EPILOGUE
Gusto kong magpasalamat sa lahat ng mambabasang nakarating sa huling kabanata ng kwento nina Jake and Alex. Maraming salamat sa suportang binigay ninyo sa istoryang ito.
Nawa'y nagustuhan niyo ang story nila. Maraming-maraming salamat. Mahal ko kayo!
Alex P.O.V.
HUMINGA ako ng malalim saka muling tumingin sa mga taong dumating para sa huling araw ng anak ko.
"Si Jaime . . . mabait siyang bata . . . sa mga panahong nagkasama kami." Pumasok sa isip ko ang magandang ngiti ni Jaime. "Pinramdam niya sa 'kin ang pagmamahal ng isa pang anak. Para akong may triplets ha . . ." Mapait akong ngumiti sa katotohanang ngayon ko lang nalaman. "T-triplets sila . . . mahirap intindihin pero anak ko si Jaime . . . unang araw pa lang niya noon sa bahay namin . . . unang kita ko pa lang sa kanya . . . m-may kakaiba na agad akong naramdaman. Masiyahing bata siya. Hindi niya ako binibigyan ng sakit sa ulo. He love his siblings so much. Mahal niya kami.
Noong una ay gusto ko lang iparamdam sa kanya ang pagmamahal ng ina at ama. Gusto ko lang iparamdam sa kanyang may pamilya siya . . . at alam niyo ba sa huli niyang sinabi sa 'kin? Mga huling yakap . . . sana sinulit ko na ang lahat ng 'yon. Sana hinigpitan ko na ang yakap ko. Sana pinatigil ko na ang oras para hindi na siya nawala sa 'min. Ang mahal naming si Jaime . . . si Jaime . . ." Pumask sa isip ko ang una naming pagkikita. Ang slow-mo nitong pagharap sa 'kin.
Nag-flashback lahat sa 'kin. Lahat! Kinagat kong ng mariin ang pang-ibabang labi ko at huminga ng malalim.
"Totoo nga . . . ang ina ay naka-ugnay sa mga anak niya. Ramdam na ng puso ko pero hindi pinakinggan ng isip ko. Tinanggi ko pero talagang mali . . . haha . . . Jaime, sana masaya ka kung nasaan ka ngayon. I hope wala ka ng pain na nararamdaman. Kung nakatingin ka sa 'min ngayon . . . sorry kasi hindi agad kita nakilala. Sana mapatawad mo si mama. Sana patawarin mo ko, anak. Mahal na mahal kita."
Umakbay sa 'kin si Jake at hinalikan ako sa sentido. Mahigpit niya akong niyakap. Tapos na ang pagbaba ng katawan ni Jaime sa lupa. May lapida na ring nakalagay.
"Alex, condolences ulit," ani Lia sa gilid ko. Hindi ko siya tiningnan.
Maraming lumapit sa 'min para magsabi ng condolence at magpaalam. Hinaplos ko ang lapida ni Jaime at muling napa-iyak.
"M-Mama?" tawag ni Aris. Nilingon ko siya at maliit siyang nginitian. Tinabihan nila ako ni Aura.
"Mama . . . nasa heaven na po ba si Jaime?" tanong ni Aura. Tumango ako.
"O-oo . . . Aura. Nasa heaven na siya. Kasama na siya ni papa God." I'm thankful na hindi ako pumiyok. Niyakap nila ako.
"Mama, promise ko. Hindi ko hahayaang masaktan pa kayo ulit. Promise po," ani Aris na humalik sa pisnge ko.
"Mama, sorry po. Hindi ko po kasi kayo tinawag noon. Mama. Sorry!" umiiyak na ani Aura. Humarap ako sa kanya. Tiningnan ko siya sa mata.
"No need to say sorry, baby. Wala kang kasalanan. Wala kayong kasalanan," ani ko sabay tingin kay Aris. Humarap ako sa kanya at tiningnan siya sa mata. "Kasalanan namin ito. Dapat ang magulang ang nagbabantay sa mga anak kaya wag na wag niyong sisisihin ang sarili niyo."
Magsasalita pa sana sila ng lumapit sa 'min si Dad. "Halika na kayo, kambal. Uuwi na tayo," anito.
Nagtatanong silang tumango sa 'kin. Marahan ko silang tinanguan. Ngumiti ako at hinayaan silang sumama kina Dad. I mouthed 'Thank you' and he just nod.
Tumingin ako sa madilim na langit. Kinuha ko ang picture ni Jaime na nasa tabi ko. Hinaplos ko ang picture. Ako ang kumuha nito. Gusto ko sanang gawan sila ng sari-sariling picture sa bahay. Hindi ko akalaing sa ganito ko gagamitin 'to.
"Jaime . . . sorry, anak," bulong ko at mahigpit na niyakap ang larawan.
"Wife?" napalingon ako kay Jake, "halika na? Wala ng tao."
Yeah. Kami na lang ang naiwan dito pero wala pa akong lakas na umalis. "Mauna ka na, Jake. Susunod na lang ako." Muli kong tiningnan ang lapida ni Jaime.
Tinabihan niya ako. "Hindi ka ba nilalamig?"
Umiling ako. Malamig pero hindi ko ramdam. "Masaya na siguro si Jaime. KAsama na niya si God."
"Masaya na siya, wife. Hindi na niya kaylangang maghirap dito sa mundo. Hindi lang maganda kung paano siya binawi sa 'tin. Five years ko siyang kasama. Five years na pinipilit na anak ko siya pero hidi ako naniwala. Hindi man lang ako nakahingi ng tawad sa kanya dahil sa sakit na binigay ko. Hindi ko man lang ansabi sa kanyang mahal na mahal ko siya."
Nilingon ko siya. Napa-awang ang bibig ko, he is crying.
"Lahat ng DNA results sinasabi na positive. Bakit hindi ako naniniwala? Sana nasulit ko ang pagsasama namin. Sana hindi niya kinaylangang manlimos ng atensyon ko."
Nag-iwas ako ng tingin kay Jake. "Pareho lang nating hindi alam ang totoo. Walang kay kasalanan sa 'tin kundi si Katherine," mapait kong ani. Pagkatapos naming matagpuan ang katawan nila Katherine at Jaime, halos nagwala si Daisy dahil bakit pati raw ang bata ay dinamay sa kabaliwan ng kapatid niya.
Ang lalaking kumuha sa mga bata ay si Raul Salazar, nakakulong na siya. Sinamaphan namin siya ng kasong kidnapping. Hindi naman niya tinanggi at kusang sumama. Humingi siya ng tawad, hindi raw niya ginusto ang nangyari. Hindi niya raw alam na papatayin ni Katherine si Jaime pero wala na.
Napatay na siya ni Katherine.
Hindi pa nagpapakita sa 'min si Romano. Isang beses siyang dumalaw sa lamay pero hindi ko siya kinausap. Panay hingi niya ng sorry pero nagmistulan akong bingi.
"Sa nangyaring 'to . . . nagkaroon ako ng realization," ani Jake. Tumingin ako sa kanya. "Hindi lahat ng nakikita natin at nalalaman ay totoo."
"Masyado ka niyang mahal para pakawalan," ani ko. Nilingon niya ako. "Napaka-gwapo mo naman kasi," biro ko. Nginisihan niya ako.
"Kung sana ay sinabi niya ng maayos noon. Kung hindi niya lang ginawa ang bagay na ginawa niya sana masaya tayong lahat. Sana kumpleto tayo."
"Siguro nga, pero dahil sa ginawa niya ay mas naging matatag tayo, Jake. Mas naging matapang tayo. It teach us a lesson and now we know how to handle situation like those. Like this." Tumingin ako sa lapida ni Jaime. "Pero hindi ko na uulit hahayaan na mawalan ako ng anak, Jake. Ayoko na. Masyadong masakit. Hindi ko man lang nagisnan ang paglaki niya."
Niyakap niya ako. "Ako nga, nakita ko at nakasama siya sa paglaki pero napakalayo naman namin." Humiwalay siya sa 'kin. "Wag na tayong magsisihan. Wala na ring magagawa at kung nandito si Jaime ay hindi niya gugustuhin ito. Nasa langit na siya, walang sakit doon. Binabantayan niya tayo," ani Jake.
Tumingala kami sa langit. Napatango ako. He is right. Binabantayan kami ng anak namin ngayon.
Ilang minuto pa kaming nag-stay bago nagpasyang umuwi. Nakaakbay siya sa 'kin at pasakay na kami ng kotse ng mapansing may tao sa likod ng puno. Nagkatinginan kami ni Jake, sinarado ulit ang pinto saka tumingin sa gawi ng puno kung sana ito nakatago.
Lumipas ang ilang sandali at lumabas din ang taong 'yon. Naka-hood itong kulay itim, may cap at shades na itim na suot. Lumapit siya sa 'min. Inalis ang suot.
"Romano," malamig na ani Jake. Mariin itong nakatingin sa binata. Nakakuyom ang kamao nito. Hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin siya.
Tumingin sa 'kin si Romano. Kita sa sa mata nitong wala itong tulog dahil sa itim sa ilalim at mahabang bigote't balbas.
"Anong ginagawa mo rito?" malamig kong tanong.
Tumingin siya sa puntod ni Jaime bago ibinalik ang tingin sa 'kin. "Gusto ko lang makipag-libing."
"May lakas ka pa loob magpakita matapos ng ginawa mo?!" galit na sigaw ni Jake.
Malungkot na ngumiti si Romano. "Gusto ko lang humingi ng tawad sa inyo bago ko tuluyang umalis. Naibenta ko na lahat ng assets ko rito at wala ng balak bumalik pa," aniya. Tumingin siya sa 'kin. "Alex, sorry sa lahat ng nagawa ko. Wala akong alibi para sa mga 'yon. Walang palusot na katanggap-tanggap."
Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Bakit mo nagawang maglihim sa 'kin? Bakit mo ko nagawang traydorin?"
Tinuring siyang ama ng mga anak ko. Tinuring ko siyang kapatid ko.
"Gusto talaga kitang tulungan noong unang pagkikita namin pero yung kapatid ko ang nagpaloko kay Katherine. Nangutang ng malaking halaga na kinalugi ng negosyo ni Mama sa America. Nagtago siya. Naging fugitive. Hinanap ako ni Katherine at sinabi ang nangyari. Wala akon sapat na pambayad sa kanya. Nag-uumpisa pa lang ako at kahit na pagsama-samahin ko ang mga naipundar ko hindi pa rin sapat.
Isang araw nakita ka niyang pumasok sa café. Tinanong niya ako kung kilala kita. Inutusan niya ako. Naging alipin sa mahabang panahon. Nagpaalipin ako sa demonyo. Noong una ay ayaw kong gawin dahil malapit ka na sa 'kin pero ginawa ko rin. Pero pinapangako ko . . . yung kay Jaime . . . noong araw na nawala ang anak niyo dapat ibabalik ko an siya sa inyo. Sila ni Aura. Ayokong miski bata ay saktan niya. Pero naging mapilit siya at inagaw sa 'kin si Jaime."
"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin? Kaya kitang tulungan!"
"Kaya mo pero sa tingin mo ba gugustuhin kong pabalikin ka sa mundong tinakbuhan mo?! Ayaw mong makinig miski socialites. Palagi ko namang dinadalaw noon ang bata. Nagpadala pa ako ng guards at yaya para sa kanya pero gaya ng mga nauuan ay tinataboy lang ni Katherine."
"Bakit mo sa 'kin binenta ang café?" tanong ni Jake.
Tumingin sa kanya si Romano. "Dahil napapansin ko ang kakaibang kilos ni Katherine. Dapat magiging lihim muna lahat pero hindi . . . pinapasubaybayan niya tayong lahat. Gusto ko lang namang sumaya si Alex bago ako umalis."
"T-totoong may sakit ang mama mo?"
Tumango siya. "Oo, kaya imbis na sa iba ibente kay Jake na lang. Wala akong balak sabihin ang tungkol kay Jaime dahil akala ko tanggap na ni Jake ang bata. Protektado na pero mali ako. Bumalik ako ng bansa para umamin pero nang makita kong paalis ang mga kaybigan niyo kasama si Jaime ay nawalan na ako ng kaba dahil kasama niyo siya."
Tumingin siya sa 'kin at hinawakan ako sa kamay. "Sorry, Alex. Sorry sa lahat-lahat. Alam kong hidi mo ko kayang patawarin pero gusto kong magpasalamat sa 'yo. Gusto kong bago ko umalis ay nagsisisi ako."
Pinisil ko ang kamay niya at maliit siyang nginitian. "Yes, tama ka . . . hindi kita mapapatawad sa ngayon. Pero hindi habangbuhay ang galit ko. Hindi habangbuhay na dadalhin ko 'yung sakit. One day I can forgive you. Someday," mahina kong saad.
Ngumiti siya at pinunasan ang luhang tumutulo sa mga mata niya.
"T-thank you, Alex. Goodbye . . . baka ito na ang huli nating pagkikita."
Napatango ako. "Baka . . . pero sinong nakakaalam ng hinaharap."
Tumango si Jake at muli akong inakbayan. "Gaya ng sinabi ng asawa ko, someday pwede ka naming mapatawad."
"Paalam." Tumalikod si Romano, sumakay sa kotse niya at umalis. Pinanood lang namin itong makalayo sa 'min. Hinarap ko si Jake.
"Tara na?" yaya ko.
Tumango siya at binuksan ulit ang pintuan ng kotse. Sumakay ako at sinarado 'yon. Umikot ito papuntang driver seat. Nginitian ko siya at tumango. Binuhay na niya ang kotse at umalis.
Sa narinig ko kay Romano . . .hindi ko siya masisisi. Siguro noon . . . kung humingi siya ng tulong sa 'kin ay hindi ko siya tutulungan dahil nagtatago kami. Siguro mas matindi ang nanyari. Pero sinong may alam, 'di ba? Hindi natin nakikita ang hinaharap.
Maybe I can forgive them someday. Hindi yung labag sa kalooban. Hindi pilit.
Buong puso ko silang papatawarin kapag nabuo na ulit ako. Kapag hindi na siya durog. Kaylangan kong lumaban dahil may mga anak pa ako. Kaylangan kong magpaatatag dahil may nangangaylangan pa sa 'kin.
Pumikit ako at inalala ang mga masasayang sandali na kasama namin ang triplets. Ang ngiti nilang tatlo. Ang mga halakhak nila. Malawak na ang ngiti ko ng dumilat ako. Sobrang sakit pero . . . ang magagawa na lang namin ay magpatuloy.
And I'm Alexandra Crystal Villafuerte – Anderson, wife of Jake Gabriel Anderson. Mother of Aris, Aura and Jaime . . . signing off.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro