Swimming
Carlo's POV:
Well, I started to love Ami now...
Pero that won't stop me from challenging her...I'll still prove myself na mas matalino kaysa sa kanya! Pero mahihirapan ako nito, since Dean's Lister na, Academic Scholar pa.
It's the beginning of the second semester but medyo mahihirapan ako sa subje-blublublu!!!
"CARLO!!!"
Hindi ko namalayan na inaahon na ako ni Ami papunta sa mababaw...
"Uy! Focus ka palagi, ha?"
"Ah! Opo!"
Oo nga pala, hindi pala akong marunong magswimming. Heto pa naman ang subject para sa PE. Good thing that one week pa bago magstart ang PE subject namin kaya ngayon, pinagprapractice ako ni Ami.
"Alright, truce tayo dito sa subject na ito, ha? Girlfriend mo na ako ngayon kaya mayroon akong karapatan na tumulong sa iyo, ha?" Seryoso ang mukha ni Ami habang sinasabi niya sa akin iyan.
Gumastos ako ng pera para magarkila ng isang private pool na malapit sa amin noong malaman ni Ami ang totoo...
"Dapat nga siguro, pinasama kita sa probinsiya para doon kita turuan eh." Ani niya. "Ngayon, gumastos ka pa ng pera para magarkila."
"Huy, huwag mo nang alalahanin yun. Ang mahalaga ay tinuturuan mo ako ngayon."
"Hmm..." Medyo sumimangot si Ami sa akin bago kami nagpatuloy. "Alright, ang gagawin mo ngayon ay ang lumutang sa tubig. Ang gagawin mo lang ay...umm...to simply float like a dead log..."
Rosamie's POV:
This is one simple task...pero sa simula pa lang, parang nahihirapan na agad si Carlo. He sinks right from the start...
"Uy! Don't position yourself like you're a swimmer. Di ka pa nga marunong eh." Inaalalayan ko ang boyfriend ko sa pool. "Just surrender yourself sa tubig. Huwag kang gumalaw and stay put."
Carlo complies with my rules...lumutang siya for like...5 to 6 seconds before sinking again. Well, that's a start...
"Okay, for the rest of the week, ayan ang una-una nating iprapractice, ha?" Utos ko sa kanya. "Of course, everyday may idadagdag akong mga technique para matuto ka."
"Yes, mam."
Sigh...for this part, kailangan ko talaga ilabas ang pagkastrikta ko sa kanya. If he wants to learn how to swim for one week, Carlo needs to learn the hard way! Huehehe!
"Hey! You need to stay afloat for ten seconds, alright?!"
"You must stay underwater for fifteen seconds. Kung hindi, hindi kita bibigyan ng meryienda, ha?"
"Bakit ka lang lumulutang?! Dapat magstart ka nang magbackstroke, ha?!"
"You must go back and forth of the pool using breaststroke without stopping for one second, okay?!"
Huehehe! Thanks to my strict policies, napagod ko ng husto si Carlo! Huehehe! Oh! By the way, within five days of training, mabilis na natutuhan niya ang essential techniques para lumangoy.
I guess on the sixth day, matatapos na ni Carlo ang training...
"Alright...for your last day of ttraining I want you to swim back and forth the pool using the technique that you've use-AAAAH!!!"
Hindi ko namalayan pero napasalampak na lang ako sa lapag...namimilipit sa sakit.
"AMI!!!"
Carlo quickly responded by carrying me out of the water and bringing me to the side...
"Sa-saan masakit yung sa iyo?" Nataranta si Carlo sa pagtatanong.
"Umm...sa ka-kaliwang binti ko." Hawak-hawak ko pa ang binti ko. "I think napulikat ako..."
"Sigh...sorry, Ami." Medyo bumaba ang tono ng boses ni Carlo. "Kung marunong ako sanang lumangoy, di mauuwi sa ganito. Nasaktan ka tuloy..."
"No...don't apologize." I smiled at him to cheer up. "It's worth it naman eh. Kung di naman kita tinuruan, malamang bagsak ka na sa PE this sem. Huwag mo na akong alalahanin, gagaling din ito. Sa tinagal-tagal na paglangoy ko eh ngayon lang ako napulikat. Hehehe!"
I signaled him to go back to the pool. Kahit tinitiis ko pa rin ang sakit, I need to watch him finish his training.
"Alright, like I've said...I want you to swim back and forth the pool using the technique that you've used during the last four days." Pinaliwanag ko ng buo ang kanyang gagawin. "There would be no restrictions. Ang kailangan mo lang ay kailangang tapusin the pool around, okay?"
On my signal, I let my boyfriend do the final training. During the first stretch, I can see that he is concentrated himself to float like a log then...make a swift backstroke up to the edge of the pool.
And then, Carlo changes shift, takes a deep breath and sinks into the water to perform a breaststroke. Bagama't mas mabagal, but he is advancing...
"Go, Carlo! Kaya mo yan! Tapusin mo na!" I cheered on as my boyfriend finishes the course. Kaya lang...
"Bang!" Sa breaststroke niya, hindi niya nakita yung dulo ng pool kaya...ehehehe...napauntog siya.
"Ow!"
"Uy, Carlo! Hehehe! Ok ka lang ba?" Napatawa na lang ako noong umahon siya at hinimas-himas ang kanyang ulo.
"Hehehe! Ayos lang naman ako." Agad naman siyang tumugon. "Ang mas importante, ayos ka lang ba? Gumaling na yang pulikat mo?"
"Well, hindi pa. Kailangan pa ng pahinga." Paliwanag ko habang inalalayan akong tumayo. "By the way, you did it. Nagawa mo nang lumangoy. So that means...pwede na kitang maging rival?"
"Hehehe! Sa totoo lang...gusto ko. But..."
"Sigh...I know what you mean." Medyo dismayado naman ako sa sinabi niya "Well, since you're a...pffft...newbie when it comes to swimming, alright. The swimming truce will be extended until the end of semester."
Napatawa na lang si Carlo sa akin. Dahil sa pulikat ko, napaakbay na lang ako sa kanya pabalik ng changing room. Pero dahil sa pulikat ko, medyo nahirapan akong isuot ang sneakers ko...
"Umm...Ami, kailangan mo ba tulong ko?" Napansin ni Carlo ang sitwasyon ko.
"Huh? A-Anong sinasabi mo? I me-mean ka-kaya ko ito! Ma-magiging dahan-dahan lang a-"
Just then, Carlo then knelt in front of me and put on my shoes slowly and carefully unto my sprained foot. It doesn't hurt so bad but...it makes me blush a lot...like my heart is literally screaming for him.
"Heto, ah? Tutulungan na kita dito." Carlo said this habang tinatalian ang sapatos ko. "Kailangang magpagaling ka para next week, kapag nag PE class na tayo, ay tuturuan mo ako, ha?"
"Oh! Ehehehe...sige, magpapagaling ako." I smiled brightly at him. "Salamat sa pagaalala mo sa akin, ha?"
One day...maybe one day...babawi ako sa kanya!
Two weeks later...
"Cristobal, Carlo Louis!"
"Yes, mam!"
It's my boyfriends turn to be tested his swimming skills. Huwag mo naman sayangin ang pagtra-train ko sa iyo, ha?
Sa huni ng pito ay agad na tumalon si Carlo sa pool at lumangoy ng breaststroke technique. Mas bumilis siyang ngayong lumangoy kaysa sa huli naming practice...sa loob ng ilang saglit...ay narating na niya ang dulo ng pool. Pustahan...isa ito malaking swimming pool ng university...yung Olympic-size.
"Nicely done, Mr. Cristobal."
Nagpalakpakan ang mga kakalse ko habang umaahon siya sa pool. Siguro, iniisip nila na marunong talagang magswimming si Carlo. Hindi niyo lang alam ang lahat na pinaghirapan ko para matuto siya.
Carlo's POV:
Phew, I've made it. Nagawa ko nang lumangoy sa malalim at malaking pool. Di niyo ba alam na kinakabahan ako habang tintignan ko ang kailalim-laliman ng pool noong lumalangoy ako?
"Next is Amihan Rosamie Bugayong."
"Yes, mam!"
Napatingin ang lahat kay Ami habang hinahanda ang kanyang sarili para lumangoy. At nang pumito na ang professor, nagsimula na siyang lumangoy. In a blink of an eye, nangalahati na agad si Ami sa paglangoy sa pool...in just a few moments...
"Very good, Ms. Bugayong."
Nagpalakpakan ang mga kaklase ko habang umaahon si Ami. Noong pabalik na siya sa bleachers kung saan nadoon ako at nagpapahinga, she gave me an evil grin.
"Uy! Akala ko wala tayong kompetisyon dito?" Nagtataka ako sa kanyang inaasta.
"Oo nga. Kaya lang, ang sasabihin ko sa iyo...di pa tayo tapos sa training." Sambit niya sa akin. "Kailangan magkasing-bilis tayo lumangoy by the end of the semester, ha?"
Napalunok na lang ako sa kanyang sinabi. Naku! Siguro, this weekend, katakut-takot ang training na ibibigay sa akin ni Ami. Pero...I won't mind, she just wanted to make us even in our rivalry here.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro