Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25

CASELINE

Umakyat na kami ni Jaden sa second floor dahil andun yung bookstore. Excited na ako sa mga bagong labas na libro, gustong gusto ko na mag basa.

"Jaden? Dito ako ikaw saan ka?" Tanong ko.

"Sige mag basa ka lang diyan, titingin tingin nalang ako kung may gusto din akong basahin dito"  sabi niya.

"Sige, pag nagutom ka na sabihan mo lang ako kakain na tayo"  sabi ko.


Pumunta na ako sa stall kung saan ang mga librong andun ay puro tungkol sa romance, tumingin tingin ako baka kasi may magustuhan ako.
Habang nag lalakad ako may naka pukaw pansin sa may gilid ko, nadaanan ko ito at talaga namang book cover palang maganda na.

Tiningnan ko ito.

"How to know if a guy likes you"  mahina kong sabi.

Umupo ako sa may isang gilid para mag basa, natipuhan kong basahin itong libro na ito, pero hindi ko din alam ang dahilan kung bakit.






JADEN POV

Nakaakyat na nga kami ng second floor at pumasok sa bookstore, habang si Caseline ay nag babasa ako naman itong hindi mapakali dahil don sa babae sa grocery kanina.

Nag ooverthink ako, feeling ko nasisiraan na ako ng bait.

Pumunta ako sa isang gilid at sakto naman naka hanap ako ng mauupuan, umupo ako at kinuha ang cellphone ko, inopen ko ang facebook account ko at ang dami kong nakikitang bash padin kay Caseline.

Medyo, naiirita na ako kaya in off ko nalang. Tumayo ako naisipan kong puntahan at samahan nalang si Caseline.

Nung nag lalakad na ako papunta sa kanya may nakita akong dalawang babae na mukhang papunta din kung saan naka pwesto si Caseline. May dala dala silang spray paint, nag taka ako bakit kaya sila may dalang ganon.

Nag madali ako para sundan yung dalawang babaeng kahina hinala. Sa kakasunod ko sa kanila napansin ko na may pinag bubulungan silang dalawa, at yung isang babae naman ay tinuturo si Caseline.

Pumasok sa isip ko na "sh*t mukhang masama tong mang yayari"  kaya naman nag madali na ako pumunta sa pwesto kung nasaan si Caseline.

Sakto naman, pag punta ko don nakita ko yung isang babae na itinututok na ang spray paint kay Caseline,
Ito namang babaita na ito, walang ka malay malay tuloy padin sa pag babasa ng libro.

Nung mukhang iispray na, tumakbo ako papunta kay Caseline at hinatak ko siya.

"Jaden? Ano ba?"  Pag tatakang tanong niya.

Ako naman itong hinawakan ang kamay niya at nilagay siya sa likod ko.

"Kala ninyo hindi ko kayo mapapansin? Bakit ninyo ginagawa yan kay Caseline ha?! "  pasigaw kong sabi.

"Eh ang pangit ng babaeng yan eh iwww duhh!"  Sabi ng isang babae.

"Well, bakit mo ba pinag tatangol yang si Caseline eh hindi nga kayo bagay"  sabi pa nung isang babae.

"Huh? Teka teka! Bakit ano ba nangyayari dito?"  Nag tatakang tanong ni Caseline.

"Hoy! Ikaw babae ka! Hindi ka bagay dyan sa lalaking kasama mo ngayon! Saka ang landi mo mang aagaw ka noh!"  Sabi nung isang babae.

"Haaa? Anong mang aagaw? Hindi ko maintindihan mga nangyayari!"  Nag tataka paring tanong ni Caseline.

"Una sa lahat wala kayong karapatan saktan si Caseline naiintindihan ninyo!"  Pa sigaw kong sabi sa kanila.

"At bakit ha? Ano mo ba siya? Isa lamang siya hampas lupa na hindi naman kagalingan sumayaw hahaha"  sabi ng isang babae.

"WALA KANG KARAPATAN DAHIL GIRLFRIEND KO SI CASELINE!"  Pa sigaw kong sabi sa kanilang dalawa.

"Woah! Girlfriend?"  Medyo nag taka at napahiyang sabi nung isang babae.

"OO GIRLFRIEND BAKIT MAY ANGAL KABA?!" Sabi ko.

"Wala po hehe, makakaalis na po kami pasensya na sa abala, tara na alis na tayo"  sabay akay sa isang kasama niyang babae.

Tumalikod ako at hinarap si Caseline, hinawakan ko siya ng dalawa kong kamay, hinawakan ko siya sa balikat niya.

"Ayos ka lang ba?"  Tanong ko.

Hindi siya naka pag salita, mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Inalog ko siya.

"Uy? Sabi ko kung ayos ka lang ba?" Tanong ko ulit.

"SIRA KA JADEN!" sabi niya sabay talikod sa akin at medyo yumuko siya.

"Ahh? Yun ba na girlfriend kita? Totoo naman diba girlfriend kita? Hahaha"  pabiro kong sabi.

"EWAN KO SAYO! Sira ka talaga, wala kang girlfriend noh! " sabi niya.

Lumapit ako sa kanya at bumulong.

"Siraaa! Girl na friend ibig kong sabihin, smpre sinabi ko lang yung kanina, para tigilan kana nung mga yon!"  Sabi ko.

Humarap siya sa akin.

"Psssh! Dapat sinabi mo nalang umalis na tayo ganon girlfriend, girlfriend kapang nalalaman diyan"  sabi niya.

"Bakit masama bayon? Nasa kanila na yun, kung gusto nilang lagyan ng meaning ang girlfriend  na ibig kong sabihin" sabi ko

"Ewan ko sayo, for sure bagong issue nanaman to bakla ka talaga!" Sabi niya sabay lakad palabas ng bookstore.

"Teka, ginawa ko lang yun para protektahan ka!"  Sabi ko.

"Hay nako, oo na naiintindihan ko naman nagulat lang ako, tara na kumain na tayo"  sabi niya.

"Sige tara na"




CASELINE POV








Nag lalakad kami ni Jaden para kumain dahil nagugutom na ako, habang nag lalakad kami hindi kami nag uusap, hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng akwardness, hindi naman dapat diba? Kasi una sa lahat mag kaibigan naman kami? Tapos alam ko sa sarili ko na bakla siya.

Yung narinig ko kanina mula sa kanya hindi padin maalis alis sa isip ko, nakakaramdam ako ng tuwa hindi ko din alam kung bakit, dapat hindi ganto reaksyon ko hays! Dapat naiinis ako diba kasi maiissue nanaman yung sinabi niyang yon! Pero hindiiii---

*naputol yung iniisip ko ng bigla niya akong tanungin*

"Anong gusto mo"  tanong niya.


"Gusto ko? Alam mo hindi ko din alam"  tulalang sabi ko.

"Ha? Kako anong gusto mong kainin ayan oh"   sabi niya sabay turo sa pag pipiliang kainin.

"Ahh--ha? Siguro itong rice with aliheŕia"  sabi ko.

"Okay sure ka? Kasi maanghang yan"  sabi niya.

"Okay po, ito pong aliheŕia with 3 rice"  sabi niya sa waiter.

"3 rice? " pag tatakang tanong ko.

"Oo bakit gutom ako eh, siguro ikaw din"  pag tataray na sabi niya.

Humawak ako sa tyan ko, at oo nga gutom nga ako.

"Nga pala Jaden? Thankyou kanina, muntik na ako don"  sabi ko sa kanya habang umiinom ng tubig.

"Psssh! Yun lang sis? No problem! Im always here for you" sabi niya sa akin.

Nginitian ko lang siya at tumingin sa malayo.


Nabigla ako sa sinabi niyang Im always here for you,
Potek nasisiraan naba ako kasi, bakit ako masaya sa mga ginagawa niya at mga sinasabi niya sa akin.

Ayan ang mga salitang pumapasok sa isip ko habang inaantay yung pag kain.


After 15 minutes dumating na din ang pag kain.

Sumubo na ako.


"Grabe ang sarap pala dito"  sabi kong ganyan.

"Hahahaha sis, masarap pag kain hindi lang masarap dito"  pa joke niyang sabi.

"Hahaha oo nakakatanggal stress pag kain dito"  sabi ko.

"Kumain ka lang ng kumain, kaya nga kita dito dinala kasi sobrang special ng restaurant na ito eh"  sabi niya.

"Hmmm, special? Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"May lovestory itong restaurant na ito, paniniwala nga nila pag dito ka daw kumain kasama jowa mo magiging kayo hanggang dulo" sabi niya.

Nung pag kaka sabi niyang yun, nabulunan ako sa isinubo kong kanin.


"Ehemm ehemmm"  sabi ko sabay inom ng tubig ng dahil sa pag ka bulunan.


"Oh? Ayos ka lang sis?" Tanong niya.

Tumango naman ako. Tumahimik ng ilang minuto dahil kumakain kami, pero maya maya lang nag salita siya.


"HAHAHAHA, Hoy! Girl, alam ko iniisip mo"  sabi niya.


"Ha? Iniisip? Na ano?" Tanong ko.

Lumapit siya ng konti sa akin, at mahina niyang sinabi.

"Gaga ka, huwag ka mag alala hindi tayo mag kakatuluyan noh! Babae ako eh hahaha"  sabi niya.

Natawa din ako sa sinabi niya, kasi hindi ko naman talaga iniisip yun.

"Hahaahaha! Ganon ba? Huwag ka mag aalala friends forever pwde pa, pero ikaw jojowain ko? NO! NO! NO!" sabi kong ganyan.

"Oo, friends forever, sisters forever! Hahahaha"  sabi niya.

"Hahahaha, oo nga pala paano naging special itong restuarant na ito? Dahil ba nag kakatuluyan lahat pag dito kumain?"  Tinanong ko ulit siya.

"Well, may kwento kasi yon sis"  sabi niya.

"Kwento mo naman dami mo pala nalalaman" sabi ko.

"Okay okay, hahaha umpisahan natin sa kwento ni Daddy bata pa ako non, kwenento niya sabi niya ang may ari ng restaurant na ito dito niya nakilala yung babaeng pinaka mamahal niya at asawa na niya ngayon"  sabi niya.

"Ahhh okay tapos?" Sabi ko.

"Teenager pa daw sila non, mga 16 years old siguro ayon, dito sila nag kakilala kumain yung si Girl dito tapos ayon na love at first sight daw si Boy"  sabi niya.

"Ahhh, nice naman pala story nila eh asan na sila ngayon?" Tanong ko sabay subo ng pag kain.

"Sa pag kakaalam ko, naka tira na silang US ngayon eh may tatlo na daw silang anak"  sabi niya.

"Ahhh kaya pala"  sabi ko.

"Kaya naging special itong restaurant kasi, ayon din sa ibang nakakain na dito halos lahat yun kasal na daw" dagdag pa niya.


"Ayos pala lovestory nila"  sabi ko sabay inom ng tubig dahil tapos na akong kumain.


"Tapos kana bilis naman? Ako ninanamnam ko pa eh" sabi niya sabay subo.

"Alam mo sis may naisip ako"  sabi niya.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Yung kaya sa mga anak nung mag asawa na yon? May lalaki at gwapo baka pwde ako don hahaha"  sabi niya.


"HAHAHAHAHA Sira ka talaga kung ano ano naiisip mo, bilisan mo na dyan at ng maka uwi na tayo"  sabi ko.


"Okay okay, naisip ko lang naman baka pwde kami hahaha" sabi niya sabay subo ng pang huling pag kain.


"Osya sis! Tara na" sabi niya.







Lumabas na kami ng restaurant, at pumunta ng parking lot dahil andoon naka park ang kotse ni Jaden.












       

                                                                To be continue......

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro