Chapter 95
Alex P.O.V.
MGA malapit na kamag-anak na lang ang naiwan pagkatapos ng anniversary party. Kami na lang ang naiwan.
"Ang tagal naman nila!" inip na inip si Lia habang panay ang lingon sa likod.
"Nagpaluto pa rin kasi ako ng pagkain kaya matagal sila," singit ni Zia habang nakahawak sa tiyan.
Tumingin kami sa kanya dahil kanina pa siya kain nang kain tapos ngayon ay nagluto pa ulit.
"Anong pinaluto mo?"
"Ahm . . . siningang na adobo," she answered adorably.
Nanlaki ang mga matang tumingin ako sa kanya. "S-sinigang na a-adobo?"
"Seriously?!"
"I think she's pregnant," ani Black na nakatimhom kay Zia. Nilingon siya ni Zia.
"You think?" sabay na tanong ni Zia at Lia.
Tumango si Black. "Oo, we somehow connected Zia. I feel something . . . and besides naglilihi ka. You don't like adobo, eh," aniya at umayos ng upo.
Parang natauhan si Zia, "Oo nga . . ."
"Kaloka, buntis ka?!"
"Black?" tawag ko. Lumingon siya sa 'kin.
"What?"
"What can you say about Jaime?" tanong ko. Nag-angat siya ng kilay at nilapit ang mukha sa 'kin.
"Why are you asking?" balik tanong niya.
"Nothing. I just want to know."
Nginitian niya ako. "He is a good boy. Masiyahing bata kaya lang hindi nabibigyan ng sapat na atensiyon. Nagulat ako ng malamang nakatira siya sa inyo. Hindi gusto ni Kuyang kasama siya tapos si Katherine ayaw ipahiram ang bata."
Tumango ako sa sinabi niya. Sasagot sana ako ng magsalita si Lia.
"Bakit ba ang tagal niyo?!" inis na tanong sa dumating na asawa.
"Nagluto pa kasi kami, honey."
Tumabi sa 'kin si Jake. Pinagsaklop ko ang palad naming dalawa.
"Nasaan ang sinigang na adobo ko?"
"b-baby walang gano'n. Pangit ang lasa."
"H-hindi mo na ko m-mahal. M-may iba ka na kaya ka ganyan sa 'kin?" OA na tanong ni Zia habang umiiyak.
"Of course not, I love you. Ikaw lang. Tahan na." Henry don't know kung anong gagawin sa umiiyak na asawa.
"Wife, what are we talkin about?" bulong ni Jake. Nilingon ko siya. Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya.
"Gusto kong pag-usapan natin ang tungkol kay Jaime. Mamaya na lang pag-uwi sa bahay." Gusto ko ng privacy for this one.
"Alex, kung hindi namin alam na anak ni Katherine si Jaime iisipin kong triplets ang anak mo," ani Lia na nagpalingon sa 'min.
"Syempre, iisang tatay ng mga 'yon talagang magkakamukha. Susko. Magaganda ang lahi namin," sagot ni Zia. "Sa labas ka matutulog. Ayokong makatabi ka Henry."
"Iba naman kasi ang kambal sa magkapatid lang. Medyo magkaboses pa sila at magkasingtangkad. Mas mukha pa nga silang kambal ni Aris," dagdag pa ni Lia.
"T-talaga bang magkamukha sila?" nanginginig kong tanong.
Deretso akong tiningnan ni Lia sa mata. "Yep. For me lang."
"Kasi nga iisa lang ang ama nila," pagdiin ni Zia ay tumayo. "Sa kwarto muna ako, Kuya. Nawalan na ako ng gana dahil kay Henry," inis na anito saka pumasok sa loob ng bahay. Naiwan si Henry na tumatawa.
"Bakit kasi hindi pinagluto 'yang asawa mo, ha, Henry?" tanong ni Hunter na nakaakbay sa asawa.
"Hindi kasi marunong magluto!" buksa ni Benjamin.
Masamang tumingin sa kanila si Henry. "Kung sa inyo kaya magpaluto ng sinigang na adobo, may maluluto kayo?"
Nagtaas ng kamay si Hunter. "Hindi manghihingi ng ganyan ang asawa ko, Henry. Mabait ang Black ko." Humalik sa pisnge ang asawa.
"Heh! Let go of me! I want to sleep! And sa sala ka matulog," ani Black at tumayo. Umalis na rin. Natawa kami dahil sa ginawa nito.
"Ayan! Gago! Akala mo ha!" pang-aasar ni Henry.
"Kambal talaga," ani Hunter sabay iling. Tumingin siya a 'min. "Hindi pa ba kayo papasok sa loob?"
"Hoy, magtigil ka nga! Tsk. Gusto ko ng umuwi nakaka-inis!" ani Lia, kinuha ang bag bago humarap kay Benj. "Maiwan ka dito, mauuna na ako." Humarap siya sa 'kin. "Bye, Lexie," aniya at nakipagbeso.
"Take care, ha," bilin ko. Tumango siya.
"Wait for me, honey!" Hinabol ni Benj at nagmamadaling tumakbo kasunod ng asawa. Natawa kami.
"Mag-iinuman daw tapos nagsi-uwian," ani Henry na tumutungga sa iniinom. Tumayo siya at tiningnan kami. "Papasok na rin ako dahil baka mas lalong uminit ang ulo ng asawa ko."
"Pasok na rin ako. Galit na yung baby ko," ani Hunter. Sabay na pumasok ang dalawa at kami lang ang naiwan dito. Hinarap ako ni Jake at hinawakan sa magkabilang pisnge. I pouted my lips at hinawakan ang kamay niya.
"I want to adopt, Jaime."
Nabitawan niya ang pisnge ko. Nalaglag ang panga niya. "W-what are you t-talking about?"
Tiningnan ko siya sa mata. "Naka-usap ko kanina si Jaime, Jake, r-ramdam ko 'yung lungkot ng bata habang nagkwe-kwento. Gusto ko siyang sumaya kasama natin. Let's talk Katherine and tell her our plans."
"Baby, are you sure? Hindi ka naman lasing, 'di ba?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Tinanguan ko siya. "Yes, Jake. I'm really sure. Please, I'm not drunk. I really want to adopt him."
Dahan-dahan naman siyang tumango para mapangiti ako. "I-is that a yes?" mahina kong tanong.
Tinanguan niya ako kaya mas malaki akong napangiti. "I will talk to Katherine," ani Jake. Niyakap ko siya. "Thank you!" bulong niya.
Inilayo ko siya at hianwakan sa pisnge. "No, thank you, Jake. Thank you for teaching me lessons."
Instead na sagutin ako ay niyakap niya ako ulit at sumiksik sa leeg ko. I'm so happy na may chance na maging anak ko talaga si Jaime.
Raul's P.O.V.
PABALIK-BALIK ako sa pasilyo ng hospital dahil nasa loob ng emergency room ang anak kong si Camilla. Kanina ay nasagasaan siya ng sasakyan. Nakayuko at nanginginig akong nakatayo sa harap ng pinto ng ER. Nanginginig ang kamay ko. Diyos ko, wag niyo pong pababayaan ang anak ko . . . siya na lang ang meron ako.
Napaangat ako ng tingin sa bumukas na pinto. Lumabas ang Doctor. Mabilis akong lumapit sa kanya.
"D-doc, an-anong nangyari sa anak ko? K-kumusta siya?" sunod-sunod kong tanong. Inalis niya ang face mask niya at seryoso akong tiningnan.
"Sir, tatapatin ko na po kayo. May namuong dugo sa utak ng bata kaya kaylangan siyang maoperahan agad. Kung hindi pwede siyang mamatay."
Halos gumuho ang mundo ko ng marinig ang sinabi niyang pwedeng mawala sa 'kin ang anak ko. Hindi pwede! Siya na lang ang meron ako. Marami pa siyang pangarap sa sarili niya.
"D-Doc . . . operahan niyo po ang anak ko. W-wag niyo po siyang hayaang mawala," pagmamakaawa ko.
"Sir, kaylangan ng malaking halaga para sa operation niya. Hindi po biro ang laki no'n," anito.
Napalunok ako. "M-magkano po ba ang kaylangan?" May ipon ako sa bahay para sana sa pag-aaral ng anak ko pero ngayon pwedeng gamitin ko na. Ayoko siyang mawala sa 'kin. Napakabata pa ni Camilla.
"Estimated ay nasa two hundred thousand or more. Hindi ko lang alam kung sapat 'yon dahil hindi natin alam kung hanggang kaylan siya tatagal dito."
Napasabunot ako sa buhok ko. Pumikit ako ng mariin. Napasandal ako sa pader. Saan ako kukuha ng gano'ng kalaking halaga?! Saan?! B-baka nga wala pang kinsi-mil ang pera ko. Pumasok sa isip ko si Katherine.
Diyos ko, patawarin niyo ko. Hindi ko pwedeng pabayaan ang anak ko. Patawarin niyo po sana ako.
Muli kong tiningnan ang Doctor. "O-operahan niyo na po ang anak ko . . . m-magbabayad po ako."
Tumango siya. "Okay po, sir." Tumalikod ito at pumasok ulit sa ER. Lumakad ako paalis ng hospital. Huminto ako sa isang tindahan, sumilip.
"Manang, magkano po ang tawag?" tanong ko.
"Limang piso kada limang minuto," sagot nito. Kumuha ako ng barya sa bulsa ko at binayad. Inilabas ko ang calling card na naiwan sa 'kin ni Katherine.
Ilang minuto ko munang tinitigan ang card bago nagpasyang i-dial ang numero. Ilang minuto rin ay sumato na 'to.
"Who's this?"
"Si . . . R-Raul."
"Why did you call? I thought you don't want to help me."
"B-babayaran mo baa ko sa ipapagawa mo sa 'kin?" nanginginig kong tanong. Luminga-linga pa sa paligid.
"Oo. Magkano ba ang kaylangan mo?"
Napalunok ako. "K-kaylangan ko ng isang milyon . . . k-kaylangan ko bukas."
"Deal. Where are you?" tanong nito sa masiyang boses.
Napapikit ako ng mariin. "St. Luke's Medical city. Pakibilisan." Binaba ko ang tawag. Bumalik ako sa loob ng hospital.
*****
"SINO ang nasa hospital?"
Nag-angat ako ng tingin sa nagsalita. Katherine. Nakatayo sa harapan ko.
"A-ang anak ko . . . nabundol siya. Hindi pa kilala ang sasakyan," sagot ko.
"Ow . . . that poor little girl." Binaba niya ang isang bag sa harap ko. "Iyana ng isang milyong hiniling mo. Gusto kong gawin mo ang iuutos ko. Lahat. Ng. Gusto. Ko!" mariin niyang sabi.
Tumango ako sa kanya at tumayo. Kinuha ko ang bag at tiningnan siya.
"S-salamat."
Kumunot ang noo niya bago ngumiti. "Don't thank me. Bayad 'yan para sa trabaho mo. Bukas ay may pupuntahan tayo at kaylangan mong pag-aralan ang buong lugar." Tumango ako.
Nagpunta ako sa cashier at binayaran ang kaylangan ng anak ko. Kasama na ang operasyon at gastusing iba. Ang natira ay tinabi ko.
Umuwi ako sa bahay naming pinagtagipi-tagi mula sa lumang kahoy at yero. Pumasok ako sa loob. Naabutan ko ang nakakatanda kong kapatid. Tumanda na asiyang dalaga dahil sa 'kin. Inilagaan niya ako at may hinihintay daw siyang dumating.
"Kumusta na si Camilla, Raul?" tanong ni Ate Guada.
"Inooperahan pa, Ate." Lumapit ako sa maliit naming kusina. Kumuhja ng baso at nagsalin ng malamig na tubig.
"Abay magkano ang nagastos> Kaylangan ba nating mangutang? Meron akong ipon, kukuha ako ng madaming laba par—"
"Hindi na, Ate. Nabayaran ko na lahat ng bayarin. Pwede po bang bukas at sa susunod ay kayo muna ang magbantay kay Camilla sa hospital. May trabaho po kasi ako, baka hindi ko siya mabantayan ng mbuti," paki-usap ko.
Kumunot ang noo niya. "Abe, saan ka kumuha ng pera? Saka anong trabaho?"
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Ate, nagpunta dito si Katherine. Inalok ako ng trabaho. Tinanggap ko. Sa kanya galing ang perang pinambayad ko sa hospital."
Bakas ang galit sa mukha nito. "Bakit ka tumanggap ng pera sa babaeng 'yon?! Sa babaeng tinapon ka na parang basura!"
"Wala akong choice, Ate. Mas mahal ko si Camilla kasya sa pride ko! Siya lang ang pwedeng makatulong sa anak ko."
"Magkano ba?! Baka mapag-ipunan ko at maibalik natin sa kanya. Ayokong magkaroon ng utang na loob sa babaeng 'yon!" galit pa rin niyang ani.
Tinuro ko ang bag na may lamang pera. Tiningnan niya 'yon at nilapitan. Halos lumuwa ang mata nito.
"Isang milyon ang hiningi ko sa kanya dahil hindi ko alam kung magkano ang aabutin ng bayarin ni Camilla sa hospital. Six hundred thousand na lang 'yan, ate. Gusto kong itago mo para sa kinabuksan niyo ni Camilla. Para sa pag-aaral niya. Sa gamot mo," nakangiting ani ko.
"Bakit ka ganyan magsalita?" seryosong tanong niya. Sinarado nito ang bag. "Ano bang trabaho ang binigay niya sa 'yo? Ganitong kalaking pera ang binayad niya."
Ilang beses akong napalunok dahil sa tanong niya. Sa totoo lang, hindi ko alam ang ipapagawa ni Katherine pero sa pagkakakilala ko sa kanya sigurado akong hindi maganda 'yon.
"M-mag-dr-drive lang ako, ate . . . driver," ani ko. Tumango naman siya.
"Oh, siya, itatago ko lang 'to at pupunta na ako sa hospital para mabantayan si Camilla," aniya.
Umupo ako sa kahoy na upuan at sinalo ang mukha ko. Bakit ba kasi nangyari ang lahat ng 'to? Bakit kaylangang anak ko pa? Bakita?! Napaka-bait niyang bata. Masunurin siya pero—
Inangat ko ang picture ni Camilla na kasama ang nanay niyang namayapa na. May sakit sa puso si Clara at naging mapanganib sa kanya ang pagbubuntis. Noon, gusto kong ipalaglag ang bata dahil ayokong mawala si Clara pero hindi siya pumayag at pinilit ituloy. Halos sa hospital na kami tumira noong kabuwanan niya dahil nahihirapan na siya.
Pinapili ako ng doctor kung sinong gusto naming iligtas ay pinili ni Clara ang bata. Bago siya pumasok sa ER ay sinabi niyang piliin ko ang anak namin. Buhayin ko. Bigyan ko raw ng pagkakataon para makita ang ganda ng mundong ginagalawan namin . . . wala akong nagawa noon. Nawala sa 'kin ang pinakamamahal ko.
Binago ni Camilla ang buhay ko. Tama nga ang pinili namin ni Clara, at alam kong maiintindihan niya ang desisyon ko. Para 'to kay Camilla. Para sa batang pinag-alayan niya ng buhay.
Patawarin mo ko, mahal . . . pero hindi ko hahayaang mawala siya. Hindi ko papabayaan ang anak natin tulad ng pangako ko. Magkakaroon siya ng magandang buhay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro