JADEN
Pauwi na kami ni Caseline naka upo kami sa loob ng kotse, tahimik na tahimik ang nangingibabaw na ere sa amin walang nag sasalita ni isa. Maya maya pa ay tumunog ang cellphone ni Caseline, hudyat na may tumatawag sa kanya.
"Hello,opo pauwi na po" sabi niya sa kausap niya sa telepono.
"Ha? Opo kumpleto po naka bili po, mamaya nalang pauwi na din po ako" dagdag niya pang sabi.
Pinatay niya na ang tawag at bumalik ang tingin niya sa bintana. Ako naman itong nag dridrive lang maya maya pa ay nag salita siya.
"Sanay ka pala mag drive noh?" Tanong niya habang nakatingin padin sa may bintana ng sasakyan.
"Ahh oo 2 years ago na simula nung pinag practice ako ni daddy" sagot ko sa tanong niya.
"Ahh, swerte mo naman haha kasi ako hindi ako marunong mag drive ni bisekleta nga hindi ko alam kung paano eh" sabi niya.
"Ha? Talaga gusto mo turuan kita pag may time lang naman" alok ko sa kanya.
"Hindi na ikaw talaga dami mo ng natutulong sa akin" sabi niya.
"Eh ano naman sister naman kita eh" sabi ko.
"Saka you always make me happy" dagdag ko pa.
Napatingin siya sa akin nung pag kakasabi kong iyon.
"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko.
"Wala na bigla lang ako sa sinabi mo, paano naman kita napapasaya aber?" Tanong niya.
"Ahh--ehh Smpre kasi kaibigan kita tapos andyan ka andito ako nag tutulungan ganon, masaya akong makatulong" Sagot ko.
"Ahh ganon ba" sabi niya.
"Sis, baba na dito na tayo" sabi ko.
Tinangal na niya yung seatbelt niya, dahil nasa tapat na kami ng bahay nila at itong kotse naman ipapasok ko na sa may gate namin.
Bumaba na siya ng kotse pero pag ka baba niya kumatok siya sa bintana nito.
"Jaden? Thankyou ah, pasok na ako sa loob" sabi niya habang kumakaway sa akin.
Kumaway nalang din ako sa kanya, pinasok ko na ang kotse sa loob ng gate namin at bumaba nadin ako pumunta ako ng compartment para kunin ang mga pinamili kanina, nung nasa compartment na ako nakita ko nakilimutan ni Caseline kunin yung kanyang mga pinamili.
"Nako naman nakalimutan niya" sabi kong ganyan sabay kuha nito.
Naisipan kong pumunta nalang sa kanila para dalhin yung kanyang mga grocery.
Nag doorbell ako sa kanila.
"Sino yan?" Tanong ng isang matandang lalaki.
"Oh ikaw pala yan Jaden" bungad na sabi nito pag ka bukas ng pinto.
"Ah opo, magandang hapon po naiwan po kasi ni Caseline yung mga grocery niya" sabi ko.
"Ay bakit? Mag kasama pala kayo?" Tanong ng papa niya.
"Opo sinamahan ko po siya" sagot ko.
"Aba salamat halika pumasok kana muna, nako yung batang yun talaga! Inabala kapa iho" sabi niya.
"Ah yun po ba? Wala po yun" sabay pasok sa loob ng bahay nila.
"Iho, upo kana muna dyan tapos paki lagay nalang yang mga grocery sa gilid" sabi ng papa niya.
Nilagay ko ang mga grocery sa gilid at umupo ako sa may sofa nila. Maya maya pa ay may bumukas na pinto sa may kanang bahagi ng bahay.
"Uy kuya Jaden? Napadalaw ka" sabi ng kapatid niyang lalaki.
"Ah haha dinadala ko lang yung grocery, nakalimutan kasi ni Caseline" sabi ko
"Ahh kala ko nanliligaw kana kay ate eh hahaha" palokong sabi niya.
"Iho? Mag juice kana muna oh" sabi ng papa niya sabay abot ng juice.
"Salamat po" sabi ko.
Habang iniinom ko ang juice umupo den sa sofa ang kapatid ni Caseline na si Christian binuksan nito ang tv at na nood.
"Kuya Jaden? Nag lalaro ka basketball?" Tanong niya.
Nako patay na delikadong tanong to,hindi kasi ako nag lalaro non kasi malamya ako at hindi ko bet, kaso baka pag sinabi kong hindi baka naman mahalata ako nitong bakla ako, patayyy! Ayan ang mga salitang nasa isip ko.
"Hmmm, minsan lang pag trip" sabi ko.
"Ahh sige laro tayo minsan ah" sabi niya.
Nako ito na nga ba sinasabi ko, delikado na ito niyaya niya ako mag laro ng basketball! Ayan ang mga nasa isip ko habang kausap itong kapatid ni Caseline.
"Sige pag may time, pero hindi ako magaling ah" sabi ko.
"Sure basta may laro kahit hindi magaling okay na sakin" sabi niya.
Maya maya pa ay may narinig ako yapak na pababa ng hagdan.
"Uy Jaden? "
"Ah Caseline andyan kana pala, ito na pala yung mga grocery naka limutan mo eh" sabi ko
"Oo nga salamat ah" sabay kuha ng grocery.
"Ah sige Christian, Caseline uwi na ako sa amin" paalam ko sa kanila.
"Sige kuya basta ah yung sabi ko sayo" sabi ni Christian.
"Tito mauna na po ako ah, salamat sa juice" paalam ko sa papa niya.
"Wowww tito, narinig mo yun ate baka next time papa na yung tawag hahaha" malokong sabi ni Christian.
"Chee! Manahimik ka Bebot!" Sabi ni Caseline.
"Ate naman sabing ayoko sa nickname na yon eh!" Sabi ni Christian.
"Sige Jaden salamat ah" sabi ng papa ni Caseline na galing mula sa loob ng kusina.
"Sige po" sabi ko sabay lakad papuntang labas ng pinto ng bahay nila.
CASELINE POV
Pumunta si Jaden dito sa bahay paano ba naman kasi ulyanin ang ate ninyo, nakalimutan ko yung grocery sa kotse niya hays.
Naka upo ako sa kama at yakap ang malambot kong unan habang naka tingin sa bintana, gabi na kasi at ang ganda ng mga stars sa kalangitan.
Habang tumitingin sa mga stars na magaganda at kumikislapkislap sa kalangitan, bigla nanamang pumasok sa utak ko yung senario kanina sa bookstore.
"Girlfriend ko si Caseline"
Ang mga salitang yan ay paulit ulit na tumatakbo sa isipan ko, hindi ko alam kung bakit sa mga oras na sinabi ni Jaden yun naramdaman ko na safe ako at may nag papahalaga sa akin. Para bang may kulang sa akin pero nung narinig ko yung mga salitang yun para tila may sumanib sa akin at nag iba na ang aura ko.
Maya maya ay naisipan kong buksan ang cellphone ko at mag open ng social media.
"Girlfriend niya daw si Caseline?"
"Wowww naman swerte naman ni girl"
"Hahaha for sure madami nanamang aayawan siya"
"Well, ano pabang magandang ambag nung babaeng yun sa ekonomiya?"
Halaaa! Naalala ko may hindi magandang dulot yung nangyari kanina sa may bookstore!
Ayan ang pumapasok sa isipan ko habang hawak ko ang cellphone ko.
Naisipan ko ichat si Jaden.
Me: Psst sis?!
Jaden: why?
Me: nakita mo ba sa social media? Ang daming bash huhuhu.
Jaden:Oo nakita ko, si Riana may pakana ng lahat.
Me:huh? Sure kaba dyan?
Jaden: Oo siya tiningnan ko yung admin ng page eh si Riana yung admin.
Me: Ang sama niya.
Jaden: bayaan mo may araw to sakin sis!
Me: Ano balak mo?
Jaden: Basta akong bahala, tulog kana dyan goodnight!
Doon na nga nag tapos ang coversation naming dalawa, grabe para naman akong artista sa sobrang dami ng bash dahil lang hindi kami bagay ni Jaden at mang aagaw daw ako sabi ni Riana, pinag kakalat niya pa sa buong school para mas lalong magalit ang ibang tao.
In-off ko na ang cellphone ko para makatulog na.
JADEN POV
Gabi na pero ito ako nakatingin sa labas ng bintana, iniisip kung anong kabaliwan ang ginawa ko kanina sa bookstore. Tumayo ako at pumunta ng salamin.
"Ano ba Jaden ano bang nangyayari sayo" sabay lapag ng dalawang kamay sa may mesa na tapat ay salamin.
Bakit mo naman sinabing girlfriend mo si Caseline dumagdag kapa tuloy sa issue! Mga salitang nasa isip ko.
Nakikita ko ang mga bash sa social media, padami ng padami dahil nadagdagan ata sa ginawa ko.
Alam ko din naman kung sinong may pasimuno ng mga pang babash na ito kay Caseline walang iba kundi si Riana.
Naka isip ako ng paraan para tumigil na siya sa kalokohan niya at tigilan na din niya si sisteret.
"Bukas na bukas hindi ako mag dadalawang isip sabihin sa kanya to" mga salitang nasa isip ko.
Plinano ko na para tumigil na siya, kaya humanda na siya. Chinarge ko na ang cellphone ko at humiga sa kama. Inaantay na maka tulog at antayin ang busilak ng araw bukas.
To be continue..........
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro