Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 86

Alex P.O.V.

HINDI ko alam kung anong mararamdaman ko ng makita ko ang mga anak ko sa pinto ng kusina. Nakangiti sila ng malawak sa 'kin. Hindi pa man ako nakakabawi ay mabilis na silang tumakbo palapit sa 'kin para mahigpit na yumakap.

"Anong ginagawa niyo dito? Hindi ba matagal kayo sa Baguio?" nagtatakang tanong ko.

"Si Tita Abby kasi, Mama! Pinamadali restaurant do'n tapos babalik na lang daw kami ulit kapag opening na," sagot ni Aris na yumakap ng mahigpit sa bewang ko. Matamis niya akong nginitian. "Mama, na-miss kita ng sobra. Sa susunod hindi na ko sasama kapag malayo. Hindi marunong magpatulog si Tita, eh!" sumbong pa nito.

Hindi ko alam kung tatawa ba ko o iiyak sa mga nangyayari ngayon at sinasabi nila. Nag-angat ako ng tingin kay Abby, nasa pinto siya at gulat na nakatingin kay Jake. Nanlalaki ang mga mata niyang tumingin sa 'kin. Napalunok ako. Nag-iinit ang magkabilang sulok ng mata ko.

"Wow!! Hindi po ba kayo ang muntikan ng makasagasa sa 'min?" amazed na tanong ni Aura kay Jake.

Nilingon ko sila. Lumuhod si Jake sa harapan nito at hinawakan sa magkabilang pisnge. Gusto kong ilayo ang mga bata pero hindi ko magawa dahil sa nakikita ko ngayon.

"Hala. Bakit ka po umiiyak? May masakit po sa 'yo?" inosente pang dagdag nito.

Jake shake his head, nag-angat siya ng tingin sa 'kin. Nagtatanong ang mga mata niya. Puno ng pagsusumamo at galak. Muling bumaba ang tingin ko sa mga bata na ngayon ay nagtataka na rin sa kinikilos ni Jake.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

Should I tell them? Or . . . I don't want to be selfish. My kids deserve a father . . .

Mariin akong pumikit at dahan-dahang tumango. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at dumilat. Pinanood kong lumapit ang mga anak namin kay Jake. Hindi ko namalayang nag-uunahan ng tumulo ang luha ko habang pinapanood sila. Ang makitang magkakasama ang mag-aama ko'y napakasarap sa dibdib.

"Bakit po kayo nandito sa bahay namin?" curious na tanong ni Aris habang nakahawak sa pisnge ni Jake.

Jake couldn't answer.

Lumakad ako palapit sa kanila at lumuhod para makapantay silang tatlo. I hold Aris and Aura's hand. Nanginginig ang mga labi kong bumubuka pero walang lumalabas. Tumingin ako kay Jake, nakatingin rin siya sa 'kin.

"B-babies . . . 'di ba may tinatanong kayo p-palagi sa 'kin?"

Aura pouted, "anong oras po kakain?" nakangising tanong niya. Napangiti ako.

Hanggang sa magkatiningnan ang dalawa. Their eyes widened na mukhang alam na ang gusto kong sabihin. Nagulat ako ng bigla silang pumalahaw ng iyak.

"Mamaaaaaaaaaaaaa! Si-siya po ba 'yung p-papa namin?!" umiiyak na tanong ni Aris.

Dahan-dahan akong tumango na mas nagpalakas ng iyakan nilang dalawa. Hindi ko alam kung anong nangyari. Nang muli akong magmulat ay nakayakap na ang dalawa kay Jake.

"I'm so sorry! I'm so sorry ngayon lang ako! I'm so sorry. I love you. I love you, two, so much! Daddy's sorry!" Jake cried along with his children.

I couldn't bear it. It's painful and fulfilling at the same time. I stand up and walk away but Abby stop me and hug me instead.

"Ate . . . "

"K-kuhanin mo na ang mga gamit natin. We are going back," pabulong kong utos bago nilingon ang kambal.

Nakatingin sa 'kin si Jake, his eyes looks happy. He mouthed 'thank you' and I just nod.

*****

MY heart is beating so fast while looking at my parent's house. Kanina pa kami nakatayo rito pero hindi pa rin kami pumapasok sa loob. Buhat-buhat ni Jake sa magkabilang braso ang kambal na tulog kaka-iyak.

"Are you ready?" he asked.

Dahan-dahan akong tumango bago lumapit sa gate. Nanginginig ang mga kamay kong pinindot ang doorbell. Lumunok ako. Nag-aalala akong tumingin kay Jake.

He gives me an assuring smile, tumingin ako sa loob ng marinig ang yapak palapit sa 'min. Lahat yata ng lakas ko ay nawala ng makita ko si Mom na gulat na gulat habang nakatingin sa 'min. Mabilis rumagasa ang luha sa mga pisnge ko.

"AUSTIN! AUSTIN!" Mom shouted while crying. She's holding the door, na para bang doon siya kumukuha ng lakas.

I cried harder when I saw my Dad. Tinuro ako ni Mommy at gano'n na sinundan naman ni Dad ng tingin. Tumingin sila sa 'kin.

"A-Alex . . ."

Mariin kong tinikom ang bibig ko bago pilit na ngumiti sa kanila. After six years nakita ko na sila ulit. Wala pa rin silang pinagbago.

"D-dad . . ."

Mabilis silang lumakad palapit sa 'kin. They open the gate and pull me for a tight hug. Gumanti ako ng mahigpit na yakap.

"B-baby . . . saan ka ba galing bata ka?! A-alam mo ba kung saan-saan ka namin hinanap?!" umiiyak na tanong ni Mom habang hawak ang pisnge ko.

"S-sorry, Mommy. I'm really sorry! Humahagulgol kong paumanhin sa kanila.

"Shh . . . don't cry, princess," ani Dad at hinagod ang likuran ko.

Humalik si Dad sa noo ko at niyakap ako ulit ng mahigpit. Gumanti ako hanggang sa mapansin kong nakatingin sila sa likod. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Humiwalay ako sa kanila at lumapit sa mag-aama ko.

The twins are already awake and looking at them. Sinensyasan kong ibaba ni Jake ang dalawa bago sila hinawakan sa magkabilang balikat. Bahagya ko silang tinulak papunta sa harapan.

"Dad . . . Mom . . ." matamis akong ngumiti, "g-gusto kong makilala niyo ang mga anak ko."

Napatakip ng bibig si Mom samantalang si Dad ay pasimpleng nagpunas ng luha. Umakbay sa 'kin si Jake. Lumapit ang kambal sa Lolo at Lola nila saka kinuha ang mga kamay para idikit sa noo nila.

"Magandang araw po," sabay na bati ng kambal.

Mangiyak-ngiyak si Mom na tumingin sa dalawa at sa 'kin. She hold Aura's chin.

"S-sila na baa ng mga apo ko?" tanong ni Mom.

Tumango ako. Yumakap ang dalawang bata sa mga magulang ko. I can see kung gaano sila kasabik sa apo. Lumuhod si Mom kapantay ng mga anak ko.

"H-hi . . . I'm your Lola Alexa."

"Hello, Lola Alexa," bati ni Aura. Samantalang si Aris ay nakatingin kay Dad.

"Hi, little man. I'm your Lolo Austin." Ngumiti si Aris at yumakap kay Dad. Kinarga ni Daddy si Aris. "Ang lalaki na ng mga apo ko," pagmamalaki ni Dad.

Nagkatinginan kami ni Jake, ngumiti siya sa 'kin.

"Anong ginagawa mo dito?" matalim na tanong ni Dad kay Jake.

"Hinatid ko po sila, Sir," ani Jake. Kumunot ang noo ko. Sir? Since when?!

"Pwede ka ng umalis. Ligtas na sila dito," ani Dad. Magsasalita sana si Jake ng mabilis bumaba si Aris kay Dad at yumakap sa binti ng ama.

"No! Hindi aalis si Papa, Lolo! Kakadating lang niya galing ibang bansa, eh!" ani niya na puno ng diin.

"Ibang bansa?" nagtatakang tanong ni Dad.

Aura answered, "opo. Kasi sabi ni Mama doon nag-work si Papa para sa 'min ni Aris. Nag-iipon siya ng pag-aaral namin next year."

Napatingin sa 'kin ang mga magulang ko pero nag-iwas ako ng tingin. Ano ang gusto nilang gawin ko? Sabihin ko sa bata na iniwan namin ang tatay nila dahil nagloko?

Tumikhim si Mom. "Sa loob na tayo mag-usap. Pati, ikaw, Jake, sumama ka," anito at naunang maglakad kasama si Aura.

Sumunod si Dad at nahuli kami ni Jake. Bumaba ang tingin ko kay Aris, tipid akong ngumiti sa kanya bago ginulo ang buhok niya.

"Anak, sunod ka na kay Lolo. May pag-uusapan lang kami ni Papa," ani ko.

Nakanguso siya sa 'kin na para bang nagdududa, "ano pag-uusapan niyo?"

"Usapang pang-matanda, anak."

"Baka paalisin mo si Papa, Ma."

Umiling ako. "Hindi, anak. Promise." Tinaas ko ang kanang kamay ko. Nang makumbinsi ay tumalikod na siya sa 'min at sumunod kina Dad sa loob pero bago siya tuluyang pumasok sa bahay ay nilingon niya ang Papa niya.

"Papa, wag kang aalis, ha."

"Opo. Sige na," ani Jake.

Nang wala na si Aris ay hinarap ko si Jake. Seryoso rin siyang nakatingin sa 'kin.

"Anong pag-uusapan natin?"

Huminga ako ng malalim. "Mabuti sigurong dumito muna kami ng mga bata," ani ko na kinataas nito ng kilay.

"Bakit? We have our own house."

"Jake, you know our situation. Napa-aga na nga ang lahat. Dito muna kami, pwede mo silang kuhanin tuwing weekends and Sunday afternoon mo sila ibabalik sa 'kin," ani ko.

Umiling siya sa 'kin. "Alex, ayoko. Ayoko ng gano'n para sa mga anak natin. Ayokong maranasan nilang para silang asong pinagpapasapasahan. Maybe I don't deserve a second chance pero huwag mo namang ipagkait sa mga anak natin ang buong pamilyang dapat sa kanila."

Napalunok ako at muling nag-iwas ng tingin. "Ayoko rin naman no'n, Jake. Kung alam mo lang kung gaano ko gustong bigyan sila ng buong pamilya pero natatakot ako. Maraming beses na kitang binigyan ng chance noon, Jake at lahat 'yon sinira mo. Hindi bale sana kung ako na lang yung masasaktan ngayon, eh, kaya lang hindi. I also have them na kapag nasaktan mo ko pwede ring masaktan sila."

Huminga ako at tumingin kay Jake. Namumula na ang mga mata nito. Parang sinasakal ang puso ko . . . dahan-dahan akong tumalikod at pumasok sa bahay namin. Huminto ako sa gitna ng sala. Ngumiti ako at pumikit. It feels nostalgic na makabalik sa bahay na 'to.

"A-Alex . . ."

Nakangiti akong dumilat at lumingon. I saw my sister, standing few meters away from me.

"Miss me?" may pang-aasar kong tanong.

Nagulat ako ng bigla siyang tumakbo papunta sa 'kin. Ikinulong niya ako sa isang mahigpit na yakap na malugod ko namang ginantihan.

"I miss you!!!" umiiyak niyang wika. Biglang tumulo ang mga luha ko. "Where have you been?! Alam mo ba kung gaano kami nag-aalala sayo?!"

Lumayo ako sa kanya, tiningnan ko siya sa mukha. "I miss you, too, Ate. I was in Bulacan. Ikaw, kumusta ka na?"

Ngumiti siya saka inipit ang ilang nahulog na buhok sa likod ng tenga. "I'm okay. May sarili na akong business ngayon."

"That's good! I'm so happy for you! May asawa ka na ba?" excited kong tanong.

Hinila niya ako papunta sa may couch, at doon kami umupo.

"I don't have a husband, at hindi na magkakaroon," may pagbibiro nitong sabi.

Kumunot ang noo ko. "How? Paano si Jack?"

Malungkot siyang tumingin sa mga mata ko. "Hindi naman naging kami ni Jack. Isang malaking laro lang sa kanya ang lahat. Walang halaga ang namagitan sa 'min."

Umawang ang labi ko. Oh, God. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nasa J taaga ang trauma!

"Don't pity me, Alexandra. It's okay dahil naka-move on naman ako. Kahit magkita kami wala ng kaso. I've moved on. Ikaw? Kasama mo ba ang anak mo?"

"Yes, nasa kitchen siguro sila kasama si Mom at Dad."

"Alright, mamaya ko na sila pupuntahan. Sinong kasama niyo?"

"Si Jake," maikling sagot ko. I saw how her lips turn into a naughty smile. "Bakita ganyan ka makangiti?"

"Did you get back together?"

Mabilis akong umiling. "No! Matagal ng tapos ang sa 'min, Ate. Hindi ko lang alam ang gagawin ko ngayon. Nahihirapan ako," pag-amin ko."

"Why is that?"

I sigh. "I . . . wanted to be legally separated to him pero ayaw niya. We both don't want to give our kids a broken family . . . pero natatakot ako." Nag-iwas ako ng tingin. "Nakakatakot sumugal."

Mahinang tumawa si Ate at kinuha ang kamay ko. "Alex, think love like a business. Kaylangan nating mag-invest, mag-put ng effort, time at trust, at nakit nakakatakot kaylangan nating magtiwala kasi paano natin malalaman kung magwo-work ba kung 'di tayo susugal."

"Ate, kung ilalaban mo ang paluging negosyo ay mauubos ka. Hindi mo mababawi ang puhunan mo."

"Pero may chance na maibagon ang paluging negosyo, Alex, kaylangan mo lang talagang matuto kung paano ito i-handle ng mas maayos ngayon."

Napalunok ako. "Paano kung ubos na? Hindi pwedeng utang nang utang dahil lulubog ka."

"Alex, mababawi at mababawi ang utang. Makakabayad ka pero . . . ikaw, desisyon mo kung hahayaan mo na lang ang negosyong bumagsak ng hindi mo inilalaban ang pinaghirapam mo," aniya.

Kinagat ko ang labi ko at inisip lahat ng sinabi ni Ate. Nasa akin ang desisyon. Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanya. Lumingon kami sa may pinto ng kusina, nakatayo doon si Mommy habang nakatingin sa 'min. Nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Mom?"

"Nothing. Let's go to eat," aya ni Mom at naunang tumalikod sa 'min. Nakangiti kaming nakatinginan ni Ate bago sumunod. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro