ko. Ayan iniisip ko habang hindi ko alam paano ko sasabihin.
"Ano?" Sabi niya.
"Ano kasiii--?" Nahihiyang sabi ko.
"Ano nga?" Tanong niya
"Uhmmm, ano--" sabi ko.
"Potek naman! Girl, kaya mo sabihin today or baka gusto mong ipag pabukas nalang ano?" Sarcastic na sabi niya.
"Yung sayo!" Nilakasan ko loob ko sa pag sabi sabay pikit.
"The heck girl! Oo nga nag hubad pala ako ng topless sa harap mo noh dati." Sabi niya.
Fuck! Fuck! Tama bang sinabi ko or hindi? Medyo akward tuloy sitwasyon ngayon!
"Oo putek! Yung sayo palang na abs nakikita ko." Sabi ko
"Ano paki ulit nga sis?" Pabingi bingihan niyang sabi.
"Sabi ko yung sayong abs palang nakikita ko!" Malakas na sabi ko.
"Ano nga ulit?" Pinaulit niya pa.
"Siraulo! Che! Pinag tritripan mo na ako." Sabi ko
"Hoy! Joke lang sis ito naman, minsan na nga lang tayo maging masaya eh." Sabi niya
"Che!" Pag tataray na sabi ko
"Grabe ka sis, kumain kana ba? Kain muna tayo sa baba." Pag aalok niya
"Pwdeng dito nalang tayo kumain sa kwarto mo?" Tanong ko sa kanya
"Sure pwde naman" Sagot niya sabay alis sa kama niya, "baba lang ako kuha ako pag kain upo ka lang diyan." Sabi niya
"Sige, damihan mo yung juice bakla ah." Sabi ko
Habang nasa si Jaden para kunin ang meryenda namin, umupo ako sa may kama niya tumingin tingin sa paligid at napansin ko na ang ayos ng kwarto niya, kung ikukumpara sa kwarto ko na parang dinaanan ng bagyo araw araw.
"Oh ito na girl, pili ka diyan." Sabi niya sabay abot ng apat na pirasong chichirya at tatlong toblerone na chocolate.
"Oh asan juice ko?" Tanong ko sa kanya
"Chill, baby cheese cake pasok!" Sabi niya.
Nakita kong may isang doll na de battery, dala dala nito ang juice may tray din ito na mukhang kasya nag tatlong juice.
"Astig naman niyan!" Sabi ko "ang cute pa, saan galing yan?" Tanong ko
"Binili yan ni Daddy sa Japan, ginagamit yan kapag madami kang dala na pag kain tumutulong yan para mag bitbit." Sabi niya
"Ah ganon grabe advance talaga mga technology ng Japan." Sabi ko
"Yes! Someday gusto ko don mag travel sis." Sabi niya
"Sama mo naman ako ikaw lang hindi pwde yun sama ako!" Sabi ko habang uminom ng juice.
"Bakit may pang bayad kaba sa ticket?" Tanong niya.
"Wala pero kung libre mo ayos lang naman hehe." Sabi ko
"Gaga 30k yung balikan non tapos gusto mo libre." Sabi niya
"Bakit pwde salpak mo nalang ako sa maleta mo." Sabi ko
"Edi wow! Kung ano ano talaga naiisip mo eh noh." Sabi niya.
"Nood nalang tayo movie sis gusto mo?." Tanong niya
"Sige horror game?" Sabi ko.
"Gaga ka talaga alam mong matatakutin ako!" Sabi niya.
"Andito ako huwag ka mag aalala sis." Sabi ko
"Sige wait ito nalang The Door" sabi niya
"Sure." Sabi ko sabay plinay na niya ang movie sa laptop niya.
Nag start na ang movie pero intro palang nito naka takip na siya ng kamay sa mukha niya.
"Ano bayan paano mo ma eenjoy?" Sabi ko
"Ihhh shhh! Huwag kana maingay sis." Sabi niya habang kumakain ng chips.
"Okay sige sabi mo eh." Medyo natatawang sabi ko.
Nag patuloy ang panonood namin ni Jaden ng horror movie hanggang sa nasa extreme na part na kami at.....
"Ahhh! Mama! Mama! Help meeee ahhhh!" Pag tititili na sabi niya habang nag talukbong na ng kumot.
"Putek! Hahaha eh fake blood lang yan saka hindi talaga putol ulo niyan!" Sabi ko habang nanonood at natatawa sa reaksyon niya.
Habang nanonood, tuloy padin ang kain ko ng chocolate tapos chips at naka dalawang juice na din ako. Maya maya pa ay napansin ko ang oras 6pm na pala, kaylangan ko ng umuwi.
"Hoy Jaden!" Tapik ko sa kanya.
"Ahhh! Baki--t?" Nanginginig na boses niyang tanong.
"Hahaha uuwi na ako baliw 6pm na baka malagot ako kay papa." Sabi ko habang natatawa parin sa reaksyon niya.
Pinatay na niya ang laptop pero habang ino off niya ito ay naka takip ang isang kamay niya sa mga mata niya.
"Okay na." Sabi ko kasi na off na niya
"Whooo! Takte, okay na din!" Sabi niya
"Uuwi na ako ah, salamat sa pa meryenda mo!" Sabi ko
"Tara hatid na kita sa baba." Sabi niya
Bumaba na kami sa sala nila at nakita ko daddy ni si Tito Eli.
"Oh iha? Uuwi kana? Hindi kaba mag hahapunan dito?" Tanong niya
"Nako po hindi na po tito Eli." Sabi ko
"Wowww! Tito Eli hoy! Daddy, bakit ako ayaw mong tawagin kitang Daddy Eli ha?" Tanong ni Jaden sa kanya.
"Eh mabait kasi si Caseline ikaw hindi kaya hindi kita pinapatawag sa palayaw ko." Sabi nito
"Ahh tito Eli? Jaden? Una na ako ha? Salamat po." Sabi ko sabay alis sa pintuan
"Ay sayang hindi ka talaga dito mag hahapunan nag handa pa naman ako." Pahabol na sabi niya.
"Hindi na po thankyou." Sabi ko
"Daddy, hindi nga daw huwag mo ng kulitin yang si sisteret!" Maarteng sabi ni Jaden.
"Osye sige sige hatid mo nalang siya sa gate natin." Sabi ni tito Eli.
"Hoyyy babaita wait, hahatid kita." Sabay habol sa akin ni Jaden sa gate nila.
Hinatid na nga ako ni Jaden sa gate nila, at pumasok na din ako sa bahay namin, andoon na pala sila papa nag aantay sa akin.
"Saan ka galing nak?" Tanong ni papa.
"Kayla Jaden lang po, may inasikaso lang po kami." Sabi ko
"Nako ha napapa lapit kana ata diyan sa Jaden nayan ah, hindi porket niligtas ka niya eh pwde kanang araw araw doon sa bahay nila." Sabi ni papa
"Grabe naman pa, hindi naman araw araw ngayon lang." Sabi ko.
"Papa, mabait si Kuya Jaden mag tiwala ka sakin." Sabi ng kapatid ko habang kumakain.
"Wushuu, osya kumain na kayo at baka lumamig pa." Sabi ni papa.
"Ate? May tatanong ako?" Sabi ng kapatid ko.
"Oh ano naman yun?" Sabi ko
"Crush mo ba si Kuya Jaden?" Deretchahang tanong niya.
"Ehem ehem, hind-i noh!" Sabi ko ng bigla akong mabulunan sa tanong niya.
"Ay ganon, kung ako tatanungin feeling ko crush ka ni kuya Jaden." Sabi niya
At na derechuhan na nga ang pag ka bulunan ko.
"Okay ka lang te?" Tanong niya
"Nak, dahan dahan lang kasi pag kumakain hindi ka mauubusan." Sabi naman ni papa
"Wait, kuha lang ako tubig." Sabi ko
Kumuha ako ng tubig sa ref at uminom at bumalik sa hapag kainan.
"Ano te?" Dagdag pang sabi ng kapatid ko.
"Nako ewan ko sayo, kung ano ano pinag sasabi mo kumain kana nga lang diyan." Sabi ko
"Okay te basta tingin ko may crush sayo si kuya Jaden." Dagdag pa nito bago sumubo ulit ng pag kain.
What the F kung alam lang nila na bakla yon, edi sana hindi sila nag sisi tanong ng mga nakakadiring bagay na tulad niyan. Ayan mga salitang pumapasok sa isip ko.
Natapos na ang hapunan, umakyat na ako sa kwarto ko at pumunta na cr at nag haft bath, habang nag hahaft bath may mga tanong na pumasok sa isipan ko.
Posible kayang ang isang bakla ay mag ka gusto sa isang babae?
O pwde kayang mag tuwid ang isang purong bakla?
To be continue....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro