CHAPTER 9
Alex' P.O.V.
THE day we all waiting is finally here. After months of waiting, preparing and getting stress about the wedding, it's happening now.
Today is our wedding day. My wedding day. Araw kung kaylan maiiba na ang takbo ng buhay ko. Araw kung kelan mag-iiba na ang apilido ko. Kung kelan ang dalawa ay magiging isa.
Marahan akong nakatitig sa salamin at tinitingnan ang reflection. Suot-suot ko ang gusto kong wedding gown. Nakalugay ang mahaba kong buhok at may light make up na nasa mukha ko. Simple, yet beautiful.
Akala ko'y magagawa ko ang plano ko noong nagpla-plano kami. Hindi natuloy dahil sa mga pinakita ni Jake, nawala sa isip ko.
We're at Jake's Island. Dito niya pinagawa ang kasal naming dalawa.
Napalingon ako ng bumukas ang pinto. Pumasok sina Mommy, Dad at Ate. Nakangiting lumapit ako sa kanila. Yumakay ako kay Ate, ginantihan ko. Nag-init ang magkabilang sulok ng mata ko. Humiwalay ako sa kanya, sinapo niya ang pisnge ko.
"Wala na akong magiging kaaway sa bahay niyan. Wala na kong aagawan ng Chuckie," naiiyak na ani Ate. Natawa ako ng mahina. "Mami-miss kita, bunso."
Mariin kong tinikom ang bibig ko para pigilin ang pag-iyak.
"Ate..."
She smile na para bang alam kung anong gusto kong iparating. Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan 'yon.
"I love you, too. Mahal ka ni Ate kahit madalas kitang agawan ng Chuckie. Sabihin mo sa 'kin kung sinasaktan ka ni Jake, ako ang makakalaban niya," pabirong sabi niya sabay singhot. Natawa kami.
"I will miss you, too. Wala na akong hahabulin dahil sa pang-aagaw ng Chuckie ko. Naunahan pa kitang mag-asawa, oh." Natawa si Ate sa huling sinabi ko. Niyakap ko ulit siya bago hinarap si Mommy.
Inipin ni Mom ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tenga, saka niya ko hinawakan sa pisnge at malambing na nginitian.
"Malaki ka na talaga, anak ko...mag-aasawa ka na. Isa na lang tuloy ang baby girl ko sa bahay," mangiyak-ngiyak niya rin ani. Hindi ko tuloy napigilang mapa-iyak na dahil do'n. "Baby ko, tandaan mo palagi na mahal na mahal ka ni Mommy. Kapag hindi mo na kaya. Kapag ayaw mo na, umuwi ka sa bahay natin. You're always welcome there," aniya.
Sunod-sunod akong tumango. Pinag-dikit niya ang mga noo namin. Napapikit ako.
"I love you, Mom," ani ko saka dumilat. Ngumiti siya sa 'kin. "Mahal na maahal ko rin po kayo ni Dad."
Natawa kaming dalawa ng mapansing nasisira na ang kanya-kanya naming make-up.
"Huwag ka ng umiyak. Masisira ang make-up mo, anak." Marahan niyang pinunasan sang pisnge ko.
Humarap ako sa 'king first love. Ang Superman ng buhay ko. Buhay namin. Ang taong ginawa ang lahat para maiparamdam sa 'ming mahal na mahal niya kami at binigay ang mga gusto at kaylangan namin. He let us feel na isa kaming real life princess. Tumingin ako kay Dad na naka-sandal sa pader at pinapanood kami.
"Hi, Superman," tawag ko.
Nakangiti niya kong nilapitan at inalis ang kamay na nakapaloob sa bulsa.
"Hi, Supergirl. This is the last time you'll be Villafuerte, later on you'll become an Anderson already," bulong niya.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtakas ng luha sa mata niya. My father might be a cold hearted man with other people but when it comes to us he is the warmest and sweetest man.
"Pag sinakyan ka ni Jake, don't hesitate to call me. Ayokong sinasaktan kayo ng kung sino lang. Hindi ko nga hinayaang madapuan kayo ng lamok o masugatan kaya hindi rin pwedeng masaktan ngayon ng ibang tao."
Niyakap ko si Dad at naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko.
Napapikit ako, dinama ko ang mahigpit na yakap ni Dad sa 'kin. Hindi ko na tuloy napigilan ang iyak. Nang kumawala ang hikbi sa mga labi ko'y nilayo ako ni Dad sa kaniya. Tiningnan niya ako.
"Don't cry, my sweet angel," aniya sabay punas sa pisnge ko.
Tiningnan ko silang lahat. "I need a group hug now!" ani ko. Mabilis naman silang nagsilapit . Nag-group hug kami katulad ng gusto ko.
"I love you, all. I will be always a Villafuerte. Madadagdagan lang tayo ng family member at hindi mawawalan," naiiyak kong sabi.
Tumawa sila at mas humigpit ang yakap sa isa't isa.
Humiwalay kami sa isa't isa ng may kumatok sa pinto. Sumilip do'n ang wedding coordinator na si Mary Anne.
"Hi, Miss Alex. Let's go na po. The wedding will start in ten minutes," aniya. Natigilan pa nga siya ng mapansing nagulo ang make-up ko. "Hala, Miss Alex! 'Yung make up mo po!" gulantang niyang ani.
Hinila niya ko sa braso at hinarap sa may vanity mirror. Naglabas siya ng make-up at ni-retouch ang mukha ko.
Miss Alex, wag po kayong iiyak at masisira po ang make-up niyo," paalala niya. Halatang naaligaga.
"Sorry, Mary Anne," ani ko. Tinanguan niya ko ng matapos ang pagre-retouch ay bianab niya ang make-upp na hawak saka nagsalita sa walkie-talkie niya.
"Jay-jay, hello. Jay-jay?!"
"M.A, nasaan na kayo? Lahat ng bisita nandito na. Bride and family na lang ng bride ang wala dito," rinig ko.
"Papunta na kami. Call me if there's a problem. Na-check mo na baa ng reception and foods?" Inayos ni Mary Anne ang belo na nasa ulo ko, pati gown.
"Everything is okay."
"Okay. Papunta na si Bride. Papaunahin ko muna ang family niya." Tumingin si Mary Ann kina Mom, "you can go na po Mrs. Villafuerte. Kaylangan po ay mauna kayo do'n. susunod na po ang bride," anito.
Tumango sila Mommy at nagpapa-alam na tumingin sa 'kin. Hinalikan ako ni Mom sa pisnge, tinapik naman ako ni Ate sa balik at hinalikan ni Dad sa noo. They all mouted 'I love you' to me.
*******
ILANG minuto ang lumipas. Niyaya na ko ni Mary Ann para lumabas ng cabin. Habang naglalakad kami sa mismong venue ay pinanlalamigan ako ng katawan. Para bang sobrang lamig ng mga paa ko't unti-unting bumibigat 'yon. Kanina naman ay wala akong nararamdaman ng ganito pero ngayon halos gusto ng lumabas ng puso ko sa ribs ko.
Nang makarating kami sa dalampasigan nakita ko na ang mga bisitang naka-upo sa kaniya-kaniyang upuan. Hinawakan ako ni Mary Ann sa braso at niyakag.
"Good luck," bulong niya nang tumapat kami sa red carpet papunta sa mini-stage na nasa harapan kung saan naghihintay si Jake, naka-suot ng all white na longs sleeve and white pants.
Sobrang gwapo niya sa suot niya ngayon.
May magkatabing upuan sa harapan ng stage at may mesa rin. Mayroong mga bulaklak sa paligid na magaganda. Kitang-kita mo rin ang araw na nagre-reflect sa dagat. May dalawang pares na cherub sa magkabilang gilid na may hawak na bilog na lalagyan.
He gives me a perfect wedding.
Nagbalik lang ako sa reyalidad ng tumugtog ang kantang 'Ikaw at Ako' ni Moira Dela Torre. Nang mag-umpisa ang unang linya ay lumakad na ako papunta sa harapan. Sa magiging asawa ko.
Lahat ng mata nila ay nakatingin sa 'kin.
I'm the main character in this chapter.
Nakangiti akong lumakad. Nakatingin ako sa paligid, and lahat sila ay may ngiti sa mga labi. I saw my Mom crying sa tabi. I saw my best friend since high school, too. Nakangiti sila at nag-approve sign sa 'kin.
Tumingin ako sa gawi ng parents ni Jake, like Mom, umiiyak rin si Auntie at ang kambal naman ay nakangiti except kay Klyzene na wala pa ring emosyon ang mukha. Kahit naka-suot na sila ni Klyzia ng same dress ay mahahalata mong ayaw nito sa suot niya.
Bumalik ako ng tingin sa harapan. Kung nasaan ang lalaking sana'y mahalin ako hanggang sa pagtanda ko. Ang pag-aalayan ko sana ng buhay ko. Nang sarili ko.
Sana lang talaga ay magawa niya kong mahalin. Mahalin namin ang isa't isa.
Ngumiti ako kay Jake nang magtama ang mga mata namin. Maraming emosyon ang dumaan sa mga mata niya. Hindi ko mapangalan ang lahat ngunit pamilyar sila sa 'kin. Nakita ko na 'yon noon. Sa pool area.
Ngumiti din pabalik ang lalaki. Namamalikmata yata ako ng mapansing may tumulong luha sa isa niyang mata.
Huminto ako sa ibaba ng mini-stage. Lumapit si Jake at inilahad ang palad niya, tinanggap ko 'yon. Magkahawak kamay kaming humarap sa pari at ngumiti.
Nakatingin sa 'min si Father, nakangiti.
"Ngayon ay naririto tayong lahat upang masaksihan ang pag-iisang dibdib nina Alexandra Crystal at Jake Gabriel," pag-uumpisa ng pari.
*******
NAKAHINGA ako ng maluwang ng sumagot si Jake ng 'I do' kay Father kanina. Natakot ako kanina na baka biglang magbago ang isip niya at umalis na lang dahil na-realize niyang hindi pala niya kayang magpakasal sa taong hindi niya mahal. Dahil napipilitan lang siya.
Si Ate ang Maid of Honor ko, samantalang si Hunter Winchester naman ang best man ni Jake.
Nakilala ko na ang ibang close friends ni Jake noon nagpra-practice kami ng entourage. Medyo naka-close ko na sila.
"And now, I pronounce you, man and wife. You can kiss your wife," malakas na ani ng pare.
Nagpalakpakan ang lahat ng bisita. Inalis ni Jake ang belong nakatabing sa mukha ko at sinapo ang magkabilang pisnge ko. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa 'kin at sinakop ang mga labi ko. Napapikit ako at humawak sa braso ni Jake.
Nakarinig ako ng malalakas na hiyawan at mukhang nahuhulaan ko na kung kaninong boses iyon.
I finally get my freaking first kiss!
My heart!! Parang lalabas siya ng dibdib ko.
Nang pakawalan niya ang labi ko ay dumilat ako. Napatingin siya sa 'kin at nakangiti. Gumanti ako ng ngiti, sabay kaming humarap sa mga bisita. Lahat sila ay nakangiti sa 'min.
Nag-start na ang picture taking. Lumpit ang mga pamilya namin.
Nasa gilid ko sina Mom, Dad at Ate, samantalang nasa kabilang gilid naman ang pamilya ni Jake. Sa harapan namin umupo ang kambal.
"I'm so happy for you, hija," ani Auntie—or, should I call her Mom already?
Ngunitian ko siya. Yumakap siya sa 'kin.
"Yehey!!! Finally! Sisten-in-law na rin kita!!!" nakangiting salubong sa 'kin ni Klyzia. Niyakap niya ako.
"Congratulations. I hope you live a happy life," ani naman ni Klyzene na nakangiti.
Nanlaki ang mga mata ko. Tama ba ko sa nakikita ko? Am I really seeing her smiling?
"Y-you smiled?" mahinang tanong ko.
Nagtatanong siyang tumingin sa 'kin. "Why? Is there any problem with smiling?" may pagka-inis niyang tanong. Ngumiti ako at umiling. Niyakap ko silang dalawa hanggang sa mapunta na ko kay Mommy.
"Mauuna na kami sa reception, anak," sabi ni Mom. Tumango ako. Mamaya pa kasi matatapos 'to dahil madami pang magpapakuha ng pictures sa 'min. May kaylangan pang kung ano-anong pirmahan.
Nang wala na kaming katabi ay nilapitan na kami ng mga kaybigan ni Jake kasama na rin ang mga kaybigan ko.
"Hello, Mrs. Anderson," mapang-asar na tanong ni Amelia.
Matamis akong ngumiti sa kanya. "Lia!!!" Niyakap ko siya. "I thought hindi ka makakarating!"
I really thought hindi siya makakarating dahil papunta yata ito sa ibang bansa, pero eto siya ngayon.
"Pwede ba naman 'yon? Kinulit ba naman ako ni Leo na magpunta. Hindi niya ko titigilan at guguluhin niya ang schedule ko kapag hindi raw ako nagpunta," aniya sabay tingin ng masama kay Leo.
Matagal na kaming magkaybigan ni Lia o Amelia Hawk, kapitbahay namin sila noon kaya lang ay lumipat sila sa ibang subdivision pero sa iisang school pa rin kami nag-aaral.
Si Leonardo "Leo" Higgins and Bryan Stalinski ay naging kaybigan namin noong first Year College.
Nilingon ko si Jake na nakikipag-asaran sa mga kaybigan niya. Katulad namin, parang magkakapatid na rin ang turingan nila.
Kinuhanan kami ng litrato, ilang kuha 'yon dahil merong masama lang ang kaybigan ko o ni Jake at magkakasama na kami.
Ang panghuling kinuhanan ay ang kaming dalawa lang ni Jake. Nasa likuran ko siya, naka-paikot ang braso sa bewang ko. Nakasandal ako sa kanya. Mayroon ding nakaharap kami sa isa't isa, nakatitig sa mga mata namin. Syempre, meron ring nag-kiss kami. Saka 'yung simpleng nakaharap kami sa dagat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro