Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 87

Someone's P.O.V.

"ANONG balita mo?"

"Ma'am . . . bumalik na po sila. Buo na po ang pamilya nila," sagot ng lalaking nakatayo sa harapan ko ngayon. Puno ng gigil ko siyang sinampal.

"ANG LAKAS NG LOOB MONG SABIHIN SA 'KIN 'YAN! PAANO SILA NAGKITA?! KABILINBILINAN KO SA 'YONG HUWAG HAHAYAANG MAGKITA ANG DALAWA!" galit kong bulyaw dito.

Nakahawak sa pisnge lumuhod ang lalaki, "pa-pasensya na, ma'am. Hindi rin po namin alam kung paano sila nagkita. Wala hong binigay na impormasyon si Sir."

"INUTIN! GAWAN MO NG PARAAN 'YAN! HINDI DAPAT SILA MAGKABALIKAN!!"

Nagmamadaling tumayo ang lalaki at tumako palabas. Mabibigat ang hakbang na lumakad ako papunta sa bar station at nagsalin ng tequila sa baso. Sa isiping magiging masaya na ulit sila ay kumukulo na ang dugo ko. Sa loob ng anim na taon nandito ako para kay Jake pero hindi man lang niya ako pinapansin!

"Ate."

"ANO?!" bulyaw ko.

"Hindi ka pa ba titigil? Hindi ka pa ba masaya?!"

Natatawa akong lumingon sa kanya. "Paano ako magiging masaya kung wala sa 'kin si Jake?! Hindi ako titigil hanggang hindi siya nagiging sa 'kin!" Galit kong ibinato sa pader ang basong hawak.

"AHH!"

Lumapit ako sa kanya at mariin siyang hinawakan sa magkabilang braso. Hinarap ko siya sa 'kin.

"Hindi sila pwedeng maging masaya! Hindi pwede! Akin si Jake! Sa akin lang si Jake!! Hindi ako papaya na maagaw siya sa 'kin! Tatanga-tanga ka kasi! Nasa 'yo na siya noon pero pinakawalan mo pa! Wala kang silbi! Sana naging madali ang pagkuha ko sa kanya!"

Tinabig nito ang kamay ko. "Mabuti ngang naagaw siya sa 'kin dahil hindi ko rin maipapangakong ibibigay ko siya sa 'yo!"

Umangat ang kamay ko sa ere at simapal siya. "WALANGHIYA KA! WALA KANG UTANG NA LOOB!!"

Umiiyak siyang nakatingin sa 'kin habang nakahawak sa pisnge niya. "Wala na kung wala pero lahat ng 'yon nabayaran ko na sa pagiging sunod-sunuran ko sa 'yo! Kung sana noon ko pa pinili ang sarili ko, eh, di sana noon pa ako masaya!" sumbat niya sa 'kin.

"Noon pa masaya?! Ang kapal ng mukha mo! Binigay ko lahat sa 'yo! Ang gusto ko lang ay mabawi siya!"

"Hindi na siya sa 'yo! Noong iwan mo siya para sa ibang lalaki ay pinutol mo na lahat ng sa inyo!" Tumalikod siya't lumakad palayo pero bago tuluyang lumabas ng pinto ay nilingon niya ako. "Hwuwag mong ikulong ang sarili mo sa kanya, Ate. Piliin mong sumaya dahil hindi ka na mahal ni Jake and I doubt kung mamahalin ka niya," pagkasabi niya no'n ay lumabas na siya at iniwan akong mag-isa. Mag-isa.

"Wala akong pake! Hindi ko sila hahayaang maging masaya! Akala mo ba sasaya ka na?! Hindi . . . walang sasaya nang hindi ako amsaya! Wala. Wala. Wala!" Tumawa ako ng malakas habang sinasabi ang mga katagang 'yon.

******

Someone's P.O.V.

Nakikita ng mumus na bata ang ginagawa ng kaniyang Ina. Kasama na ang halinhinan nitong pag-iyak at tawa. Miski pagsasalita nito ng mag-isa. Gustuhin man niyang lumapit ay hindi niya magawa dahil sa takot na masaktan siyang muli.

Kumabog ng malakas ang dibdib niya ng mapagbalingan siya ng Ina.

"M-mommy?"

"BAKIT KA NAKATINGIN SA 'KIN HA?! BAKIT?!" galit nitong tanong.

Napa-igtad ang bata sa gulat. Natatakot siya. Wala siyang kasama. Walang magtatanggol sa kanya dahil pinaalis na ang katulong kung saan siya nakakaramdam ng tunay na kapayapaan.

"Tinatanong kita! Bakit ka nakatayo diyan?!"

"N-narinig ko po kasi si T-tita . . . akala ko po nan-nandito siya," nanginginig nitong sagot. Bumaba ang tingin niya sa mga paa bago umupo. Gusto niya itong yakapin ngunit natatakot siya . . . ngunit mas nanaig ang pagmamahal niya sa Ina. Tumakbo siya palapit dito at yumakap sa bewang.

*****

Someone's P.O.V.

"UMALIS KA NA! Iiwan mo rin ako! Lahat naman kayo iniwan ako! Iiwanan mo ko!!" sigaw ko sa bata.

Mas humigpit ang yakap niya sa 'kin, "m-mommy! Hindi po kita iiwan! Mahal na mahal kita, mommy! I love you! Wag ka na po mag-cry!"

Gumanti ako ng yakap sa kanya at napangiti. May ideyang pumapasok sa isipan niya.

Alex P.O.V.

NAKANGITI kong pinapanood na kumain ang kambal. We are currently at the dining table. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Ang saya pala ng ganito. Yung kumakain kayo ng buo. Nilingon ko si Jake na kanina pa tahimik. Kina-usap siya ni Dad kanina at since then wala na siyang kibo.

"Mama, uuwi na po ba tayo pagkakain?" tanong ni Aris.

"Oo nga po, Mama. Sa bahay po natin tayo nila Papa uuwi? Gusto ko makita yung room namin ni kuya," ani Aura.

Napatingin ako sa kanila bag okay Jake. Nag-iwas siya ng tingin sa 'kin at mukhang nagulat din sa sinabi ng mga anak. Humarap ako sa kambal.

"Papa, anong hitsura ng bahay natin? Malaki po ba?" bibo pa ring tanong ni Aura. Napatingin ako sa mga magulang ko na nakatingin din sa 'kin. Ba't ako ang nasa hot seat?!

"Mga apo, ayaw niyo bang dito muna matulog ngayong gabi?" tanong ni Mom. Lumingon dito ang dalawa.

"Lola, pwede naman po kami dito bukas ng umaga, eh. Kay papa po kami," sagot ni Aura sabay subo ng hotdog.

"Saka Lola, ngayon lang po namin makakasama matulog si Papa. Gusto ko siyang katabi," segunda ni Aris.

Napalunok ako sa sinabi ng mga anak ko. Para bang sobra ko silang pinagkaitan ng ama. Pasimple kong siniko si Jake at sinasabing tulungan ako sa dalawa.

"Mga anak, ayaw niyo bang dito muna kayo tapos bukas ako babalik dito?" alok ni Jake pero umiling lang ang dalawa sa kanya.

"Mama, kung gusto mo ikaw na lang matulog dito tapos kami nila papa yung pupunta sa 'yo dito bukas," ani Aura.

Kamuntikan ng mabilaukan ang mga magulang ko sa sagot nito. Si Ate naman ay tumawa ng malakas. Ngumiwi ako.

Jusko, kanino ba nagmana ang batang 'to?

"Hindi. Uuwi tayo," mariin kong ani. Baka kasi itakas pa niya kayo sa 'kin. Tumingin ako sa parents ko. "Babalik na lang kami dito sa susunod na araw, Mommy, Dad. Gustong umuwi ng mga bata, eh."

Nakaka-intinding tumango si Mom samantalang hindi sumagot si Dad. Nagbuntonghininga ako.

"Bukas pumunta tayong Mall," ani Ate sa kambal.

"YES!!"
"SIGE PO!!"

*****

PAGKATAPOS naming kumain ay nagpaalam na rin kaming aalis na dahil inaantok na ang mga bata. Mahigpit akong yumakap kina Mom at Dad.

"Babalik na lang po kami, Mom," ani ko.

"Wag ka ng aalis, ha. Puntahan mo kami dito. Always call us," anito na para bang ayaw ng bitawan ang kamay ko.

Tumango ako at tumingin kay Dad. Humalik ako sa pisnge niya. "Aalis na po kami."

"Take care."

I waved them a goodbye before sinakay ang kambal sa kotse. Ngumiti ako sa kanila bago sumakay sa passenger seat. Umikot si Jake sa driver seat at isang beses na bumusina bago nag-drive paalis.

"Okay lang ba sa 'yo 'to?" tanong niya.

"Wala naman akong magagawa dahil gusto ng mga anak mong umuwi doon," tanging sagot ko. Tumingin ako sa labas ng bintana.

"Hindi ko itatanggi, I'm happy na sa 'kin kayo uuwi but if you're not comfortable we can—"

"Pwede ba, Jake. Just drive!" pagpapatigil ko sa kanya. Sumandal ako sa upuan at mariing pumikit. Ano na ngayong mangyayari sa 'min? Kinakabahan ako, baka mamaya mahulog na naman ako sa kanya at masaktan na naman kami.

*****

BUMABALIK lahat ng nalaalang meron kami ni Jake habang nakatingin ako sa labas ng bahay namin. Lahat. Masakit . . . masaya. Nakakasakal. Parang may nakadagan sa didbib ko at nahihirapan akong huminga. Kanina pa kami rito pero hindi ako makababa.

Huminga ako ng malalim. Alex, your kids are at the backseat. They are not comfortable.

"Tara na," mahina kong ani bago binuksan ang pinto at bumaba. Kagat labi kong binuksan ang pinto sa backseat at kinuha si Aris. Tiningnan ko si Jake na kinuha si Aura.

"Ako na lang, Alex—"

"Kaya ko naman. Pasok na tayo?"

Tumango siya at lumapit sa 'kin. Kinuha niya ang kamay ko, sabay kaming naglakad papasok sa loob ng bahay. Parang hinahabol ng kabayo ang dibdib ko sa bilis ng tibok nito. Pagpasok pa lang namin sa sala ay parang gusto ko na lumabas.

Jake turn on the light kaya naladlad ang salas sa 'kin. Wala pa rin 'tong pinagbago. Katulad pa rin kung paano ko iniwan.

"Sorry kung mukhang haunted house ang bahay. Wala o tulog na siguro sila Anton. Tara sa taas," ani Jake na nakatayo sa may hagdan.

Magkasunod kaming pumanik sa hagdan. Nakasunod ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa guestroom. Anong ginagawa namin dito?

Binuksan ni Jake ang pintong kulay pink. Napanganga ako sa nakita ko. Pumasok si Jake sa loob at ibinaba sa kulay pink na kama si Aura. Nakasunod ang tingin ko sa loob ng kwarto. Napakaganda.

"Ikaw ang gumawa nito?" tanong ko habang naglilibot ng tingin.

"Yap. The nursery room we made is still the nursery room. Hindi ko kasi alam ang gender ng anak natin kaya pina-renovate ko ang dalawang guestroom para sa kanila." Tumango ako sa paliwanag niya. Pinanood ko kung paano nito ayusin at kumutan ang anak namin. "Dalhin na natin si Aris sa kwarto niya," bulong nito bago kinuha ang bata sa 'kin.

Lumapit ako kay Aura, humalik ako sa pisnge niya bago sumunod kay Jake palabas. Maingat kong sinarado ang pinto bago tumingin kay Jake. He opened the blue door. Magkatabi lang pala ang kwarto nila. Binaba nito si Jake sa kama, samantalang ako ay tiningnan ang buong silid.

Puro laruan ang paligid, katulad ng kay Aura.

"Ang daming laruan, Jake," ani ko. Kulay blue ang paligid at may mga kotseng disenyo.

"Hindi ko kasi alam ang birthday nila kaya kada buwan bumibili ako ng laruan at nilalagay dito. May damit sila diyan, hindi ko lang alam kung kakasya pa sa kanila," anito. Lumakad siya papunta sa cabinet at binuksan 'yon. And he was right. Puro nga damit.

"Saan ang magiging kwarto ko?" tanong ko ng nasa labas na kami.

"In our room," prente nitong sagot na kinalaki ng mata ko. "Don't be mad, wala na kasing ibang malinis na kwarto dito bukod sa kwarto ng kambal at masters bedroom. Hindi ko naman naasikaso ang iba dahil hindi ako umuuwi dito," paliwanag niya.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Ibig bang sabihin no'n ay tabi kaming matutulog ngayong gabi?!

"Sa kwarto ka na lang natin matulog sa couch ako sa baba." Naunang maglakad si Jake papunta sa dati naming kwarto. Habang papalapit doon ay mas naninikip ang dibdib ko sa mga alaala. Jake turn on the aircon and smile at me.

"You still have your clothes there if you want to freshen up. Kukuha lang ako ng damit—"

"Dito ka na maligo. Nakakahiya kung sa ibaba ka pa magbabanyo," ani ko.

Ngumisi ito. "Akala ko dito mo na ako papatulugin."

Inirapan ko siya. "Feeling ka! Maligo ka na dahil maliligo rin ako!" inis kong utos sa kanya. Tumawa ng malakas si Jake bago naglakad papunta ng banyo. Papasok na sana ito ng tawagin ko. Lumingon siya. "I'm sorry, Jake. Sorry sa mga sinabi ko."

"It's okay, wife. Naiintindihan kita," nakangiti niyang ani bago tuluyang pumasok ng banyo.

Naiwan naman akong mag-isa. Tumingin ako sa walk-in-close namin. Lumakad ako papunta doon at pumasok sa loob.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko ng ma-realize kong naririto lahat ang mga damit ko, pati na rin iyong kinuha ko noon. Binuksan ko ang isang drawer at napanganga ng makita ang luma kong phone at wallet.

Inangat ko ang phone ko at binuksan. It's full charged. Hindi na-cut ang service. Ang daming missed call ni Jake. Napangiti ako ng makita ang wallpaper. Kami ni Jake, noong masaya pa kami. Kinuha ko ang photo album na pinaglagyan ko ng ultrasound ng kambal noon.

Bitbit ko ang mga iyon palabas. Umupo ako sa kama. Bakit pa niya pa 'to kinuha? Akala ko ay nawala na 'to. Hinintay kong matapos si Jake at makalabas ng banyo. At nang lumabas siya ay hindi naman ito nagulat ng makitang hawak ko ang mga gamit ko.

"Bakit nasa 'yo 'to?" naguguluhan kong tanong.

Tiningnan niya ako habang nagpupunas ng ulo. He's on robe only.

"Kasi sa 'yo 'yan at dito ka nakatira, Alex, kahit naman na wala ka ay gusto kong nasa bahay natin ang gamit mo," sagot nito. Pinanood kong pumasok sa loob ng walk-in-closet si Jake. Hinintay ko siyang matapos.

"Paano kung hindi na ako bumalik, Jake. Paano kung nagmahal ako ng iba—"

"Then it's okay, Alex. You are my wife and this is our home. Kung nagkaroon ka ng iba, eh, di mamahalin kita kahit sa malayo, tapos siya kabit lang kasi ako legal," may pagmamayabang nitong ani.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa sinabi nito. Huminga ako ng malalim.

"Dito rin ba nakatira si Katherine at ang anak mo?" Nasaktan ako sa sarili kong tanong. Sa isiping may ibang nakatira dito bukod sa 'min ay nadudurog na ang puso ko.

"Wife, this is our home. Hindi ako magpapatira ng kung sino lang. Besides, she's fooling us. Hindi ko anak ang batang 'yon dahil wala namang lukso ng dugo," puno ng pait niyang sabi.

"Anong ibig mong sabihin? Nagpa-DNA test na ba kayo?"

"Yes, noon. It's positive but I feel it's tampered. Pwedeng dayain 'yon." I saw how his fist balled. "I promised even to God, Alex, walang nangyari sa 'min ni Katherine. Nagising na lang akong katabi siya. Kahit lasing ako'y alam ko ang ginagawa ko. Malalaman ko kung may nangyari sa 'min," puno ng diin nitong sabi.

Hindi ko alam. Mahirap maniwala ang sinasabi niya. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro