Chapter 88
Alex P.O.V.
TANGHALI na ng magising ako dahil sa puyat. Paulit-ulit na nagre-reply sa utak ko ang mga sinabi kagabi ni Jake. Bumangon ako at pumasok ng banyo para gawin ang morning rituals ko, after no'n ay pumasok ako ng walk-in-closet at kumuha ng damit.
Napangiti ako ng marinig ang halakhakan galing sa ibaba. Binilisan ko ang pagbaba at pumunta ng kusina. Napatigil ako ng makita kung sinong nakatayo doon. She's wearing an apron and she's cooking. Tumiim bagang ako.
May katabing bat asi Katherine na hindi ko makita ang hitsura dahil nakatalikod sa 'kin. Ang mga anak ko naman ay nakiki-join sa mga ito. Tumikhim ako para kuhanin ang atensyon nila.
"MAMA!!" sigaw ng kambal ng makita ako. They run to me and niyakap ako sa. "Good morning, mama!"
Nakangiti ko silang hinalikan sa noo. "Good morning, babies. Kumusta ang tulog niyo?"
"Okay, mama! Ang ganda ng room ko. Pang-princess!"
"Tapos mama, ang daming laruan!"
Ginulo ko ang buhok nila. "Mabuti naman. Nasaan ang papa niyo? Bakit maaga kayong gumising?"
"Hindi po ba tulog si Papa sa room niyo? Akala po namin magkasama kayo kaya 'di namin kayo ginising," ani Aura.
Ow, hindi nila alam na hindi kami tabi ni Jake. Siguradong mahabang paliwanagan kung malalaman nila 'yon. Akma ko silang sasagutin ng magsalita ang babaeng linta.
"Aris, Aura, sa labas muna kayo maglaro. Isama niyo si Jaime. May slide sa garden," nakangiting anito sa mga bata. Tumingin ako sa tinutukoy nitong Jaime.
Parang huminto ang paghinga ko ng makita ko ang mukha nito. Hindi ko alam pero parang may . . . kakaiba.
"Okay po. Tara, Jaime!"
Tumakbo palabas ng kusina ang mga bata at naiwan kami ni Katherine. Nag-cross arm ako at masama siyang tiningnan.
"Well . . . well . . . well . . . nandito na pala ang asawa," sarcastic nitong ani saka pinatay ang kalan. Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa. "Nice meeting you not, Alex."
"Nandito na pala ang kabit na nagpabuntis sa asawa ko," nakangiti ko ring sabi. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, bago binalik ang tingin sa mukha niya. "Kumusta naman ang pagpipilit ng sarili sa taong sinusuka ka na?"
She removed her apron and galit na lumapit sa 'kin. Did I hit a nerve?!
"Sino ka sa akala mo para pagsalitaan ako ng ganyan?!" galit niyang tanong.
"Ako lang naman ang asawa ni Jake? Ikaw? Bago naming katulong?" pang-aasar ko.
Naningkit ang mga mata nito. "Mukha ba akong maid, ha?! Ako ang ina ng anak ni Jake kaya may karapatan din ako dito!"
"KEY WORD! Ina ng anak ni Jake! Ibig sabihin ang bata lang ay may karapatang magpunta dito, hindi ikaw!" madiin kong ani.
Akma niya akong pagbubuhatan ng kama ng taasan ko siya ng kilay na ikinatigil nito. She composed herself.
"Nanay ako ng anak ni Jake kaya wag kang pakampante, Alex. Akin ang lalaking tinatawag mong asawa! Nakuha ko siya noon, makukuha ko rin siya ngayon!" pagbabanta ni Katherine.
Ngumiti ako sa kanya at inilapit ang bibig ko sa tenga niya. "Do it. Noong ngang wala ako ay hindi mo siya nagawang agawin ngayon pa kayang nandito na ako?" Tumalikod ako at naglakad papuntang garden. Bahala siyang mabaliw mag-isa doon.
Hindi pa nagtagal ay nakarinig ako ng makina ng sasakyan, baka si Katherine. Pikon. Pinanood ko ang mga batang naglalaro sa mini playground doon. Ngumiti ako at lumakad sa isang upuan. Umupo ako.
"Anong pangalan mo?" rinig kong tanong ni Aura kay Jaime.
"My name is Jaime Klaus Anderson, I'm five years old."
"Ako naman si Aurora Light Anderson, five years old din," ani ora na pinakita pa ang limang daliri.
"Ako naman si North Polaris Anderson, five years old!"
"Bakit same tayo ng apilido. Sino baa ng papa mo?" tanong ni Aura.
"Hindi ko alam, eh. Sabi kasi ni Daddy hindi naman niya ako anak," malungkot na ani Jaime. Parang may kumurot sa puso ko dahil doon.
Oh, God, don't tell me Jake . . .
Tumayo ako at lumapit sa kanila. Tinabihan ko sila ng ulo. Matamis akong ngumiti kay Jaime.
"Hi."
Tumingin siya sa 'kin at tipid ding ngumiti. "Hello po."
"Kumain ka na ba?" pagbubukas ko ng usapin.
"I only drink milk kasi pumunta kami agad ni Mommy dito. Gusto niya kasing magbati na kami ni Daddy," paliwanag niya. Tumingin ako sa kambal.
"Babies, hanapin niyo muna si Papa tapos sabihin niyong magluto na siya," utos ko.
"Mama, nagluto kanina si Mommy Katherine. Ang sabi niya kami kakain no'n," ani Aura. Parang nagpanting naman ang tenga ko. Mommy Katherine?! Talagang mang-aagaw! Pati mga anak ko!
Pilit akong ngumiti sa kanya. "Okay, anak. Puntahan niyo na lang ang papa mo at sabihing kakain tayo. Kapag wala sa ibaba ay sabihin niyo sa 'kin dahil baka umalis siya."
"Opo. Mamaya ulit tayo maglaro, Jaime." Tumayo ang dalawa at nag-uunahang pumasok sa loob ng bahay. Nakasunod ako ng tingin sa kanila. Lumingon ako kay Jaime.
"Bakit kayo gustong pagbatiin ng Daddy mo?" maingat kong tanong, pero mas naging malungkot lang ang mukha nito. Nag-iwas siya ng tingin sa 'kin. "Jaime, pwede kitang matulungan."
Mangiyak-ngiyak siyang tumingin sa 'kin, "k-kasi po . . . s-sabi ni Daddy hindi raw niya ako anak. I-iba raw po ang d-daddy ko . . . hindi siya." Pumalahaw ito ng iyak.
Napatakip ako sa bibig ko. Gamit ang isang kamay ay kinabig ko siya payakap. Nagsumiksik naman siya sa leeg ko. Hinagod ko ang likuran niya.
"Shh . . . tahan na . . ." pag-aalo ko. Nagulat na lang ako ng may biglang humila sa kanya mula sa 'kin.
Bumungad ang galit na mukha ni Katherine. Tinaas ko ang kamay ko, napansin kong nasaktan ang bata sa paghila nito.
"Magdahan-dahan ka!" inis kong ani pagkatayo.
"Walanghiya ka! Bakit mo pinapa-iyak ang anak ko?! Oo nga't kayo ang legal pero huwag mong kawawain ang anak ko!!" galit niyang sigaw sa 'kin.
"Huh?! Hindi ko sinaktan ang bata, Katherine. Nagtanong lang ako kaya siya umiyak, inaalo ko nga, eh!" depensa ko sa mahinahong paraan. Hindi tulad ni Katherine na akala mo nakalunok ng mic.
"Huwag mo kong lokohin! Hindi iyakin si Jaime!"
Sasagutin ko sana siya ng maunang magsalita ang kadarating lang na si Jake.
"Anong nangyayari dito?"
Nilingon ko ang lalaki, kasama niya ang kambal. Tumingin ako kay Jaime na nakatingin sa Daddy niya. Puno ng inggit at sakit ang mata ng bata. Mas lalo akong nahabag.
"Iyang asawa mo pinapaiyak ang anak ko!" Duro ni Katherine sa 'kin, tinago pa niya si Jaime sa likuran.
"Jake," pasimple kong tawag pero hindi siya tumingin sa 'kin. Lumakad ako palapit sa kanila.
"Jake, anak mo rin si Jaime. Nag-positive ang DNA test at kahit ilang ulit mong ipa-ulit 'yon pareho lang ang resulta!"
"Huminahon muna kayo. Mga bata pumasok muna kayo sa loob, meron lang kaming pag-uusapan." Sumunod sila sa 'kin pati na si Jaime na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. Nang wala na sila ay nakahinga ako ng maluwag. Hindi dapat nila 'to nararanasan.
"Hindi ko alam kung paano mo nagawa 'yon, Katherine, pero hindi ko anak si Jaime! Hindi sa 'kin ang batang 'yon!!" mariing giit ni Jake.
"Anak mo siya, Jake! Wala akong iba noong panahong 'yon kundi ikaw kaya paano mo masasabing hindi sa 'yo ang bata?! Lasing na lasing ka no'n, Jake! Kahit sinong matino ay mawawawala sa wisyo!"
"Tama na! Umalis ka na, Katherine! Walang papatunguhan ang usapang 'to," pag-gitna ko sa kanila. Masama siyang tumingin sa 'kin.
"Wala kang karapatang palayasin kami dito!"
"Ikaw lang ang pinapaalis ko, Katherine, hindi kasama ang bata dahil siya ang anak!" ganti kong sigaw. Kanina pa ako nagtitimpi sa babaeng 'to. Ang akala ko pa naman ay umalis na siya.
"Bakit naman kita susundin?!" mapaghamong tanong nito. Naramdaman ko ang kamay ni Jake na humawak sa bewang ko, kahit anong bait talaga kayang sagarin ng babaeng 'to!
"Kasi ako lang naman ang legal na asawa. May-ari ng bahay na 'to! At trespassing ka! Kapag hindi ka umalis, mamili ka lang, sementeryo o cremation?!"mapanganib kong tanong.
"Y-your bluffing!" laban nito.
"Don't try my temper, bitch," mahina kong sagot. Ilang minuto rin kaming nagsukatan ng tingin bago siyang unang sumuko at tumingin sa asawa ko.
"Babalikan ko si Jaime sa katapusan ng buwan, Jake. Sulitin mo na lahat ng oras kasama siya dahil hinding-hindi mo na makikita ang bata!" ani Katherine bago tumalikod at umalis.
Sa sinabi niyang hindi mo na ulit siya makikita ay para akong kinabahan. Ano bang nangyayari? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Humarap ako kay Jake.
"Wife, kung gusto mo ipapahatid ko si Jaime kina Dad para doon na lang muna—" Pinatigil ko ang pagsasalita niya gamit ang isang malakas na sampal. Tumabingi ang mukha nito. Namanhid ang mga palad ko.
"Gago ka, Jake!! Wala kang bayag! Anong klase kang ama!" galit kong sigaw sa kanya. Pinagsusuntok ko ang dibdib niya.
"Alex, hindi ko siya anak! Ang nakuha lang ng batang 'yon ay ang blue eyes niya pero hindi ko makita ang pagkakamukha nila ni Mommy!" giit niya sa 'kin.
"Hindi mo makita dahil sarado 'yang mga mata mo! Sarado ang isip mo! Nakita mo ba yung mukha niya kanina?! Nakita mo?! Kasi, ako, oo! Kitang-kita ko ang inggit at sakit sa kanya, Jake! He wanted your love, yet pinagkakait mo 'yon! Are you not scared? Katherine will take him away from you! You only got eighteen days before siya mawala sa 'yo. Ayusin mo 'yang ugali mo . . . baka mamaya hindi lang si Jaime ang anak na mawala sa 'yo!" banta ko bago siya tinalikuran para pumasok sa loob ng bahay.
I saw the kids watching TV in the living room. Nakangiti sila sa 'kin.
"Gusto niyo bang mag-almusal? Magluluto ako," tanong ko.
"Opo, Mama," sagot ni Aura na hindi maalis ang tingin sa TV.
"Mama, gusto ko hotdog tapos friend rice," anito. Tumango ako at tumingin kay Jaime.
"Ikaw, anong gusto mong almusal" tanong ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito.
"K-kung ano na lang po 'yung kanila . . ." mahina niyang sagot. Pumikit ako ng mariin. Ang sakit.
"Hindi, yung gusto mo ang iluluto natin," pamimilit ko. Nag-angat siya ng tingin.
"Talaga po?"
Tumango ako. Agad umaliwalas ang mukha ng bata.
"Gusto ko po ng adobo tapos gusto ko rin pong maasim na sabaw. Tapos po gusto ko ice cream at cake," masiglang sagot nito. Napangiti ako.
"Okay. Hotdog. Adobo. Sinigang na baboy. Ice cream at cake . . . pero dessert 'yun, ha. Masyado pang maaga para sa matamis at malamig, okay lang sa inyo?"
"Opo, Tit—"
"Mama," pagtigil ko.
Namilog ang mata nito. "Mama?"
"Kung gusto mo lang naman akong tawaging, mama," ani ko.
"Okay po, m-mama," nahihiyang anito. Ngumiti ako bago humalik sa mga ulo nila.
"Diyan muna kayo, ha. Wag kayong papanik sa hagdan o lalabas kasi baka masaktan kayo," paalala ko bago pumasok ng kusina. Nakita ko si Jake, nakatayo sa may sliding door. Galit ko siyang tiningnan. "Bantayan mo ang tatlo mong anak," madiin kong utos.
Kumuha agad ako ng mga kaylangan kong rekados para sa mga nais kainin ng mga bata.
Jake's P.O.V.
MAIGI kong tiningnan si Jaime mula sa pwesto ko. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang mga sinabi ni Alex sa 'kin.
Hindi mo makita kasi sarado 'yang mata mo! Sarado 'yang isip mo! Ayusin mo 'yang ugali mo . . . baka mamaya hindi lang si Jaime ang mawala sa 'yo!
Napalunok ako. Mas natatakot akong ilayo ulit ni Alex ang mga anak namin sa 'kin. Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanila.
"Anong pinapanood niyo?" tanong ko, uupo sana ako sa tabi ng kambal ng matingin ako kay Jaime na nakatingin din sa 'kin. And Ales is right, puno nga ng sakit ang mata nito. Imbis na tumabi ako sa dalawa ay pinagitnaan ko sila. Nasa pagitan ako ni Jaime, Aris at Aura.
"Spongebob po, tapos mamaya Mr Bean," sagot ni Aris.
"EH!!! Gusto ko Barbie naman!" ani Aura.
"Pang-girl 'yon!"
"Kahit na! Ako nga nanunuod ng panlalake may sinabi ba ako?!"
"Basta! Ayoko!" Tinago ni Ari sang remote sa dibdib. "Susumbong kita kay mama kapag nilipat mo!"
"Ikaw ang susumbong ko, ayaw mo kong panuroin!"
"Bakit hindi na lang tayo mag-play instead watching TV? Puro panunuod kasi ang ginagawa ko sa house namin. It's boring," ani Jaime.
Napatingin ako sa kanya.
"Ay, hindi kayo naglalaro ng mommy mo?" tanong ni Aura, "kami nila Mama madalas mag-play kapag wala siyang pasok or maagang umuwi sa work."
"Hindi. Busy kasi si Mommy. Si Tita Daisy naman hindi na nagpupunta sa bahay kasi may work siya sa malayo."
"Sige maglaro na lang tayo sa room ko madaming laruang robot!" ani Aris at pinatay ang TV.
"Pano ko? Dalawa kayong boy tapos ako lang mag-isa. Ayoko ng robot, gusto ko Barbie saka lutu-lutuan," ani Aura.
"Magdala ka ng Barbie mo sa kwarto tapos maglalaro tayong apat," ani ko sa kanila. Ngumiti si Aura at tumango.
"kasali ka, Papa?" tanong ni Aris.
"Oo naman. Tara na!" Naunang pumanik sa taas sina Aris at Aura, maghakawak kamay silang dalawa. Susunod sana si Jaime ng pigilan ko siya. Nagtatanong siyang tumingin sa 'kin.
"Jaime, galit ka ba sa 'kin?"
"H-hindi ko po . . . alam . . . pero ma-masakit sa heart," mahina niyang sagot.
Huminga ako ng malalim at lumuhod kapamtay niya. "Jaime, sorry about what I said. You can call me Dadd again . . . kahit hindi ako ang tunay mong ama."
"Sino po ba ang Daddy ko? Bakit po kamukha ko si Lola? Bakit po magkamukha tayo ng eyes?" mangiyak-ngiyak niyang tanong.
Humawak ako sa kamay niya. "I can't answer you, Jaime pero, pwede mo kong ituring na parang Daddy mo. Ako na lang muna, ayokong kainggitan mo sina Aris at Aura."
Ngumiti siya sa 'kin at tumango. Ngumiti ako sa kanya at binuhat siya. Pumasok kami sa kwarto ni Aris. Binuksan ko ang AC bago binaba si Jaime na mabilis lumapit sa kapatid niyang nagbubukas ng mga laruan. Lumabas ako ng kwarto para puntahan si Aura.
"Anong dadalhin mo, anak?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa 'kin habang nagkakamot ng ulo.
"Hindi ko nga po alam, papa. Madami kasing laruan, hindi ako makapili," aniya saka muling tumingin sa mga laruan. Umupo ako sa kama. "AHA!" Humarap siya sa 'kin at pinakita ang isang malaking manika at tinuro niya ang kitchen set na nasa gilid.
"Papa, ikaw magdala no'n," aniya saka patakbong lumabas ng kwarto. Napa-iling ako at tumayo. Kinuha ko ang kitchen set para dalhin sa kabilang kwarto. Naabutan ko na silang naglalaro.
"Ako 'yung may-ari ng restaurant parang si Tita Abby," ani Aura.
"Tapos kami yung super hero!" ani Jaime. Lumapit ako sa kanila at binaba sa tapat ni Aura ang laruan.
"Ako naman yung police. Huhulihin ko kapag hindi nagbayad," ani Aris.
"Ayan na si Cardo! Ayan na si Cardo!" pagkanta ni Aura. Napa-iling ako. Napaka-loko talaga ng anak ko.
Tinabihan ko sila. "Anong full name niyo, Aris, Aura?"
"Hindi mo alam, papa?" kunot-noong tanong ni Aris.
Tumikhim ako. "Ah, a-alam ko naman kaya lang gusto kong ma-sure kung tama baa ng ipapalagay kong pangalan sa pinto niyo."
"Okay po. My name is North Polaris Anderson."
"Ako naman po si Aurora Light Anderson. Papa, wala ka pong biniling maleficent doll?" tanong ni Aura.
"Anak, evil witch si Maleficent, hindi ba?"
Sinimangutan niya ako. "Hindi kaya siya evil witch! Ang bait nga niya, eh. Pinatulog niya si sleeping beauty ng matagal para matagal din ang beauty rest ni Aurora."
"Papa, wag kang makinig sa kanya. Pinangalanan nga siyang princess pero gusto niya evil witches," ani Aris.
Tumingin ako kay Jaime na naglalaro. "Ikaw, Jaime? Ano ang buo mong pangalan?"
"Jaime Klaus Anderson po." Napatango ako at nakipaglaro sa kanila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro