AFTER HOW MANY YEARS.....
Napapailing ako habang pinapanood ang pagbabangayan ng kambal. Nasa sala ang mga ito at gumagawa ng kanya kanya nilang takdang aralin. Ilang taon na ba ang lumipas? 12 years? 13 years? Pero kahit ilang taon pa ang lumipas ay masasabi kong naging masaya kami.
Napatawad ko na ang mga taong nakasakit samin. Sakin. Napalaya ko na din ang sarili ko mula sa sakit ng kahapon.
Napangiti ako ng maramdaman ang nainit na yakap mula sa likod ko. Hinawakan ko ang braso niyang nasa bewang ko. Sumandal ako sa dibdib niya.
"I love you, wife" bulong ni Jake sakin, mas lalo akong napangiti.
After how many years, he still saying those words to me. Everyday. Every morning, every night, o kahit anong oras. Basta makikita niya ako ay sasabihin niyang mahal niya ako.
"Mahal din kita, Jake" ganti kong bulong dito. Hinalikan niya ako sa pisnge at hinarap ako sa kanya.
Hinawakan niya ang magkabila kong pisnge. "Napaka ganda mo talaga. Mas lalo kang gumaganda sa paglipas ng mga taon"
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. "At ikaw, nakapa-bolero mo pa din. Bakit ka ganyan? Lagi mo pa din akong pinapakilig hanggang ngayon."
"Wife, I'm not Jake Gabriel Anderson if I cant make you blush. That's my trademark" aniya.
Inungusan ko siya at inalis ang pagkakahawak niya sa pisnge ko. Hinawakan ko ang mga kamay namin at pinag-saklop yon.
"Yes, ikaw lang ang may kayang gawin sakin yon" ani ko habang nakatingin sa mga kamay namin. "I still cant believe that were still together now. I'm one of a lucky girls who have their kings" sabi ko sa kanya at tiningnan siya sa mata.
Ang mga asul niyang mata. Ang mga matang lagi kong nakikita ang pagmamahal samin ng pamilya niya. Ang mga asul na mata kung saan ako nakahanap ng kapayapaan.
"I love you, wife. I just love you" aniya at hinalikan ako sa labi. Ipinalibot ko ang mga braso ko sa batok niya at tinugon ang mga halik niya.
Napaglayo kami dahil sa tikhim na narinig namin. Humarap kami sa sala at nakita naming nakatingin saming mag-asawa ang kambal. Napaglayo kami.
"Ma! It's so kadiri okay?, kissing everywhere nalang kayo every time!" ani Aura gamit ang conyo niyang pananalita.
"Hindi kana nasanay. Huwag ka ng magtaka." ani naman ni North na katabi ng kakambal niya.
Seventeen years old na ang kambal. Lumalaki sila ng mababait at masisipag. Si Aura ay ganun pa din, medyo may kalakihan na kaiba sa kapatid niyang maskulado ang katawan. Sa loob ng thirteen years ay napakadaming nangyari sa buhay naming mag-asawa.
Napaka-bait ng kambal kahit na minsan ay sobra ang kakulitan at kahit na palagi akong napapatawag sa school.
"Tapos niyo na ba ang mga assignments niyo?" tanong ko sa dalawa at nilaptan sila. Niyakap ako ni Aura. Hinalikan ko siya sa noo.
"Opo. Natapos na namin. And of course, Ma. Kahit we don't do our assignment, we can pass. Satin kaya ang school kung saan kami nag-aaral." sagot sakin ni Aurora.
Tinaasan ko siya ng kilay at pinitik sa noo. "Kahit na, Aurora. Kaylangan niyong maging fair sa mga taong kasama niyo don. Sa mga classmates niyo. Ano nalang ang sasabihin ng ibang tao kung makapagtapos kayo ng High School na walang alam?"
Nag-pout siya sakin at inalis ang pagkaka-yakap niya. Lumapit siya sa Papa niya at don yumakap. Napailing nalang ako dahil nakahanap na naman siya ng kakampi. Papa's Girl talaga si Aura hanggang ngayon. Laging ang Papa niya ang takbuhan niya kapag pinapagalitan ko na.
"Papa, si Mama oh" aniya at tinuro pa ako.
"Ano? Aurora, pinagsasabihan lang kita." ani ko sa kanya. Humarap ako kay Aris na ngayon ay nataka-tingin sa may garden. Hinaplos ko ang likod niya at napatingin siya sakin.
"Okay ka lang? Ang lalim yata ng iniisip mo" sabi ko dito. Hinaplos ko ang buhok niya.
Tumango siya at ngumiti sakin. "Okay lang po ako. Papanik muna ako sa kwarto" aniya at tinalikuran na kami.
Sinundan ko lang siya ng tingin. Simula ng tumungtong siya ng high school ay nag-iba ang ugali niya. Ang tahimik ay mas naging tahimik. Lagi pang nakasunod kay Aura, nadala na ata siya ng minsang na-kidnap ang kapatid. Lagi itong nakabantay sa dalaga.
Lagi pang nagtatanong tungkol sa nangyari kay Jaime. Sobra siyang naging interesado dito.
"Ma, ako din punta na ako sa room ko." ani Aura at lumakad na din paakyat sa hagdan.
Nagkatinginan kami ni Jake. Lumakad ako palapit sa kanya.
"Hindi ko alam pero parang yung mga anak mo sayo nagmana" biro ko kay Jake. Tinaas naman niya ang magkabila niyang kamay at nginisihan ako.
"Guilty as charge!" aniya at hinapit ako sa bewang. Humawak ako sa balikat niya at tiningnan siya.
"Hubby, nag-aalala ako kay Aris" ani ko, kumunot ang noo niya.
"Bakit ka naman nag-aaalala? Okay naman siya."
"Kasi naman....hindi mo ba napapansin? Simula tumungtong ng high school ang batang yan nag-iba na ang ugali. Hindi ka ba nagtataka kung bakit palagi siyang nagtatanong tungkol sa nangyari noon. Kay Jaime. Sa kumidnap kay Jaime"
Huminga siya ng malalim. "Wife, natural lang ang bagay na yon. Kakambal nila si Jaime. Bata pa sila nang nangyari ang aksidente. Hindi nila naiintindihan noon pero oo ngayon. Wife, nagma-mature si Aris kaya ganon. Lumalaki na sila."
Napatango ako sa kanya. "Oo nga. Lumalaki na ang kambal." humiwalay ako sa kanya at hinila siya paupo sa sofa. Yumakap ako sa kanya pagka-upo namin. Nakaunan ako sa dibdib nito. Pinaglalaruan niya ang buhok ko.
"Jake...."
"Hmm?"
"Hindi mo ba naisip na magkaroon ulit ng anak?" tanong niya. Sabay kaming nagkatingnan. Kinunutan niya ako ng noo.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kasi diba? Gusto mo ng madaming anak....pero hindi ko kayang ibigay sayo yon ngayon" malungkot kong sabi.
Noon kasi, unang buwan ng pakawala ni Jaime ay halos napabayaan ko ang sarili ko. Hindi ako nakakakain ng tama at nasa oras. Hindi ako halos makatulog. Naging paranoid ako. Laging stressed. Hindi ko alam na may buhay na palang nasa sinapupunan ko. Minsan ay nabangga ako sa gilid ng mesa, bigla akong dinugo noon. Doon lang namin nalaman na buntis na pala ako. Nawala na naman sakin ang baby namin.
Nahihisterya ako sa pag-iyak ng malamang nawalan na naman ako ng anak. Pinag-susuntok ko ang ulo ko kasabay ng pag-iyak.
"Wala kang kwentang tao! Wala kang kwenta!!" ani ko sa pagitan ng pag-iyak at pag hampas sa sarili ko.
Nagmamadaling pumasok sa kwarto ang isang nurse at pinigil ako.
"Ma'am, huwag po! Ma'am!" pigil ng isang nurse.
"Wala akong kwenta! Wala akong kwenta! Napakasama ko! Ano bang kasalanan ko?!" sigaw ko at pilit binabawi ang braso ko. "Bitawan mo ako! Bitawan mo ko!" sigaw ko. Sigaw ako ng sigaw.
Sumunod na pumasok ang isang doctor na may dalang injection. Mahigpit akong hinawakan sa braso. Ilang sandali pa at itinusok na niya sakin ang injection na may lamang gamot na hindi ko malaman.
"Huwag mo akong hawakan. Wala akong kwentang tao! Wala! Bakit mga anak ko pa? Bakit anak ko pa?" sabi ko at paunti-unting humina ang mga salita ko. Nanghihina ako at nawalan na ako ng ulirat.
THIRD PERSON'S P.O.V.
NANG MAGISING SI Alex ay sandali pa siyang natigilan dahil sa kisameng nakita. Kulay puti ito at---napatigil si Alex dahil naalala niya ang dahilan kung bakit siya nandon. Napa-upo siya at napayukyuk sa knayang tuhod.
Umiiyak ang dalaga ng bumukas ang pinto ng silid niya. Pumasok don si Jake na may dalang plastic ng pagkain. Lumapit siya sa kanyang asawa at tumabi ng upo.
"Wife, are you okay? What happened?" nag-aalalang tanong ni Jake sa asawa.
Nag-angat ng tingin si Alex at niyakap si Jake. Sa bisig ng asawa niya siya umiyak.
"Jake.... Jake...I'm sorry. Kasalanan ko ang lahat ng ito....H-hindi ko alam. H-hindi ko sinasadya" sabi ni Alex sa pagitan ng pag-iyak niya.
Nag-aalalang tumingin si Jake kay Alex. Sinapo nito ang mag-kabila niyang pisnge at tinaas upang magtama ang mga mata nila.
"Shh... its okay, wife. Its not your fault. Shh" pag-aalo ni Jake sa asawa niya.
"S-sorry...S-sorry...hindi ko sinasadya..." paulit ulit na sabi ni Alex sa asawa.
Nag-aalalang niyakap ni Jake ang misis dahil sakundisyon niyo ay maari siyang malagay sa peligro lalo na at mahina ang katawan ng babae.
"Wife, its okay. I understand you" ani Jake na ilang beses na nagpa-kurap sakin. Tiningnan ko siya. Palagi kong naalala ang mga malulungkot na pangyayaring yon kapag pinag-uusapan namin ang bagay na to.
"P-pero kasi diba?"
"Wife, I have Aris and Aura. I have you. Ano pa ba ang hihingin kong kapalit? Okay na ako. Nakadalawa na nga ako diba?" aniya.
Malungkot akong ngumiti. "Pero nakaka-lungkot pa ding isipin na nawalan na naman tayo ng ana--"
Pinigil niya ako sa pagsasalita gamit ang mga labi niya. Ngumuso ako ng maghiwalay yon.
"Bakit palagi mo nalang ginagawa sakin yon? Palagi mo nalang akong pinuputol" angal ko sa kanya.
Hinila niya ako patayo sa sofa at sabay kaming nagpunta at umakyat sa may hagdan. Naka-akbay siya sakin.
"Kasi palagi mo nalang iniisip ang mga bagay na yon. Tama na, wife. Its in the past now. Ang dapat mong gawin at isipin ay kung paano mo mapapatino yang si Aura, balita ko ay may kinukulit daw na lalaki sa school ang anak mong yon." sabi pa ni Jake.
Humawak ako sa bewang nito. " Paano mo nalaman yung kay Aura? Hayaan mo na anak mo, dalaga eh. Parang wala ka namang kapatid na babae at hindi mo alam ang pinagdadaanan niya. Puberty, hubby ko" ani ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya at mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Tumigil kami sa tapat ng pinto ng kwarto namin.
"Wife, she cant have a crush or a boyfriend. She's still a baby." sabi niya.
Tinaasan ko siya ng kilay at tinulak siya ng marahan palayo sakin. Nameywang ako sa harap niya.
"Hoy! Huwag ka ngang ganyan sa anak mo! Strict na nga ang kuya niya ay strict ka pa din. Malamang mayroon talaga siyang mga crush dahil babae yang anak mo. Yang boyfriend naman ay pwede basta huwag pababayaan ang pag-aaral at dapat kilala natin at pumunta dito sa bahay." paliwanag ko sa kanya.
Umiling siya at napakamot sa kilay niyang makapal.
"No. No. No. And a BIG NO." aniya at iminuwestra pa ang mga braso sa 'X', natawa ako dahil sa ginagawa niya. "Wife, sasabihan ko bukas si Aris na huwag na huwag hahayaan na magkaroon ng boyfriend at huwag palalapitan sa kung sinong lalaki lang yang anak mo." aniya at nauna ng pumasok sa kwarto namin.
Tuluyan akong napatawa dahil sa ginawa niyang pag-walk-out sakin. Napapailing ako lumingon sa pinto ng kwarto ni Aura na narinig kong nagsara ang pinto nito. Mukhang nakikinig sa usapan namin ang bata.
Napailing ako at lumakad papunta sa kwarto namin. Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob. Naabutan kong nakahiga sa kama si Jake. Walang suot na pang-itaas pero may suot na boxers. Lumapit ako sa kanya. Umupo ako sa tabi niya. Naka-pikit siya at mukhang gustong matulog.
"Bakit ang unfair? Sa mga anak na lalaki ay pwedeng magka-crush. Pwedeng mag-girlfriend kung kaylan nila gusto? Pero bakit kapag babae ay hindi pwede. Kaylangan ay may oras o panahon para mag-boyfriend." reklamo ko dito. Sa totoo lang ay naiintindihan ko naman ang punto ng asawa ko pero gusto ko lang talagang asarin si Jake.
Dumilat siya at seryosong tumingin sakin. "Wife, ganun talaga yon. Sa lalaki kapag ka walang girlfriend ay pwede ng paghinalaan na hindi siya straight."
Binigyan ko siya ng hindi makapaniwalang tingin. "Talaga ba? Hindi ba pwedeng pihikan lang? O di kaya naman ay hindi lang niya gusto makipag-relasyon"
Bumangon siya. "Wife, I don't want this topic."
"Bakit? Kasi totoo? Unfair kasi" pang-aasar ko pa sa kanya. Hindi niya ako pinansin kaya tinawanan ko siya ng malakas. Nagulat ko ng hilahin niya ako pahiga sa kama. Ngayon ay nasa ibabaw ko na siya.
"B-bakit kapa nandiyan? A-alis nga" ani ko dito at pilit siyang tinutulak.
Nginisihan niya lang ako at inilapit pa ang mukha sa mukha ko.
"Bakit ka nauutal? Hindi ba't kanina mo pa ako iniinis?" maloko niyang tanong.
Inirapan ko siya at tinulak pero hindi man lang siya natinag. Mabilis niya akong hinalikan sa labi. Kinuha niya ang mga kamay ko at inilagay sa itaas ng ulo. At muli, inangkin namin ang isa't isa na walang inhebisyon.
Habang nagluluto ay nilingon ko ang kasambahay namin. Ito ang naghahanda ng lamesa.
"Ya, paki-gising na nga ang kambal. Pakisabi na mahuhuli na sila sa school saka si Sir mo paki-tawag na din." utos ko.
"Opo, ma'am" aniya at lumabas na ng kusina.
Napahinga ako ng malalim. Palagi nalang ganito. Palaging late nagigising ang dalawang yon. Tss, isa pa yang ama nilang magaling. Anong oras na din? Mahuhuli din ito sa trabaho niya.
Natapos na ako sa pagluluto ko ay hindi pa rin lumalabas ang mga pinapatawag ko. Kinuha ko ang plato na pinaglagyan ko ng pagkain at dinala ko ito sa lamesa. Dumating naman si Yaya. Tinaasan ko siya ng kilay na nagtatanong.
"Nako, ma'am. Five minutes pa daw po sabi ng kambal. Si sir naman po ay ang sabi maliligo lang daw po" aniya.
Tumango ako dito. "Okay. Thank you. Ako ng tatawag sa kambal." inalis ko ang nakasuot saking apron at lumakad palabas ng kusina. Pumanik ako ng hagdan at nag-punta sa kwarto ni Aura. Tatlong beses akong kumatok sa kanya pero ng ungol lang nito ang sinagot ay binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob.
Lumapit ako sa kama niya at hinila pababa ang kumot na nakatakip sa katawan niya.
"Aurora! Gumising kana! Aba! Tanghali na! Anong oras na naman kayong natulog kagabi ng kakambal mo?! Naglaro na naman siguro kayo ng ML hano?!" sabi ko sa kanya habang lumakad ako palapit sa may bintana niya. Hinawi ko ang kurtina at binuksan ang binata.
Napabangon naman si Aura na pupungas-pungas ang mata. "Ma! Maaga pa po" angal niya.
Kinunutan ko siya ng noo. "Anong maaga? Tingnan mo nga ang liwanag sa labas? Tanghali na kaya!" sabi ko dito at pumuwesto ako sa dulo ng kama niya. Seryoso ko siyang tiningan. "Bumaba kana at kumain ng almusal sa ibaba. Dalian mo at late ka na naman!" sigaw ko dito at lumakad ako palabas ng kwarto niya. Hindi ko na sinarado ang pinto para makasiguradong talagang bababa na siya sa kusina.
Kinatok ko ang pinto ni Aris. Tatlong beses din.
"Five minutes, Ya!" sigaw nito sa loob. Tumaas ang kilay ko at binuksan ang pinto. Pumasok ako sa loob ng kwarto nito. At kagaya ng sa kapatid niya ay madilim pa din ang kwarto niya. Mas madilim sa kwarto ni Aura dahil dark ang kulay ng kwarto nito.
Hinila ko ang kumot nito at pinalo sa binti. Nagulat naman ito at mabilis na napatingin sakin.
"Bumangon kana!" sabi ko sa kanya. Lumakad ako sa may bintana at hinawi ang kurtina. Binuksan ko ang bintana. Tumingin ako dito. "North Polaris, anong oras na? Bumangon kana at mahuhuli pa kayo sa klase!" ani ko at lumabas ng kwarto niya.
"Puro kasi kayo ML-ML, ano pang napapala niyo diyan? Napupuyat kayo palagi!" sermon ko habang pababa ako ng hagdan. Magkasunod namang bumaba ang kambal.
Nang nasa kusina na kami ay naabutan ko na don si Jake na umiinom ng kape. Tumingin siya sakin at ngumiti.
"Good morning, wife. Bakit ang aga-aga ay ang init ng ulo mo?" tanong niya sakin pagkalapit ko dito.
Pinitik ko siya sa tenga. "Hoy! Jake! Manang-mana sayo yang mga anak mo" ani ko sa kanya at tiningnan ko ang kambal na umupo sa kaliwang bahagi ng mesa.
"Good morning, Pa!" bati ni Aura at halatang inaantok pa.
"Good morning, Princess" bati naman ni Jake. Tumingin ito kay Aris. "Good morning, Son"
"Morning, Pa" bati naman ni Aris at kumuha ng bacon and egg.
Si Aura naman ay kinuha ang kanin at ang mga ulam. Umupo ako sa kanan ni Jake. Katapat ko si Aura na antok na antok.
"Sa susunod ay papatayin ko ang Wifi sa gabi. Hindi na umaayos yang mga tulog ninyo dahil sa pag-e-ML nayan" sermon ko pa.
Tumingin sakin si Aura at nag-pout. "Ma, hindi na ako naglalaro ng ML lagi nalang kasi akong defeat. I read wattpad last night and you know what, Ma? Parang gusto ko ng mag-asawa ng isang Engineer!" aniya at kinikilig kilig pa.
"Tss, ang engineer gusto sa babaeng payat hindi sa babaeng balyena" pang-aasar ni Aris sa kapatid.
Hinampas siya ni Aura sa braso na kina-"Aray" niya. Galit na tumingin si Aris sa kapatid.
"Mabigat kaya yang kamay mo!" galit na sabi niya.
"Wow ah! Manina pa nga iyong ginawa ko sayo eh!" aniya at sumubo ng pagkain. Pagkatapos ay ngumuya at nang wala ng laman ang bibig niya at hinarap ulit ang kapatid. "Aris, kahit naman mataba ako ay maganda ako! Kaya ko ding makakuha ng isang Engineer" dagdag pa niya.
Nginisihan lang siya ni Aris. "Tingin muna bago mo sabihin" pang-aasar pa niya.
"Pagka ako talaga ay pumayat! Wag na wag mo akong kakausapin ha!" aniya pa
"Tama na yan! Nasa harap kayo ng pagkain kaya huwag kayong mag-away" pigil ko sa dalawa. Napatigil naman sila. Napalabi si Aura at si Aris naman ay kumain na.
"Matatanda na kayo, ganyan pa din kayo!" asik ko kanila. Hindi na sila sumagot at napatingin ako kay Jake. "Manang-mana sayo ang mga anak mo, Jake!" ani ko sa kanya.
Nagulat siyang napatingin sakin. "Ha? Bakit ako?" naguguluhan niyang tanong.
"Ikaw! Ikaw kasi ang maloko! Jusq ka, Jake!" ani ko sa kanya. Tiningnan ko ang dalawa. "Tumigil na kayo at bukas ay ayokong tinatanghali at ginagabi kayo sa pagtulog. Maagang matulig hindi umaga!" sabi ko sa kanila.
Pagkatapos non ay kumain na kami ng matiwasay. Hindi na nagtalo ang kambal at miski si Jake ay tahimik.
KANINA PA ako naka-tambay dito sa bahay. Wala akong ginagawa dahil natapos na din naman ang mga kawaing bahay. Huminga ako ng malalim at lumingon sa may bintana. Napatigil ako dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Napangiti ako. Lumakad ako papunta sa second floor. Pumasok ako sa isang kwartong tinatawag naming 'Photography Room' na pinadagdag namin. Pinaayos ni Jake itong bahay at yung dating mga guestroom ay guestroom pa din naman. Pwera nalang itong isa.
Pumasok ako sa loob at tiningnan ang mga gamit don. Napakadaming albums don. Mga picture noong kinasal ulit kami ni Jake. Nung mga birthday ng kambal.
Well, naging photographer na ako ng mga kapamilya at mga kaybigan namin sa tuwing may mga party sa kanila. Nagkakaroon na din tuloy ako ng extra copies. Napahawak ako sa picture ni Jaime na nakasabit sa pader.
"Ilang taon na din ang lumipas. Kung sino nandito ka ay nag-aaral kana din at sabay sabay kayong nag-araal ng mga kapatid mo" ani ko sa picture niya.
Palagi ko itong ginagawa sa tuwing mag-isa lang ako. May biglang pumasok sa isip ko. Gusto ko siyang puntahan. Gusto kong malaman ang tunay na rason.
Mabilis akong lumabas ng kwarto at nagpunta sa kwarto naming mag-asawa. Nagbihis ako at bumaba ng hagdan pagkatapos.
"Ma'am saan po kayo pupunta?" tanong ni Yaya sakin. Nginitian ko siya.
"May bibilhin lang ako. Pag dumating ang kambal at wala pa ako ay pakibigyan sila ng meryenda ha" bilin ko. Tumango siya kaya naman. Lumabas ako ng kabahayan at nagpunta sa may garahe. Si Yaya na din ang nagbukas ng gate pagkasakay ko ng kotse. Pinaandar ko ito palabas ng garahe.
Papunta ako ngayon sa City Jail para sa lalaking kumid-nap sa mga anak ko. Gusto kong alamin ang rason niya kung bakit niya nagawa ang bagay na yon. Nung lumalakad palang ang kaso niya ay umamin na agad siya ng guilty.
Nang makarating na ako sa City Jail ay bumaba agad ako ng kotse. Nag punta ako sa may pinto at inenspeksyon muna ang dala kong bag at ako din. Nang matapos na ay pumasok ako sa loob at humarap sa front desk.
"Gusto kong makausap si Raul Salazar"
"Sandali lang po" ani ng Lady Police na naka-assign sa front desk. Tumayo ito at may kinausap sa may pinto. Lumakad siya palabalik at hinarap ako. "Sumunod nalang ho kayo don sa kasamahan ko" aniya.
Nginitian ko siya bilang pasasalamat at lumakad sa tinuturo nito. Binuksan ng isa pang police ang bakal na rehas kung saan kami pumasok. Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa loob ng visiting area. Umupo ako sa isang bakangteng pwesto don.
Nilibot ko ang paningin ko. Madaming mga bumibisita ngayon. Mga may mamatanda. May mga bata at siguro ay asawa, anak, pamangkin at magulang.
Humarap ulit ako sa harap ng mapansin kong may dumarating. Lumabas na ang lalaking pinapatawag ko. Nagtatanong ata ito sa guard at tinuro ako. Napatingin sakin si Raul.
Ilang sandali pa ay lumakad na siya palapit sakin. Kumakabog ang dibdib ko. Ngayon ko lang ulit siya makikita simula ng makulong at mahuli siya. Hindi ko rin naman siya kinausap nong mga panahong yon.
Umupo siya sa harap ko. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.
Huminga ako ng malalim. " Gusto kitang maka-usap. Gusto kong malaman ang dahilan mo kung bakit mo nagawa ang bagay na yon." malamig kong sabi ko sa kanya.
Ngumisi siya sakin at umiling bago muli akong tiningnan. "Nasa kulungan na ako. Bakit kaylangan mo pang malaman?"
"Gusto kong malaman. Naniniwala akong may dahilan ang lahat ng tao sa mga ginagawa nila. Mabuti man o masama" mariin kong sabi sa kanya.
Napatawa siya pero agad ding naglaho. Tiningnan niya ang kaliwa bago ako tiningnan ulit.
"Labing-tatlong taon na ang lumipas. Ngayon ka lang nagkaroon ng pagkakataon para maitanong sakin yan?" aniya at umiwas ng tingin. Huminga ito ng malalim at yumuko.
"N-ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. Ngayon lang nag-hilom ng husto ang sugat na binigay ninyo sakin."
Nag-angat siya ng tingin. "Nung unang beses niyang inalok sakin ang trabaho na yon ay tinanggihan ko" habang nagsasalita siya ay nakatingin lang ako sa mga mata niya. Gusto kong makita kung sincere ba talaga siya o hindi.
"Pero hindi ko inaasahan...may nangyaring aksidente." aniya at ngumiti ng malungkot. "Naaksidente ang nag-iisa kong anak. At katulad mo, isa rin akong magulang. Ang anak ko nalang ang meron ako, hindi ko siya pwedeng hayaang mawala nalang sakin." aniya.
Napatigil ako. Hindi ko alam na may anak siya. Wala naman kasi kaming nakita noon sa hearing.
"Binayaran niya ako ng kalahating milyon. Para lang maisalba ang buhay ng anak ko, ginawa ko ang gusto niya."
"B-bakit"
"Ayokong mawala ang anak ko dahil wala na din akong asawa. Yon lang ang dahilan ko. Hihingi pa din ako ng patawad kahit alam kong wala ng silbi." sabi niya.
Nakaplunok ako. Naawa ako sa anak niya. Nawalan ng ama.
"Anong pangalan ng anak mo?" tanong ko.
Nag-aalangan siyang tumingin sakin. Medyo kumunot pa ang noo niya.
Huminga ako ng malalim.
"Hindi ko siya sasaktan. I just want to know her." totoo naman, gusto ko lang malaman kung sino siya." sabi ko sa kanya.
"Siya si Camilla, nag iisang anak ko. Sana ito na din ang huli nating pag-uusap. Wag mo sanang sasaktan ang anak ko." pagkasabi niya non ay tumayo na ito, lumakad na siya pabalik sa loob ng kulungan. Naiwan akong mag-isa dito sa lamesa.
Iniisip ko ang pangalan ng anak niya. Camilla. Kaawa-awa pareho ang mga nangyari samin. Nawalan ako ng anak samantalang ang anak niya ay nawalan ng magulang.
Tumayo na din ako at lumakad palabas ng kulungan. Naglalakad na ako sa parking lot, nakatingin ako sa lapag. Nang mag-angat ako ng tingin ng malapit na ako sa kotse ko ay napatigil ako.
Nakatayo si Jake sa may gilid ng kotse. Nakatingin siya sakin at nakangiti.
"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko pagka-lapit ko sa kaniya.
Hinawakan niya ang pisnge ko. "Tumawag ako sa bahay at sinabi nilang wala ka. Pagkatapos ay tiningnan ko ang GPS at nakita kong nandito ka." aniya.
Ngumiti ako ng maliit sa kanya. "Sorry, hindi na ako nakapag-paalam sayo." sabi ko at niyakap siya.
"Okay lang, naiintindihan naman kita. Anong pinag-usapan niyo?"
"Tinatanong ko lang ang dahilan niya. Kung bakit niya ginawa ang gusto ni Katherine. Ngayon alam ko na ang dahilan."
Inilayo niya ako at tiningnan sa mata. "Ano bang naging dahilan niya?"
"May anak din siya. May anak siyang kinaylangan ang pera kaya naman nagawa niya ang gusto ni Katherine."
Napatango siya sa sinabi ko. Hinalikan niya ako sa noo at hinawakan sa bewang. Iginaya niya ako paikot sa may driver seat. Binuksan niya ang pinto at pumasok ako sa loob. Sinara ko naman ang pinto at umikot na si Jake sa may driver seat.
"Nasaan ang kotse mo?" tanong ko sa kanya ng umpisahan niyang paandarin ang sasakyan.
"Nag-taxi lang ako papunta dito dahil alam kong gamit mo ang isang sasakyan. Saan mo gustong kumain?" tanong niya habang nagdra-drive.
"Sunduin natin ang kambal at kumain nalang tayo sa labas"
Nginitian niya ako saka tumango. Nag-drive na siya papunta sa school ng mga bata. I have my family now, even Jaime isnt with us, I can say I'm happy. Were happy. And that's all important.
Author's Notes.
Thank you po sa pagbabasa! sana po suportahan niyo din ang The Heartless Hunter na story ni North Polaris Anderson!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro