Chapter 28
CASELINE
Sobrang hindi ko maintindihan ang nararamdaman ako dahil nalaman na ni Ensley ang pinaka iniingat ingatan na sekreto ni Jaden. Naiinis din ako sa sarili ko iniisip ko kasi kung mali ko ba dahil hindi ko sinabi kay Ensley.
"Uy? Caseline sorry" malungkot na sabi ni Jaden habang nag lalakad kami.
"Hays, wala kang kasalanan ako may kasalanan" sabi ko.
"Nasira ko pa ang friendship niyo" sabi niya.
"Alam mo hindi ko din alam gagawin ko" sabi ko.
"Ano kaya kung kausapin ko nalang siya sis para sayo" sabi niya.
"Hindi na baliw, lalo lang maiinis yun saka baka madamay kapa" sabi ko.
"Eh paano yan?" Tanong niya.
"Siguro uunahin ko muna ayusin yung sa issue natin" sabi ko.
"Yung sinabi ko ba sa bookstore" ilang na sabi niya.
"Oo" sagot ko.
"Sige pasok na ako sa bahay" sabi ko.
ENSLEY POV
Bakit pa kaylangan ilihim sa akin nila yun? Mga salitang iniisip ko.
"Nakakainis" sabi ko habang sinisipa sipa yung mga dahon.
Maya maya pa ay naka tanggap ako ng text message mula kay Caseline.
Caseline: sorry Ensley, pero sana hayaan mo akong mag explain sayo.
"Che" sabi ko ng pasigaw ng matanggap ko yung message niya.
"Explain, explain dapat dati pa nag explain diba?" Sabi ko.
Naisipan kong itext si David mabilis naman siyang nag reply.
Me: David?
David: oh?
Me:Nakakainis.
David:bakit?
Me:Si Caseline.
David:bakit nga?
Me:Hindi niya ako pinag kakatiwalaan.
David:about saan ba?
Me:yung friend niya bakla.
David: ah si Jaden.
Me:Huh? Bakit alam mo?
David: Dati ko pa alam.
Me: pati ba naman ikaw alam mo hindi man ako na inform?!
David:Sekreto niya yun. Aksidente lang naming nalaman.
Me:okay, pero si Caseline for sure hindi niya aksidenteng nalaman.
David:pwdeng huwag mo na banggitin name niya.
Me: okay okay
David:Usap nalang tayo personal pag may time Ensley. Wala kasi akong gana.
Me: Sige sabihan mo nalang ako.
CASELINE POV
Naka isip ako ng unang paraan para matigil na ang issue sa amin ni Jaden at para matahimik na ang buhay ko. Naiisipan kong mag post sa social media ng paliwanag at sorry.
Para sa kalaaman ninyong lahat, una sa lahat hindi kami mag jowa ni Jaden, pangalawa hindi ko siya inaagaw sa inyo, pangatlo mag kaklase lang kami huwag masyadong maissue at pang huli paki tantanan na po ako dahil may sarili din akong buhay at nagugulo to ng dahil sa mga pang babash ninyo, salamat!
"Ayy ang hina naman ng signal" sabi ko habang tinataas ang cellphone ko.
"Ano bayan nakakainis ayaw pa ma post" dagdag ko pang sabi.
Naisipan kong lumabas sa terrece para don mag hanap ng signal pagabi na kasi, siguro madaming nag iinternet. Lumabas ako para pumunta ng terrece.
"Ayon! Na post na yes" masaya kong sabi.
Umupo ako sa may maliit na upuan sa may terrece, at naisipan nadin mag laro ng online games.
"Mukhang malakas ang signal dito ah" sabi ko habang nag lalaro.
"Oo maganda din ang simoy ng hangin" may nag salita.
Napatingin naman ako sa kapit bahay na terrece.
"Uy Jaden ikaw pala" sabi ko habang tuloy sa pag lalaro.
"Mukhang dinadaan nalang ang stress sa laro ah" sabi niya naman.
"Paano mo nasabi hindi moko nakikita, remember may harang tayong plywood?" Sabi ko.
"Binutasan ko yung plywood ng konti edi kita na kita" sabi niya.
"Ginawa mo talaga yun ah" sabi ko.
"Oo baka kasi mamaya multo na pala kausap ko malay ko diba kasi hindi ko nga nakikita" sabi niya.
"Oh di kaya aswang" panakot ko sa kanya.
"Ihhhh aswang huwag kang ganyan sis takot ako sa mga ganon" sabi niya.
"Hahahaha takot ka?" Sabi ko at tinigil ang pag lalaro sa cellphone.
"Oo totoo yun sis ano kaba huhu" maarteng sabi niya.
"Hindi totoo yun tangek hahahaha" sabi ko.
"Okay atleast pag may aswang papaunahin kitang kain" sabi niya.
"Mauuna ako ? Eh mas matangkad ka satin mas una kang makikita noh" sabi ko.
"Edi wow, anyway ano na nga palang balak mo?" Tanong niya.
"Naka pag post na ako" sabi ko.
"Ha?? Anong pinost mo" tanong niya.
"Pinaliwanag ko lang lahat para hindi na ako ma bash" sabi ko.
"Halaa, edi nabanggit mo din don na bakla ako?" Kibakabahang tanong niya.
"Hindi noh, baliw kaba edi another issue nanaman yun" sabi ko.
"Whooo! Salamat" malalim na hininga niyang sabi.
"Nga pala Jaden? Paano mo kinausap si Riana?" Tanong ko.
"Simple lang kinausap ko siya sa likod ng school" sabi niya.
"Tapos? Ano naman mga pinag sasabi mo don?" Tanong ko.
"Hmmm, sinabi ko lang naman na ayoko sa pokpok na may putok" sabi niya.
"HAHAHAHAHAHA! may putok ?" Natatawang tanong ko.
"Oo may putok yun, hindi mo naamoy?" Sabi niya.
"Hindi ko napansin eh hahahaha" sabi ko.
"Well, maarte kasi tong ilong ko sis, kaya amoy na amoy ko na may putok siya" sabi niya.
"Potek ka hahahaha sinabi mo talaga yun sa kanya?" Tanong ko.
"Oo bakit? Amoy putok naman talaga siya tas may pag ka pokpok pa duh" maarteng sagot niya.
"HAHAHAHAHAHAH Ibang klase ka talaga Jaden!" Sabi ko
"Smpre duh, nag papakatotoo lang" sabi niya.
"Hahaha oo nga naman" sabi ko tapos bigla akong tumahimik.
"Oh? Natahimik ka ata?" Tanong niya.
"Naalala ko lang si Ensley" malungkot kong sabi ko.
"Siss, magiging okay din lahat trust me" sabi niya.
"Kung ikaw ba nasa kalagayan niya magagalit ka din ba sa akin?" Tanong ko.
"Hmmmm, konti pero dahil kilala kita hindi" sabi niya.
"Bakit naman hindi?" Tanong ko
"Kasi nga kilala kita kaibigan kita at alam kong may mas malalim pang dahilan kung bakit ganon" sabi niya.
"Yun lang sana nga maayos pa" malungkot kong sabi.
"Maayos payon! Fight lang!" Positibong sabi niya.
"Sana nga talaga" sabi ko.
"Lungkot mo masyado sis, may naisip ako game kaba?" Sabi niya.
"Oh ano nanaman yang naisip mo?" Tanong ko.
"Tutal malungkot ka, mag laro tayo Q and A iba ibang topic ng malibang ka naman" sabi niya.
"Sige, papatulan ko nanaman yang trip mo" sabi ko.
"Grabe ka parang pilit pa ah! Pero ito teka wait, tingnan ko mga tanong sa cellphone ko" sabi niya.
"Hmmm ito sakto, tutal sis hindi pa natin alam mga gusto ng isa't isa mag tanungan tayo" sabi niya pa.
"Sige game ako diyan" sabi ko.
"Favorite color?" Tanong niya.
"Blue ikaw ba?" Sagot ko.
"Pink saka yellow bagay kasi" sabi niya.
"Hmmm, favorite brand ng shoes?" Tanong niya.
"Nike ikaw ba?" Sabi ko.
"Same" sagot niya.
"Favorite sports?" Tanong niya.
"Wala eh pero pwde na sa volleyball" sabi ko.
"Ay ganon ako wala talaga eh hahaha" sabi niya.
"Ito nalang mas nakakatuwang tanong! Anong gusto mong part sa isang lalaki?" Tanong niya.
Nabigla ako sa tanong niya putek! Bakla ka nga talaga! Ayan mga nasa isip ko.
"Siguro, yung mata nalang ikaw ba?" Sabi ko.
"Same" sabi niya.
"Eh ano namang klase ng ugali ng lalaki ang na attract ka?" Tanong niya.
"Siguro mabait tapos masiyahin" sabi ko.
"Ah okay okay, mas matanda or mas bata sayo ang edad?" Tanong niya pa.
"Pwde namang matanda pero pwde din yung kaidad lang" sabi ko
"Eh ikaw ba?" Dagdag ko pang tanong.
"Siguro mas bata okay na" sabi niya.
"Luh, child abuse oh! Hahahaha" sabi ko.
"Last question, anong height ng lalaki ang tipo mo?" Tanong niya.
"Siguro, mga 5'8 or 5'9 lang pwde na hindi din naman ako katanggaran" sabi ko.
"Ayaw po 7 footer sis?" Tanong niya.
"Ayoko, baka yung ulo ko hanggang betlog lang niya" sabi ko.
"HAHAHAHAHA leche ka hahaha sabagay maliit ka nga naman pag 7 footer hanggang betlog kalang non hahahaha" sabi niya.
"Oo hahaha ayoko non bakit ikaw gusto mo ba non?" Tanong ko.
"Pwde din hahahaha" sagot niya.
"Gaga ka talaga hahahaha" sabi ko.
Napatingin ako sa orasan ko at 8:45 pm na pala, dapat ng matulog.
"Bakla matulog na tayo" sabi ko.
"Tayo so gusto mo sis tabi tayo dyan?" Malokong sabi niya.
"Gaga ka hindi, matutulog na ako yun nalang" sabi ko.
"Hahahaha joke lang pinapatawa ka lang" sabi niya.
"Osya salamat sa kalokohan mo" sabi ko.
"Wala yun basta ikaw hahahaha" sabi niya.
Pumasok na akong kwarto at natatawa padin ako sa usapan namin kanina about sa height ng lalaki.
"Hahahahaha" bigla akong natawa habang naka higa.
Napa iling iling pa ako sa kakatawa, loko loko talaga yun Jaden nayon. Makatulog na nga at madami pang mga kaylangan gawin bukas.
KINABUKASAN
"Uy Ensley? Pansinin mo naman ako" sabi ko habang sinasabayan ang mabibilis na lakad niya.
"Sandali Ensley, pakinggan mo naman explaination ko" sabi ko.
Hinawakan ko siya sa braso niya.
"Ensley ano ba? Please!" Sabi ko.
"Caseline? Naiintindihan mo ba? Issue to ng trust! Wala kang tiwala sa akin!" Galit na sabi niya.
"Hindi sa ganon Ensley" sabi ko.
"Eh ano ha? Bakit pag sinabi mo ba sa akin sekreto ni Jaden tingin mo ipag kakalat ko ha?" Sabi niya.
"Hindi sa ganon, alam ko kasing type mo siya diba ayoko lang masaktan ka" sabi ko.
"Bakit ha? Sa tingin mo hindi ako na saktan na nag lihim ka sa akin? Na hindi ako pag katiwalaan Caseline?!" Galit na sabi niya.
"Sorry okay? Alam mo hindi ko din alam ang gagawin ko eh!" Sabi ko.
"Hindi alam? Oh nag papanggap kalang na hindi mo alam?" Sabi niya.
"Hindi ko talaga alam Ensley maniwala ka" sabi ko.
"Tingin mo maniniwala ako sayo! Sa inyo!? Eh mga mangagamit kayo eh!" Sabi niya.
"Pero parang awa na Ensley, hayaan mo muna mag explain ako sayo" nag mamakaawang sabi ko.
"Ano sorry? Sorry? Ganon nalang lahat yun? Hindi! Simulan ngayon tinitigil ko na ang pag kakaibigan natin!" Malakas na sabi niya sabay alis.
Natigilan ako sa sinabi niya para bang may tumusok na kutsilyo sa dibdib ko, yung mga salitang sinabi niya sobrang lakas sa tenga ko at paulit ulit ko iyong naririnig. Nanlamya ako, napaupo nalang ako sa mag gilid at hindi ko na pinapansin ang mga taong dumadaan, wala na akong pake sa sasabihin ng iba ang importante nalang sa akin ngayon ay si Ensley
At iniisip ko kung paano niya nakayanang bitawan ang mga masasakit na salita nayun sa harapan ko pa.
To be continue.......
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro