Sick
Rosamie's POV:
"Uy! Kailangan mong magpahinga!"
"Ehehehe...kaya ko pa ito...kailangan kong pumasok...baka mawala ang perfect...attendance...ko..."
I'm not stupid...
Kaya nanghihina ang katawan ko, my heart and my mind pushes me to go to class, pero palagi akong natutumba.
"Sige na, Ami. You really need some rest. Gagawa ako ng paraan para maexcuse ka sa class today."
Alright, inaamin ko. It's my fault na nagka-lagnat ako ngayon. Kahapon kasi, nakalimutan ko ang payong ko sa dorm kaya tumakbo ako from the Liberal Arts building back to my dorm...without any shelter from the rain. That's the distance of three basketball courts.
And now, Carlo wanted me to rest for awhile...
"Ami naman eh. Of course, nagaalala ako sa iyo. Ikaw naman kasi eh, dapat iniingatan mo sarili mo. Alright, kung hindi ka mapakali. Heto, once I've finished my class, didiretso ako dito para makita mo kung anong ginawa namin and our assignments. Kung gusto mo ay dito muna ako mamayang gabi. I'll tell my parents and the guard on duty to let me stay. Happy now?"
"Sigh...ikaw talaga. You really sacrificed your time para sa akin." Then I smiled at him. "Fine, magpapahinga ako and I won't do anything stupid, promise."
"That's great!" He smiles back. "Don't worry, ha? Kapag bumalik ako dito, may dala rin akong pasalubong. Take care!"
Lumabas na si Carlo sa dorm room ko. Nagiisa lang ako dito sa loob, as my other dormmates are out to take classe-Achoo!!!
Sigh...heto na nga ba sinasabi ko! May lagnat na nga ako, may sipon pa! Ugh! I can't make even some simple chores by myself! Sigh...aasa na lang ako kay Carlo kapag bumalik na siya.
I lie down back into my bed...and stared in the ceiling for...umm...I don't know, mga ten minutes or so.
Kailan ba ako huling nagkasakit? Hmm...well, when I was in elementary. Yung nagkaroon ako ng trangkaso...ugh! Ang init-init ng pakiramdam ko noon na akala ko ay mamamatay na ako! Alalang-alala ang mga magulang ko noon na dinala pa ako sa ospital para ipagamot.
Ever since then, I make sure na inaalaga ko sarili ko. Kaya ako nagsimulang magtuto ng basketball, athletics and stuff. I thought hindi na ako tatablan ng sakit...I was wrong.
I was thinking too much na hindi ko namalayan na nakatulog na ako. And when I woke up, I just saw somebody beside my bed...staring at me...
"WHAAAA!!!"
Nakakagulat kaya yung may tumititig sa iyo! Then I noticed na si Carlo pala yung nakakatitig sa akin!
"CARLO! MANYAK KA!!!" In a outburst of emotion, I became angry at him.
"Ha?!?! Hi-hindi ko naman sinadya eh!" Todo palusot ngayon si Carlo at tumatanggi pa.
"Hmph! Ewan ko sa iyo!"
Tumalikod na lang ako sa kanya sa sobrang galit. Nanaig ang katahimikan sa loob ng aking dorm room ng ilang segundo...hanggang...
"Uy! Sorry na, Ami. I swear, hindi ko sinasadya na mapatitig sa iyo eh. Patawarin mo na sana ako."
Pagkatapos, may nakita akong kamay at nagaalok ng isang piraso ng cheeseburger sa akin. Agad-agad kong inagaw ito mula sa kanya at kinain ito na tulad ng isang hamster. Hehehe! Aba, syempre! Nagtatampo pa rin ako sa kanya dahil sa ginawa niya.
"Hmph! Is that everything that you got?" Hamon ko sa kanya.
"Ami naman eh. Hindi ka gagaling niyan kung magagalit ka pa sa akin." Sabi ni Carlo. "Wala na akong klase after this, kaya I'll do everything na gusto mo gawin, just please...huwag ka nang magalit sa akin, please?"
Biglang namula ang mukha ko noong narinig ko iyon. No, hindi dahil sa tumaas ang lagnat ko...kundi dahil sa sinabi niya sa akin...
"Ehem...wala akong maisip na pwede kong gawin sa iyo. Pero heto...I want you to take care of me hanggang gumaling ako, understand?"
"Yes, mam!" Just as then, Carlo brings out again his weird smile at me...just like what he did when he proposed to me to be my boyfriend.
"Pffft...hahaha!!!" And that smile makes me burst to laughter. "Uy! Sinasadya mo ba yan? Hehehe!"
"Umm...I think so." Inayos na niya ang kanyang ngiti.
"Pfft...alright. I forgive you na." Ngumiti ako sa kanya. "So...mayroong bang nangyari sa klase?"
"Oh, yes! And maraming akong itatanong sa iyo."
Pagkatapos nito, binuksan niya ang dala niyang bag at nilabas ang mga notes and reference books niya.
Isa-isa niyang binasa yung mga lessons na namiss ko ngayong araw...then asks me about the assignments and some homework...as well as clarifications sa mga lessons na nadiscuss. Well, having major subjects as our specialties, we have a lively and meaningful discussion. If a newbie listens to our conversation, mahihilo lang kayo. Huehehe!
"By the way, Ami. May ibibigay ako sa iyo."
Napatingin na lang ako kay Cao habang may nilalabas siya galing sa bag niya. And from his bag, lumitaw ang mga ilang piraso ng mga makukulay na papel na nakatupi...at binigay sa akin.
"Hmm? Para saan ito?"
"Just open it already."
Sumunod naman ako sa pakiusap ni Carlo, binuksan ko isa-isa ang mga papel at doon ko nakita...mga mensahe ng mga kaibigan at mga kaklase ko...
"Uy, sis! Balita ko galing sa boyfriend mo, may sakit ka daw ngayon. Magpagaling ka, ha? Madaliin mo! :3 ~Iya"
"Take care, Ate Ami! Lovelots~ 💞💞💞 ~Louise"
"Magpagaling ka po, Ate Ami! Huwag ka nang magkasakit next time, ha? Marami pa tayong gagawin! ~Clarisse"
Nakakatouching naman itong mga binigay na message ng mga kaibigan ko sa akin.
"Uy, ikaw. Bakit wala kang message dito?" Nagtampo ako ng konti kasi di ko nakita ang message ng boyfriend ko dito.
Pero...sumagot siya ng paghalik niya sa akin sa noo...
"Hindi pa ba sapat yung nandito na ako sa tabi mo para tulungan kang magpagaling?" Tapos ngumiti siya sa akin. "Sabi mo pa nga sa akin di ba? Sabi mo kailangan kong magstay dito hanggang gumaling ka."
"Huh? Wala naman akong sinabing ganoon! Hehehe!" Medyo nagpalusot ako sa kanya. "Pero...umm...salamat, Carlo. Inalaagan mo ako ngayong may lagnat ako."
"Walang problema, Ami. Heheh-huy! Nakalimutan kong ibigay sa iyo yung pagkain mo."
"Hmm!" Napanguso ako sa kanya habang may inilalabas siya sa bag. I clearly remember na dadalhan niya ako ng pasalubong tapos nakalimutan niya pa!
"Here...yung paborito mo."
Binigay niya sa akin ang isang disposable food box galing sa convenience store na malapit sa campus. At nang binuksan ko ito, nakita ko ang ulam ko na gustong-gusto ko...beef omelet rice.
"Yaaay!!! Thank you, Carlo! Hehehe! By the way, paano mo nalaman na ito ang favorite kong food?"
"Well...sinabi ni Clarisse sa akin noong sinusulat niya yung message niya sa iyo." Paliwanag niya. "Heto daw yung palagi mong inoorder kapag kayong tatlo with Iya ang kasama sa tanghalian."
"Ehehehe...itong mga bessie ko. Hindi nila kayang magtago ng sikreto, kahit sa boyfriend ko." Napakamot na lang ako ng ulo. "O siya, do you want to eat this omelet rice with me."
"No need. Sa iyo lang iyan." Tugon ni Carlo. "Kailangan mong kumain para mabilis kang gumaling."
"Hehehe...you really care about me. Thanks."
Gumanda ang loob ko sa kanya noong narinig ko iyon. I smiled sweetly at him before digging in sa binili niyang pasalubong. Alam ko na tinitignan niya ako habang kumakain ako. I won't mind...I won't mind it at all...because he cares for me.
"Oh. Gagabihin ka na. Pwede ka nang makauwi." Sabi ko sa kanya.
"Huh? Akala ko magsta-stay ako dito hanggang gumaling ka?"
"Pffft...huy! Mga babae ang mga nakatira sa dorm na ito. Maswerte ka at pinapakiusapan ko ang lady guard doon sa labas na papasukin ka kapag pumupunta ka dito eh. And besides...I think gumagaling na ako. I can take it from here. Asahan mo na nasa klase na ulit ako by tomorrow."
"Alright. If you say so. Kita-kits!"
Carlo stands up and begins to exit my dorm room. Pero habang binubuksan niya ang door...
"By the way, ako na ang bahala sa medical certificate mo." Sabi niya sa akin. "May kaibigan ako doon sa clinic na magdedeliver agad-agad ng medical certificate mo pagbalik sa klase bukas."
"Hmm? Bakit ko naman kailangan ng medical certificate?"
"Hehehe! Silly, kailangan mo iyon para hindi ka markadong absent today. Besides, di ba you're running for honors, right?"
"Hehehe! Grabe ka naman!" I giggled with joy. "Anyway, salamat, ha?"
"No problem."
Tuluyan nang nakaalis si Carlo sa dorm ko. Humiga na ulit ako sa aking kama though hindi ko pa naubos ang pasalubong na omelet rice galing kay Carlo. Napatingin ulit ako sa dingding...and smiled.
Kaya niya akong alagaan tulad ng ginawa ko sa kanya dati...
And that's why I love him so much.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro