Chapter 97
Alex P.O.V.
"HABULIN niyo si Papa, dali!!!" utos ko kay Aura.
We are at the garden. Pagkatapos naming mag-usap kahapon ay tabi-tabi kaming natulog kagabi. Kanina naman, ang mag-aama ang nagluto ng almusal namin. Napangiti ako dahil pinagtulong-tulungan nila si Jake.
"Wife! Help me! Hahaha!" anito dahil dinagdagan na siya ng tatlo. Lumapit ako at hinawakan ang kamay niya para itaas.
"Kilitiin si Papa!!" sigaw ko. I was laughing hard.
Kiniliti nga nila ang papa nila. Walang magawa si Jake kundi ang tumawa at hayaang gawin ang gusto namin sa kanya. Malakas siyang lalaki at kayang-kaya niyang kumawala sa hawak ko pero hindi niya ginagawa. Niluwagan ko ang hawak sa kanya.
Hindi ko namalayang nakawala na siya sa 'kin at nakatunghay na sa 'kin ang apat. Ilang beses akong kumurap.
"Bakit?"
"Mama, bakit ka nakatitig kay Papa?" Kumandong si Aura sa Papa niya.
"Ah! Wala lang 'yon, anak. Gusto niyo nang kumain?" pag-iiba ko ng topic.
"Siguro na popogian ka kay papa," ani naman ni Jaime.
"Ayiiiiie!"
Pinisil ko ang ilong nila. "Pogi naman ang papa niyo pero hindi 'yan ang iniisip ko, hano!!"
"Mama, bawal liar kasi puputulin ni Jesus dila mo, sige ka," ani Aris.
"Wag na nating kulitin si Mama. Ayaw niya lang aminin pero gwapong-gwapo talaga sa 'kin 'yan," ani Jake.
Pinandilatan ko siya. "Hoy, hindi!" Tumayo ako. "Ipaghahanda ko kayo ng meryenda, makukulit na bata."
******
NAGTULOY ako sa kusina para gumawa ng makakain nila. Tama ang desisyon kong bigyan ng pagkakataon si Jake. Masaya ang mga anak ko at masaya rin ako. And I can proudly say na nagbago na si Jake. He love our children the same.
Isa lang ang pinagtataka ko. I feel something weird about Jaime. Una pa lang maagaan na ang loob ko sa kanya. I have this feeling na hindi ko maipaliwanag.
Raul's P.O.V.
NAGHIHINTAY akong muli sa harap ng bahay. Ang sabi niya ay siya raw ang tatawag sa 'kin kung dapat ko ng kunin ang mga bata. Napabuntonghininga ako. Ipinatong ko ang ulo ko sa manibela.
Hindi ako makapagpahinga dahil binabantayan ko si Camilla kagabi. Nag-angat ako ng tingin. Kinuha ko ang luma kong wallet, binuksan ko 'yon. Tiningnan ko ang picture ng anak ko. Napakaganda niya sa edad na siyete.
Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag. Ibinigay sa 'kin. Ibinalik ko sa bulsa ko ang wallet.
"Bakit?"
"Where are you?"
"Nandito na," sagot ko habang nakatingin sa labas. Tiningnan ko ang mga batang papasok na dapat pero nagpunta pa sa may gate.
"Good. Tawagin mo na ang mga anak ko. Gawin mong lihim, Raul! Ayokong sumabit! Bilisan mo!" sigaw niya.
Lumabas ako ng sasakyan at lumapit sa kanila. Saglit kong binaba ang telepono at sumilip sa gate. Tumingin ako sa paligid.
"Mga bata," tawag ko. Lumingon sila sa 'kin. Ngumiti ako. "Kaybigan ako ng mommy niyo. Si Katherine?"
Ngumiti ang batang lalaki at lumapit. Binuksan nito ang gate para lumabas. Umatras ako at nginitian siya.
"Pinapasundo kayo ng Mommy niyo."
Naglibot ng tingin ang bata. "Nasaan po si Mommy? Kasama niyo po ba?"
Lumuhod ako para pantayan siya. "Hindi, eh, pero nandito pa siya sa tawag." Inabot ko sa kanya ang telepono.
"Hello? Mommy! Where are you?! Ha . . . I will say goodbye to—aw. Sige po okay. I love you, mom." Inabot niya sa'kin pabalik ang phone. "We'll go with you."
Binalik ko sa tenga ang phone ko. "Bilisan mo. Dalhin mo sila sa lugar sa ni-text ko sa 'yo." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay binaba na niya ang tawag. Inilagay ko sa bulsa ko ang phone at tiningnan sila.
"Tara na?" Tumayo ako.
"Sandali . . . Aura, sama ka sa 'kin. Sabi ni Mommy isama raw kita. Punta tayong Mall."
Tumingin sa 'kin yung chubby na bata. Nag-aalangan. "Eh, sabi ni Mama wag daw sasama sa hindi kilala, 'di ba? Saka malay mo naman."
"Kung ayaw mo, okay lang. Gusto ko na kasing makita si Mama, eh." Nagkamot ng ulo ang batang babae at ngumuso.
"Pero baka pagalitan tayo ni mama."
Ngumiti ang batang lalaki sa kanya. "Maiwan ka na lang dito. Ako na lang sasama." Lumapit siya at humawak sa kamay ko. "Tara!" nakangiting aniya.
"Pero sabi ng mommy mo dalawa kayong isasama ng kapatid mo," pigil ko. Tumingin ako sa batang babae. "Kung gusto mo patatawagan natin sila para masabing nasa mommy niyo na kayo."
Lumingon ang batang babae sa may pinto saka tumingin ulit sa 'kin. "Sige na nga po. Pero sabihin niyo po kay Mama na sinama niyo kami."
Tumango ako. Inabot ko ang kamay niya. Tumakbo siya papunta sa 'kin at humawak sa kamay ko. Napangiti ako. Lumakad kami papunta sa kotse ko. Tumingin ako sa paligid bago sila pinapaosk sa backseat.
"Saan kaya tayo pupunta?" tanong ng batang lalaki. Sinarado ko an gang pinto saka umikot sa driver seat. Sumakay ako at pinasibad paalis ang kotse. Hindi ko alam kung anak ba talaga ni Katherine ang kasama ko. Pero wala akong magagawa. Para sa anak ko 'to.
*******
KUNOT ang noo ko habang nakatingin sa abadonadong bahay. Sigurado bang dito dadalhin ang mga anak ni Katherine? Sa tuktuk ng isang bangin kami dinala ng lokasyong sinabi ng babae. Lumingon ako sa mga bata.
"Dito ba kayo nakatira?" Nagtataka silang tumingin sa 'kin.
"Hindi po kami dito nakatira. Bakit kami nandito po? Ang creepy," sagot ng batang lalake. Kinuha ko ang cellphone, chineck ko pero tama naman.
"Sigurado ba kayo? Sabi ng mommy niyo dito ko kayo dadalhin."
Kinunutan ako ng batang lalaki. "Hala! Lago ako kay mama. Anong gagawin ko? Baka mapalo ako!" anito saka nagumpisang umiyak.
"Shhh . . . wag ka ng umiyak. Bababa tayo. Baka nasa loob sila. Baka bagong bahay niyo 'to." Inalis ko ang seatbelt ko at binuksan ang pinto ng kotse. Bumaba ako at lumakad papunta sa backseat. Pinagbuksan ko sila ng pinto. "Halika na kayo."
Nag-aalangan silang bumaba pero ginawa nila. Magkahawak kamay sila. Lumakad kami papunta sa may bahay. Binuksan ko ang pinto at walang maririnig na ingay kundi ang lagitlit ng lumang kahoy.
"Bakit naman nandito tayo, Jaime. Ang akala ko ba pupunta tayosa mall?" tanong ng batang babae. Pumunta kami sa sala. Inalis ang mga puting takip.
"Hindi ko rin alam. Basta ang sabi ni mommy pupunta tayo ng mall."
Sasagot sana ako ng pumasok si Katherine sa loob.
"Mommy!" sigaw ng batang lalake at patakbong yumakap sa ina pero imbis na gumanti ng yakap ay tinulak lang ni Katherine, dahilan kung bakit ito napa-upo sa sahig. "M-mommy?"
Kunot-noong lumapit ako sa kanya. Tinayo ko siya.
"Ano bang ginagawa mo?! Bakit mo tinulak ang bata?!" galit kong tanong.
Masama siyang tumingin sa 'kin. "Wala kang pakialam dito, Raul! Bayad ka kaya wag kang magsalita at magmarunong! Sundin mo ang lahat ng utso ko ng walang tutol!"
"Oo, bayad ako pero—"
"MAGTIGIL KANA!" pasigaw niyang pagpuputol sa 'kin. Nanlilisik ang tingin nito sa mga bata. "Dalhin mo sila sa isang kwarto sa itaas! Siguraduhin mong naka-lock ang pinto!"
"M-mommy . . . b-bakit po kami dadalhin sa taas?" naguguuluhang tanong ng batang lalaki.
"T-tita . . . u-uwi na po k-kami . . . m-magagalit na si Mama," ani ng batang babae na nakalapit sa 'min. Namumula ang mga mata niya.
"HA! Nagbibiro ka ba?! Hindi pwede! HINDI!! Hindi mapaki-usapan 'yang Tatay niyo, pwes kung hindi ako masaya ay hindi rin sila sasaya!" sigaw nito dahilan para umiyak ang batang babae.
Humarap si Katherine sa batang babae at hinawakan ito sa panga. "Why are you crying, baby girl?! Hm . . . mabait naman ako . . . kaya lang . . . yung nanay mong malandi inagaw sa 'kin ang mahal ko. Mang-aagaw 'yang nanay mo! Mang-aagaw!!"
"KATHERINE!" Inagat ko ang bata sa kanya, tinago ko siya sa likuran ko.
"Dalhin mo sila sa taas!" asik nito saka lumabas ng bahay. Tiningnan ko ang batang babae na tahimik na umiiyak.
"Tumahan ka na. Tara kayo sa taas," yaya ko. Hinawakan ko sila sa braso.
Pumanik kami sa taas. Parang haunted house ang bahay na 'to. Kung nakakatakot sa labas, mas lalop sa loob dahil puro alikabok at agiw.
Huminto ako ng makita ang isang bukas na pinto. Nilakihan ko ang pagkakabukas ang pinto. Tiningnan ko sila.
"Pumasok na kayo sa loob," utos ko. Tumingin naman sila sa 'kin, humawak sa laylayan ng damit ko.
Sumilip ang batang babae, "p-pasok po kami sa loob? Sigurado po kayo?"
"Oo. Dali na baka bumalik 'yung mommy niyo at magalit na naman."
"Madumi po diyan, eh," ani ng batang lalaki.
Huminga ako ng malalim at inalis ang kamay nilang nakahawak sa 'kin. Tinulak ko sila papasok sa loob. Binuksan ko ang bintana para magkahangin.
"Dito lang kayo. Upo kayo diyan," utos ko sabay turo sa maliit na papag. Sumunod sila sa 'kin.
"W-why mommy is doing this? Akala ko sa mall kami pupunta?"
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam at wala akong balak alamin. Kung ako sa inyo mananahimik na lang ako dito. Wag kayong lalabas." Pagkatapos bilinan ay lumakad ako palabas. Sinarado ko ang pinto. Tinali ko 'to gamit ng nakita kong panali.
Hinanap ko si Katherine sa buong bahay. Nabautan ko siyang naninigarilyo sa may kotse. Lumapit ako sa kanya.
"Anong ginagawa mo? Bakit mo ginano'n ang mga bata?" asik kong tanong. Matamis niya kong nginitian.
Tahimik lang siya at hindi ako sinagot.
"Katherine! Napakasama mo sa mga anak mo! Sarili mo silang laman at dugo! Sinisigawan at sinasaktan mo sila!" mariin kong ani.
Ngumiti siya sa 'kin at hinawakan ang pisnge ko. "Raul, hindi ba't sinabi ko sa 'yong wala kang pake sa kung anong gagawin ko dahil bayad ka! Binili kita kaya sundin mo lahat ng gusto ko!"
Mariin kong kinuyom ang kamao ko. Pinigil ko ang sarili kong huwag magalit. "Hindi porke nagtra-trabaho ako sa 'yo ay basta-basta na lang akong susunod sa kung anong gusto mo!"
"Wala kang magagawa dahil pag-aari kita! Nakipag-deal sa 'kin kaya face the consequence. Kinulong mo na baa ng mga bata?"
"Oo, nasa itaas na. Anong plano mo sa kanila?"
"MAGTIGIL KA NA!!" sigaw niya at umalis na sa harap ko. Huminga ako ng malalim at pinagsisipa ang gulong ng kotse.
"Demonyita ka talaga!!!" gigil kong bulong. Yumuko ako at pilit kinalma ang sarili ko.
Tama siya. Bayad ako kaya dapat kaylangan kong gawin ang trabaho ko. Huwag kang maawa sa kanila, Raul. Huwag. Isipin mo si Camille. Si Camilla lang.
Katherine's P.O.V.
NAPANGITI ako sa isiping nagwawala na ang mag-asawang Jake at Alex ngayon. Nawala sa kanila ang dalawa nilang anak, at hindi nila matatagpuan.
"Siguradong magandang palabas 'to. Kayangan niyang malaman," bulong ko. Kinuha ko ang cellphone ko at ni-dial ang number niya. Nakangiti ako habang hinihintay sagutin ang tawag.
"What the hell do you want, Katherine?" supladong tanong nito.
"I got them na!"
"Fuck! What the fuck did you fucking mean, Katherine?!" galit na galit niyang tanong.
I don't care. Masyado akong masaya para pansinin ang galit niya.
"Dammit! Don't you hurt them, Katherine! Wag na wag mong sasaktan ang mga bata lalo na si Jaime!!" sigaw niya, nagkibit balikat ako.
"I can't promise you that. Gusto mo bang malaman kung nasaan kami?"
"Yes!"
Natawa ako. "Sorry, baby. I can't tell you. Sa susunod na lang dahil baka may gawin kang kalokohan." Mabilis kong pinatay ang tawag. Alam kong may sasabihin pa siya pero wala na akong pake.
My phone keeps vibrating, lumalabas ang pangalan ng magaling kong step-sister. Tinitigan ko.
"Yes, my dear?"
"Where are you? Nandito ako sa bahay mo pero walang tao."
Umirap ako at tumingin muna sa kuko ko bago sumagot. "Somewhere you don't need to know. Bakit ba?"
"I want to see Jaime. Kinuha mo na ba siya? Or he still with his father?"
"Hindi ko siya kasama. I told you sa katapusan ko siya susunduin, 'di ba?" maang-maangan ko.
"That's three days from now."
"Yeah, and what's wrong with that? Call Jake and asked him about his son. Wag akong ginugulo mo." I ended the call.
Ang una kong tinawagan ang dahilan kung bakit ako may Jaime ngayon. Kung hindi ko siya nakilala matagal na siguro akong nabuko, pero dumating siya sa buhay ko at tinulungan ako. And I won't let him betray me. Hindi ko hahayaang makuha niya ang alas ko kay Jake.
Walang sasaya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro