Biology
Carlo's POV:
Mas nagagandahan ako kay Ami kapag galing sa PE class niya...nakapony-tail kasi ang ayos ng buhok niya...not to mention that she wears contact lens instead of her glasses as well as a cute pink Converse sneakers...
"Uy! Bakit ka naman tumitingin sa akin? Ehehehe!" Nagcomment tuloy si Ami sa ginagawa ko.
Anyway, nasa botanical garden kami ng university para magobserve kami ng samu't saring mga insects para sa biology class namin. The best part of it is that we can kayak ourselves into the university's known man-made lake. Ang sabi pa nga ay yung mga isdang hinahain sa mga canteen dito ay nanggaling sa lawang ito.
The professor says the we can group ourselved with at least two members. Syempre, I picked up Ami as my groupmate. Habang naghahanap ng specimen para maexamine, hindi naming maiwasan na pagusapan yung tungkol sa prelim grades na napost two days ago.
"Huehehe! Natalo kita sa prelims, ha?" Pagmamalaki ni Ami sa akin. "Pero at least mataas na rin mga grade mo."
"Ang highest grade ko ay 3.50...tapos ang lowest ay 2.50. Medyo ayos na rin." Tugon ko. "Pero nagpapainit pa lang ako, ha? You'll gonna see this midterm!"
"Psh! Whatever you say, buddy. Hehehe!"
Nagpatuloy kami sa pagmamasid nang makakita si Ami ng ilang sa mga hinahanap naming mga insekto sa isang bahagi ng botanical garden.
"Wow! Mayroon din pala silang ganito!" Masaya si Ami habang sinusulat ang pangalan ng insekto sa notebook niya. "Mayroon kayang ganito sa probinsiya. Marami kaming hinuhuli na ganito nina Tatay eh."
"So kung ganun, hindi ka matatakot kung ibibigay ko sa iyo ito?" Pakasabi ko nito, biglang nagbago yung tono ni Ami.
"Hoy! Huwag mong subukan!"
Medyo naging horny ako...kinuha ko talaga yung insekto tapos nilapit ko ng konti kay Ami...
"EEEEP!!! Sabi ko na nga na huwag mong gawin eh!" Napatalon at napailing si Ami. I am so satisfied. Huehehe!
"Sige na nga. Huehehe! I see you!" Biro ko habang binabalik ko na yung insekto sa kanyang natural habitat.
"Hmph!" Nagtampo tuloy si Ami sa akin.
"Ikaw naman oh. Nagbibiro lang naman ako eh. Sorry na, Ami."
Napatingin na lang ako sa kanya habang nakasimangot siya sa akin. We stood motionless for...probably ten seconds bago...
"Basta humanda ka sa akin, ha?" Ngumisi siya sa akin. "O siya, lakad na tayo, ha?"
Natahimik ako pagkatapos noon. Nakabuntot lang ako kay Ami habang busy siya na nililista yung mga iba pang insekto sa garden.
"Uy. Bakit ka naman hindi nagsasalita ngayon?" Napansin niya yung pananahimik ko. Hindi na lang ako sumagot kasi nahihiya ako sa kanya.
"Pffft...ikaw talaga! Ikaw naman yung hindi carry yung joke ko. Takot ka talaga, no?" Ngumisi muli si Ami sa akin.
"Uy! Hindi, no? Baka naman kasi seryoso ka sa sinabi mo kanina eh!"
Napatawa na lang si Ami sa sinabi ko. Pero at least...I'm safe from any potential payback mula kay Ami.
"Okay, class. To continue our observation for aquatic animals, we invite everyone to go to the edge of the lake, we will go kayaking."
Yes! Makakarami kami ng malilista! Mas marami kasing animals na naidentify, mas mataas ang grade namin! At since nandito ang pinakamatalino sa klase namin, there's nothing that can sto-whoa!!!
"Tara, Carlo! Punta na tayo sa may lake! Hehehe!"
Biglang hinawakan ni Ami ang kamay ko at dinala ako sa gilid ng lake. Di ko alam kung sinadya niya ginawa iyon pero...medyo uminit ang pakiramdam ko noong hinawakan niya ako...di ko rin alam kung bakit. Napangiti na lang ako habang kinakalakad ako ng maganda kong best friend...
Rosamie's POV:
Agad akong nakakuha ng kayak before the rest. Excited akong mamangka! It's been awhile since "nakapaglayag" ako.
Pinauna si Carlo sa bangka para may alalay kapag ako ang sumakay. Noong tinulak nang prof ang kayak, ay nagsimula na kaming maglayag. Si Carlo ang may hawak ng paddle at nagpapatakbo ng bangka habang patuloy ako sa paglilista ng mga nakikita kong aquatic animals.
"Alam mo, sanay ako sa pamamangka." Medyo naging palakwento ako. "Noong bata pa lang ako, kasama palagi ako ng tatay ko sa paglalayag niya. Mangingisda kasi siya eh. Noong una, medyo nahihilo ako...kasi pag nasa dagat ka, parang pagewang-gewang gumalaw yung bangka."
"Pero noong nasanay na ako, doon ko lang nagandahan sa karagatan." Kwento ko pa habng minamasdan at sinusulat ang mga isda sa lake. "Kulay bughaw ang dagat tapos magaganda yung mga coral reefs na nasa ilalim...marami kang kasabay na mga isda at dolphin...atsaka kung maswerte ka, makikita mo yung magandang sunset."
Nakikita ko na seryosong nakikinig si Carlo sa konting storya ko. Napangiti ako...perhaps because he understands kung saan ako nagmula...isang probinsyana na kahit medyo makulit, masigla, matalino at nagyayabang...ay nangangailangan ng kausap.
"If ever na may time ako, pwede ba akong pumunta sa province niyo?"
Mas lalo akong natuwa noong marinig ko ang tanong niya. You really are my best friend, Carlo!
"Sure! Why not? Thank you, Carlo! Hehehe!" Tinanggap ko ang alok niya. "Alam mo...ikaw lang ang nakakaalam ng mga kuwento ko tulad nito. Alam natin na marami na tayo friends...but...mas malaki ang tiwala ko sa iyo na you will keep it as a secret. Two and a half months pa lang since we've met...but right now, ikaw ang pinakaclose kong best friends sa lahat ng best friend dito... kasi...alam ko...nauunawaan mo ako. Sana mas lalong maging close tayo, ha?"
"Sure, Ami."
Ang kanyang simpleng sagot at ngiti ang napataba sa aking puso ng sobra. Carlo is really proven to be trustworthy...so I might believe on something like this: the first is always the best.
Natapos namin ang paglilista ng mga animals when we set ashore. We passed our work...and I expect that we will be given a perfect score...huehehe! Besides, this will help para tumaas ang grade ni Carlo...and have the chance to beat me in midterms...ha! That is if he can! Huehehe!
"Uy! Nagaaral ka ba ng mabuti?" Tanong ko kay Carlo habang hinahatid ko siya papunta ng Liberal Arts building. "Dapat bumawi ka dapat this midterms."
"Syempre naman, di ko naman nalilimutan yun." Tugon ni Carlo. "Transferee na ako, kailangan kong humabol sa mga subjects ko...para matalo na rin kita! Huehehe!"
Heto na naman siya, nagyayabang na naman si bes. Pero tignan niyo, pagdating ng midterms, siya ang hindi maka-accept ng defeat. Naaalala ko pa nga...noong nalaman niya yung prelim grades ko, niloloko pa nga niya ako na dinadaya ko daw siya. Buti maganda ang mood ko noon, kung hindi, baka masapak ko talaga siya.
But just then...tumigil din sa pagtawa si Carlo...
"Pero medyo nalilito ako sa mga lessons natin sa psychology." Pagaamin niya, Psych kasi siya nakakuha ng lowest grade. "Pwede ba akong magpaturo sa iyo pagkatapos ng class ko? Di ba may quiz tayo?"
"Syempre naman, bakit hindi?" Nakangiti akong sumagot sa kanya. "Alam mo naman ang number ko, di ba? Itext mo na lang ako, ha? Atsaka tulad ng dati, doon tayo sa library."
"Sige."
Pumunta na si Carlo papunta sa classroom niya...and so I started to walk back to my dorm room. Hanggang ngayon...simula noong namangka kami kanina...palundag-lundag ang puso ko ngayon! Ang saya-saya ko ngayon...sandali lang kami nagkita...pero...KYAAA!!!
Alam niyo...hindi ko sinasadya na mahawak ang kamay ni Carlo at kaladkarin ko siya papunta sa lake para mamangka. Sa una, nahihiya ako sa ginawa ko...dapat pinalo ko ang sarili kong kamay para matauhan ako. But ever since na napakwento ako sa kanya...I feel...napapalapit ako sa kanya.
Di simple na ang isang babae...especially ang isang matalinong babae...na maging crush sa isang simpleng lalaki.
But it has been two and a half months since it all started...slowly, nagiging crush ko ang isang makulit pero mabait na transferee student na si Carlo. Whaaa! Bakit ako namumula?! I need to hide this! Di pa ako handa umamin sa kanya!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro