Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 92

Jake's P.O.V.

ANONG ginagawa niya doon?

Nakita kong lumabas ng office ko si Bryan. Imbis tuloy magtulog ako sa mesa ng kaybigan namin ay pumasok ako sa loob.

"May nakalimutan kang sabihin?" Alex asked while not looking at me. Dahan-dahan kong sinarado ang pinto at lumapit sa kanya. Pinanood ko siya habang nakatalikod. After few minutes ay lumingon din siya sa 'kin.

"Anong ginagawa ni Bryan dito?" Hindi ko maialis na magselos. Paano ba naman kasi, sobrang ganda ng asawa ko. Ang sexy pa ng suot niyang damit. Napansin kong napalunok ito bago naglakad palapit sa 'kin.

"Ha?"

Inikot ko ang braso ko sa bewang niya at nginisihan siya. "Ano ka kong ginagawa dito ni Bryan kanina?" madiin kong pag-uulit.

"An-ano ka ba naman . . . makita tayo ng mga b-bata," nauutal niyang ani habang tinutulak ang dibdib ko. Hinuli ko ang kamay niya at tinaas.

Ngumiti ako sa kanya. "Ano naman kung makita nila tayong ganito? Mag-asawa tayo. Sa loob ng isang linggo, ngayon lang ulit tayo nagkalapit ng ganito," sabi ko at inalis ang ilang hibla ng buhok na nakatabi sa maganda niyang mukha.

Inilingan niya ako at binawi ang kamay niya. Ipina-ikot niya 'yon sa batok ko at tinaasan ako ng kilay.

"Baka nakakalimutan mong kakabati lang natin, Mr Anderson," malambing niyang ani habang nakatingin sa 'kin.

"Oo nga, Mrs Anderson. Wala naman akong sinasabi, ah," sagot ko habang nakatingin sa mga mata niya.

Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya. Pumikit ang mga mata nito at akmang lalapat ko ang labi ko ng biglang—

"AY CENSORED!!!"

Bigla kaming napaghiwalay dahil sumigaw. Tumingin ako sa may pinto kung nasaan si Zia na nakangisi sa 'min. Tinaasan ko siya ng kilay bago umakbay sa asawa ko.

"Bakit ba sa tuwing gusto kong halikan ang asawa ko ay palaging may darating," bulong ko na ikina-iling ni Alex.

"Anong kaylangan mo, Zia?" tanong ni Alex.

"Masusundan na baa ng kambal? Triplets na baa ng sunod?" mapaglarong tanong nito.

"Noted," pagsakay ko sa kalokohan nito. Hinalikan ko sa pisnge ang asawa ko. Hinampas niya ako sa braso.

"Ay, si Jake lumalandi," sabi pa ng nasa may pinto. Lumingon kami doon at pumasok si Henry saka lumapit sa asawa.

"Mas malandi ka pa rin," balik ko. "Ano bang kaylangan niyo?"

"Kasi . . . gusto naming mag-mall with the kids kasi super busy dito," ani Zia.

"Ahh, gano'n ba. Saang mall naman kayo pupunta?" tanong ni Alex.

Tumingin sa 'kin si Zia na para bang nagtatanong ng isasagot niya. Pinandilatan ko siya dahil maari kaming mapansin ni Alex.

"Sa . . ."

"Wife, hayaan mo na. marami namang kasama ang mga anak natin, ilan sila? Hayaan mong mag-enjoy ang mga bata," paggitna ko. Hinagis ko kay Henry ang susi ng kotse ko. "Kunin niyo na lang 'yung extra nilang damit at umalis na kayo."

"Gustong masolo si Alex," tudyo ni Henry bago lumabas ng office ko. Naiwan si Zia sa 'min.

"Baka hindi na namin sila mai-uwi sa inyo ngayong gabi, Ate. Bukas kasi ay pupunta kayo sa bahay dahil anniversary nina Mommy."

"Okay. Kaya lang iisang pairs lang ang dala nila."

Ngumiti si Zia, "Oh, don't worry, we will buy na lang," sagot niya saka kami tinalikuran.

Nang wala na ito ay tumingin sa 'kin ang asawa ko. Nginitian ko siya.

"Nagugutom ka na ba, wife?" malambing kong tanong.

"Hmm . . . hindi pa naman. Ikaw ba?" Inayos niya ang buhok ko. Napangiti ako. My wife is really pretty. So much.

"Oo, nagugutom ako." Gutom sa ibang bagay. Tumingin siya sa 'kin.

"Ano naman ang gusto mong kainin? Dapat kanina mo pa sinabi sa 'kin para nakapagpabili o nakapunta tayo sa labas," aniya. Umiling ako.

"Mamaya na lang. Medyo marami pa 'yung tao sa labas," sagot ko at hinalikan siya sa noo. "Labas na tayo. Magpapaalam pa ako sa tatlo dahil baka mamaya umalis na sila." Inabot ko ang tray saka dinala sa labas.

Inabot ko sa crew ang tray pagkatapos ay lumapit ako sa mga anak ko.

"Paalis na kayo?" tanong ko.

"Excited masolo si Alex?" tanong ni Henry at hinagis sa 'kin ang susi ng kotse ko. Sinalo ko naman 'yon at binulsa.

"Para kayong mga bata," walang buhay na sabi ni Black habang nakatingin sa bayaw. "Kapag nagising ang anak ko yari ka sa 'kin," banta niya.

"Baby, tingnan mo 'yung kapatid mo para akong kakainin," sumbong ni Henry saka nagtago sa likod ni Zia.

"Anong kakainin! Magtigil ka nga!" ani naman ni Hunter pagkalapit sa asawa.

Biglang dumating si Lia. "Aalis na kami. Don't worry nasa mabubuting kamay ang anak niyo," aniya sa asawa ko.

"Where's the kid?" tanong ng kadarating ko lang na asawa.

"Nasa van sa labas kasama si Benj," sagot ni Zia. "Susunod na rin kami kasi mainit."

"Ingat kayo," paalala ko sa kanila. "Wag barubas sa pagmamaneho."

Tumango sila. Umalis ako papunta sa office ko dahil may kaylangan pa akong basahing papers na dinala ni Jessie.

Alex P.O.V.

LUMAKAD ako papuntang counter kung nasaan sina Ariel at Deth. Lumapit ako sa kanila. Napangiti ako dahil napansin kong nag-aayos sila doon. Tama ang desisyon kong ibigay sa kanila dahil masipag sila. Worthy.

"May kaylangan kayo, Miss Crystal?" tanong ni Deth ng mapansin ako.

Umiling ako, tinulungan ko sila sa ginagawa nila. "Wala naman. Gusto ko lang tumulong kasi nakaka-bored sa office."

"Nako, ma'am, wag na. Maupo ka na lang diyan," sagot ni Ariel, tinuro niya ang upuan.

"Okay pero magkwentuhan tayo." Umupo ako sa upuan paharap sa kanila. Umupo rin sila sa tabi ko na may pag-aalangan. "Wala pa namang pumapasok na bagong customer kaya okay lang 'yan."

"Ano po ba ang gusto mong malaman?" tanong ni Ariel.

"Nasaan kayo noong nakaraang isang linggo?" Umabot ako ng isang donut at kumain.

"Nasa bahay lang po ako. Naglinis tapos namahinga," ani Deth. Tiningnan ko si Ariel.

"Ikaw, anong ginawa mo sa loob ng isang linggo?"

Naging balisa ang hitsura nito. At bakit? "Ariel?"

"Ha . . . ano—nagpunta ako sa probinsya namin sa Ilo-Ilo. Binisita ko po 'yung kamag-anak at i-iba kong k-kapatid," sagot nito.

Kunot-noong tumango ako. "Okay ka lang? Bakit parang hindi ka sure."

Nagulat ito. "HA?! Ah . . . h-hindi naman."

Natatawa akong tumango. "Sige. Pakibigyan ako ng list ng bago natin tauhan saka list ng books na nandiyan."

"Okay po, Miss Crystal."

Nginitian ko siya. "Alex na lang o Crystal Wag naman kayong masyadong formal dahil friends tayo, 'di ba?"

"Sige po. Crystal na lang dahil 'di kami komportable sa Alex, eh," ani Ariel. Tinanguan ko sila saka lumakad pabalik sa office ng makita kung sinong pumasok sa café.

"Romano?!" gulat kong sigaw. Nakangiti siyang kumaway sa 'kin.

"HI, there!" lumapit siya sa 'kin, lumingon sa gawi nila Deth at Ariel. "Hi," aniya. Lumingon ako kina Deth na halatang gulat din sa pagdating nito.

Humarap ako kay Romano. "Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat ay nasa ibang bansa ka?" Hinila ko siya papunta sa isang mesa, doon kami naupo.

Inalis niya ang shades niya at tiningnan ako. Ngumiti siya. "Well, nabasa ko sa groupchat natin na ngayong araw ang re-opening ng café kaya umuwi ako. Hindi naman ako nagge-gate crash, 'di ba?"

"Of course not. A;am mo kung hindi ko lang alam na nasa States ka ay iimbitahan kita, eh. May gusto ka bang inumin?"

"Hindi na. Nandito lang naman talaga ako para makita ang buong lugar," aniya. Nilibot pa niya ang tingin sa loob. "Lumaki at lumawak ang café saka nabuhay."

Ngumiti ako. "Oo nga, eh. Well, magaling ang naging interior designer ng café. Are you sure ayaw mo ng makakain or maiinom?"

"I'm sure."

"Kumusta ang Mama mo?"

"She's okay. Thanks for asking. Besides sa pagbisita sa inyo ay kaylangan kong magbenta ng properties para makatulog sa gamot niya."

"Romano, I can help you with her medicines," alok ko. Gusto kong ibalik ang kabutihang ginawa niya sa 'min noon, kaya willing akong tulungan siya. If hindi dahil sa kanya baka napariwara na ang buhay namin ni Abby.

Nakangiti niyang inabot ang kamay kong nasa ibabaw ng lamesa. "Maraming salamat, Alex, pero hindi na kaylangan. Kaya pa naman ng budget ang pagpapagamot kay mama. Besides, umaasa ako sa mga investment namin."

"No, I insist! Kapag kaylangan mo ng tulog tawagan mo lang ako. Walang-wala yung nagawa mo sa 'min noon sa tulong na ibibigay ko sa 'yo ngayon."

Umiwas siya ng tingin at binitawan ang kamay ko. Huminga ito nng malalim bago muling tumingin sa 'kin. Namumula ang mata niya.

"Thank you so much, Alex," aniya.

"You're welcome," ani ko. "Nasa loob si Jake, gusto mo ba siyang makausap?"

Umiling ito. "Hindi na. Aalis na rin ako dahil may kaylangan akong kitain." Tumayo ito kaya tumayo na rin ako.

"Gano'n ba, sayang naman kasi hindi pa tayo nakakapag-usap ng matagal," nanghihinayang kong sabi.

"Maybe some other time. Take care, Alex. I'm happy that hour happy now," seryoso niyang ani.

"Well, I should thank you, too kasi kung hindi mo pinagbili ang café kay Jake ay hindi ko mahaharap ang takot ko. Ngayon masaya na kami," nakangiting sabi ko. Pumapasok sa isip ko ang masasayang tagpo sa buhay namin ni Jake kasama ang mga bata.

"I'm happy to hear that." Malungkot ang mata niya. "So, paano? Aalis na ako. Pakisabi na lang sa asawa mo na dumaan ako," sabi niya na nakatingin kung nasaan si Deth kanina.

"Gusto mo ba siyang kausapin?"

Inilingan niya ako. "Hindi na kaylangan," malungkot niyang ani.

"Bakit mo ba kasi hinahayaan ang mga sarili niyo na masaktan?"

"Hindi kasi lahat ng pagmamahal ay dapat pinaglalaban, minsan kaylangan ng tigilan. Parang sa tula . . . hindi maaring magsama ang hindi tugma," aniya.

"Maari naman siyang gawing malayang tula," suggest ko.

"Anong silbi ng malayang tula kung ang iyong paksa ay hindi mo maaring masakasama dahil pagmamay-ari na siya ng iba." Deretso siyang tumingin sa mata ko. "Ang nararamdaman sa 'kin ni Deth ay hindi tunay, minsan niyang nasabi na katulad kong lalaki ang namayapa niyang kapatid."

Umawang ang labi ko dahil doon.

"Hindi niya ako nakikita bilang ako. Naguguluhan lang siya pero mare-realize rin niya ang feelings niya. Ang tunay niyang gusto ay wala dito kundi nasa malayo. Naghihintay sa pagbabalik niya."

Nasasaktan ako para kay Romano.

"Ikaw ang nahihirapan at nasasaktan."

Nag-iwas siya ng tingin, tumingala bago muling binalik ang tingin sa 'kin.

"Love is sacrifice, Alex, kapag nagmahal ka dapat handa kang magsakripisyo at masaktan," mahina nitong sabi bago tumalikod paalis.

Huminga ako ng malalim dahil sa sakit na dinadala nito. Bawat tao talaga may sikretong tinatago. Kahit matagal na natin silang kakilala o nakasama, mayroon pa ring sikreto. Magugulat ka na lang kapag nalaman mo.

"May sinabi ba siya?" tanong niya mula sa gilid ko.

"Marami." Nilingon ko siya. Umawang ang labi ko ng making lumuluha siya. "You love him?"

"Hindi ko alam." Nakatingin siya sa labas na para bang nakikita pa niya si Romano. "Nasasaktan ako sa ginagawa niya sa 'kin. Nasasaktan ako pero alam kong mas nasasaktan siya dahil alam niyang hindi pwedeng maging kami kahit anong gawin naming pilit. Talaga pa lang totoo an gang sinasabi nila na hindi pwedeng maglapit ang langit at lupa."

Imbis na sagutin ay hinila ko siya para sa isang mahigpit na yakap. Pipi ang ginawa niyang pag-iyak sa braso ko. Naawa ako sa kanya.

Ganoon ba talaga ang buhay? Kaylangan masaktan ng isang tao? Kaylangang magsakripisyo? Hindi ba pwedeng sila kung sila? 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro