Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Special Chapter #2

Dahil sa sobra niyo akong napapasaya, Belladonna's! Eto 'yung isa pang SC HAHAHAHA. balak ko sana gawin siyang book 2, kaya lang ansakit lang kung sakali kaya huwag na lang. HAHAHHA, special chapter na lang siya. kaya sana magustuhan niyo kasi napa-iyak ako nito habang sinusulat ko. 

thank you sa lahat ng sumusuporta sa MEHIMNB, 'di niyo alam kung gaano ako ka-thanful... hindi ko man sinasabi or hindi ko man napapakita pero sobra niyo akong napapasaya dahil nakikita ko na nagv-vote kayo, nagc-comment at nilalagay niyo sa mga reading list niyo 'yung stories ko kaya, eto pasasalamat ko sa inyo.


keep safe! iloveyou guys!



SPECIAL CHAPTER #2

NAKANGITI ako habang pinagmamasdan ang maganda kong asawa na aligaga sa pag-aayos ng mga lulutuin mamayang Noche Buena. Nakalugay ang puro ng puti nitong buhok, walang kolorete ang mukha pero ang ganda pa rin niya. Para siyang palaging kumikinang kapag tinitingnan ko siya.

"Ma'am Alex... kami na po ang bahala dito. Magpahinga na lang po kaya kayo sa loob," pagp-presinta ni Cashew, ang kasam-bahay namin.

Nginitian ni Alex si Cashew bago umiling. "Hindi na, Cas, okay lang. Tutulungan ko kayo. Gusto kong maging special ang gabing 'to dating darating ang mga anak ko kasama ang mga apo ko. Alam mo ba, Si Evie ay ikakasal na sa fiancé nito? Si Mal naman ay nasa abroad kasama ang asawa at uuwi daw ngayong taon," sabi ni Alex dito.

Lumapad ang ngiti ni Cas. "Talaga po?"

"Oo, kaya hayaan mo na akong tumulong," marahang sabi ng asawa ko.

Napatawa ako ng mahina. Kahit kaylan talaga si Alex hindi mo mapipigilan sa gusto niya. Kahit tumanda na ay napakaganda pa rin niya sa mga mata ko. Kahit kulubot na ang mga balat niya, nabibigyan pa rin ako no'n ng kuryente kapag nagdadampi ang mga balat namin.

Ilang taon na ba simula ng pakasalan ko siya? Ilang taon na ba simula ng mabuo an gaming munting pagmamahalan?

Ang swerte ko dahil si Alex ang napangasawa ko.

"Hubby, bakit ka nakatayo lang diyan?" tanong sa'kin ni Wife ng humarap siya sa gawi kung nasaan ako.

Lumakad ako palapit sa kanya at niyakap siya mula sa likod. Hinalikan ko ang ulo niya bago siniksik ang mukha ko sa leeg nito.

"Ang ganda mo," bulong ko.

Tumawa ng mahina si Alex at hinampas ang braso kong nakayakap sa kanya. Nilingon niya ako at kinantilan ng mababaw na halik sa labi.

"Ang bolero mo po, Mr. Anderson," aniya.

"Hindi po ako bolero Mrs. Anderson, nagsasabi po ako ng totoo," sagot ko at kinuha ang kamay nito para mabitawan ang hawak na kutsilyo. Hinaplos ko ang pisnge niya at tiningnan siya sa mga mata. "I love you," malambing at puno ng pagmamahal kong turan sa kanya.

Nakatitig lang sa'kin si Alex ng ilang sandali bago niya ako nginitian ng matamis.

"Mahal din kita, Jake."

Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan ulit sa sintido nito.

KINAGABIHAN ay nagsidatingan na ang mga anak namin. Unang dumating sina Aura na nasa kabilang bakod lang, kasama nito ang asawa at ang bunso nitong anak. Akalain mo ba naman 'yon? Nakahabol pa sila ng isa kahit may katandaan na rin sila.

Yumakap sa'kin si Aura at nagmano naman ang asawa nito sa Mama nila. Hinalikan ko sa noo ang anak ko bago tiningnan ang aking manugang na nakangiti sa'kin.

Humiwalay sa'kin si Aura at lumapit sa asawa.

"Ang kulit na niyang si Jake, Pa," pagsusumbong nito sa'kin. Humarap ako kay Jake.

"Papi, I want to be like you someday!" masiglang sabi ni Jake, oo, ipinangalan sa'kin ang bunsong anak nila Aura.

Ngumiti ako ng matamis sa apo ko. "Apo, lagpasan mo ang lahat ng nagawa ng Lolo ha? Dapat ay mas maging magaling ka sa'kin!" nakangiting sabi ko.

"Opo, Papi! Tapos hahanap ako ng asawa katulad ni Lolaaaaa!!!" ani Jake.

Napatawa kami bago sunod-sunod na tumango si Jake at bumaling sa Lola nito. Mabilis siyang tumakbo palapit dito at dinamba ito ng yakap. Napahalakhak kami sa kakulitan ni Jake.

Sunod na dumating sila Aris kasama ang asawang si Camilla, kasama nila ang apo kong si Evie at ang noybo nito.

"Papi!!" tawag sa'kin ni Evie ng makapasok sila sa loob ng salas. Humarap ako sa kanya at nginitian siya ng matamis. Inilang hakbang ako ni Evie at niyakap ng mahigpit.

"I miss you, Papi! Madami akong i-k-kwento sa'yo!!!" masiglang sabi nito.

Tinapik ko ang braso nito at hinalikan sa noo ang apo ko.

"I will listen, Eve, I will..."

Sunod-sunod na dumating na ang mga kapamilya namin. Bago mag-alas-dose ay nakumpleto rin kami. Sama-sama kami sa mahabang lamesa na nasa labas ng bahay namin. Sa may garden. Nakaupo ako sa kabisera samantalang nasa kanan naman ang asawa kong maganda.

Nakangiti lang si Alex habang pinapanood kung paano mag-bangayan ang mga apo niya.

"Hoy! Never akong nagka-crush sa kanya hano! Siya kamo ang nagka-gusto sa'kin!" maarteng sabi ni Evie bago humarap sa fiancé, "Baby, don't mind them. Sadyang inggit sila," mataray nitong ani.

"Sinong mai-inggit kung nagka-crush sa gano'ng klase ng lalaki? Hahahha," pang-aasar pa ni Mal dito.

Sa magpi-pinsan ay si Mal at Evie ang close na close, siguro dahil parehong babae at hindi na rin nagkakalayo ang edad nila. Ang sumunod kasi kay Evie ay limang taon na ang agwat, kay Mal naman ay two years lang.

"Mama, si Ate Mal nga alam ko nagkagusto sa uhugin eh!" tumatawang sabi ng pangatlong kapatid ni Mal.

"Heh! Wow! Gusto mo bang sabihin ko na may gusto ka sa teacher mong mas matanda sa'yo ng ilang taon?!"

"Mal!!"

"Omg! Gusto ng sugar mommy! Ayaw maging sugar daddy!"

"May asim pa naman daw kasi!"

"Tol, ano ba 'yan!"

Hinawakan ko ang kamay ni Alex sa ibabaw ng lamesa, nagtatanong siyang tumingin sa'kin pero bago pa man ako nagsalita ay nauna na si Evie.

"Guys! Countdown na!!!!" sigaw nito.

Mabilis namang kumilos ang mga apo ko at tumingin sa langit. Tumayo kami sa kinauupuan namin at nagbilang.

"TEN!!"

"NINE!!"

"EIGHT!!"

"SEVEN!!"

"SIX!!"

"FIVE!!!"

"FOUR!!!"

"THREEE!!!!"

"TWO!!!"

"ONE!!!!— HAPPY NEW YEAAAAAAAAR!!!!" sabay sabay naming sigaw.

Sumabay sa sigawan naming lahat ang mga fireworks na pumutok sa kalangitan. Lahat kami ay nakatingala para tingnan ang mga naglalarong ilaw sa himpapawid. Narinig din namin sa kabilang bahay ang mga ingay galing sa iba pa naming kapamilya.

Lumapit sa 'min ang mga apo namin at niyakap kami.

"Happy new year, Paps!"

"Happy new year, Papi!!"

"Happy new year, Mama!"

"Happy new year, Mama-Papa"

"Let's eat!!!"

PAGKATAPOS NG MUNTI naming salo-salo ay nagsipanikan na agad ang mga bata sa kwarto nila, samantalang kaming matatanda ay naiwan sa sala para magkape, pero ngayon ay nandito ako sa may veranda at nakatingin sa langit.

Napabuntonghininga ako habang pinagmamasdan ang langit, mabilis dumako ang mata ko sa North Star, ang pinakamaliwanag na bitwin sa langit.

Naramdaman ko ang pagyakap sa'kin ni Alex galing sa likuran. Hindi ko na kaylangang lumingon. Sapat na ang pagbilis ng tibok ng puso ko para malamang siya 'yon.

"Hindi ka pa ba inaantok?" marahan nitong tanong.

Niyakap ko ang mga kamay nitong nasa bewang ko at umiling.

"Hindi pa, ikaw ba?" tanong ko.

Humarap sa'kin si Alex at hinawakan ako sa pisnge. Ngumiti siya ng matamis sa'kin.

"Gusto kitang katabing matulog," malambing niyang wika.

Tangina! Sa tanda kong ito ay kinikilig pa rin ako sa mga simpleng banat sa'kin ng mapagmahal kong asawa. Hindi ako makapaniwala.... Sa edad nitong seventy years old ay napaka-ganda pa rin niya. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisnge ko at hinalikan ang likod ng palad niya.

Yumakap siya sa'kin at gumanti naman ako. Matagal-tagal rin kaming nakatayo sa ganuong posisyon bago kusang humiwalay sa'kin ang aking asawa.

"Jake... nakapagpasalamat na ba ako sa'yo?" tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Ngumiti ako kahit nagtataka, "Hindi pa?" hindi ko siguradong tanong. Pero sa totoo lang ay binibiro ko lang siya.

Hinawakan niya ng mahigpit ang mga kamay ko bago tumingkayad at halikan ako sa noo. Napapikit ako at dinama ang malambot niyang labi.

Humiwalay siya sa'kin at ngumiti.

"Jake... husby... hubby... thank you for giving me this family. I live my life to the fullest. I live my life in happiness because of you. Thank you for loving me unconditionally, for make me smile when I'm down... for understanding me... thank you for choosing me. Thank you because you didn't give up on us... mahal na mahal kita, at kung totoo ang after life... hihilingin ko—paulit-ulit kong hihilingin sa langit na ikaw ang ibigay sa'kin. Ikaw at ikaw pa rin," maramdaming sabi ni Alex sa'kin.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mga mata. Naninikip ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Tiningnan ko siya ng puno ng pagmamahal at hinalikan siya sa tungki ng kanyang ilong, sa noo at bago bumaba ang mga labi ko sa kanya.

"I love you so much, my wife... I love you," tanging nasabit ko.

Ilang sandali lang kaming nakatayo doon bago namin napagpasyahang pumasok na sa loob ng bahay. Nagtuloy kami sa loob ng aming silid. Nakapatay na ang mga ilaw at ang lamp shade na lang ang bukas. Humiga kaming dalawa sa kama.

Nakaunan siya sa mga braso ko at yakap-yakap ko naman siya. Ilang beses kong hinalikan ang ulo niya bago ko ipinikit ang mga mata ko.

"Mahal kita, Hubby..." turan ni Alex bago ako lamunin ng dilim.

NAGISING ako hindi na humihinga ang asawa ko. Nakangiti at payapa ang hitsura nito ng madilatan ko. Ang akala ko ay mahimbing lang siyang natutulog pero hindi pala. Iniwanan na niya ako.

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko habang nakatingin sa larawan ni Alex na nasa harapan ko. Huling larawang kuha namin na buhay siya. Mismong New Year's Eve. Ang lawak-lawak ng ngiti niya dito. Hindi mo aakalaing lilisanin na pala niya ako.

Nakakatawa lang, kaya pala gano'n na siya magsalita no'n dahil alam niyang aalis na siya. Hindi niya man lang ako sinabihan.

Hindi ko sukat akalaing mauuna siya sa'kin. Alam kong masakit kapag ka nawala siya pero hindi ko alam na ganito pala kasakit. 'Yung alam mong hindi mo na siya ulit makikita. 'Yung alam mong... wala na siya. Para akong ulit-ulit na pinapatay sa sakit tuwing gigising ako at wala ng Alex na bubungad sa'kin.

Wala ng Alex na sasabihan akong good morning.

Wala ng Alex na gigisingin ako sa halik...

Wala ng Alex na maghahanda ng almusal ko...

Wala na ang babaeng mahal ko....

Napaka-lungkot ng silid naming dalawa. Nang tahanan namin. Kahit saan ako tumingin sa loob ng kabahayan kahit sa labas siya ang naalala ko. Minsan may mga aparisyon, humahalakhalk si Alex habang nagluluto. Meron namang tatawagin ako habang nakatayo ito sa may Garden. Mayroon minsang gigising ako at mabubungadan ko ang mukha ni Alex habang natutulog, pero pag hinawakan ko 'to... naglalaho na lang at bumabalik ako sa reyalidad na wala na ang asawa ko.

Gusto ko mang kwestiyunin kung bakit siya ang nauna ay nagpapasalamat na rin ako... dahil kung ako ang nauna ay sobra siyang masasaktan. Natatakot akong baka hindi niya kayanin.

SAMPUNG taon na simula ng lisanin niya ang mundo. Sampung taon na rin akong nabubuhay sa lungkot. Pinagmamasdan ko ang mga apo kong naglalaro sa may Garden, mga anak sila nila Mal at Evie... tingnan mo nga naman. May mga apo na ako sa tuhod.

Kung nandito si Alex... paniguradong spoiled na spoiled sila sa Lola nila.

Naramdaman ko ang pagyakap sa'kin ng anak kong si Aura. Tumingin ako sa kanya at nginitian siya.

"Nami-miss niyo na naman si Mama noh," aniya. Hindi 'yon tanong kundi pahayag.

"Hindi naman mawawala 'yon, Anak," sagot ko.

Humilig siya sa balikat ko. "Pa, miss ko na rin si Mama... miss na namin siya ni Aris," unti-unti akong nakakaramdam ng lamig, nababasa ang braso ko.

Niyakap ko si Aura at inalo. "Papa..."

"Shhh... hindi magugustuhan ng Mama mo kung makikita ka niyang ganyan, Aurora. Alam mong mahal na mahal kayo ng Mama mo at ayaw niya kayong nakikitang umiiyak," ani ko.

Tumingin siya sa'kin. "Pa, paano mo nakaya ng wala siya sa loob ng sampung taon? Paano mo tinanggap?" nahihirapan niyang tanong.

Malungkot akong ngumiti sa kanya at pinunsan ang mga luha niya.

"Anak, hindi ko naman tanggap hanggang ngayon. Natutunan ko lang mabuhay ng wala siya. Dahil hindi ko pa kayo pwedeng iwan dahil mumultuhin ako ng Mama mo kapag nagkataon," pagpapagaan ko sa sitwasyon.

Tumawa ng mahina si Aura pero umiiyak pa rin.

"Kapag pati ako nawala na rin, Aurora... magpakatatag ka. Alam mong sa inyong dalawa ni Aris mas matapang ka at matatag. Gusto kong aalagaan niyo ang isa't isa. Ibilin mo ang mga apo ko na, magmahalan sila at huwag silang magkasakitan. Malalaki na kayo... alam niyo na ang tama sa mali..."

"Pa naman!" reklamo nito at mas lalong umiyak. "Para kang nagpapaalam niyan eh."

"Mahal ko, pagod na rin kasi si Papa... g-gustong-gusto ko ng makita ang Mama niyo. Baka mamaya nalulungkot na siya do'n. Wala siyang kasama," ani ko.

Umiling si Aura at niyakap ako. "Ayoko pa, Papa... please, Pa..."

"Tandaan mo Aurora... mahal na mahal namin kayo ng Mama mo. Mahal na mahal ko kayo." Pagkasabi ko no'n ay hinalikan ko sa noon si Aura at niyakap ng mahigpit.

Pagsapit ng gabi ay naiwan akong mag-isa sa may veranda, nagsitulugan na ang mga kasama ko sa bahay. Tumingala ako sa langit at tiningnan ang mga kumikinang na bitwin. Dumako ang tingin ko sa North Star... sa tuwing titingnan ko ang Polaris ay si Alex ang naalala ko.

Siya ang nagsilbing compass ko para makabalik sa dati. Siya at siya lang.

Ngumiti ako. Nararamdaman ko na mahal...

Tumayo ako at naglakad papunta sa kwarto namin ni Alex. Pumasok ako sa loob at sinalubong ako ng nakakabinging katahimikan... naalala ko pa noon, pagpapasok ka sa kwarto maririnig mo ang blower o kaya ang TV dahil nanunuod si Alex, pero ngayon. Wala na.

Umupo ako sa gilid ng kama at kinuha ang picture namin ni Alex nung kabataan namin. Kinuhanan 'to nung tenth anniversary naming dalawa. Sa Batanes kami nag-celebrate... nakayakap ako sa kanya sa likod, habang pinapanood namin ang paglubong ng araw. Stolen shot siya.

Ang ganda-ganda ng asawa ko dito. Nakangiti siya habang nakatingin sa araw samantalang ako sa kanya nakatingin.

Ngumiti ako. Ibinalik ko sa dating pwesto ang picture namin ni Alex at tumayong muli. Naglakad ako papunta sa walk in closet... ni minsan ay hindi ko naisipang alisin ang mga gamit ni Alex dito. Ni hindi ko naisip ipatapon... dahil sa ganitong paraan man lang gusto kong maramdamang kasama ko pa siya.

Lumapit ako sa mga damit nito. Kumuha ako ng isa. 'Yung madalas niyang sinusuot noon. Inalis ko 'yon sa pagkakasabit sa hanger at niyakap ko. Umugoy-ugoy ang katawan ko na para bang nagsasayaw kaming dalawa.

Pagkatapos ng ilang sandali ay lumapit ako sa lalagyan nito ng pabango. Kinuha ko ang ginagamit niyang pabango araw-araw at ini-spray sa damit ni Alex, ini-spray ko sa buong walk in closet. Huminto ako sandali at nilanghap ang hangin dito sa loob.

Napangiti ako.

Lumabas ako ng walk in closet. Nag-spray rin ako ng pabango ni Alex sa mismong silid naming dalawa. Nang masiyahan ako ay lumapit ako sa pwesto nito sa kama. Maingat kong ibinaba do'n ang damit niya pagkatapos ay lumipat sa pwesto ko.

Humiga ako ay niyakap ang damit ni Alex... pumikit ako... hindi ko namalayang may tumulo na palang luha sa mga mata ko.

NANG muli kong pagdilat ay nakatayo na ako. Wala na akong nararamdamang kung anumang sakit. Inangat ko ang braso ko at umawang ang mga labi ko. Hindi na kulubot ang mga balat ko. Napahawak ako sa pisnge ko at sinampal ang sarili ko ng mahina.

"Hubby..." marahang tawag sa'kin.

Natuod ako sa kinatatayuan ko... bumilis ang tibok ng puso ko... parang nag-slow Mo ang lahat ng lumingon ako. Umawang ang labi ko ng makitang nakatayo si Alex ilang dipa ang layo sa'kin.

Nakasuot ito ng puting dress at mayroong flower crown sa ulo niya. Para siyang Diyosa sa ayos niya. Ngumiti sa'kin si Alex at ibinukas ang mga braso.

Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako habang nakatingin sa kanya.

"Hindi mo ba ako na-miss?" tanong nito.

Inilang hakbang ko ang pagitan naming dalawa at niyakap siya ng mahigpit. Nagsiksik ako sa leeg niya at umiyak dtio na parang bata. Narinig ko ang pagtawa niya ng mahina. Hinaplos nito ang likod ng ulo ko.

"Bakit ka umiiyak?" natatawang tanong nito.

"Miss na miss na kita, Alex... miss na miss..." humahagulgul kong sagot sa kanya.

Bumuntonghininga si Alex... "Shhhhh... huwag ka ng umiyak, hubby. Na-miss rin kita.."

"Akala ko hindi na kita makikita ulit."

"Hindi pwede 'yon noh. Magkikita at magkikita ulit tayo," anito.

Inilayo ko ang katawan ko sa kanya. Tiningnan ko siya sa mata. Isang realization ang pumasok sa isipan ko at bago ko pa man masabi ay naunahan na niya ako.

"Oo, Jake..." sagot nito.

Ngumiti ako sa kanya at hinalikan ang mga labi niya. Nang magsawa akong halikan siya ay pinatong ko ang noo ko sa noo niya. Pumikit ako.

"I love you, wife. Mahal na mahal kita. Ikaw ang nagbigay direction sa buhay ko, Alex... ikaw ang liwanag sa madilim kong mundo... ikaw ang tahanan ko, Alex... ikaw at ikaw, hanggang sa kabilang buhay... You're my North Star, baby... My own Polaris."

"I miss you too, hubby. Hand aka na bang sumama sa'kin?" marahan nitong tanong.

Sunod-sunod akong tumango. Dumilat ako at sinalubong ang mga tingin nito.

"I miss you so much, Wife..."

"Tara na..." yaya niya.

Naglakad siya sa'kin ng kamay sa harapan ko. Lumingon muna ako sa katawan kong nakahiga sa kama habang yakap-yakap ang damit ni Alex.

"Hubby, malalaki na sila... kaya na nila ang mga sarili nila," ani Alex na kinalingon ko. Ngumiti siya sa'kin.

Tumango ako at kinuha ang kamay niya. Hinalikan ko ang likod ng palad niya bago nagpatiaanod dito. Pumasok kami sa isang napaka-liwanag na pinto. Hawak namin ang kamay ng isa't isa at walang gustong bumitaw. 


END

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro