Chapter 94
Alex P.O.V.
PINAGMASMASDAN kong mahimbing na matulog si Jake. Sa iisang kwarto na kami natulog, kahit ayaw niya. Natulog lang naman kami. Bumangon ako at pumasok sa banyo. Ginawa ko ang morning rituals ko, after maligo ay nagbihis na ako.
Habang nag-aayos ng mukha sa vanity mirror ay napatingin ako kay Jake. He is still sleeping. Nakadapa ito. Nagpakapuyat kasi kagabi ay kaninang madaling araw na yata kami nakatulog dahil sa panunuod at kwentuhan.
Napabalik ako sa reyalidad ng mag-ring ang phone ko. Mabilis ko 'tong kinuha at sinagot.
"Yeah?"
"Hi, Ate. Anong oras kayo pupunta dito?!" masiglang tanong ni Zia sa kabilang linya. Tumingin ako sa orasan. Twelve o'clock na,
"Baka mamaya pa. Kumusta ang mga bata? Makulit ba?" Kinuha ko ang suklay at sinuklay ang mahaba kong buhok.
"Medyo lang, ate. Ang hirap lang patulugin ng kambal dahil namamahay kagabi."
"Nako, pasensya na ha. Kumain na ba sila?"
"Yep! Actually kaya ako tumawag kasi hinahanap nila kayo."
"Ah, okay. Pwede ko ba silang maka-usap? Tulog pa kasi ang kuya mo dahil napuyat kagabi. Ayoko namang gisingin," nakangiting ani ko. Tumili si Zia sa kabilang linya.
"Oh, my! Anong nangyari? May nangyari?! After six years may dilig ka na!" eskandalosang tanong nito.
Namula ang pisnge ko. "Hindi! Ano ka ba! Nanuod kami ng movie kaya late na kami nakatulog!" depensa ko, pero paraan nito ng pagtawa ay halatang hindi naniniwala.
"If you say so! Basta gusto ko triplets naman para lima agad!"
"Ewan ko sa 'yo! Nasaan baa ng kambal?" pag-iiba ko ng topic.
Humagikgik ito, "ako na lang kakausap sa kanila, Ate. Magka-busy ka diyan sa asawa mo. Six years," anito saka ako binabaan ng tawag.
Napa-iling ako at binitawan ang phone ko. Muli akong tumingin sa salamin, from there I saw Jake, naka-upo na siya sa kama.
Ngumiti siya, "Sinong kausap mo?" pasok niyang tanong habang pupungas-pungas.
"Si Zia, tinatanong lang kung anong oras daw tayo pupunta sa party mamaya. Gusto mo bang kumain? Magpapaluto ako?" Tumayo ako at naglakad palapit sa kanya. Umupo ako sa gilid niya.
Umiling siya. Gumapang palapit sa 'kin. Niyakap niya ang bewang ko at umunan sa mga hita ko.
"Let's sleep more, wife," ungot niya. Hinaplos ko ang noo niyang nakakunot.
"Okay. Matulog ka pa. Gigisingin na lang kita mamaya," saad ko habang pinagpapatuloy ang pagmamasahe sa ulo niya.
Dumilat siya, "tabihan mo ko," parang batang aniya. Mahina kong pinitik ang noo niya.
"Mister, tanghali na. aalis tayo kaya hindi pwedeng pareho tayong tulog." Iaalis ko dapat ang ulo niya ng hindi siya pumayag. "Unan ang gamitin mo para hindi ka sakitan ng leeg."
Umiling siya. "Mas masarap ang hita mo, wife. Ang lambot," nakangising sabi niya.
Hinampas ko siya sa braso. "Anong sinasabi mo?! Mataba ako?!" galit kong tanong sabay alis ng ulo niya. "Wag kang tatabi sa 'kin, ha!" Tatayo sana ako ng hawakan niya ako sa kamay at hinila, ayun, nahulog tuloy ako sa ibabaw niya.
"Don't be mad, wife." Niyakap niya ako ng mahigpit.
Inirapan ko siya. "Mataba ako, 'di ba?!"
Paulit-ulit siyang umiling. "No, that's not what I mean. Sobrang sexy mo nga, eh," pambobola nito.
Umirap ako sa hangin. Inalis ang pagkakayakap niya.
"Huwag mo kong bolahin."
Hinalikan niya ko sa noo. "Hindi ako nambobola, wife. Totoo 'yon. You are sexy, beautiful and smart. Kaya nga nakakaselos ang mga lalaking tumitingin sa 'yo lalo na noong nasa café tayo kahapon. Tapos ang suot mo pa croptop."
"Eh, ano naman ngayon? Nakikita lang naman nila, hindi nahahawakan." Hinaplos ko ang pisnge niya. "Hindi ka naman inaantok. Magluto ka nga do'n sa baba tapos labhan mo na rin yung damit natin."
"Ha? I don't know how to, wife. Okay na magluto."
Bumangon ako at tumingin sa kanya.
"Problema mo na 'yon. Ang gusto ko ikaw maglaba ng damit natin this week. Parusa mo 'yan sa pananakot mo sa 'kin kagabi. Kapag nalaman kong sa iba mo pinalaba lagot ka sa 'kin, gets?!" mataray kong tanong.
Tumango naman siya na parang bata.
"Paano 'yon? Hindi ako marunong."
Ngumisi ako. "Diskarte mo na 'yon basta gusto ko ikaw mnaglaba sa sabado. Titingnan ko kung may pagkain sa baba. Sumunod ka na, maghahanda pa tayo para sa party." Bumaba ako ng kama at naglakad palabas ng kwarto. Bumaba ako ng hagdan at nagtuloy sa kusina. Naabutan ko ang asawa ni Anton.
"Magandang tanghali po, ma'am," bati nito.
Nginitan ko siya. "Good afternoon djn. Anong pagkain?"
"Asado, ma'am. May iba po ba kayong gusto?"
Umiling ako saka lumapit sa ref. Kumuha ako ng juice at nagsalin sa baso.
"Ah . . . ma'am?" Lumingon ako. "Pasensya na po kagabi kung natakot namin kayo."
Ngumiti ako, "Okay lang 'yon. At least alam kong hindi ibang tao," pagkasabi ko no'n ay lumabas na ako ng kusina. Sa sala ako nagpunta. Binuksan ko ang TV.
******
HALOS six o'clock na at papunta pa lang kami sa bahay ng mga magulang ni Jake. Napangiti ako ng dumating kami sa bahay. Madaming mga nakaparadang kotse sa labas at madaming taong pumapasok sa loob. Nakangiti akong tumingin sa asawa ko. Jake open the door for me and hawak kamay na pumasok sa masion.
Sadyang pinaghandaan ang araw na 'to sa sobrang ganda at garbo.
"Ate!"
Napalingon ako sa tumawag. I saw Zia na pababa ng hagdan habang kasama ang kakambal niya. Palapit sila sa 'min. Ngumiti sila at nakipag-beso.
"Kanina pa namin kayo hinihintay. Mabuti hindi kayo late."
"Muntik lang pero buti nakaabot pa. Nasaan ang mga bata? Sina Mom at Dad?" Tumingin ako sa paligid para hanapin sila.
"Nasa garden na lahat kayo na lang ang kulang. Matutuwa sila kapag nakita kayo," ani Zia.
Tumango ako, nauna silang maglakad sa 'min ni Jake. Ang kamay ng lalaki ay nasa likod ng bewang ko. I'm wearing a backless long gwon na kulay red. Samantalang si Jake ay black tux. Nang makarating kami sa garden ay agad naming nakita ang parents ni Jake na kausap ang mga magulang ko.
Black approached her parents at tinuro kami. Ngumiti sila at kinawayan kami. Lumapit kami sa kanila.
"Happy anniversary po," bati ko sa mag-asawa at nakipag-beso.
"Hija, we're glad na nakarating kayo. Akala ko hindi kayo makakapuntang mag-asawa," ani Mom. Jake's mother.
"Hindi pwede 'yon, Mom. Anniversary ninyo ni Dad, eh," ani naman ni Jake na humalik sa pisnge ng ina at nakipagkamay sa ama. "Happy anniversary, dad."
Humarap kami sa parents ko. Niyakap ko sila. "Mabuti at maaga kayong nakapunta," ani Mom. Tumingin it okay Jake bago tumingin ulit sa 'kin. "Bati na ba kayo?"
Tumango ako. "Yes, mom. We want to have a normal life. A new life."
Ngumiti siya sa 'kin at hinalikan ako sa noo. "I'm so proud of you, Alex. Malaki ka na talaga. Malalaki na kayo," naiiyak niyang ani.
Yumakap ako kay Mommy. "Meron kasi kaming mabubuting magulang." Hinarap ko si Dad.
"Hindi ako pabor sa nagyayari sa 'yo, Alex. What if saktan ka na naman niya?"
"Dad, kung lolokohin niya ulit ako ay wala ng susunod na chance. This is the last one," totoong sabi ko. "Where's Ate?"
"May ibang lakad ang Ate mo," sagot ni Dad. Tumango ako.
"Okay. I will talk to you later. Pupuntahan ko lang ang mga bata," ani ko. Humarap si Jake sa mga magulang. "Baby, I'll go and find your children," bulong ko ko sa kanya.
"Do you want me to join you?"
"Nope. Just wait me here," ani ko sa kanya. Tumango siya at hinalikan ako sa noo. Bumitaw ako sa kanya at nagpunta sa mga anak ko na nasa may pool. Lumakad ako palapit sa kanila.
"MAMA!!!" sigaw nila ng makita akong papalapit. Yumakap sila sa bewang ko na agad kong ginantihan.
"Wow. Ang gaganda at gwapo naman ng babies ko," ani ko, tiningnan ko silang mabuti. Si Aura ay nakasuot ng kulay yellow na dress. Samantalang ang mga boys ko ay nakasuot ng three-piece suit.
"Opo naman, mama. Ang sabi nila Tito Benj paglaki namin magbibilang din daw kami ng mga chixs katulad ni papa," masiglang sabi ni Aris na ikinalaki ng mata ko. Tiningnan ko ang tatlong itlog na nakangisi sa 'kin. Lumapit ako sa table at umupo.
"Anak, sino ulit nagsabi sa 'yo?" tanong ko. Tinuro nito si Tito Benj niya.
"Si Tito Benj, Mama. Ma, laruan po ba yung chixs kaya kino-collect?" inosente niyang tanong.
"Mama yung chicks po 'di ba yung baby ng hen?" tanong ni Aura, "or siya yung cheeks, pisnge?"
Ngumiti ako sa kanila. "Wag kayong makinig sa Tito niyo. Isumbong niyo 'yan kay Tita Lia sabihin niyo may chixs na nakakandong," ani ko na ikinalaki ng mata ni Benj.
"Mama, ayun si Tita Lia, oh!" ani Jaime at tumakbo sa Tita niya. Tumingin kami sa bata na may sinasabi sa Tita niya. Marahas na lumingon sa gawi namin si Lia.
"Lagot ka," pananakot ko.
"Hoy, Benjamin! Anong nakakandong, ha?! Hindi ka na mahiya!" inis na anito sa asawa. Piningot pa nga. Nagtawanan kaming lahat sa mesa.
"Oo kanina pa 'yan," gatong ni Henry na naglilibot ng tingin. "Kaya lang hindi ko na makita yung babae."
"Gago! Honey, wala promise! Niloloko ka lang nila!" pagmamakaawa ni Benj saka hinila paupo sa hita niya ang asawa. "Ikaw lang ang gusto kong kandungin."
"Lia, hindi mo alam yung tinuturo niyan sa mga bata," ani ko.
"Ano ba 'yon?"
Binulungan ko si Aris na sabihin sa Tita niya ang sinabi sa kanya ni Benj.
"Tita, sabi kasi ni Tito magko-collect daw kami ng chixs," aniya at tumingin kay Jaime, "'di ba? Gagaya po ba kami sa kanila na magko-collect?"
"Wag kayong makinig sa Tito niyo. Hindi dapat kayo magko-collect ng chixs kasi masama 'yon," aniya.
"Bakit po masama?" inosenteng tanong ni Jaime. Nagkatinginan kami ni Lia bago siya tumingin sa katabi at inirapan.
"Kasi dapat yung mga sisiw malaya," ani Aura. Natawa kami doon.
"Tama si Aura. Dapat malaya ang chicks para lumaki," anito at tumingin sa 'kin. Kumandong ang dalawang lalaki sa magkabila kong hita samantalang si Aura ay tumabi sa 'kin. "Kumain na kayo?"
"Mama, inaantok na ako," ani Aura na nakayakap sa braso ko.
"Maaga pa, Aura. Bakit inaantok ka na?" Inayos ko ang buhok niya.
"Eh, mama. Inaantok na ako," aniya. Huminga ako ng malalim at tumingin kila Lia.
"Ipanik mo na 'yan sa kwarto ni Jake," ani Henry at kinarga ang anak na lalake, "dadalhin ko rin muna 'to sa taas. Mga naglaro kasi kanina kaya ayan napagod."
Tumango ako at pinatayo ang mga bata. Kinuha ko ang kamay nila at nagpunta papasok ng bahay. Pumanik kami para makapunta sa kwarto ng Papa nila. Binuksan ko ang ilaw.
"Wow! Room 'to ni Papa?!" manghang tanong ni Aris saka humiga sa kama.
"Yes, kay papa 'to," sagot ni Jaime na tumabi sa kapatid. Sumunod naman si Aura sa kanila.
"Mama, antok na ako. Kwento ka," mahinang anito. Humiga ako sa tabi nila.
"Anong gusto mong kwento, baby?"
"Kahit ano. Antok na ako."
"Bakit kasi hindi ka antukin. Dami mong kinain kanina," ani Aris.
"Saka naglaro ka pa," dagdag ni Jaime.
"Mama, pinagtutulungan nila ako," sumabong ni Aura saka humarap sa mga kapatid. "Alam mo parang kayo pa kambal."
Napatigil ako sa sinabi ni Aura. Tiningnan kong mabuti ang dalawang lalaki na ngayon ay nagtatawanan. Pinagmasdan ko silang dalawa ng maigi. Bukod sa magkakulay ang mga mata, parehas din sila ng hugis ng mukha.
Kamukha kasi ni Mommy Aila si Jake, kaya medyo hawig si Aris at Jaime pero kung hindi ko alam na anak siya ni Jake kay Katherine ay iisipin kong nakakabatang kapatid nito ang lalaki.
"Mama?" tawag ni Jaime. Ilang beses akong kumurap bago tumingin sa kanya.
"Bakit, anak?" Tinuro niya si Aura na tulog na. Napangiti ako. "Gusto niyo bang matulog?"
Dumapa ito at tumingin sa 'kin. "Mama, alam mo po sa loob ng mga days na kasama ko kayo I feel na mahal niyo talaga ako." Kumunot ang noo ko pero pinakinggan ko siya. "Si mommy po kasi parang hindi ako love, pero sabi ni Tita love raw nila ako pero hindi lang daw alam ni Mommy kung paano papakita. Alam niyo po? Takot ako kasi minsan pinapalo ako ni Mom."
Mariin akong napalunok dahil sa sinabi niya. Anong klaseng pagpapalaki baa ng ginawa ni Katherine sa kanya?
"Jaime—"
"Tapos po hindi ako nakakakain kapag wala siya kaya I call Tita para may kasama ako. Pinaalis niya kasi si Yaya." Parang dinurog ang puso ko sa sinabi ni Jaime. "Mama, gusto ko pong tumira sa inyo pero paano si Mommy? Wala siyang kasama sa bahay tapos walang mag-alaga sa kanya." Puno ng lungkot ang boses nito.
"Mahal na mahal ko po kayo. Si Papa, Aura at Aris. Love ko mga kapatid ko. I'm so lucky kasi naalagaan niyo ko. Ang sarap po pala sa feeling kapag madaming nagmamahal sa 'yo."
Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. NIyakap ko siya at hinalikan sa ulo.
"Oh, Jaime . . . mas maswerte ako dahil naging anak kita. Mahal na mahal ka rin namin. Tandaan mo, maraming nagmamahal sa 'yo kaya dapat magit mapagmahal ka rin, ha," bilin ko.
Tinanguan niya ako. Hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko.
"Mama, bakit ka nag-cry? May mali po ba akong sinabi?"
Umiling ako at hinawakan ang kamay niyang nasa pisnge ko.
"Wala naman, anak ko. Wala. I love you," ani ko.
"I love you, mama," aniya at hinalikan ako sa pisnge. Huminga siya sa gitna nila Aris at Aura. Pinikit nito ang kanyang mata at natulog. Ilang sandali ko pa silang pinagmasdan bago tumayo. Inayos ko ang kumot at tinaas iyon hanggang sa may balikat nila. Pagkatapos ay lumakad na ako palabas ng kwarto patra bumaba sa party.
Nagkwe-kwentuhan ang mga kaybigan ko ng dumating ako. Katabi nila ang mga asawa nila. Tumabi ako kay Jake.
"Nasaan ang mga bata?" malambing na tanong ni Jake. Umakbay siya sa 'kin.
Tumingin ako sa kanya. "Natutulog sa kwarto mo. Mamaya gusto kitang maka-usap about kay Jaime." Nagtataka siyang tumingin sa 'kin, "mamaya na natin pag-usapan."
"Ano kayang pinagbubulungan no'ng dalawa," malisyosang tanong ni Zia. Napatingin kami sa kanya.
"Wala lang." Kumuha ako ng wine sa server na nagdaan. Uminom ako at muling nakatingin sa kanila.
"Wala? Eh, ano 'yong naabutan ko noong nakaraan sa office?" ani Zia.
"Bakit, anong meron sa office?" takang tanong ni Lia.
"Still a tsismosa, Klyzia?" ani Black.
"Eh kasi nga hindi marunong mag-lock," pang-aasar pa niya.
Lahat sila ngayon ay nasa amin na ang atensyon. "Nako, pare, anong ginagawa niyo sa office?" tanong ni Henry.
Nagkatinginan kami ni Jake at sumandal ako sa dibdib niya. Pinagsaklop ko ang kamay naming dalawa.
"I love you," bulong niya sa tenga ko at humalik siya sa ulo ko.
Naglalaro na naman ang mga paru-paru sa tiyan ko dahil sa sinabi niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang nakipagkarera. Nagpatuloy ang pang-aasar sa 'min hanggang sa hinila ako patayo ni Jake. We went to the middle to dance.
I think I can't let him go anymore. They already my family.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro