Raul's P.O.V.
NAKASAKAY kami ngayon sa kotse at nakatapat kami sa isang bagay. Magarang bahay. Tiningnan ko si Katherine na naka-upo sa passenger seat.
"Anong ginagawa natin dito?" naguguluhan kong tanong. Matatanaw sa pwesto namin ang mga batang naglalaro sa bakuran.
"Gusto kong sunduin mo 'yung mga bata. Ito ang pictures nila," anito, inabot sa 'kin ang picture. Kinuha 'yon at tiningnan. Magagandang bata.
"Bakit, sino ba sila?"
"Mga anak ko."
"Anak mo?"
"Oo, kabit ng asawa ko ang babaeng kasama nila at may anak silang dalawa. Ayokong lumaki ang mga anak ko kasama ang babaeng sumira sa pamilya namin. Wala pa silang seven, so sa batas akin sila."
Tumango ako at binaba ang hawak kong pictures. Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi niya pero kaylangan kong gawin 'to.
"Kaylan ko sila susunduin?"
Nginitian niya ako. "Bukas mo sila susunduin."
Tumango ako, "aalis na ba tayo?"
"Oo pero gusto kong walang makakaalam na kukuhanin mo ang mga bata dahil hindi sila ibibigay sa 'kin."
Pipi akong tumango. Wala kasi akong alam tungkol sa kanya. Pagkatapos niyang umalis noon ay wala na akong naging balita. Iniwan niya ang lugar namin na parang diring-diri na doon siya nanggaling.
Pinaandar ko ang kotse paalis. Para kay Camilla. Para sa kanya 'to.
Katherine's P.O.V.
NAKANGITI ako habang pinapanood ang mga batang 'yon na naglalaro sa bakuran. Nakakainis lang dahil panay tanong ni Raul, kinaylangan ko pang gumawa ng kwento. Hindi pwedeng isa lang ang kuhanin ko. Dahil wala namang pake si Jake kay Jaime, baka hindi niya rin hanapin, mas mabuting kasama na ang baboy niyang anak.
Hindi magtatagal ay mapapasakin din si Jake. Akin siya. Akin lang!
Huminto ang sasakyan sa harap ng bahay ko. Bumaba ako at sumunod si Raul. Nilingon ko siya.
"Kaylangan mong agahan bukas. Tandaan mo. Ayokong may makakakitang kukuhanin mo ang mga anak ko," madiin kong paalala sa kanya bago pumasok sa loob ng bahay.
Lumapit ako sa bar station at kumuha ng wine. Huminga ako ng mallaim. Makakatulog na ako ng mahimbing kapag nasaktan ko silang dalawa. Akin kasi dapat si Jake. Akin lang, pero nagmamatigas pa sila. Gusto niya kay Alex . . .
Alex P.O.V.
NAGLULUTO ako ng pagkain ng maramdaman ko ang pagyakap mula sa likod ko.
"Nasaan ang mga bata?"
Sumiksik siya sa leeg ko. "Nasa garden naglalaro," malambing niyang sagot bago humalik sa pisnge ko.
Kakauwi lang namin galing sa bahay ng in-laws ko. Hindi kami naka-uwi kagabi dahil malalim na ang tulog ng tatlo. Medyo lasing din kasi si Jake dahil sa alak. Pinatay ko ang kalan at hinarap siya. Hinalikan ko siya sa pisnge at pinalupot ang braso ko sa leeg niya.
"Hindi ba dapat binabantayan mo sila?"
"Baby, malalaki na sila. They can handle themselves." Pinaglaruan niya ang buhok ko.
"Really? So, if someone courted Aura she can have a boyfriend?"
Nagdikit naman ang mga kilay niya. "Hell no! Bata pa si Aura. Magkaka-boyfriend siya kapag forty-five na siya."
Natawa ako.
"OA ka sa forty-five. Masyadong matanda na. Wag mong pakialaman ang lovelife ng anak mo sa future. Let her be and let support her." Tinapik ko ang pisnge nio bago lumayo.
"Wife, sabi mo kukuha tayo ng yaya for the kids, 'di ba?"
"Yeah. May nahanap ka na?"
"Yeah. I hired two yaya's for them. Is that okay?"
Tumingin ako sa kanya. "Yeah." Ngumiti siya. "I will go upstairs to clean up their room."
"Let's call Ising to help you," aniya.
"No, let her. She's doing the laundry," ani ko saka lumabas ng kusina. Pumanik ako sa itaas at nagtuloy sa kwarto ni Aris. Napahinga ako ng malalim dahil puro kalat. Napa-iling ako, nag-umpisang maglinis.
Pagkatapos ko sa kwarto ni Aris ay sinunod ko ang kwarto ni Aura. Kung magulo ang kwarto ni Aris, mas ang kay Aura. Kanino ba nagmana ang mga batang 'to? Pinulot ko ang mga manika ni Aura. Miski damit nagkalat.
Huli kong nilinis ang kwarto ni Jaime na malinis. Maayos miski kama. Napatingin ako sa kurtinang nakasarado, lumapit ako doon at binuksan 'yon.
"Mama?"
Lumingon ako sa pinto. I saw Jaime. I smiled at him.
"Anong ginagawa mo rito, Jaime? May kaylangan ka?" Lumapit ako sa kanya at lumuhod para magpantay kami.
"Mama, bakit po kayo nasa room ko?" balik tanong niya.
Napangisi ako. "Baby, lilinisin ko sana ang kwarto mo but it looks like na nilinis mo na."
Nakangiti siyang yumakap sa 'kin.
"Mama, kasi sabi noong yaya ko dapat daw hindi ako umasa sa tao sa paligid ko. I should know how to clean my own room," aniya sa pagmamalaking tono. Binuhat ko siya at lumabas kami ng kwarto.
"Good boy naman pala ikaw, eh," ani ko. Bumaba kami ng hagdan at pumunta sa kusina. Tiningnan ko si Aura na nakatingin sa 'kin. Nginitian ko sila saka binaba si Jaime. "Baby, nagugutom na kayo?"
Nakasimangot na tumakbo si Aris at tumakbo paalis. Sinundan ko siya ng tingin. Tatawagin ko sana ito pero hindi ko na itinuloy. Humarap ako kay Aura.
"Bakit tumakbo ang kapatid mo?" nagtatakang tanong ko. Tinuro niya si Jaime na kasama ang papa niya. "Bakit?"
"Kasi mama nagseselos si Kuya. Hindi mo na raw siya love kasi may Jaime ka na," anito. Nanlaki ang mga mata ko. Humila ako ng isang upuan saka siya hinarap. "Totoo ba? Bakit ngayon niyo lang sinabi sa 'kin?"
"Wag kang maingay na sinabi ko, mama. SI kuya kasi umiiyak kaya ayon nagkwento siya," bulong niya saka pumiraso ng grapes.
Napalunok ako. Gano'n ba talaga ako? Hindi ko ba nabibigyan ng sapat na atensyon ang mga anak ko? Nagkukulang baa ko? Hinawakan ko ang kamay ni Aura.
"B-baby . . . ikaw ba? N-nagtatampo ka rin sa 'kin? N-nagseselos ka rin ba kay Jaime?" nanginginig kong tanong.
"Noong una po." Kumunot ang noo ko. "Mama, narinig ko po kayo kagabi. We are lucky kasi may mama kami na katulad mo. Siya kasi wala, eh, kaya iniintindi ko na lang po siya." Tumayo si Aura. "Laro na ko, ma."
Nagkatiningnan kami ni Jake. Inutusan ni Jaime na sumunod si Aura. Lumapit siya sa 'kin at umupo sa inuupuan ni Aura kanina. Napayuko ako.
"Baby, what happened? What did she say?" nag-aalalang tanong niya. Inangat ko ang ulo ko kaya hinawakan niya ko sa pisnge.
"Wala namna . . ."
"Come on, wife, don't be like that. What Aura says?"
Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
"H-hey . . . wife, why are you crying?" He holds my hand.
"Am I being unfair to our children, Jake? Am I?" naginginig kong tanong.
"No. Wife, stop crying. What are you talking about?" tanong niya at pinunasan ang pisnge ko.
Huminga ako ng malalim at nag-pout. "Ang sabi ni Aura nagtatampo si Aris sa 'kin. Nagseselos dahil sa atensyong binibigay ko kay Jaime. Hindi ba tama ang ginagawa ko, Jake? Nagkukulang baa ko sa mga anak natin?"
Huminga siya ng malalim at mahigpit akong niyakap. "Shh . . . wife, don't cry. Okay lang 'yan. Kakausapin natin sila, ha," pag-aalo niya. "Kakausapin na natin sila." Tumango ako.
Niyakap ko siya at sumiksik sa dibdib niya. Pakiramdam ko maayos ang lahat dahil nakakulong ako sa bisig niya.
Nasa kwarto namin kami. Inaya namin ang mga batang manuod pero ang totoo ay kakausapin namin sila. Hinintay kong makapasok si Aris dahil nasa kwarto sina Aura at Jaime. Tumingin ako kay Jake at tinanguan siya.
Humarap ako kina Aura at hinaplos ang buhok nila. Napalingon ako ng bumukas ang pinto. Buhat-buhat ni Jake si Aris. He closed the door at umupo sila kasama namin.
"Papa, bakit po ba tayo manunuod ng movie?" tanong ni Aris, hindi man lang siya makatingin sa 'kin. Nakayakap lang kay Jake. Gusto kong umiyak dahil sa sakit pero ayoko silang mabigla.
"Anak, dito ka, oh. May space pa," aya ko sa kanya. I'm thankful na hindi ako pumiyok.
"Ih . . . papa kasi!"
Huminga ako ng malalim at pinatay ang TV. Tiningnan ko sila bago huminga ng malalim.
"May gusto kaming sabihin sa inyo ng papa niyo," umpisa ko. "Bilog tayo." Umupo kaming pabilog. Magkatapat kami ni Jake, nasa magkabilang gilid ko si Aura at Jaime samantalang nakagitna kay Jake at Aura si Aris.
"Alam niyo ba kung ano niyo ang isa't isa?" tanong ni Jake. Nagkatinginan sila, umiling, bukod kina Aris at Jaime.
"Tao naman kami, Papa. Dalawa kamay tas paa," sagot ni Aura.
Napa-iling kami. "Alam niyo ba kung bakit Daddy ang tawag ni Jaime sa Papa niyo?" Umiling si Aura.
Hinawakan ko ang kamay ni Aris at Aura, seryoso ko silang tiningnan.
"Kasi . . . si Jaime ay anak ng papa niyo. Kapatid niyo siya." Hindi naman nabigla ang mga bata sa sinabi ko, nlingon ko si Jake, nagtatanong kung itutuloy ko pa ba. Tumango siya. "Naalala niyo ba yung nagpunta dito sa bahay natin dati? Si Katherine, siya ang mamaya ni Jaime. Magkapatid kayo sa papa."
"Bakit gano'n, mama? Magkaiba kami ng mama pero pareho ng papa?" tanong ni Aura habang nakatingin kay Jaime.
"Edi magkapatid kami?" mahinang tanong ni Aris. Tumango ako.
"Oo, kapatid niyo si Jaime. Magkakapatid kayo."
"Edi tatlo na kami! Ang saya naman! Kambal kami tapos may isa pa kaming kapatid!" masiglang ani Aura sabay yakap kay Jaime. "Dalawa pala kayong big brother ko, eh! Yehey!"
Tumingin ako kay Aris, "babi, galit ka ba kay mama?"
Ngumuso ito at nag-pout ng labi. "M-mama . . . hindi naman ako galit. S-selos lang kasi mas love mo siya ke-kesa sa 'kin."
Parang nadurog ang puso ko dahil sa pag-iyak ng anak ko. Hinila ko siya payakap at paulit-ulit na hinalikan.
"H-hindi, anak. Mahal ko kayo. Pantay-pantay. Love kita. Love ko si Aura, si Jaime. Mahal na mahal ko kayo," nanginginig kong paliwanag sa kanya.
Tumingin siya sa 'kin, "l-lagi mo siyang niyakakap mama. H-hindi na ako. May iba ka na kasing baby!" Pagpalahaw nito. Pinagdikit ko ang noo namin.
"Anak, sorry kung gano'n yung nararamdaman mo. Sorry. Hindi alam ni mama. Pero mahal na mahal kita. Ikaw ang baby ko. Ang panganay ko."
"T-totoo?"
Tumango ako. "Oo. Love kita. Sobra." Tumingin ako kay Aura, hinila ko siya payakap sa 'min. "Love kita. Love ko kayong dalawa." Hinalikan ko sila bago tiningnan si Jaime, sinensyasan ko siyang lumapit sa 'kin.
"Love ko rin si Jaime, kahit hindi siya galing sa 'kin. Love ko kayo. Lagi niyong tandaan 'yan. Mahal na mahal ko kayo."
Yumakap sa 'kin si Jaime, sagsiksik sa leeg ko. Mangiyak-ngiyak akong tumingin kay Jake.
"Group hug!!" sigaw ni Jake na dumamba ng yakap sa 'min.
"I love you," ani ko sa kanila.
Tumingin siya sa 'kin. "I love you more, mama. Sorry mama. Wag ka magalit sa 'kin ha. Hindi na po ako magseselos," ani Jaime. Humalik ako sa tuktok ng ulo niya.
Humalik si Jake sa noo ko at idinikit ang noo niya s aulo ko. "I love you, wife," he whispered.
Napangiti ako.
"You don't have to respond, my wife. You have all the tie in the whole world."
"Papa, I love you!" ani Aura na nakayakap sa ama niya.
"I love you more, princess."
"Dad, kung si Aura princess kami yung princes. Tapos si mama yung Queen and ikaw ikaw?" curious na tanong ni Jaime.
Tumango si Jake at ginulo ang buhok nito.
Napangiti ako ng may maalala. "Wait . . . may sasabihin pa si Mama." Tumingin sila sa 'kin. "I'm planning to adopt Jaime, so he can be with us."
"What do you mean, ma? You will take me away from mommy?" shock na tanong ni Jaime.
Mabilis akong umiling. "Hindi naman. But we want you to stay here with us. Balak kasing umalis ng Mommy mo sa katapusan. Ayaw mo ba dito sa 'min?"
Humaba ang nguso nito at nag-isip. Tumingin siya sa 'ming lahat. "K-kasi po . . . kapag iniwan ko si Mommy sino na lang ang kasama niya sa house? If you ask me . . . I really want to stay here with you but my mom will be alone . . . she don't want Tita Daisy around so, ako lang 'yung kasama niya. Mama, Dad, I can't accept your offer. I don't want to leave mommy," malungkot nitong ani.
Tumango ako. "It's okay, Jaime. I understand. You will visit us, ha." Tumango siya.
Tumingin ako sa gawi ni Jake, nakakunot ang noo niya. Ngumiti ako. "We will respect his decision. We will visit him na lang or he can visit us."
"Let's watch movie na. Anong gusto niyo?!"
Nagtawanan ang mga bata, Jake opened the TV and picked a movie. Matiim kong tiningnan ang mga bata. Nakakalungkot lang na hindi na mapupunta sa 'min si Jaime. He really love his mother, Katherine is so lucky to have him. But I'm lucky with my twins, too.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro