Chapter 91
Jake's P.O.V.
MAAGA akong gumising para ipaghanda ng almusal ang mag-iina ko. Gusto kong ipakita kay Alex na deserving ako. Na nagbabago na ako. Na inaayos ko na'y sarili ko. Nakangiti akong nagluluto para sa kanila. With love lahat 'to.
"Aga mo namang magising." Napangiti ako dahil sa boses na 'yon. Hindi ko na kaylangang lingunin kung sino man 'yon dahil boses niya lang ay kaya na niyang patibukin ng mabilis ang puso ko.
"Gusto ko kasing pagsilbihan kayo ng mga anak natin," sagot ko habang binabaliktad ang mga nilagay kong chicken. "Naalala mo ba noon? Um-order lang tayo sa fast food noon kapag tinatamad tayong kumain."
Lumapit siya sa 'kin at nginitian ako. "Oo, naalala ko. Anong oras ka nagising?"
Nakangiti akong lumingon sa kanya. "Good morning," bati ko.
"Anong oras ka nagising?"
Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam. Do you want coffee? Ipagtitimpla kita."
"Ako na lang. Ikaw ba gusto mo?"
"Yes, plase." Umalis siya sa tabi ko para magtimpla ng kape. "Gising na baa ng mga bata?" tanong ko habang hinahango ang unang batch. Naglagay ako ng bago ng mahango ko lahat.
"Hindi pa. Maya-maya ko na sila gigisingin kapag malapit ng maluto 'yang pagkain," aniya at inabot sa 'kin ang mug. Tinanggap ko 'yon.
"Thank you, baby. You can seat or jog for a while. Matagal pa namang matapos 'to," ani ko at humigop ng kape.
"Dito na lang ako. Gusto mo bang tuluyang kita?" tanong niya. Nginitian ko siya at inilingan.
"No, baby. Ayokong mapagod ang reyna ng buhay ko. Maupo ka lang at magpahinga," ani ko.
Tumawa siya sa sinabi ko. "Ewan ko sa 'yo, Jake Gabriel. Papanik ako as taas at iaayos ang dadalhin natin." After she said that ay tumalikod na siya paalis. Napailing ako.
Alex P.O.V.
HABANG papanik ako ay nakangiti ako. Nang makita ko kanina si Jake ay napangiti ako dahil parang bumalik kami sa dati. Ganyan din siya noong nagsasama kami. Siya ang nagluluto kapag may hindi ako gamay lutuin.
Unan kong pinuntahan si Aris. Lumapit ako sa kama niya at ginising.
"Aris . . . gising ka na," ani ko. Dahan-dahan siyang dumilat. Nginitian ako. "Good morning."
Bumangon siya at yumakap sa 'kin. "Good morning, mama."
"Bangon na, anak. Aalis tayo ngayon," ani ko. Naka-pout siyang tumingin sa 'kin.
"Mama, maaga pa po."
"Na ko. Dapat masanay ka na, kapag nag-aaral na kayo ni Aura ay maaga rin kayong gigising," ani ko.
Sumimangot siya. "Opo, ma. Labas ka na po liligo na ako," aniya at bumaba ng kama. Pinisil ko ang pisnge niya.
"Opo, aayusin ko lang 'yung damit mo." Lumakad ako papunta sa may cabinet. Binuksan ko 'yon at kumuha ng damit na isusuot niya ngayon kasama na ang extra dahil baka mamawis o mapawis sila. "Babalik na lang ako kapag tapos ka na."
"Opo, mama," sigaw niya mula sa banyo. Narinig ko ang lagaslas ng tubig mula doon kaya hinayaan ko na siya. Lumabas ako at nagpunta sa kwarto ni Aura. Napataas pa ako ng kilay ng makitang gising na siya.
"Good morning, mama," bati niya, hindi man lang ako malingon kasi nakatingin sa cabinet niya.
"Kanina ka pa ba gising?" Nilapitan ko siya. "Ano bang hinahanap mo diyan?"
Nag-angat siya ng tingin at nag-pout. "Naghahanap po kasi ako ng damit na bagay sa 'kin. Gusto ko po ng dress kaya lang hindi mo alam kung ano maganda."
Napangiti ako at tinulungan siya. Kumuha ako ng isang kulay pink na dress. "Okay na ba sa 'yo 'to?" Ipinakita ko sa kanya ang dress.
"Okay po, mama," aniya at pumasok sa loob ng banyo. Umiling ako at binaba sa kama ang dress. Kumuha ako ng extra at sinama ko sa damit ni Aris na dala ko.
"Anak, tawagin mo na lang si mama kapag tapos ka na, ha," sigaw ko sakabay katok sa pinto nito.
"Yes, Ma!" sagot niya. Tumango ako at lumabas ng kwarto at nagpunta sa silid ni Jaime. Tulog pa rin siya kaya lumapit ako para gisingin siya.
"Good morning," bati ko ng magmulat ang bata.
Nakabangon siyang ngumiti. "Mama, good morning din po."
"Maligo ka na, baby, kasi aalis tayo." Binaba ko angd amit sa dulo ng kama niya. Tiningnan ko siya dahil hindi pa siya kumikilos. "Oh, bakit hindi ka pa tumatayo?"
"K-kasama po ba ko?" nag-aalalang tanong niya.
Natatawa akong tumingin sa kanya. "Oo naman. Kaya bumangon ka na diyan para maligo. Naliligo na yung mga kapatid mo."
"Kapatid ko po?"
"Oo, magkakapatid kayo nila Aris at Aura kasi iisa lang kayo ng papa," pagsasabi ko ng totoo.
Kumunot ang noo ni Jaime, "pero iba po yung mommy ko."
Hinawi ko ang buhok niya at tiningnan siya sa mata. "Oo nga't hindi ako ng totoo mong mommy pero mahal kita katulad ng pagmamahal ko kina Aris at Aura."
Nakangiti siyang yumakap sa 'kin. "I love you, mama Alex. I love you so much po," aniya. May mainit na palad na humaplos sa dibdib ko. Ang sarap pakinggan ng mga salitang 'yon mula sa kanya.
"I love you, too, Jaime. I love you, too," sagot ko. Hinalikan ko siya sa noo. Pasimple kong pinunasan ang luha sa mga mata ko at muling tumingin sa kanya. "Sige na. Ligo ka na at pipili ako ng damit mo."
Tumango siya at tumakbo sa banyo. Ako naman ay pumunta sa closet para kumuha ng damit na isusuot niya pati na rin ang extra. "Jaime, pagkatapos mo tawagin mo si Mama, ha?!"
"OPO!" aniya.
Nang makalabas ako ay dumeretso ako sa kwarto namin ni Jake. Kumuha ako ng malaking bag sa walk-in-closet at nilagay doon ang mga damit nila. Naglagay ako ng polbo, pabango, face towels, suklat at kung ano-ano pa.
Binalikan ko ang mga bata. Tinulungan ko silang magbihis para makababa na sila sa kusina. Nang mai-ayos ko lahat ng gagamitin ay pumunta na rin ako sa ibaba. Pinapanood kong pagsilbihan ni Jake ang mga anak namin. Nakangiti ako.
"Come here, wife. Kumain ka na," yaya niya. Pinahila niya ako ng upuan. Lumapit ako at umupo. Pinaglagay niya ako ng pagkain sa plato ko.
"Thank you. Kumain ka na rin."
"Okay lang ako, baby. Kain na kayo," aniya at humalik sa noo ko. Umupo ito sa kabisera.
Ipinaglagay ko rin siya ng pagkain sa plato niya. Nagulat na lang ako ng biglang nagtilian ang mga bata habang nakatingin sa 'min ng malingunan ko.
"Ayii!! Ang sweet nila, mama!" sabay-sabay nilang sabi. Nagkatinginan kami ni Jake.
"Kayo talaga. Sige na. Kain na kayo after that sa sala muna kayo and huwag magpapawis para makaalis tayo agad."
"Baby . . . say ahh!" ani Jake.
Tumingin ako sa kanya. Binuka ko ang bibig ko at sinubo ang nasa kamay nito.
*******
PUMASOK ako sa walk-in-close para kumuha ng damit pagkatapos kong maligo. Kinuha ko ang isang floral crop-top and fitted pants. I wear a rubber shoes na partner sa sinuot ko. Kinuha ko ang mga gamit namin at bumaba na.
"Ayan na si Mama. Aalis na tayo," ani Jake ng matingin sa 'kin. Lumapit ako sa kanila.
"Alis na tayo? Medyo late na tayo. Kanina pa raw nandoon sina Ariel at Deth," pagpapaalam ko. Tumingin si Jake sa relo nito bago binuhat si Aura at kinuha ang bag na dala ko.
"Yap. Ready ka na, princess?" tanong ni Jake kay Aura. Nginitian ko ang dalawa naming prinsepe at hinawakan sila sa kamay. Naunang maglakad si Jake sa 'min. Kami naman ay nasa likod.
"Yes, papa. Gagawa kami ni Tito Ariel ng cake," bibong sagot ni Aura na nakayakap sa ama. "Tapos, mama, gagawa sila Aris at Jaime ng kape."
Sinakay ni Jake sa backseat si Aura.
"Sige. Sakay na kayong dalawa," untag ko kina Jaime at Aris. Sumakay sila at napagitnaan si Jaime. Nilagay ni Jake ang gamit namin sa likod bago naglakad papunta sa driver seat. Nang ma-sure kong ayos na ang mga bata ay binuksan ko ang gate. Sumakay ako sa passenger seat
*****
ALAS-dies na ng makarating kami sa café dala ng traffic. Nakasimangot ang mga kaybigan namin ng salubungin kami. Kanina pa nila kami pinaparinggan at tinutukso na baka raw nag-quickie pa kami.
"Alam niyo, na traffic kami kaya matagal. Madaming sumisingit sa NLEX kanina," defensive kong sagot.
Nasa round table kami at nagkakape. May mga bagong tauhan kaya okay lang na naka-upo ako sandali.
Malisyosang tumingin sa 'kin sina Zia at Black pati na rin si Leo at Lia.
"Maniwala kami sa 'yo, Alex. Six years," ani Lea na nakataas ang kamay.
"Yes. Sic years. My god!" dagdag ni Leo. Inirapan ko silang dalawa at tumayo.
"Bahala nga kayo diyan. Sa kitchen muna ako para tumulong," ani ko saka sila tinalikuran. Pumunta ako sa kitchen at naabutan doon si Deth at Ariel na nagpapahinga. Lumapit ako sa kanila.
"Miss Crystal," ani Ariel, tumayo sa pagkaka-upo. Umayos sila ng tayo.
"Hala, Miss Crystal! Nagpapahinga lang po kami," ani Deth.
Tumango ako sa kanila at ngumiti. "Okay lang 'yon, ano ba kayo. Congratulations nga pala sa inyo." Binalita namin kanina na si Deth na ang bagong manager ng café at si Ariel ang assistant.
Ngumiti sila sa 'kin bago nagkamot ng ulo.
"Thank you, Miss Crystal," ani Deth.
"Wag niyo na nga akong mini-miss. Crystal na lang. Hindi naman ako ang manager dito, eh."
"Hindi nga po manager pero ikaw naman ang asawa ng may-ari," ani Deth.
Natawa ako ng mahina dahil do'n. "Sorry kasi hindi ko nasabi na ako ang asawa ni Jake. Sorry."
Ngumiti siya sa 'kin at hinawakan ako sa braso. "Okay lang 'yon. Naiintindihan ka po namin."
"Oo nga. Mas masaya nga ngayon dahil alam naming ikaw ang may-ari ng café na matagal mo ring pinagsilbihan, eh," ani Ariel. Ngumiti ako sa kanila.
"Thank you sa pag-intindi. Maayos at lumaki itong kitchen," ani ko habang naglilibot ng tingin.
"Oo nga po. Tapos dalawa na kaming baker. Sabi ni Sir baka raw madagdagan pa dahil ako na ang assistant manager," ani Ariel.
Napatango ako. Totoo naman kasi dahil lumaki talaga ang café. Mas lumaki at lumawak dumadami na rin ang mga upuan at nalagyan na rin ng second floor. Sa itaas merong bookshelf kung saan pwedeng magbasa, maglaro ng board games and may free wifi kami na kaylangang itanong ang password kina Ariel at Deth. Malamig din sa paningin ang kulay ng lugar.
"Sige, pupunta ko muna ang kambal. Baka mamaya kung saan-saan na sila nagsususuot kasama si Jaime," paalam ko. Tumango naman sila kaya lumabas na ako.
Pumasok ako sa loob ng office ni Jake. Hinanap sila ng mga mata ko. Nasa sofa sila at tabi-tabing naka-upo sa sofa. Lumapit ako sa kanila. Inangat nila ang tingin sa 'kin.
Tinabihan ko sila ng upo. "Inaantok na kayo?"
"Hindi po, mama. Gusto pa po namin ng cake," sagot ni Jaime saka yumakap.
"Mama, yung cake kasi namin hinati namin tapos binigay kay Aura," ani Aris at tinuro ang kakambal na kumakain.
Tumingin sa 'kin si Aura at ngumiti. May mga icing pa siya sa ngipin na kulay black dahil chocolate ang kinakain niya.
"Mama, masarap 'yung cake," aniya.
"Mama, tingnan mo si Aura kain nang kain kaya tumataba," sumbong ni Aris. Sinamaan siya ng tingin ng kapatid.
"Hindi naman ako mataba, eh! Healthy kaya ako! Healthy!"
"Okay, tama na 'yan! Baka mag-away na naman kayo. Kung gusto niyo ng kumain ng rice sabihin niyo kay mama o kay papa para pupunta tayong Jollibee," ani ko. Napalingon kami ng bumukas ang pinto. Pumasok si Bryan. "Babies,pumunta muna kayo kay Papa."
Tumayo naman sila at lumabas ng kwarto. Nakasunod ang tingin namin sa mga bata hanggang sa makalabas sila sa kwarto. Tumingin ako kay Bryan at nginitian siya.
Sumunod palabas ang mga bata.
"May kaylangan ka, Bryan?" tanong ko habang nagliligpit. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.
"Seryoso ka ba sa nangyayari ngayon sa inyo ni Jake? Hindi ka ba napipilitan?" seryoso niyang tanong habang nakatingin sa 'kin.
"Oo naman. Seryoso ako. Bakit ka ba ganyan magtanong?"
"Hindi ka ba napipilitan? Ayos ka ba sa set up niyo sa bahay lalo na't kasama mo ang anka ni Jake sa labas."
Huminga ako ng malalim. "Bryan, wag ka namang ganyan kay Jaime. Mabait ang batang 'yon saka okay lang naman siya. Hindi rin ako napipilitan."
"Sigurado ka ba? Bakit mo agad pinatawad si Jake? Hindi mo man lang pinahirapan," parang disappointed pa siya kaya natawa ako.
"Bry . . . we need to let go the past. I want to move on and forget the past. After all, mahal pa rin namin ang isa't isa. Sana ay pagkatiwalaan mo siya ulit. Give him a chance. Can't you see? He is doing his best to prove that he's worth it," ani ko.
Umiling siya. "I don't know if I can trust him again, Alex. He broke your heart many times. He even has a kid with another woman. A mistake."
Hinawakan ko ang kamay niya. "That kid is not a mistake. He is a blessing, in some ways. Maybe you can't see it yet but Jaime is a good kid. He need someone who can love him. Inosente siya sa kasalanan ng Ina niya. Sino ako para magalit sa kanya? Kasing edad niya lang ang mga anak ko."
"Masyado kang mabait, Alexandra. Hindi na ko magtataka kung maloloko ka ulit ng asawa mo, pero wala naman akong magagawa dahil desisyon mo 'yan. Susuportahan na lang kita," aniya at tumayo. "By the way, baka sandali na lang akong mag-stay dahil may meeting pa akong pupuntahan."
Tumango ako. Matagl ng nakaalis si Bryan ng muling bumukas ang pinto.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro