Chapter 27
JADEN
Gumising ako ng may lakas ng loob kausapin si Riana pag punta ko ng school, naisip ko nadin ang plano para naman tumigil na din siya sa kaka bash kay Caseline.
Sumakay na ako ng bus nauna na ako kay Caseline, madalas ay sabay kami pero ngayon hindi muna.
Pag ka dating ko ng school agad naman bumungad sa akin ang mga babaeng tingin ko ay crush ako.
"Hi Jaden? Ang gwapo mo naman" bati ng isang babae na tingin ko ay mas bata sa akin.
"Uy? Totoo ba girlfriend mo yung Caseline?" Tanong naman ng isa pang babae.
"Pansinin mo naman kami Jaden! Fans mo kami" sabi ng isa.
Nilagpasan ko lang sila hindi ko pinansin yung mga pinag sasabi nilang walang kwenta. Pumasok na ako ng room, sakto may mas maaga pa pala sa aking pumasok. Naisipan kong mag tanong dito.
"Pwde mag tanong" sabi ko.
"Ano yun?" Sabi ng isa kong kaklase.
"Kilala mo yun Riana?" Tanong ko.
"Ah yun ba? Sikat yun sa cheering squad nila" sabi nito.
"Ah gusto ko lang mag tanong saan ba palaging naka tambay yun?" Sabi ko.
"Edi kung saan sila nag prapractice, minsan nakikita ko din sa may likod ng school kasama girl squad niya" sabi niya.
"Ah ganon ba salamat" sabi ko.
Bumalik na ako sa upuan ko at nag aantay nalang sa mga kaklaseng nag sisipasok ng room, sakto tong naisip kong paraan mamaya. Ayan ang mga salitang nasa isip ko.
CASELINE POV
Sumakay na ako sa bus, hindi ko napansin si Jaden na lumabas ng gate nila sabi niya sabay kami pag umaga pero ito ako ngayon walang kasabay hays!
Bumaba na ako ng bus dahil nasa tapat na ako ng school, nasa gate palang ako pero may mga tumpok tumpok na mga ka babaihan ang naka antay sa loob.
"CASELINE? TOTOO GF KA NI JADEN?" Pasigaw na tanong ng isang babae.
"Hindi kayo bagay boooo!" Sabi pa nung isa.
Ako naman itong tumakbo papuntang classroom, baka kasi mamaya kung ano nanamang gawin nila sa akin. Pag pasok ng classroom nakita ko si Jaden sa upuan niya.
"Uy ang aga mo ata?" Tanong ko sa kanya.
Tumango lang siya na para bang may malalim na iniisip. Maya maya pa ay dumating na si Teacher Marie nag turo ito at sa kalagitnaan ng pag tuturo niya napansin kong wala si Ensley, kaya naman tinanong ko si Tristan.
"Tristan? Asan si Ensley nakita mo ba?" Tanong ko.
"Ahh ehh, hindi eh si David nga din wala" sabi niya.
Tumingin ako sa upuan ni David, oo nga wala siya.
"Ahh ganon ba salamat ah" sabi ko.
*nasa isip*
Feeling ko galit sa akin si Ensley dahil sa issue na girlfriend ako ni Jaden, pero handa naman akong ipaliwanag ang lahat sa kanya eh.
Bell rings
JADEN POV
Recess na at naisipan kong pumunta sa kung saan palaging andun si Riana. Pumunta ako sa isang room na may mga babaeng nag prapractice ng cheering.
"Hi? Asan si Riana?" Tanong ko sa isang babae.
"Omy! Look girls who's here Jaden!" Sabi ng isa.
"Hala oo nga, anong pakay mo dito Pogi?" Sabi ng isa pa.
"Hinahanap ko si Riana asan siya" seryosong sabi ko.
"Well, si Riana ba? Dadating din yun mga 10 minutes palagi kasing late yun eh" sabi ng isa.
"Ah ganon ba pakisabi hinahanap ko siya at mag kita kami mamayang lunch sa likod ng school" sabi ko sa kanila sabay alis.
"Narinig niyo yun girls? Hinahanap niya si Riana?" Sabi ng isang babae.
"Oo nga! Tingin ko nag kakamabutihan na sila hahaha" sabi pa nung isa.
Umalis na ako papalayo hindi ko na pinansin yung mga impakta na yun. Natapos ang oras ng recess, bumalik ulit ako sa classroom. Lumipas ang oras at nag lunch time na, pumunta agad ako sa likod ng school, dahil nga doon ko balak kausapin si Riana.
Sakto naman andun siya nag aantay at naka make up pa ang gaga.
"Hi Jaden dito" sabi niya habang kumakaway.
Lumapit naman ako sa kanya.
"Alam mo na siguro bakit gusto kitang makausap" seryosong sabi ko.
"Hmm? Actually hindi pa" sabi niya.
"Wait, para malaman mo may kanta ako sayo" sabi ko.
"Wait what? Grabe ka naman nag eeffort kapa talaga" malanding sabi niya.
"Kung ikaw ay panget umalis ka haha, kung ikaw ay makati buhay mo ay miserable at huwag ka ng lalapit pa haha" kumanta ako yung tono ay galing sa kantang
"Kung ikaw ay masaya tumawa ka haha"
Pero ang ginawa ko lang ay yung tono ng sa huling lyrics.
"Ha Jaden?" Tanong niya.
"Anong Ha? Ibig ko sabihin umalis ka at lumayo ka sa amin ni Caseline naiintindihan mo bayon?" Medyo naiinis kong sabi.
"Wait wala naman akong ginagawang masama sa inyo ah?" Sabi niya.
"Well, kung sa akin wala siguro pero kay Caseline meron" sagot ko.
"Yun ba? Deserve niya yun, look Jaden tayo yung bagay hindi ka bagay sa babaeng yun!" Sabi niya.
"Una sa lahat Riana hindi ko tipo ang pokpok na may putok, maligo ka din minsan hindi puro ka cheerdance, nag kaka putok kana!" Sabi ko.
Inamoy naman niya ang kili kili niya.
"Huling habilin ko na ito sayo, tantanan mo si Caseline kung ayaw mong buhay mo ang maging miserable" tinginan ko siya ng masama sabay alis.
Pumunta na akong canteen para kumain ng lunch, nakita kong naiisa si Caseline naisipan ko itong samahan.
"Mag isa ka ata" sabi ko sabay tabi sa kanya.
"Ano ba, maiissue nanaman tayo bakla ka talaga" pabulong niyang sinabi.
"Bayaan mo sila nga pala bakit ka pala mag isa?" Tanong ko.
"Hindi ata kasi pumasok si Ensley" sagot niya.
"Awww dito naman ako eh" sabi ko sabay subo ng pag kain.
"Ewan ko sayo, kumain kana nga lang diyan" sabi niya.
"Okay ito na kakain na" sabi ko.
"Alam mo feeling ko galit sa akin si Ensley" bigla siyang nag salita.
"Bakit naman?" Tanong ko.
"Kasi dahil sayo " sabi niya.
"Huh? Dahil sa akin?" Tanong ko.
"Oo sabihin mo ba namang girlfriend mo ako edi issue yun, at mabilis kumalat ang chismis" sabi niya.
"Pssh, ginawa ko lang naman yun para protektahan ka eh" sabi ko sa kanya.
"Oo na, naiintindihan ko pero smpre yung mga taong naka paligid sa atin hindi naman ganon kalawak ang pag iintindi" sabi niya.
Uminom na ako ng tubig dahil tapos na akong kumain.
"Bilis mo naman" sabi niya.
"Oo gutom eh, tara na" sabi ko.
"Wait lang ah, hindi pa ako tapos oh" sabi niya.
"Gusto mo mauna ka nalang" dagdag niya pa.
"Gusto mong mauna ako?" Sabi ko.
"Oo" sagot niya.
"Bahala ka sige hahaha" sabay alis, iniinis ko lang naman talaga siya.
CASELINE POV
"Leche talagang Jaden yun!" Sabi ko habang umalis na sa canteen.
Pumasok na ako ng classroom, nag turo ang next teacher, ako naman itong inaantok kaya naka tulog ako sa may desk ko hindi ko namalayan uwian na pala, nagulat nalang ako nag ring na yung bell namin.
Naalala ko may gamit ako sa locker ko kaya pumunta ako ng locker room.
Pag ka punta ko don, nakapatay ang isang ilaw siguro napundi at hindi pa ito napapaayos.
"Number 45" sabi kong ganyan habang tinitingnan ang mga nadadaanan ko locker.
"Ito" nakita ko na ang sa akin, madalas kasi nililipat lipat yung pwesto ng locker namin kapag nag lilinis yung janitor dito.
Hinanap ko yung notebook ko andun kasi lahat ng mga kaylangan, nakasulat don yung mga birthday, at iba pang special dates.
Habang hinahalungkay ko ang locker ko biglang bumukas ang pinto.
Fuck mukhang minumulto ko ah ayan ang mga salitang tumatakbo sa isip ko.
Putek para may nakatingin sa akin
Kaya agad agad kong ni lock ang locker ko, at humarap.
At........
"Waaaaahhh! " pasigaw ako ng malakas sa pag ka gulat.
"Potek ka Jaden ikaw lang pala" sabi ko habang naka hawak sa dibdib ko.
"Bakit? Nagulat ka noh?" Sabi niya.
"Oo bwusit ka whooo!" Sabi ko.
"Nako, hahaha" sabi niya na natatawa pa.
"Bakit kapa kasi napadito" sabi ko.
"Ano kasi may sasabihin ako sayo" sabi niya.
"Ano yun?" Tanong ko.
"Well pinutol ko lang naman ang sungay ng isang demonyo" sabi niya.
"Ha?" Pag tatakang tanong ko.
"Edi si Riana sino paba sis? Ayun kinausap ko siya kaninang lunch time" sabi niya.
"Ginawa mo yun?" Tanong ko.
"Hala edi nalaman niyang bakla ka?!" Sabi ko at napalakas pa ang sabi ko.
"HAHAHAHA Hindi never, hindi niya malalamang bakla ako! Hahaha" sabi niya.
"Ah? Bakla ka?" May isang babaeng nag salita mula sa pinto.
Fuck! Si Ensley saan naman siya galing hindi ko siya nakita buong araw, tapos bilang susulpot.
"Ah ehh, ha? Hindiiii" nauutal na sabi ni Jaden.
"Ahh so kaya pala, kala ko girlfriend mo itong si Caseline, nanggagamit lang pala kayong dalawa" sarcastic na sabi niya.
"Ahh? Ensley mali ka! Hindi ko talaga sinabii--" sabi ko pero pinutol niya yung sasabihin ko.
"Caseline alam ko na! Narinig na ng dalawa kong tenga malinaw na malinaw" sabi niya.
Natameme ako sa sinabi niya.
"Kaya pala close kayo, hindi man lang ako nainform Caseline, ganyan ka pala ka babaw na kaibigan!" Sabi niya sa akin sabay alis sa pintuan.
Habang sinasabi niya yun, para siyang naiiyak sa galit.
Tumingin ako kay Jaden, nakita ko itong napa kagat labi ng dahil sa nangyari.
"OMG sisss ano ng gagawin natin?" Kabadong tanong niya sa akin.
To be continue.....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro