Chapter 90
Alex P.O.V.
"HINDI ko alam na malapit ka lang sa 'kin, Lex. Kung alam ko lang sana," puno ng panghihinayang nitong ani.
"Sana pero hindi natin alam, Lia . . . pero alam mo ba sobrang gaan ng loob ko kay Jaime," nakangiting ani ko.
Hinawakan niya ang kamay ko. "Napakabait mo naman sa anak ng asawa mo."
"Para kasi kaming connected sa isa't isa . . . parang bahagi mo siya. Napakabait niyang bata, at alam mo ba? Naawa ako dahil naiipit siya sa mga nangyayari."
"Gano'n talaga siguro ang Ina, Alex. Mahal mo ang bata dahil ka-edad lang siya nila Aris, isa pa, wala naman siyang kasalanan. Hindi naman niya ginustong mabuhay," ani Lia na kinatango ko.
"Ganoon nga siguro. Kay Katherine lang naman ako. Magkakasundo sila ng mga bata tapos nagiging malapit na ang loob ni Jake kay Jaime," kwento ko.
"Alam mo? Noon ay pilit na pilit pa ang paglapit ni Jake sa batang 'yan pero kanina habang tinitingnan ko parang kusang loob na."
Napatango ako sa sinabi ni Lia. Totoo naman kasi lahat ng sinabi niya.
"Kumusta kayo ni Jake? Nagsasama na ba ulit kayo? Masusundan na ba ang mga bata?" maharot nitong tanong. Pinandilatan ko siya ng mata at sinenyasang huwag maingay, tumingin ako sa taas.
"Huwag kang maingay. Baka sabihin no'n pinag-uusapan natin siya," pigil ko.
Nginisihan niya ako. "Hala, siya! Pa-virgin ka, the?! Nagtatanong lang naman ako kung sa iisang kwarto kayo natutulog. Walang masama do'n."
Inirapan ko siya. "Hindi kami natutulog sa isang kwarto. Nasa guestroom yata siya o doon sa office niya natutulog. Ginagamit niya lang ang kwarto kapag ka naliligop o kaya hinihintay niya ako."
"Hindi ba nagtataka ang mga bata?"
"Nagtataka pero nagagawan naman namin ng paraan para malusutan."
"Masaya ka ba ngayon?"
Napatigil ako sa tanong niya. Masaya nga ba ako?
"Masaya ako lalo na't nakikita kong masaya ang mga anak ko dahil kina Jake at Jaime. Masaya akong mayroon na silang buong pamilya," totoong sagot ko.
"Masaya ka bang kasama si Jake?" dugtong niya. Tumango ako.
"Oo pero natatakot lang akong sumugal ulit kasi ayokong masaktan ang mga anak ko."
"Wala ka namang magagawa do'n. Twins na ang love and pain," aniya na ikinatingin ko. "Hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan, Alex. Yes, you are scared pero don't let that take over you. Kapag nasaktan, eh, di magpagaling pero dapat go lang palagi or kung ayaw mo na talaga let go."
"Paano ko lalaban, hindi ko nga alam kung ano pinaglalaban ko. Hindi ko naman ramdam na lumalaban siya for the both of us."
"Alex, he is fighting for you. For you family. Hindi mo alam kung gaano nasira ang buhay niya noong umalis ka. Morning til night hinahanap ka niya. Walang pahinga. Sunog atay na 'yong asawa mo no'ng mawala ka," kwento nito.
Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi sapat 'yon. Pinagmukha niya akong tanga. Pinabayaan ko dahil mahal ko siya. Binigay ko lahat ng tiwala ko pero . . . tingnan mo nangyari. Kaya niya lang naman ako hinanap non dahil nagui-guilty siya. Kung gusto niya kong mabawi dapat kuhanin muna niya ang tiwala ko."
Malokong ngumiti si Lia, "ayon! Lumabas din! Gusto mong ligawan ka ng asawa mo!" Tinusok-tusok niya ang bewang ko.
Pinanlakihan ko siya ng mga mata, "Anong pinagsasabi mo!"
"Aysus! Pa-inosente ka pa! Gusto mo lang magpaligaw sa asawa mo. Don't worry ako ng bahala sa date niyo ni Jake!" anito, magsasalita pa sana ako ng tumunog ang telepono nito. Sinagot naman ni Lia. "Yes, ha . . . oo nandito pa ako. Nope. Hindi na, I will go home na. Just wait for me, okie? Love you!"
Ngumiti ako dahil parang alam ko na kung sinong kausap niya. "You know what you have a lot of stories to tell, Amelia."
"Let's talk about it some other time. Mauuna na ako, Alex," aniya.
Tumayo rin ako at hinatid siya palabas ng bahay. "Aasahan ko 'yan. Dapat kumpleto."
Nang makaalis si Lia ay pumasok na ako sa bahay. Sakto namang pababa si Jake sa hagdan. Nagtataka siyang tumingin sa 'kin.
"She left?"
Tumango ako at pinagmasdan siya ng mabuti. Bagong gising siya at naka-suot na lang ng boxers at sando.
"Oo, yung mga bata?" Lumakad ako papuntang kusina. Naramdaman kong sumunod siya sa 'kin. Lumapit ako sa ref at kumuha ng ingredient na pwedeng mailuto mamayang meryenda.
"Oo, tulog na tulog pa ang mga anak natin."
Napahinto ako sa sinabi niya. Mga anak namin? Hm . . . ang sarap namang pakinggan. Nilingon ko siya at tinaas ang hotdog at marsh mallows. Ngumiti ako.
"Gusto kong magluto and mag-bake Treat natin ang mga bata dahil natulog sila," ani ko.
"Okay, wife. Akin na 'yan, iihaw ko sa labas," aniya at kumuha sa 'kin ang hotdog. Binaba ko ang marshmallow sa mesa. Kumuha ako ng bowl at ng gagamitin ko sa pagbe-bake.
"Bonding namin 'to noong nasa Hagonoy pa kami. Kapag wala silang pasok ay nagmo-movie marathon kami," pagkwe-kwento ko.
"Talaga? Katulong mo silang gumawa nito?"
Tumango ako. "Gusto rin kasi nila kaya hinahayaan ko. By the way, kumusta kayo ni Jaime?"
Ngumiti siya sa 'kin, "okay naman. Bumabalik na siya sa dati tuwing kaharap ako."
Tumango ako at binaba ang hawak kong bowl ng dry ingredients. Binasag ko ang itlog at ginawa naman ang mga wet ingridients.
"Mabuti naman. Nasabi mo na bang magkakapatid sila?"
Lumapit siya sa 'kin at sa tabi ko naghiwa ng hotdog. "Kaylangan pa ba 'yon?"
Tumingin ako sa kanya. "Oo, Jake. Kaylangan 'yon. Dapat malaman nila ang totoo. Saka mahal na mahal naman nila ang isa't isa."
Hindi niya ko pinansin kaya tiningnan ko siya ng mabuti. Nagtatanong siyang tumingin sa 'kin.
"Jake, gano'n pa rin ang tingin mo kay Jaime? Still not convinced?"
Huminga siya ng malalim, tiningnan niya ako sa mga mata. "Yes, I'm not convinced, wife. Bakit ka ba mabait sa kanya? Hindi ba dapat ay galit ka?"
Inirapan ko siya. "Hindi ako mababaw na tao, Jake. Walang kasalanan si Jaime sa ginawa ng Ina niya. Inosente siya kaya huwag mong pagkaitan ng pagkakataon ang bata."
"Mahirap, Alex," daing niya na ikinahinga ko ng malalim.
Pareho kaming hindi matanggap ang sitwasyong kinakaharap namin. Ako, hindi ko kayang magpatawad at makipagbalikan sa kanya. Samantalang siya hindi niya kayang akuin si Jaime bilang kanya.
Tama sina Ate at Lia, love is business. I already invest and at the same time ay nasasaktan ako kay Jake kasi I can't forgive him.
Huminga ako ng malalim, pinagpatuloy ko ang ginagawa ko.
"Jake . . ."
"Hmm . . ."
"Do you think nagiging unreasonable tayongd alawa?" tanong ko habang hindi tumitingin.
"What do you mean?"
Binitawan ko ang hawak. Nilingon ko siya. "Being unreasonable. Pareho tayong takot sa katotohanan. Parehong sarado ang isip sa gusto ng mga damdamin natin."
"Masaya ako kasi masaya ang kambal. Masaya ako kasi katulad lang tayo ng dati pero natatakot ako. Ayoko na kasing masaktan ulit. Napakabilis ng pangyayari sa 'ting dalawa. Isang buwan lang tayong magkakilala noon after that? We're married, nakilala ba natin ang kanya-kanya nating pagkatao sa loob ng six months ng pagsasama?
Para sa 'kin, hindi. May mga uguali tayong hindi nakikita noon. Hindi natin alam. Now, gusto kitang bigyan ng chance kasi I can see na nagsisikap ka naman para malapit sa mga anak natin . . . pero Jake, takot ako," mahaba kong lintanya.
Nakakaintindi siyang tumango sa 'kin, "and you? Hindi ka ba naawa sa bata, Jake? Six years ka niyang kasama yet daig mo pa ang walang alam. He can see you and be with you pero ang layo mo sa kanya. He just want your attention, love, and care. Gusto lang niya ng ama, Jake, give that to him.
So instead of running away we should face this, our fears and pains. Buksan mo 'yung mata mo, Jake. Makikita mo yung nakikita namin kay Jaime. Panindigan mo siya dahil wala siyang alam. Kahit balik-baliktarin man natin ang mundo, andiyan na si Jaime. Anak mo siya at kaylangan mong magpaka-ama sa kanya. Let's be honest with ourselves."
"Maybe you are right. Hindi ko pinaninindihan si Jaime. Oo, takot ako sa kanya dahil tuwing nakikita ko siya kahit alam kong inosente siya ay naalala ko ang araw na iniwan mo ko. Naalala ko yung araw na sinira ni Katherine ang buhay ko. Buhay natin," anito.
Deretso ko siyang tiningnan sa mata bago hawakan ang kamay niya. "I want to move on, Jake. Gusto ko ng kalimutan ang nakaraan. To start new life with you and the kids. Let's accept our faith. Everything. Kasi 'yon lang ang pwede nating gawin. Forgive and forget."
Hindi makapaniwalang tumingin siya sa 'kin. "T-totoo ba 'yan? G-gusto mong mag-umpisa t-tayo ulit?"
Maliit akong ngumiti at dahan-dahang tango. Nanlaki ang mga mata niya. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
"Wife, thank you! Thank you! I promise you! Magbabagong buhay na tayo . . . kakalimutan na natin lahat. Magiging masaya at buong pamilya tayo!" aniya, hinalikan niya ako sa noo.
Gumanti ako ng yakap sa kanya. Napakasarap ng pakiramdam ko habang yakap ko siya, I feel secure and safe in his arms. Pumikit ako para damhin 'yon.
"I don't want your promises, Jake. I want your action. Gusto kong maging masaya tayong lahat," bulong ko.
"Yes! Gagawin ko! Magiging masaya tayo! Ako. Ikaw. Si Aris, Aura, at si Jaime. Magiging buong pamilya tayo!" anito.
Lumayo ako sa kanya at nginitian siya. "Oo, halika na. Tama na 'to. Baka mamaya ay magising ang mga bata." Isinalin ko ang dry and wet mixture and minekus-mekus lang sila.
Napatingin ako sa brasong nakayakap sa bewang ko. Napangiti ako at tiningnan ang mukha niyang nasa balikat ko.
"Lutuin mo na 'yung hotdog, lalagyan pa sila ng marsh mallows," utos ko.
"Parang ayoko ng matapos ang sandaling 'to, wife. Ayokong lumayo sa 'yo. Baka kasi panaginip lang ito at magising ako—"
Binitawan ko ang hand mixer at lumingon sa kanya. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisnge.
"This is not a dream pero mamaya makakakita ka na ng stars sa paligid kapag hindi mo pa niluto ang hotdogs!" pananakot ko.
Natatawa siyang tumingin sa 'kin. "I love you, wife. Te dua. Mahal kita. Te amo. Paulit-ulit kong sasabihin at papatunayan sa 'yo na mahal kita."
Tumingkayad ako at napapikit ng halikan niya ang noo ko. Ilang minutong nagtagal ang labi niya sa noo ko. Nang makaayos ako ng tayo ay nakita kong nakapikit siya at may ngiti sa labi.
"Lulutuin ko na 'to, boss," anito. Tumango ako.
Magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Walang tinatago sa sarili. Wala na yung bigat sa dibdib.
Jake's P.O.V.
NAKANGITI ako habang inaalala ang mga sinabi kanina ni Alex. Tama siya. I becoming unreasonable and narrow minded. My kid is hurting because of me. Yeah, my kid. Sa kasalanan man siya nabuo hindi ko dapat iparamdam na walang nagmamahal sa kanya.
Alex helps me to see the truth and right direction again. Siya ang aking north star habang kasama ko siya ay hindi ako maliligaw.
Lumakad ako palapit kay Alex at niyakap siya sa likuran. Sobrang gaan ng loob ko. I can hug her again. Akala ko hindi ko na 'to mauulit. Akala ko, hindi na kami magkakabati. Pero tama sila. Maraming namamatay sa maling akala.
"Wife, anong oras na. Hindi pa ba tayo matutulog?" malambing kong tanong.
Nilingon niya ako bago tumingin sa orasang nasa dingding. "Oo, sige. Matulog na tayo," aniya at tumingin sa mga anak namin. "Mga anak, matulog na tayo." She turn off the TV.
"Mama, maaga pa po!" reklamo ni Aris, na nagkakamot sa ulo.
"Wala namang pasok, eh!" dagdag ni Aura.
"Saka hindi pa po tapos 'yung pinapanood namin, Mama," ani Jaime.
Nginitian lang sila ni Alex, "aalis tayo bukas. Re-opening ng café," malambing niyang pagpapaalala sa kanila.
"Ay! Oo nga po pala! Tulog na tayo. Bukas makikita ulit natin sina Tita Deth at Tito Ariel," ani Aura saka tumayo. Lumapit siya sa 'kin. "Papa, karga mo ko."
Nakangiti ko siyang kinarga. Tumayo ako at tumingin sa dalawang binata ko. "Tara na kayong dalawa. Sa taas na tayo," yaya ko. Tumayo sila at sumunod sa 'kin. Lumakad kami papunta sa hagdan. Nauna silang pumanik sa 'kin. Nilingon ko si Alex, "wife, sunod ka sa taas?"
"Oo. Liligpitin ko lang 'to," aniya habang naglilinis ng center table. Sumunod na ko sa dalawa sa taas. Si Aris ay pumasok sa kwarto niya pero si Jaime ay naghihintay pa rin sa hagdan.
"Bakit hindi ka pa pumapasok sa room mo?" Kinuha ang kamay niya at inakay siya palayo doon. "Wag kang tatayo malapit sa hagdan, Jaime, baka mahulog ka," paalala ko.
"Kasi, daddy . . . madilim doon," aniya at tinuro ang hallway papunta sa kwarto niya. Madilim nga. Mukhang napundi ang ilaw sa hallway.
"Okay, dalhin muna natin siya sa room niya, then, ihahatid kitas a room," ani ko. He nods at naglakad papunta sa room ni Aura. Si Jaime ang nagbukas ng pinto. Pumasok kami sa loob at binaba ko sa kama si Aura. "Princess, brush your teeth, okay?"
Tumango si Aura at tumakbo papunta sa banyo. Sumunod ako at nagbukas ng ilaw. Nilagyan ko na rin ng toothpaste ang toothbrush niya. Hinintay kong matapos si Aura para ma-tucked siya sa kama.
Nang makahiga na siya ay nginitian niya kami. "Goodnight, papa. Goodnight, Jaime," aniya bago pumikit. Hinalikan ko siya sa noo. Nilingon ko si Jaime.
"Tara na?" yaya ko. Tumango naman siya at humawak sa kamay ko. Pinatay ko ang mainlight at binuksan ang lampshade. Sinarado ko ang pinto saka hinatid si Jaime sa room niya. Binuksan ko ang pinto at ilaw. "Magtoothbrush ka rin, Jaime."
"Opo." Tinulungan ko rin siyang mag-toothbrush hanggang matapos. Nakahiga siya ng maayos sa kama. Inayos ko ang kumot sa katawan niya.
"Goodnight," ani ko. Hinalikan ko siya sa noo at pinatay ang ilaw. Lumabas ako at doon ko naabutan si Alex na kakaakyat lang.
"Tulog na ang mga bata?"
"Sina Aura at Jaime, pero si Aris hindi ko pa napupuntahan. Nauna kasi siyang pumasok sa kwarto niya," sagot ko.
"Okay. Ako na ang aasikaso sa kanya," anito. Lumakad papunta sa kwarto ni Aris. Sinundan ko siya hanggang makapasok siya sa loob. Pagkatapos ay pumasok na ako sa kwarto namin. Nagbihis ako at nag-ayos. Naglinis ako ng katawan pero mabilis lang dahil baka pumasok na si Alex.
Paglabas ko ay wala pa rin siya kaya naman nagtuloy ako sa walk-in-closet. Kumuha ako ng panjama at sando. Binuksan ko ang AC. Lalakas sana ako paalis ng pumasok si Alex.
"Ah, lalabas na ako," ani ko.
Umiling siya, "ano . . . dito ka na matulog . . . malaki naman ang kama," nahihiya niyang ani.
"Maybe you are not comfortable na naririto ako. Pwede naman akong sa guestroom o kaya sa study," ani ko. Ayoko kasing hindi komportable si Alex.
"Hindi na. Dito ka na. Hindi ba't napag-usapan nating kakalimutan na natin lahat at mag-uumpisa tayo ulit?" pagpapaalala niya.
"Yeah pero hindi pa rin natin kilala ang isa't isa like what you said. Kaya ngayon natin gagawin, Alex. Liligawan kita araw-araw hanggang makilala nating mabuti ang isa't isa. Gagawin natin ang mga hindi natin nagawa noon. Kaya pansamantala muna tayong maghihiwalay ng kwarto."
Nanubig ang mata ni Alex. Lumapit siya sa 'kin at yumakap.
"Thank you, Jake. Thank you," mahina niyang ani. Ngumiti ako saka siya niyakap ng mahigpit.
"Hindi ka dapat magpasalamat sa 'kin, Alex. Kaylangan kong gawin 'to para sa 'tin," ani ko. Nilayo ko siya sa 'kin. Hinalikan ko siya sa noo. "Matulog ka na, baby, maaga pa tayo bukas," paalala ko. Lumakad ako papunta sa may pinto.
"Goodnight, Jake," aniya.
Bago ako magtuloy sa study ay pumunta muna ako kay Anton para ibilin ang gusto kong mangyari.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro