Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Tutorial

Carlo's POV:

I paid the price for being trained by Ami...and it is literally hurts my head so bad!

Hindi kasi mapalagay si Ami when our class has given homework for College Algebra. I mean...she looks pale atsaka nagpapawis.

"Huy, masama ba pakiramdam mo?" Kaya medyo nagaalala ako sa kanya. "Pwede kitang dalhin sa clinic if you want."

"Engot! Hindi no!" Sabay kurot sa tagiliran ko. "Kinakabahan kasi ako eh."

"Ano ba kasi yun?"

Lumapit si Ami sa akin at bumulong...

"I hate to tell you this but...medyo mahina ako sa math."

Pagkatapos niyang bumulong ay nakasimangot siya sa akin, perhaps ineexpect niya na matatawa ako sa kanya...chance para maunahan siya sa grades. Pero...

"Well, chance ko na para bumawi sa iyo." Ngumiti lang ako sa kanya.

"Hmm? Bakit naman?"

"Remember na tinuruan mo akong magswimming...in the expense na napulikat ang binti mo?"

"Yes, I can still remember that." She smiles back at me. "So...tuturuan mo ako?"

"Siyempre! Ako pa?"

"Pffft...ayan ka na naman eh. Nagyayabang ka na naman. Ingat-ingat din, baka makarma ka."

I decided to train her mathematical ability sa library. Sa isang inarkilang study room...I brought tons of algebra books just in case...

"Umm...Carlo. Ka-kailangan ba talagang maraming libro ang babasahin ko?" Medyo nataranta si Ami sa dami ng math books.

"Hehehe! Don't worry, mga reference books lang yan." Paliwanag ko. "Kailangan lang natin yan kapag di mo maintindihan ang mga directions ko."

"Hmm! Di naman ako dumb para di maintindihan yan, no?" Sumimangot si Ami sa sinabi ko.

Anyway, I opened one of the reference booms, while Ami brings out her notes containing our homework...

"Okay, show me the questions sa homework natin..."

In my directive, Ami hands me her notes. After I read it, I started explaining how she should make a ideal mathematical solutions. Then, I let Ami make her own computation. Pero noong nabasa ko yung sagot niya...

"Hmm...ang layo naman ng computation mo sa dapat na magiging sagot mo eh." Komento ko. "Perhaps hindi mo pa nagegets yung basics nito."

"Of course, alam ko yung basics. Ayan kaya yung pinakamadali na gawin eh." Reklamo niya.

"Kung ganon, bakit mali ang sagot mo? Alright, ako naman ngayon ang magiging strikto ngayon. Hindi kita ihahatid pabalik ng dorm hangga't di mo masasagot ng tama ang mga questions natin, ha?"

"Oo na. Hmph!" Medyo nagtampo sa akin si Ami...before accepting my deal.

Then I repeated my computation from the start, but slowly and thoroughly para maintindihan ni Ami. I let her try one more try. Pagcheck ko, medyo malapit na siya sa tinuro ko...but her answer is still wrong...

"Sigh...kailangan mo na yatang irecall yung basics. Siguro mali ang pakakaintindi mo."

"Siguro nga. Please, turuan mo ako!" Then, nagmakaawa sa akin ang girlfriend ko. "Kailangang-kailangan ko ito! Paano ako magiging dean's lister kung di maganda ang performance ko?"

I then see her puppy eyes, seryosong-seryoso siya...she really wants professional help.

"Alright." Ngumiti ako sa kanya. "But like I've said, kailangang sumunod ka sa lahat ng instructions ko sa iyo, ha?"

"Sure! Hehehe!"

That's when I used tons of reference books for her to retrain that mathematical basics. Ang pagiging strikto ko sa math...hindi ko dinadaan sa galit like Ami, dinadaan ko sa "pressure of numbers". Alam ko na when you deal with numbers, paunahan na lang bago ka mahilo...

But from the likes of it...hindi niya nararamdaman ang pressure. I wasn't surprised about that...kasi matalino naman siya at mahaba ang pasensiya na...kaya naman kahit ilang mali ang nacommit niya everytime napapagawa ako ng exercise, dire-diretso lang siya sa pagre-revise ng solution.

Slowly but surely, natutuhan na ni Ami ang basics...as well as in solving our homework. It's about late afternoon when she reached that point kaya lang...ugh! Sumasakit na ulo ko. Argh! Siya dapat ang nakaranas nito dahil sa "pressure of numbers", pero bakit ako pa?

"Uy! Carlo, ayos ka lang ba?" Napansin na ako ni Ami kaya napatigil siya sa pagsusulat.

"Umm...sino nagsabi sa iyo na tumigil sa pagsoso-OW!"

"Sigh...wala akong pakialam kung tumigil ako sa pagsusulat. Basta, kapag nakita ko na may iniinda ang kasama ko, I will stop what I'm doing to help."

Pagkatapos, nilabas niya mula sa kanyang bag ang isang pirasong gamot at isang bote ng mineral water...

"I keeping some spare medicines just in case." Paliwanag ni Ami. "Ang akala ko ako yung makakaroon ng migraine...pero nauna ka. Hehehe! Siguro nga, karma yan sa pagyayabang mo kanina."

Medyo ngumiti ako sa kanya bago inumin ang gamot. I was supposed to keep watch over her to finish yung homework niya pero...

"Umm...Carlo, you need some shut eye." Utos niya sa akin. "Gets ko na yung mga basics kaya ako na ang bahala sa homework ko. Gisingin na lang kita kapag tapos na ako, ha?"

Randam ko ang malasakit na binibigay niya sa akin...just like when I let her rest after her leg get sprained sa training ko sa swimming. Well, I guess karma gets back to me in bad...and good way.

"Sige na, rest ka na muna..."

I decided to put my arms on the table and rest my head...and take a power nap. Siguro naman, I won't take twenty minutes para mawala ang sakit ng ulo ko, right?

30 minutes later...

"Carlo. Uy, Carlo! Gumising ka na!"

Niyugyog ako ni Ami para makagising na ako. By that time, medyo maayos na ang pakiramdam ko...

"Here! I finished my homework!" Ami gives me her noteboom with a big smile. "Pacheck na lang po, please?"

And so I checked it. While I checked her computations according to what I've taught her...I could see na nagpapawis na naman siya. Probably, kabado na naman siya sa magiging resulta ng paghihirap niya.

"Alright." Huminga ako ng maluwag bago ko sabihin ang resulta. "I see a little flaw with your solutions. But nevertheless, all of uour solutions are correct."

"Yaaay!!! Thank you, Carlo! Hehehe!" Napayakap si Ami sa akin.

Phew...I guess my work here is done, for now.

Two days later...

Whaaa!!! I can't believe this!

Ako na nga yung nagturo sa kanya, pero siya pa ang mas mataas ang grade ng homework kaysa sa akin!

"Ehem!" Kaya lumapit ako sa desk niya para magpaliwanag siya.

"Huh? Anong problema?" She smiles sweetly at me.

"Well, could you please explain bakit mataas ang grade mo kaysa sa akin?" I put an evil grin at her. "Tinuruan kita over the same homework na gagawin natin and yet..."

"Pffft...yun lang? Eh kasi naman sinabi mo sa akin na mayroon akong flaw sa ginawa kong homework kaya pagkauwi natin ay tsinek ko ulit...and there, I saw the flaw and revised it."

"Argh! Kung patibong lang pala yun, eh dapat di ko na lang sinabi!" Napakamot na lang ako habang tinatawanan ako ni Ami

"But...salamat ulit sa pagtuturo sa akin." Ngumiti ulit siya sa akin in gratitude. "Hanggang sa uulitin!"

"Huh? What do you mean?"

"Huy! Di ba sinabi ko sa iyo na mahina ako sa math?" Nagpaliwanag ang girlfriend ko sa akin. "So...kapag nagpalabas si prof ng assignment and homeworks...lalo na pag malapit na yung prelim exam, kailangan mo ako turuan until makapasa ako, whether you like it or not!"

Rosamie's POV:

Well, we're even.

We taught each other on our weaknesses, and paid our own costs...

"Hnnng..."

After our conversation, my cellphone suddenly vibrated. At nang mabuksan ang aking inbox, hindi ko naitago ang aking ngiti.

"Oh! Ang laki naman ng ngiti mo." Napansin ni Carlo ang mood ko. "So, anong balita?"

"Darating next week si Cardinal! Magmimisa siya dito sa university!"

"Huh?" Medyo nagtaka ang boyfriend ko. "So...what about it?"

"Uy! Di mo nauunawaan?! Idol ko siya!" Nagkuwento ako ng konti. "Bumisita siya sa amin a few years ago...ang ganda kaya ng speech niya. Whaaa! Gusto ko siya makita! Gusto ko siya magpaautograph...or magselfie! Hehehe!"

"Okay, whatever you want, Ami." Ngumiti sa akin si Carlo. "Well...good luck sa pagse-serve."

"Huh? Anong good luck? Pwede kang sumamang magserve with me!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro