Chapter 29
CASELINE
"Pssst! Bakit ka naka salampak diyan, tumayo ka diyan" sabi ni Jaden habang hinahawakan ako sa kamay at braso.
"Omg! Sis bakit ka umiiyak sino umaway sayo?" Tanong niya.
Napahawak ako sa pisnge ko na malapit sa mata, at naramdaman ko nga may tumutulong luba mula sa mga mata ko.
"Hindi wala to" sabi ko.
"Hmmm, nako hindi ka makakapag sinungaling sa akin, sabihin mo na" sabi niya.
"Huwag dito" sabi ko.
"Okay tara hanap tayo ng lugar yung hindi dinadaanan ng mga estudyante" sabi niya sabay akay sa akin.
Pumunta kami sa lugar kung saan may mga puno at maganda ang simoy ng hangin. Umupo kami sa may malinis na semento.
"Baki---?" Naputol ang pag tanong niya ng bigla akong humagulgol sa iyak.
"Kasiii-- snffff, si Ensely huhuhuhu" sabi ko habang umiiyak.
"Ha? Bakit ano bang nangyari? Sinaktan kaba niya sis?" Sabi niya.
"Hindi, pero ito huhuhu" tinuturo ko ang dibdib ko habang umiiyak.
"Ayan? Sinaktan ka niya diyan patingin--" lalapit sana siya sa dibdib ko para tingnan.
Pakk! Sinapak ko siya
"Engot! Puso ko sinaktan hindi literal na dibdib" napatigil ako sandali sa pag iyak sa ginawa niya.
"Ah ehh--- ganon ba? Tinuturo mo kasi dib dib kala ko kung ano ng ginawa sayo diyan" sabi niya.
"Ewan ko sayo, huhuhu" tuloy padin sa pag iyak.
"Eh bakit ano nga ba kasing nangyari?" Tanong niya.
"Hindi na daw kami mag friendship, huhuhu" sabi ko habang mas napa lakas pa ang pag iyak ko.
"HA? Bakit?" Napasigaw siya at napa tayo pa.
"Dahil nga don sa nangyari" sabi ko sabay punas ng mga luha.
"OA sis ah? Hindi na agad kayo mag friendship! Yun lang arte niya" nag rereklamong sabi niya.
"Oo" sabi ko habang tuloy sa pag punas ng luha.
"Wala kabang panyo? Jusko ka yung uhog mo tumutulo na iwww" sabi niya sabay bigay sa akin ng puting panyo niya.
"Huwag na" tanggi ko sa pag bigay niya ng panyo niya.
"Sus aarte pa, oh ito na ako na mag pupunas" sabi niya tapos bigla siyang lumapit sa mukha ko.
O_o Heck! Nagulat ako sa pag lapit niya sa mukha ko hindi ko akalain yun, habang malapit siya sa akin at pinupunasan ang mga luha ko, isama nadin pati ang uhog ko, nararamdaman ko na hindi ako makahiga, pinipigilan ko ito hindi ko alam kung bakit. Naka tingin lang ako sa mga mata niya habang ginagawa niya ito.
"Oh okay na, jusko ka sis" sabi niya sabay tapon sa basurahan ng panyo niya.
"Bakit mo naman tinapon?" Tanong ko.
"Bakit? May balak kapa bang itabi yun?" Sabi ni sabay tinaasan pa niya ako ng kilay.
"Ha? Hindi, wala! Lalaban ko nalang sana nakakahiya naman sayo eh" sabi ko.
"Bayaan mo na madami naman akong panyo" sabi niya.
"Nako, ka talaga sayang padin yun noh!" Sabi ko.
"Edi kunin mo sa basurahan sis" sabi niya.
"Hoy? Ano ako aso, pusa? NO WAY!" Maarteng sabi ko.
"Ayun naman pala eh ayaw mo haha" sabi niya.
"Pssh" sabi ko sabay ikot ng mata.
"Ano okay kana?" Tanong niya.
"Medyo, tara na nga may makita pa satin dito ma issue nanaman tayo, kakapost ko palang naman kagabi". Sabi ko sa kanya sabay alis.
Pumunta na kaming classroom ni Jaden, sakto sabi nung pag pasok namin, nag CR daw yung teacher kaya naman agad agad kaming umupo sa kanya kanya namin upuan. Habang nag aantay sa teacher namin, napatingin ako sa upuan ni David napansin kong ilaw araw na siyang absent, mukhang masyado ko ata siyang nasaktan. Maya maya pa ay pumasok na ang teacher namin at nag turo ito.
JADEN POV
Napansin kong sobrang apektado si Caseline sa mga nangyayari, kaya may naisip akong paraan baka sakali lang na gumana ang paraan ko edi good! Nag ring ang bell, ibig sabihin ay recess na.
Sinundan ko si Ensley kung saan man siya pupunta, ang balak ko kasi ay kausapin siya at ipaliwanag ang lahat sa kanya para hindi na siya magalit kay Caseline.
Nag lalakad siya papuntang lab room, agad ko naman siyang sinundan.
"Ensley" tinawag ko siya.
Ni hindi siya lumingon sa akin.
"Ensley!" Sumigaw na ako ng malakas.
This time napa tingin na siya sa akin.
"ANO?!" Sumigaw din siya ng malakas pabalik.
"Usap tayo" sabi ko.
"Bakit may dapat pabang pag usapan?" Tinaasan niya ako ng kilay.
Aba aba hayup tong babae na to ah, kung hindi lang kami andito sa school, sinampal ko na ito ng dahil sa pag uugali niya. Mga salitang nasa isipan ko habang nag pipigil ng inis habang kaharap siya.
"Meron" sabi ko.
"Oh ano?" Tanong niya.
Lumapit ako sa kanya, akala niya may gagawin akong kung ano hindi niya alam bubuksan ko lang ang lab room at doon ko siya gustong kausapin.
"Dito tara" sabi ko.
"Bakit? Papatayin mo ako diyan noh?" OA niyang sabi.
"Hahaha, hindi" sabi ko.
Pumasok na kami sa loob ng lab room.
"So? Ano ng pag uusapan?" Sabi niya.
"Well, alam mo na sekreto ko, siguro problema ko nayon huwag mo ng idamay si Caseline, pwde?" Sabi ko.
Pumalakpak siya. "HAHAHAHAHA Ang gagaling niyo talaga ibang klase mga actingan ninyo" sabi niya.
"Ensley, hindi ito joke nakikiusap ako mag ayos na kayo ni Caseline" sabi ko.
"Kami mag aayos pa? No way! Hahaha, hindi ako kumakaibigan ng walang tiwala sa akin" sabi niya.
"Well, Ensley kung totoo kang kaibigan papakinggan mo yung side niya" sabi ko sabay kuha ng meter stick para hawakan lang.
"Bakit pag ba hindi ako nakipag ayos hahampasin mo ako ng meter stick na hawak mong yan?" Tanong niya.
"HAHAHAHHAAHAH Look Ensley, parang si Caseline itong meter stick na hawak ko walang ka alam alam sa mga pinag iisip mo" sabi ko.
"Ha?" Sabi niya.
"Well, Kung hawak ko lang naman itong meter stick masasaktan kaba? Diba hindi? Parang ganon si Caseline, kasalanan ko naman at hindi niya kasalanan kaya huwag kang magalit sa kanya" sabi ko.
Natahimik siya.
"Bahala ka Ensley, aalis na ako bye" sabi ko.
Umalis na ako ng lab room, iniwan ko siya don sa loob para maka pag isip, ewan ko nalang kung hindi pa yun magising sa katotohanan.
ENSLEY POV
Totoo naman ang mga pinag sasabi ni Jaden, pero ewan merong something dito sa puso ko na ayaw kong patawarin si Caseline, at pinipilit nitong sabihin sa utak ko na magalit lang ako.
Naiwan ako dito mag isa sa lab room, tumingin tingin ako sa paligid. Maya maya pa ay naisipan kong itext si David.
Me: David? Pwdeng makipag meet later?
David:sure. Saan?
Me: Sa may Gobaĺúe Cafe. 3:30 mamayang hapon.
David: Sige. May pag uusapan ba tayo?
Me:Meron. Sige mamaya nalang.
Pumayag naman itong si David makipag kita sa akin.
Lumabas na ako ng lab room at bumalik sa classroom, pinalipas ko lang ang oras at inantay mag uwian.
Bell rings
3:00 pm uwian
Agad agad akong lumabas ng gate ng school, sumakay nalang ako bus para pumunta sa cafe kung saan ako makikipag meet kay David. Pag pasok ko sa Cafe 3:20pm palang pero andun na si David.
"David" sabi ko sabay upo sa may harapan niya.
"Hmm? Anong pag uusapan natin?" Tanong niya.
"Oorder muna ako ng kape at makakain natin" sabi ko.
Pumunta naman ako sa orderan para umorder.
"Miss? Dalawang Amerikano yung isa less sugar tapos pwdeng palagyan ng ice?" Sabi ko.
"Yes po maam, ano pa po?" Tanong nung babae.
"Dalawang cookies and cream stuff saka Jiuĺa Cake special" sabi ko.
"Okay po maam yun lang po?" Tanong niya.
"Yes po, yun lang" sabi ko.
"675 pesos po total bill maam" sabi ng babae.
"Okay po ito na ang bayad" sabi ko.
Binigay niya sa akin ang resibo.
"Ihahatid nalang po sa table ninyo maam, salamat!" Sabi ng babae.
Bumalik na ako sa upuan namin ni David.
"So ano pag uusapan?" Tanong niya.
"Kinausap ako ni Jaden, about kay Caseline" sabi ko.
"Tapos?" Sabi niya.
"Totoo naman mga sinabi niya pero galit padin ako kay Caseline" sabi ko.
"Ako din medyo naiinis, pati nga sa sarili ko" sabi niya.
"Bakit naman?" Tanong ko.
"Kasi hindi siya napa sa akin, alam mo yung gustong gusto mo yung isang bagay tapos hindi napasayo?" Sabi niya.
"Hmmm, yung sa panliligaw mo ba?" Sabi ko.
"Oo, sobrang sakit din non smpre kahit hindi naman ako umaasa pero masakit padin" sabi niya.
"Siguro ganon nararamdaman ko ngayon, naiinis ako kay Caseline pati nadin sa sarili ko" sabi ko.
"Maam? Ito na po order niyo salamat!" Sabay lapag sa table namin.
"Amerikano? Mahilig ka din pala dito" sabi ni David.
"Ahh oo masarap kasi yan partner sila nitong cookies and cream stuff" sabi ko sabay subo.
"Hahaha parehas pala tayo, bakit ikaw lang may Ice sa amerikano mo?" Tanong niya.
"Bakit gusto mo din ba ng may ice ?" Tanong ko.
"Oo hahaha, masarap kasi" sabi niya.
"Edi kukuh---" naputol sasabihin ko at pag tayo ko.
"No need, hindi na kaylangan umupo ka nalang diyan okay naman ito sa akin" sabi niya.
"Okay sabi mo eh, ikaw bahala kung hindi ka nasasarapan diyan" sabi ko.
"Hahaha okay lang , tuloy natin usapan natin" sabi niya.
"Well, yun nga naiinis ako kay Caseline dahil wala siyang tiwala sa akin" sabi ko.
"Hmmm, naiintindihan ko ako naman kasi broken hearted eh" sabi niya.
"Nga pala David?" Sabi ko.
"Oh bakit?" Tanong niya.
"Pumasok kana ng school, madami na ding ginagawa sige ka baka mahuli ka" sabi ko.
"Pag iisipan ko kapag trip ko na pumasok edi sige ba" sabi niya.
"Lagot ka kay Teacher Marie isang linggo kana ata hindi pumapasok eh" sabi ko.
"Apat na araw nalang ang kulang dalawang linggo na" sabi nito.
"Hahaha edi wow may pag ka joker ka pala" sabi ko.
"Siguro konti" sabi niya.
"Okay naman pala ugali mo, ewan ko ba kay Caseline sinayang kapa" sabi ko.
Mukhang nalungkot siya sa sinabi ko.
"Sabagay oo nga" sabi niya.
"Uy, sorry, hindi ko sinasadya banggitin name niya" sabi ko.
"Never mind okay lang bayaan mo na" sabi niya.
"Sorry ah, bayaan mo na nga atleast ngayon may nalabasan ako ng sama ng loob" sabi ko.
"Same din" sagot niya.
"Anong oras na Ensley, umuwi kana babae ka pa naman" sabi niya.
"Walang problema yun, minsan umuuwi ako ng bahay ng 7pm ng gabi" sabi ko.
"Luh? Baliw ka anong oras na yon, delikado yun para sayo" sabi niya.
"Ano kaba hindi ayos lang" sabi ko.
"Tara na hatid na kita sa bahay niyo" sabi niya.
"Haa-?" Sabi ko pero naputol dahil kinuha niya kamay ko.
"Sabi ko tara hatid na kita sa inyo" sabi niya habang hawak ang kamay ko at papalabas ng Cafe.
To be continue.......
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro