Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 99

Aura's P.O.V.

"MAMA . . . ! MAMA! MAMA" paulit-ulit kong sambit habang umiiyak. "Gusto ko ng umuwi! Mama! Mama! Uuwi na ako!!" Nagpapadyak ako at pinagkakalampag ang papag kung nasaan kami.

"Aura, wag ka na umiyak. Makaka-uwi din tayo," sabi ni Jaime. Niyakap niya ako.

Humaba ang labi ko. Nag-umpisa ulit umiyak. "P-paano kung hindi na tayo maka-uwi?"

"Hindi ko alam peor uuwi rin tayo. Wag kang matakot, hindi kita iiwan," aniya. Pinunasan ang luha ko. Nginitian niya ako.

"Ilang days pa kaya tayo dito? Nagugutom na ako," bulong ko.

Tumayo si Jaime at lumapit sa may pinto. Sinubukan niyang buksan pero hindi nangyari. Tumingin siya sa 'kin at sumimangot.

"Ayaw magbukas ng pinto." Matamlay ang face niya.

"Bakit hindi tayo sa mall nagpunta? Bakit 'di pa tayo umuuwi?"

"Di ko alam." Lumapit siya sa 'kin. Tinabihan niya ako. "Aura, sorry. Kung 'di sana kita pinilit isama hindi ka nandito. Sana hinayaan na lang kita na wag sumama."

Hinawakan ko siya sa pisnge. "Wag kang mag-sorry. Gusto ko rin naman, eh." Humawak ako sa kwintas ko. "Alam mo may binigay sa 'kin si Mama."

"Ano?"

Pinakita ko sa kanya ang kwintas ko. Hinubad ko 'yon. "Bigay sa 'kin ni Mama 'to. Sabi niya noong baby pa lang ako nasa 'kin na raw 'to."

Tumango siya. Ngumiti ako sa naisip na idea. Hinubad ko ang kwintas at pinakita ko sa kanya.

"Bakit mo hinubad?"

"Sa 'yo na lang."

Kinunutan niya ko ng noo. "Why?" Nagkibitbalikat siya. Sinuot ko sa kanya ang kwintas. Hinawakan niya 'to.

"Aurora Borealis 'yan. Diyan galit name ko na Aurora Light, maalala mo ko palagi," nakangiting ani ko.

Nakangiti siya sa 'kin. "Thank you, Aura. I love you."

"I love you rin," ani ko. Niyakap ko siya ng mahigpit.

Naghiwalay kami ng bumukas ang pinto. Pumasok ang lalaki na nagsama sa 'min sa haunted house. Hindi nga matatawag na house 'to. Ang dumi-dumi tapos may mga spiders and mouse.

Raul's P.O.V.

PUMASOK ako sa loob ng kwarto ng mga bata. Tatlong araw na simula ng kidnapin ko sila. Oo, kidnapping ang nangyari. Hindi sila pinapakain ni Katherine kaya lumabas ako kanina para ibili sila. Umupo ako sa tabi nila at binaba ang hawak kong plastic ng pagkain.

"Kumain muna kayo." Inilabas ko ang mga pagkain. Nagmamadaling dumulog ang mga bata.

"Thank you po. Akala ko hindi niyo na kami papakainin, eh," ani ng batang babae.

"Nasaan po si Mommy?" tanong ng batang lalake.

Huminga ako ng malalim. "Wala siya pero babalik din 'yon kaya bilisan niyo ang pagkain," ani ko saka nagsindi ng sigarilyo.

"Ano po name mo?" tanong ng batang babae.

Tiningnan ko siya.

"Ako si Raul. Kayo?"

"Ako si Aura, siya naman si Jaime." Tumango ako at tumayo. Lumakad ako paalis pero bagao ako makalabas ay tinawag ako ni Aura. Nilingon ko siya.

"Pwede niyo na po ba kaming ibalik sa bahay? Baka po kasi nag-aalala na sa 'kin sina Mama at papa. Papagalitan kami."

Malungkot akong ngumiti. "Pasensya na pero hindi pwede." Pagkasabi ko no'n ay lumabas na ako. Muli ko 'tong sinarado at kinandado upang hindi sila makalabas. Pasensya na. May anak din ako.

Bumaba ako sa hagdan. Naabutan ko si Katherine na papasok ng bahay. Kumunot ang noo niya.

"Saan ka galing?" tanong niya.

"Sa taas." Akmang lalagpasan ko siya ng hawakan niya ko sa braso. Hinawakan niya ko sa braso.

"Anong ginawa mo doon?"

Pinisiksi ko ang braso ko. "Tinitingnan ko lang ang mga bata. Baka mamaya patay na 'yon hindi mo man lang magawang ibili ng pagkain."

Inirapan niya ako. "Tsk! Bumalik ka sa lungsod. Gusto kong ipadala mo 'to kina Alex." Inabot niya sa 'kin ang isang kahon. Inabot ko 'yon.

"Ano ba 'to?" tanong ko habang sinusuri ang kahon.

"Don't ask too much! Give it to them!" Pumanik ito sa ikalawang palapag. Nagkibit-balikat ako at lumabas ng bahay. Pumaosk ako sa kotse at pinaandar paalis do'n.

Katherine's P.O.V.

BINUKSAN ko ang pinto sa kwarto kung nasaan ang dalawang bata. Napangiti ako ng makita ang takot sa mukha ng batang babae samantalang saya naman kay Jaime. Umirap ako sa hangin. Pumasok ako sa loob at tumayo sa harap nila.

"Kumusta naman kayo dito?" I asked while crossing my arm. Tumingin sa 'kin si Jaime at akmang yayakapin ako ng itaas ko ang kamay ko para patigilin siya. "Ano sa tingin mo ang gagawin mo?"

"M-mommy . . . b-bakit po kami nandito? Uuwi na po ba tayo?" tanong ni Jaime. Tumawa ako at iniwasan siya bago siya masamang tiningnan.

Hinawakan ko siya sa panga at mariing tiningnan. "Don't call me mommy dahil hindi ako ang mommy mo! Do you understand?!"

Nag-umpisang mamuo ang luha sa mga mata nito. "B-bakit po? K-kayo ang mommy ko."

Binitawan ko ang panga niya at hinarap ang baboy niyang kapatid. "Kasi hindi ako ng mommy mo!" asik ko. Pinandidirihan ko siyang tiningnan. "May baboy ka pa l ang kasama rito, Jaime. Hindi man lang nabawasan ang timbang."

"H-hindi ako baboy! H-healthy kaya ako!" sigaw nito, at hindi na napigilan ang pag-iyak.

"Anong healthy?! Tingnan mo nga 'yang hitsua mo! Ang taba-taba mo! Ang pangit-pangit mo!!" sigaw ko. Nag-umpisang pumalahaw ng iyak, pumikit ako at huminga ng malalim. "Nakakarindi kana!" Humampas ang palad ko sa pisnge nito. Hinawakan ko siya sa balikat.

"Letche kang bata ka! Napaka-ingat mong baboy ka! Ilang araw na akong rinding-rindi sa kakaiyak mo! Kapag hindi ka tumigil ipapakain kita sa mga ahas sa labas!"

"Mommy, tama na!!" ani Jaime at inalis ang kamay kong nakahawak sa kapatid niya. Itinulak ko siya palayo.

"Wala kang pakialam dito, Jaime! Tumigil ka kung hindi pati ikaw ay makakatikim sa 'kin!" sigaw ko. Masama kong tiningnan ang baboy. "Stop whining! Kung hindi ipapa-lechon kita!"

"BAD KA! BAD KA!!" sigaw niya.

"Matagal ko ng alam! Kasalanan ng nanay mo kung bakit kayo nandito! Kung hindi sana siya bumalik, edi, sana masaya kayong magkakasama!"

"Iuwi mo na kami!"

"Papauwiin ko naman talaga kayo. Kaya lang hindi na buhay." Tinalikuran ko sila at lumabas. Ni-lock ang pinto. Kaylangan nilang mag-family reunion dahil last na 'to.

Bumaba ako at tinawagan ang number niya.

"Do you want to know where Jaime is?" Napangiti ako. "Okay . . . I'll text you the location."

Alex P.O.V.

KANINA pa ako hindi mapalagay dahil nasa harapan namin si Daisy.

"Ang sabi ni Ate nandito si Jaime," giit nito.

Umiling ako "Three days na silang nawawala ni Aura. Sumama sila sa hindi pa namin kilalang lalaki."

"Three days?! Hindi niyo man lang sinubukang tawagan ang nanay ng bata?! Paano kung may nangyaring masama sa pamangkin ko! Anong gagawin niyo?!" galit niyang sigaw.

"Hindi lang naman ang pamangkin mo ang nawawala pati na rin ang anak ko! Saka hindi namin ma-contact 'yang magaling mong kapatid. Don't fucking shout at me!" sigaw ko. Tumayo ako at tumapat sa kanya. "Baka nga kapatid mo pa ang may kagagawan nito, eh!"

Para naman siyang natigilan dahil sa sinabi ko. Napansin kong lumunok ito.

"Sh-she can't do that to his own son!" mahina niyang ani. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sana nga wala siyang kinalaman sa pagkawala ng bata kung hindi—hindi ko malalaman ang gagawin ko sa kanya."

"Calm down, okay. Hindi makakatulong ang pagsisigawan sa nangyayari!" ani Mom.

Umuwi sandali ang iba naming kasama dito sa bahay. Ang naiwan lang ay ako, Jake and my parents at si Hunter. Tapos dumagdag itong—hmp!

"Mom, I can't just calm down! How about my children?! It's been three days tapos wala pang resulta!" stressed kong ani. Pabagsak akong umupo. Hinawakan ni Jake ang kamay ko. Nilingon ko siya.

"Mahahanap din natin sila—"

Pagak akong tumawa. "Ilang beses ko ng narinig 'yan, Jake! Ilang beses na! Pero wala pa rin! Wala pa rin dito ang mga anak ko!!"

Magsasalita pa sana siya ng madinig namin ang doorbell. Mabilis akong tumayo at lumabas ng bahay. Inilang hakbang ko ang gate at binuksan 'yon. There's a delivery boy.

"What?!"

Inabot niya sa 'kin ang isang itim na kahon. "Ma'am, delivery ho. Pakipirmahan na lang po dito." Binigay niya sa 'kin ang papel at pen. Pinirmahan ko.

"Wait, kanino galing 'to?" tanong ni Jake na nasa tabi ko na pala.

"Sir, hindi ko alam. Sinabi lang sa 'king dalhin dito," anito at tuluyang umalis. Nagkatinginan kami ni Jake. Sabay pumasok sa loob ng bahay.

"Sino raw 'yon?" tanong ni Mommy.

"Delivery, Mom."

Binuksan ko ang kahong nakabalot sa gift wrapper. Ano naman kaya 'to? Tumingin ako kay Jake at tinigil ang pagbubukas.

"May pina-deliver ka ba or binili online?" tanong ko.

Umiling siya. "None. Ikaw?"

Umiling din ako at muling tiningnan ang regaling hawak. Nanginginig na ang mga kamay ko habang binubuksan 'to. Tumulo ang luha sa mga mata ko ng makita ang laman ng box. Napatingin ako sa kanila. Nagtakip sila ng bibig.

Mabilis kinuha ni Jake ang kahon at mahinang napamura.

"S-sinong may gawa niya?!" gimbal na tanong ni Mom.

Nanlalambot ang buong katawan ko. Pakiramdam ko'y babagsak ako anumang oras.

"J-Jake . . . hanapin mo ang mga b-bata!!" I shouted hysterically. The box has a doll—Aura's doll to be exact and it has a lot of blood!

"Sit down first, hija!"

"Nakita niyo ba kung sinong nagdala? Kaylangan kausapin," ani Hunter. Kinuha ang kahong hawak ni Jake.

"Walang pangalan kung sino raw ang nagpadala. Basta pinadala na lang," ani Jake.

"This is death threat. Warning 'yan," ani Hunter. Tumingin ito kay Daisy. "Hindi mo ba alam kung nasaan ang kapatid mo? Baka nasa kanya ang mga bata."

"Hindi ko alam kung nasaan siya. Marami siyang properties. And malay naman natin! She wont hurt Jaime! Anak niya 'yon!"

Nanlalabo man ang mga tingin ko pero masama ko pa rin siyang tiningnan. "Eh, paano ang anak ko?! Pwede niyang saktan!!"

"Hindi naman natin alam kung sumama 'yung anak mo!"

"Are you serious?! Nakita nga sa CCTV na sumama yung dalawa sa lalaking 'yon! Kung nagpa-iwan man si Aura mahahanap namin siya!!"

Huminga siya ng malalim. "Okay. Fine! But can I see that man's photo!"

Kinuha ni Hunter ang picture ng lalaking kumuha sa mga bata. Inabot iyon kay Daisy. Kinuha naman niyo.

"Sure ba kayong siya?" paninigurado nito.

Tumango ako. "Kilala mo?"

Tumingin siya sa 'kin at bahagyang tumango. "Yeah . . . dati siyang masugid na manliligaw ni Ate."

Umahon lahat ng galit sa dibdib ko. "Then, si Katherine ang may gawa nito!! Where the hell is your bitch sister?!" Kung hindi ako napigilan ni Jake at nasampal ko na sana ang babaeng 'yan. "Jake, find our kids! Na kay Katherine sila!"

"God! I never thought na magagawa niya 'to," ani Daisy.

Sabay-sabay kaming napatingin sa landline ng tumunog. Lumapit doon si Jake at sinagot ang tawag.

"Where the hell is my children?!" galit na sigaw ni Jake sa kabilang linya. Lumapit ako sa kanya. "Fuck you, Katherine! Ako mismo ang papatay sa 'yo kapag hindi mo binalik ang mga anak ko!"

"Jake . . . n-nasaan sila?! J-Jake!" Nang hindi ako sagutin ni Jake ay inagaw ko ang phone nito. "Katherine!"

"Hi, Alex! Kumusta ka naman?!"

Mas humigpit ang hawak ko sa phone. "Nasaan ang mga anak ko?! Si Aura?!"

Parang demonyo itong tumawa sa kabilang linya. "Well, malalaman niyo rin naman! Hindi kayo makapaghintay!"

"Hindi ako nakikipag-laro sa 'yo! Nasaan ang mga abat?! Hindi ka ba naawa sa anak mo?! Ibalik mo sila sa 'kin. O kahit si Aura na lang!" pagmamakaawa ko.

Narinig kong huminga ng malalim ang kausap ko sa kabilang linya. "KJ ka talaga, Alex. Ayaw mo munang makipaglaro sa 'kin but sige . . . pumunta kayo sa ise-send kong location but there's no police. Kung hindi papataytin ko ang dalawang bata but in second thought . . . huwag na lang. Wala akong tiwala sa inyo!"

"Walanghiya ka! pati sarili mong anak!!!"

"Wala ka pang-alam, Alex kaya naman tumigil ka!"

Nag-beep ang linya kaya nataranta ako. "Hello?! Nasaan sila?! Katherine!!!" sigaw ko pero wala na sila sa linya.

"What did she say?" sabay-sabay nilang tanong.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanila. "Ayaw pa rin niyang sabihin ang location nila. Nakasapo ako sa ulo kong umupo. Tumingin ako kay Daisy. "S-saan ang pwedeng puntahan ng kapatid mo? B-baka saktan niya ang mga bata . . . p-please . . . saan siya pwedeng pumunta?"

"Marami nga siyang property na pwedeng puntahan," aniya at napatigil. Tumingin siya sa 'kin. "H-hindi ko alam kung pupuntahan niya ang lugar na 'yon." Sinabi niya sa 'min ang lugar kung saan pwedeng pumunta ang kapatid niya.

Pinunasan ko ang luha ko't tumayo. Tiningnan ko si Jake.

Wag siyang magkakamaling saktan ang anak kundi mapapatay ko siya. And I'm not fucking bluffing!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro