Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Rivalry Again!

Carlo's POV:

I found myself rivaled against Ami again!

Mga sophomores na kami at mas lumalalim ang mga subjects na aming kinukuha. For example, ang klase namin ngayon ay Latin Amercan Studies...

Right now, the class is divided into four groups. Ami and I were in different groups and elected as their leader. Though apat na leader ang somewhat maglalaban, ang harapan namin ni Ami ang inaantay.

Simple lang naman ang gagawin...pagandahan kami sa pagrereport ng mga topics na nakaassign sa akin. Coming from a epic lead role sa play last year, gagamitin ko ang natutunan ko para maungusan ko na sa wakas si Ami sa grades! Huehehe!

"Umm...kuya, kayo po ba si Carlo Cristobal?" My new classmate in Latin American Studies asked me.

"Oh! Yes, bakit?" I smiled at her in reply.

"Uy! Di mo ba ako naaalala? Si Louise to from Pop Culture Club!"

"What?! Ba-bakit ka nandito?" Nataranta ako ng konti sa narinig ko sa kanya. "I thought that nasa College of Business ka?"

"Well, yeah. Pero medyo natempted ako na lumipat dito." Palusot niya.

"Naku! Sa kakatempt mo, baka bumagsak ka sa unang sem mo lang dito." Babala ko.

I was thinking of another play. Kasi naman ang napili naming topic was the Cuban Revolution of 1959, when Fidel Castro and his forces won and took control of the country.

Kaya lang...the events that happened there has said to be done by mostly men. Sa aming grupo, kaming dalawa lang ni Alex ang lalaki dito...

"Hmm...let's see here...since puro babae lang naman ang kasama natin, baka tayo na lang sina Che Guevara and Fidel Castro." Suggestion ni Alex.

"Pwede naman...so ano ang magiging role nila?"

"Hmm...hatiin natin...yung first team, sila yung magpaplay ng role ng support sa mga sundalo...like yung moral and food support ganun. Tapos yung second team, sila yung sundalo natin."

"Hmm? Paano yung mga kalaban natin?"

"Hay! Ako na lang kaya ang bahala sa plot natin." Alex decides. "Tara, huddle tayo ng mga kagrupo natin. Sasabihin ko ang gagawin natin."

And thus, nagsama-sama kaming lahat sa grupo namin para malaman ang susunod namin course of action.

Rosamie's POV:

Hmm...busy na busy ngayon si Carlo sa kanyang plano para sa activity natin ngayon. I guess I need to be serious as well...

"Hey, guys. Anong mga suggestions natin sa ating topic?" Inadvise ko ang aking mga kagrupo. By the way, our chosen topic is the military government imposed in Brazil during the 60s to the 80s.

"Well...ang pwede nating idepict is yung mga karahasang ginawa ng militar noong mga panahong iyon." Suggestion ni Iya na kagrupo ko. "Yung kinukulong pati pinapatahimik yung mga kalaban nila and stuff."

"Sure. Let's see about what we should do..."

Sanay na akong gumawa ng play since elementary. Back in the province, I saw myself amazed doon sa mga senakulo and nativity plays na ginagawa sa barangay namin. I was so amazed that I decided to venture into such. Medyo mahaba ang exposure ko noong high school...don't worry, I'm doing plays during vacations lang...kaya masasabi ko sa sarili ko na beterano na ako...not to mention na ang mga natutunan ko ay nagagamit ko sa cosplay. Huehehe!

We come up with a consensus and managed to create a plan. Ano ang laman ng aming plano? Well...di ko sasabihin! Huehehe! It's my tradition not to tell my trading secrets that always lead me to success! Huehehe!

Carlo's POV:

While waiting for our turn, kinalabit ako ni Louise at tinanong niya ako...

"Uy! Kamusta naman si Ami sa iyo? Balita ko nga ay sweet kayong dalawa noong bakasyon."

"Huy! Paano mo nakuha yan? Hehehe!" Natawa na lang siya sa akin. "Anyway, yes...sweet kami noong nagbabakasyon kami sa mga parents niya. Nagcooking battle nga kami para malaman kung sino yung mas masarap magluto eh."

"And...sino ang nanalo? Please, sabihin mo. Baka kung sakali magpapaluto ako. Hehehe!"

"Pffft...ikaw talaga. Well, of course, si Ami ang nanalo sa cookoff namin." Sabay kindat sa kanya. "Pati alo, di na ako nagcontest sa panalo niya eh. So kung gusto mo, siya na lang pagluto ng lunch mo. Besides, malapit lang ang room mo sa kanya, right?"

"Hehehe! Ikaw talaga!"

Rosamie's POV:

Habang pinaghahanda namin ang gagawin naming play, masaya akong kinausap ni Iya...

"Uy! Alam mo, Ami...sinagot ko na yung crush ko! Hanggang nga ngayon kinikilig pa ako eh!"

"Hehehe! Ganun talaga kapag nainlove for the first time." Komento ko sa kanya. "Noong araw na umamin ako sa kanya, kumakabog talaga ang dibdib ko. Pero noong tinanggap niya ako, pakiramdam ko gumanda ang loob ko eh. Kailangan lumapit ka lalo sa kanya, sis!"

"Really? Thanks, sis!" Sabay yakap sa akin. "By the way, kamusta naman kayo ng lovey dovey mo?"

"Well...ehehehe...medyo makulit siya noong nagbakasyon siya sa probinsiya ko. Pero as always, naging mabait siya...alam mo nga, ginawa niya halos lahat ng gawaing bahay eh. Nahihiya naman ako sa kanya eh. Ehehehe!"

"Ganun talaga ang mga lalaki, Ami. Gagawin ang lahat para ma-"

Di natapos ang paliwanag ni Iya noong tinawag na ang ang grupo nina Carlo.

"Teka lang, sis. Papanoorin ko muna yung play nila." Sabi ko kay Iya.

"Hehehe! Okie. Oo nga pala, may rivalry pa rin pala kayo ni Carlo."

Pumunta na sa harapan ang grupo nina Carlo at sinimulan ang kanilang play. Sa pagkakarinig ko, ang pinili nilang topic is the Cuban Revolution. Pinagmasdan ko silang mabuti...lalo na ang kanilang mga galaw...

Some in the group, including Carlo and Alex, are acted as soldiers...but it's weird...walang umarte bilang kalaban nila. Instead, others in the group acted aa support ng mga sundalo...financial aid, food and stuff...

Generally, maganda naman ang play nila Carlo. But if I will be the judge, I'll judge na mayroong mga kulang sa kanilang gawa...

Carlo's POV:

Phew...I've done our part and naging satisfactory naman ang remark ng professor sa aming gawa.

This time, titignan ko ang magiging play ng group ni Ami. I heard that ang topic chosen nila ay military government ng Brazil.

Well...their play clearly shows the history like it is unfolding in our eyes...parang maihahalintulad ko sa mga dramang napapanood ng mga magulang ko noong bata pa ako...

Ika nga ay intense ang mga eksena...lalo na yung hinihila ng mga "sundalo" ang mga "refugees" tapos kinukulong sila before they will be eventually executed. There are lots of screams and cries...even sounds of gunfire...as if we're in the warzone and at risk of being captured by Ami's soldiers. Whoa! Sobrang seryoso naman nila!

In general, maganda ang ginawang play nina Ami. But it's too violent per se kapag pinakita sa mga bata. Ehehehe...

Hindi agad-agad na inaanunsyo ng professor kung anong group ang mayroong pinakamataas na grade...

But then, an opportunity opens. The professor went out of the room to receive a call, unintentionally leaving the grading book open...

Dali-daling kaming lumapit sa professor sa kanyang table para malaman ang aming mga grade. Of course, we are dying to see the fruits of our labor. Huehehe!

Let's see here...hmm...wait, what?! I wo-won?!?! Yes! My group has the highest grade! Hehehe! And I didn't expected that lumamang kami ng lagpas 1 point over Ami's group. Di ko alam kung anong pinagbasehan ni professor sa aming mga grades pero...phew, it's all worth it!

Rosamie's POV:

Ugh! I can't believe it!

Di ako makapaniwala na mauungusan ako for the first time ni Carlo! Not to mention na lumamang siya ng 1.75 points! Hmm! We've spend some effort para may impact itong play namin tapos heto pala ang magiging resulta!

"Huehehe! Finally, nanalo na ako sa iyo!" Halata na masayang-masaya si Carlo sa kanyang pagkapanalo.

"Well, congratulations..."

"Uy. Bakit ka naman malungkot?" Agad niyang napansin ang malamya kong mukha.

"Sigh...wala naman. It's just na di ako nasasanay na natatalo ako." Then, I give him a bitter smile at him.

"Sigh...dapat mo iaccept mo yun, Ami. Di ka naman palaging nasa itaas ng gulong ng palad eh. Minsan, kailangang natutunan mo rin matalo para may matutunan ka. Hindi ako sarcastic, ha? Payo ko lang bilang boyfriend mo."

"Speaking of boyfriend, ano yung pinagusapan niyo ni Louise? Nakita ko kayong dalawa na naguusap." Naging seryoso ng konti ang tono ng boses ko. "Di ko inakala na magiging kaklase natin siya."

"Pinagusapan namin yung bakasyon nating dalawa, don't worry. Jealous ka siguro, no?"

Biglang namula ang mukha ko noong marinig ko iyon. Aamin ko, medyo naiintimidate ako kapag may kausap na babae si Carlo...kahit ang best friend ko sa pop culture club na si Louise. Pero...

"Sigh...hindi kita masisisi. Hindi naman kita iiwan. Girlfriend na nga kita, bibitawan pa ba kita?" Ngumiti siya sa akin. "How about this, labas tayo tapos bili tayo ng ice cream, ililibre kita. How's that?"

In an instant, bumaligtad ang mood ko...my doubt suddenly become a sweet smile to him.

"Hehehe! Sige na nga, I'll give in. Thanks, Carlo! Hehehe! Atsaka sorry for doubting you."

"No problem, Ami. Let's go."

"Sure! Hehehe!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro