Headshot!
Rosamie's POV:
"Uy, masakit pa ba diyan?"
"Umm...di na masyado."
Nilalagyan ko ng betadine ang sugat sa may binti ni Carlo pagkatapos ng PE class namin.
"Sigh...sorry dahil natamaan ka ng bola sa mukha kanina sa game natin."
"No problem about it." Ngumiti siya sa akin. "Hindi naman sinasadya yung nangyari eh kaya kalimuan mo na iyon."
"Sigurado ka?" Sabay nguso ng bibig sa kanya.
"Of course, Ami." Tapos humalik siya sa pisngi ko...nawala ang lahat ng kaba ko noon. "At least mataas ang grade natin, di ba?"
We just passed our PE class of basketball as a requirment for our third year here in our development studies course...but not without some damage done. Heto ang nangyari...
Two hours ago...
This is our deciding exam...
Today is the basketball match...after all those days na nagpapractice kami...this will tell whose team is the best.
Dalawa team lang naman ang maglalaban and guess what? My team will be facing against Carlo's team! Huehehe! Oras na naman na patunayan na ako ang lamang sa kanya!
"Ha! Alam ko ang iniisip mo, Ami!" Lumabas na naman ang pagkamayabang ng boyfriend ko. "Sa basketball, ako ang hari! Walang papalag, kahit ikaw!"
"Ha! Sige nga! Patunayan mo! Kutosan kita kapag natalo ka, ha? Huehehe!"
My crazy boyfriend doesn't know that sanay na ako sa basketball since highschool! Game na game nga ako sa mga paliga sa barangay namin tuwing Sabado eh! Alam ko na ang bawat galaw, tricks and shots ng mga kalaban...kaya Carlo shouldn't expect that this game will be his all throughout!
"Kriiing!!!"
The bell sounds and the game begins...kasama ako sa starting five ng team namin as point guard.
Pinakita ko ang gilas ko sa basketball...mabilis ang takbo, napapasa ko ang bola sa mga teammates ko ng walang palya, lumulusot sa mga kalaban para pumasok malapit sa rim, at ang aking specialty...huehehe...ay ang pagshoot ko ng three point shots na walang mintis.
Ha! Kapag ako ang nakalaban niyo, matatakot kayo! Hahaha! Perhaps, even the people who watches our basketball game we'll see my potential at baka madraft ako sa varsity team! Teka lang po...ehehehe...pagiisipan ko pa if ever inoffer niyo iyan sa akin.
Our team did the best that we could to compete greatly with Carlo's team...pero ang nakaharap naming stating five ay mahirap kalabanin...not to mention na hindi pa inilalabas ang boyfriend ko sa basketball court. Maswerte lang ako na kabisado ko na ang lahat ng possibleng galaw nila...pero ang mga teammates ko, hindi nakakasunod.
"Alright, bes. Para makalusot tayo sa mga kalaban natin, kailangan natin basahin ang galaw ng mga kalaban natin." Advise ko sa kanila noong nagpatawag ako ng timeout. "Keep doing your best and don't push yourself, okie?"
"Yes, Ami!"
Dumating ang second quarter at medyo walang nagbago sa takbo ng aming laro. Unti-unting lumalaki ang lamang ng team ni Carlo...as much as 20 points!
"Huff...huff..."
By the time we have the halftime break, hapong-hapo na kaming lahat, trying to break the wall formed by Carlo's team, but always in vain.
However, mayroon akong nakitang weakness sa matinding opensa at depensa ng team ni Carlo...
"Hey, guys. Huwag kayong paghinaan ng loob." Motibasyon ko sa mga kateammates ko. "Mayroon akong magandang plano for the next half. Kapag masanay na kayo dito, madali na ito gawin at pwede nating lumamang over them. So here's what you're gonna do..."
Carlo's POV:
I must admit, nakakamangha ang gilas nj Ami kanina noong first half. Sa lahat ng players na pumasok sa kanilang team, siya ang may pinakamaraming points, not to mention na mabilis ang footwork at galaw niya.
Huehehe! Pero siya lang ang effective player sa team nila! Kami, nakakagawa kami ng napakaraming points, rebounds, steals at blocks kaya lamang kami sa kanila ng 20 points! Ha! Tignan natin kung ano ang maibubuga nila this second half.
"Kriiing!!!"
Nagsimula na ang second half and...hmm...nagiba ang posisyon ng mga kalaban ko...not to mention na nakaupo na muna si Ami sa bench nila. Ano kayang plano ang gagawin nil-whaaa!!!
Ami's team stole the ball from us and make a basket! Hmph! Tsamba lang iyan pinaggagawa nila...as if naman alam na nila ang strategy namin. Besides, matatangkad ang mga players ko at mga beterano na...well, kwento nila, palagi silang nagbabasketball tuwing Sabado. So anyway, they won't take the lead away fro-whaa!!!
Then I realized that we are starting to be outrun by Ami's team! Whaaa! Alam nila ang kahinaan ang team ko! Kaya pala sila nagiba ng posisyon!
I left helpless as Ami's team consistently steals the ball from us, block our shots...even our three point shots, and took so many layups! Ang 20 points na pinaghirapan namin for the past 20 minutes, nakayanan nilang paliitin just 4 points at the end of the third quarter!
Alright, that's it! I can't take it anymore! Kailangan ko na ngayong pumasok sa court this fourth quarter! I need to stay our lead until the final buzzer!
Ha! I'm a varsitarian during my highschool days. I was able to pull my team up to the regional tournament at I was crowned as MVP for four consecutive years! Huehehe! Tignan natin kung ano ang maibubuga niyo sa akin!
Rosamie's POV:
Huehehe! My plan worked!
Nakita ko ang kahinaan ng team ni Carlo and devised a plan to change our posisyon at radically adapt to their gameplay...and I can't believe it actually worked.
At ngayon, bumaba na ang deficit namin to just 4 points by the start of the fourth quarter! Yaaay!
And that's just the tip of the iceberg...I put up that plan intentionally to lure Carlo out of the bench. Hehehe! Oras na para nalaman kung sino ang magaling sa basketball! Besides, my boyfriend's a point guard just like me.
"Well, well, well. Looks like my boyfriend have joined the party." I smirked at him sabay pagyayabang.
"Di ko alam kung ano ang ginawa mo para bumaba ang lamang namin, pero sisiguraduhin ko na kami ang mananalo sa dulo!"
"Hmph! Make sure of that!"
Si Carlo ang unang nabigyan ng bola, at ako ang magbabantay sa kan-woah! Isang segundo ko pa lang binabantayan, nawala na siya sa radar ko. The only thing that I knew...pagtalikod ko...ay nakapaglayup shot na si Carlo.
"Hehehe! Makakaya mo ba iyan, bes?" Sabay kindat sa akin. Huehehe! Sinusubok mo ba ang pasensya ko, Carlo?
Kami na ang sumunod na susubok na pumuntos. Naipasa ang bola sa akin...at si Carlo naman ang nagbabantay sa akin...even just behind the three-point line
I tried to bypass his defenses, ginawa ko pa ngang magspin move over him...pero ang kanyang mahahabang galamay at malaking katawan niya ang nagpatigil sa akin.
I stopped for three seconds...and there I saw an opening...mahaba naman ang mga galamay ni Carlo, pero hindi ito sapat para mablock ang shot ko kapag tumalon na ako.
Ha! It's a big mistake that you blocked me at the three point line, mataas ang talon ko! Hindi mo ako maabutan! Huehehe!
"Bang!"
Haha! I pulled up a three point shot! Right in front of Carlo's face!
"Ano ang sinabi mo kanina, Carlo?" Sabay belat sa kanya.
Nagpatuloy ang aming face-off. Though all of the teammates contributed points, it's always about Carlo and me.
He always sneaks ahead of me...
I always shoot the ball successfully right in front of him...
He blocks my attempts in short-range...
And I steal his ball when he runs straight into the rim...
Ngayon, it's down to the last ten seconds of the game. It's a tie ballgame, at hawak ni Carlo ang bola. As usual, ako ang nagbabantay sa kanya. Kapag nagmintis ang kanyang bola, there would be a lot of chance to fix it up on overti-huh?
Carlo starts to move towards the rim. Alam ko sa pabilisan, dehado ako sa kanya. Pero I need to exert more effort to catch him and block it.
Haaaa!!! Di ko matatanggap na matatalo ako sa larong ito. I will give it all! I'm gonna block his shot! Hiyaaa!!!
"OWWW!!!"
"Prrrt!!!"
End of flashback...
And that's what happened...
Nablock ko nga ang tira ni Carlo...kaya lang, sa pagsupalpal ko ng bola, naaksidenteng natamaan ng bola si Carlo. Not to mention na it's a goaltending violation, kaya dagdag puntos ngayon ang kay Carlo...
"Sigh..." Hanggang ngayon, kahit pinatawad na ako ni Carlo, hindi pa rin ako makaget over sa nangyari kanina.
"Uy, Ami. Tama na iyan. Di mo naman sinasadya yun, di ba?" Ngumiti siya sa akin. "Hindi naman galit sa iyo ang mga teammates mo kasi marami kang naitulong sa kanila. Yung prof nga natin, natuwa sa performance natin lahat kaya binigyan tayo ng mataas na grade."
"Pero...ehehehe...di pa rin ako makamove-on eh. Alright, since natalo ako, may obligation ako para manglibre sa iyo."
"Hu-huh?"
"Since Friday na ngayon atsaka may tira pa ako sa baon ko, how about punta tayo sa may mall. Mag arcade tayo...doon natin ituloy yung laban natin sa basketball."
"Ha! So ikaw na ngayon ang naghahamon, ha? Alright, hindi kita uurungan!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro