Chapter 1:Hater
Jm
"Ang gwapo ni jungkook noh!"
"Sobrang cute ni V mygosh!"
"Hindi mas cute si Oppa Jin!!!"
Ano ba naman yan!! Palagi lagi ko nalang ba maririnig yang mga usapan nila nakakarindi na eh
Palagi nilang pinaguusapan yang mga KPOP-Panget na yan yung group na BTS ba yun! Pweeeh! Ang panget naman sobra!
Ang puputla nila tapos ang panget panget sumayaw nakakabanas!
Habang naglalakad ako papuntang room ko nakasimangot yung mukha ko, kasi naman yung mga usapan nila walang kwenta! Nakakaubos oras lang!
Pagpasok ko sa room ko, Ang ingay nila sumasayaw sila, Nung pumasok ako sa room namin parang hindi nila ako naramdaman na pumasok
Dahil nagkwekwentuhan,Nagsasayawan,
Nagdadaldalan,Nagchichismisan pero ang mas marami ay Nagsasayawan dito at nagkakantahan dito
Naririnig ko pa ang mga pinaguusapan nila
"Huy! Bes may bagong album ang Bangtan ngayon ah! Hihintayin ko yun bes"
"Ay! Oo nga! Gustong gusto ko talaga yung kanta nila na Miss Right Oh my gosh!!! Ewan ko bakit ako kinikilig dun"
Yung iba naman nagsasayaw pa ng kung ano ano na step na yan! Ang panget sobra!!
Wala pa ang aming Teacher kaya nagiingay pa sila dun
Nilagay ko nalang muna yung headset ko para hindi na marinig yung nga kaingayan nila
"Playing The Labyrinth By Kiria Kuruno"
Isa siyang Japanese song and ya!! Im japanese addict talaga! And Ayoko talaga ng korean na yan Panget sobra ang Corny!!
Nagpapatuloy parin sila sa mga usapan nila
Ilang minuto nalang at dadating na ang teacher namin kaya nag ayos narin ako sila nanahimik na dahil padating na Si Sir
Binati namin si sir at umupo na sa upuan ko
Nakinig ako ng mabuti sa tinuturo ni Sir sa amin at pinasagutan yung nga dapat sagutan
pagkatapos ng klase namin Nagbreak na agad kaya nag ayos muna ako ng gamit at lumabas na
Pati sa paglabas ko naririnig ko parin yang BTS na yan
"Ang ganda ng sayaw ng BTS yung Not Today sobra hindi nakakasawa pakinggan"
"Gusto ko lahat ng kanta nila sana magkaroon tayo ng school project na pumunta sa korea sa Bighit talaga una ako pupunta sobra"
Habang naglalakad ako nay tumapik sa akin
"Bes!" Tawag ni Fate
Hater siya ng KPOP-panget na yan kaya nagkakasundo kami nyan
"Bes iniwan nyo na ako!"Sabi ni Eizelle
Fan siya ng KPOP-panget group na yan Gusto nya daw dun si V
"Ang bagal bagal mo kasi maglakad inuuna mo kasi titigan yang mukha ng panget na V na yan! Sa cellphone mo" Sabi ni Fate kay Eizelle
"Huy hindi panget si V!" Sigaw ni Eizelle
"Huy Tama na yan! Mag aaway pa kayo dyan dalawa eh" saway ko sa kanila
Nung nakarating na kami sa canteen naghanap na si Fate ng mauupuan namin tapos kaming dalawa ni eizelle umorder ng pagkain
Kumuha na ako ng pagkain namin sinabay ko narin pagkain ni fate
Nagbayad na si Eizelle
"Ay Ate yung sukli Krim Stix nalang po" sabi ni Eizelle
Pumunta na kami duon sa table namin
Habang kumakain kami binasag ni eizelle yung katahimikan
"Tignan nyo tanggalin nyo yung R sa Krim magiging Kim it means Kim Taehyung"sabi ni Eizelle
"puro ka naman Kim!" Sabay na sabi namin ni Fate
"Grabe naman kayo!!" Sabi ni Eizelle
"Talaga!" Sabi ni Fate at muli ng bumalik ang katahimikan
Pagkatapos namin bumalik na kami sa mga room namin
Nagpareminders lang si sir sa amin at may pinagawa sa amin na kaunti then nagbreak ulit ng 2 hours
Dahil magkakaroon ng meeting ang lahat ng guro ngayon
Kaya nagusap usap sila duon
Wala naman akong magawa dito tinext ko sila Fate at Eizelle na pumunta sila dito tapos punta kami Library
Pumunta naman sila agad kaming pumunta sa library kumuha si Eizelle ng libro na gusto nyang basahin si Fate naman kumuha ng Dictionary kasi may assignment siya gagawin nya na dito ako naman kumuha ng mga pocket books but gusto ko parin wattpad stories buti nga meron dito nun kinuha ko yung He's Into Her ni maxinejiji my gosh sobrang ganda ng story saka ko kinuha yung libro na Karmic Hearts ni Ate Jhing oh my gosh
Pumunta na ako dun sa librarian para hiramin yung libro tapos umupo kami dun sa upuan
"Ano yung kinuha mo?" Tanong ni Eizelle sa akin
"Karmic Hearts at He's Into Her at Dictionary" sabi ko sa kanya
"Oh my gosh yung Karmic Hearts sobrang ganda yung gawa ni Ate Jhing super ganda!" Sabi ni Eizelle
"Kaya nga babasahin ko diba para malaman" sabi ko
"Ay sige basa ka na" sabi ni Eizelle
Dito kami nagkakasundo ni Eizelle dahil sa mga wattpad stories at mga libro mahilig kaming dalawa ni Eizelle sa books Si Fate walang kahilig hilig sa libro wala daw siyang oras para magbasa ng mga libro.
Nung medyo malapit na yung break time bumalik na kami sa sarili sarili naming mga room
Nanahimik na yung mga estudyante na hindi lumabas yung iba naman pabalik na sa room namin
Bumalik na si sir at pinapauwi na kami dahil magiging busy na siya next week malapit na daw kasi yung Magiging project namin sa ibang country daw bawat section daw may lugar kung saan yung magiging project namin
Kaya nagsabay sabay na kami umuwi ng mga classmates ko saka sila Fate at Eizelle
Isa isa na rin kami umalis ng landas
Pag uwi ko umakyat ka agad ako sa taas at namahinga dahil tommorow is another day at maririnig ko na naman ang mga usapan nilang KPOP-panget na yan
Nagpahinga na ako at dinalaw na ako ng aking antok
...........................
Musta po guys? Hihi Hater po talaga!! And musta po? Maayos po ba? Yung totoo po ah! Next chapter po ipupublished ko na po kaso hindi papo tapos nakakalahati palang yung chapter busy pa kasi ako eh
Sige po!
Don't Forget to Vote Every Chapters and Support my story!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro