Chapter 85
Alex P.O.V.
GUSTO ko na lang mag-iiyak dahil sa tagal ng pag-iintay kong mawala ang traffic sa labas. Rush hour kasi.
"Hindi ka pa ba uuwi?"
Muntik na akong mapatalon dahil sa nagsalita sa likuran. Lumingon ako kay Jake, nakatayo siya mula sa likod ko. Nasa bulsa nito ang dalawang kamay. Akala ko ba kanina pa siya naka-alis?
"Wala kasi akong masakyan. Ikaw? Kanina ka pa umuwi, 'di ba?" tanong ko bago tumingin sa daan para tingnan kung may jeep o bus na dadaan.
"May nakalimutan ako kaya bumalik ako," sagot niya na ikinatango ko. Lumakad siya palapit sa 'kin. "Gusto mo bang ihatid na kita pauwi?"
"Nako, hindi na. Ayokong maka-istorbo," pagtanggi ko.
"Never kang magiging istorbo sa 'kin, Alex, saka pupunta ako kila Benjamin kaya naman madadaanan ko rin ang sa inyo." Tumaas ang kilay ko.
"Kila Benj? Meron ba silang bahay doon?"
"Oo, actually sa pinakadulo pa." Napatango ako sa kwento niya. "So, ihahatid na kita?" tanong niya ulit.
Nagdadalawang isip ako kung sasabay baa ko o hindi, baka kasi mamaya . . .
"Sumabay ka na. Baka biglang bumuhos ang ulan mahihirapan ka," paggiit pa nito.
Napakamot ako sa ulo ko bago dahan-dahang tumango, dahilan ng pagliliwanag ng mukha nito. Inabot nito ang kamay niya sa 'kin. Nagpalit-palit ang tingin ko sa kamay at mata niya.
Nag-aalangan man pero tinanggap ko pa rin. Magkahawak ang kamay naming nagpunta sa kotse niya. He opened the passenger seat for me, I went in. Sinarado nito ang door ko before walking towards the driver seat.
Pagpasok nito sa pinaadar ang sasakyan paalis. Habang nasa byahe, maririnig mo lang ang tugtuging nanggagaling sa radio.
Nakaka-ubos ng oxygen ang pwesto namin ni Jake. Parang naging sobrang liit ng sasakyan niya.
Jake's P.O.V.
"CAN I ask about our children?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
Ayokong magsimula ng panibagong away sa pagitan namin. Kanina ay halos hindi ko siya pansinin dahil na-offend ako sa sinabi niya. Oo nga't may kasalanan ako pero nagsisisi na ako.
"Okay," anito na kinangiti ko.
"Ahm . . . what is their favourite food? Things to do? Kaylan ang birthday nila? Excited kong tanong.
"Mahilig silang mag-drawing at mag-bike. Matatalino sila. Si Aris ay kamukhang-kamukha mo samantalang si Aura, mana sa 'kin. June 13 sila pinanganak," sagot nito.
Natuwa ako sa nalaman ko.
"T-talaga? S-sinong kaugali nila?"
"Wala pa kong nakikita pero humble silang dalawa at masiyahin. Mukukulit at madalas magtalo pero nagkakasundo rin anman."
"A-alam ba nila kung sino ang a-ama nila?" nag-aalalang tanong ko.
Unti-unting bumaba ang labi ko ng umiling siya.
"Sorry," tanging nasabi niya bago tumingin sa labas ng bintana.
Tumikhim ako. "Will you tell them the truth?"
Hindi siya sumagot. Napatango ako at tinuon ang atensyon sa pagmamaneho. Kung hindi pala ako dumating wala siyang balak ipakilala ako sa mga anak namin. Ngunit siguro nagbago na ang isip niya dahil sinabi niyang ipapahiram niya sa 'kin ang kambal.
Hindi ako papayag sa hiram lamang. Gusto kong magkakasama kami sa iisang bahay bilang isang pamilya.
*****
IHINITO ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada ng makarating kami sa bahay nina Alex. Nilingon ko siya at tumigil yata sa pagtibok ang puso ko dahil sa matamis na ngiting binigay nito. Akala ko hindi ko na ulit makikita ang ngiting 'yon.
"Thank you, Jake," pasasalamat nito bago bumaba ng sasakyan. Nakasunod ako ng tingin sa kanya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.
Malungkot akong ngumiti bago binuhay ang makina at nag-drive paalis. Pumunta ako sa bahay nina Benjamin.
"INOM?" bungad sa 'kin ng matalik kong kaybigan ng buksan ang gate nila. Tumango ako bago pumasok sa loob. I saw Lia standing near the stairs.
"You will be my interior designer, tomorrow until Sunday ang renovation. Monday is re-opening," bungad ko dito na malawak nitong ikinangiti. She squeal in happiness.
"OMG! I will tell this to the twins and Leo!!" she excitedly went upstairs.
Nang maiwan kami ni Benj sa salang dalawa ay nginitian niya ako pagkatapos tinungo ang pwesto kung nasaan ang mga alak. Nagsalin siya sa dalawang baso. Lumakad siya at inabot sa 'kin ang baso na tinanggap ko naman.
"Kumusta ang pagkikita pang-uumpisa nito.
"Hindi pa ba nasasabi sa 'yo ng asawa mo?" maloko kong tanong.
Tinawanan niya ako ng malakas. "Okay . . . kumusta ang pagkikita niyo ni Alex?"
"Magulo na hindi." Nilagok ko ang alak na parang tubig. "Hindi ako kilala ng sarili kong mga anak. Wala siyang balak ipakilala sa 'kin ang mga bata kung 'di pa kami nagkita. She wanted to have annulment, too."
"Pumayag ka?"
"Of course not, but she already decided."
He sigh, "nga pala, nabalitaan mo na bang nasa hospital ang anak mo?"
Kinamot ko ang ulo ko. "Pare, hindi ko anak si Jaime. Anak siya ni Katherine sa kung sinong lalaki niya." Tinungga ko ang isang bote.
Umiling ito. "Bulag ka ba o sadyang tanga lang? Hindi mo ba nakikita ang pagkakahawig ni Jaime kay Tita?"
"Para sa 'kin hindi. Anong nangyari sa bata?" pag-iiba ko ng topic.
"Nahulog daw sa bike kaya may bali ang braso."
Kumabog ang dibdib ko. "Ba't nahulog sa bike? Okay lang ba?" Ayokong aminin
"Okay na pero naka-cast ang braso niya hanggang isang buwan." Napatango ako sa sinabi niya.
Gusto kong matawa dahil mas marami pa siyang alam tungkol sa nangyayari kay Jaime kaysa sa 'kin.
"Pero, Jake, huwag ka sanang maging gano'n sa bata. Huwag mong iparamdam na wala na rin siyang ama, yung nanay nga walang pakialam sa kanya. Pati ba naman ikaw," payo nito.
"Pare, pasensya na pero hindi ko talaga kayang magpaka-ama sa batang hindi sa 'kin. Lalo na dahil siya pa ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay ni Alex at kung bakit hindi ako kilala ng tunay kong mga anak," may sakit kong ani.
"Pero walang kasalanan ang bata, Jake. Si Katherine ang gumawa ng lahat ng 'yon," ani pa nito.
Hindi ako sumagot dahil alam kong tama rin ang mga sinabi niya. Nilunod ko na lamang ang sarili ko sa alak kaysa makipag-argumento pa sa kanila. Naubos na yata namin ang dalawang bote ng vodka ng bumaba si Lia para patigilin kami.
Sumandal ako sa sofa at pumikit. Umiikot na ang paningin ko't namimigat na rin ang katawan.
"Jake . . . sa guest room ka na sa taas matulog," rinig kong ani Amelia.
Pinilit kong dumilat bago tumingin sa kanya. Umiling ako at ngumiti ng malungkot. "My wife . . . f-fetch me."
"Ha?"
"A-Alex . . ."
My wife will fetch me here . . . she wi-will.
Kahit nahihilo ay nagawa ko pa ring ilabas ang telepono ko at maiabot kay Lia. Hanggang sa nilamon na ako ng dilim na ang huling narinig ay pangalan ng asawa ko.
Alex P.O.V.
NAMUMUNGAY ang mata kong inabot ang telepono ko ng mag-ring 'to. I answered the call and nilagay sa tenga ko.
"Yeah?"
"Alex? Is this you?"
"Hmm . . ." I frowned. "W-who's this?" nagtatakang tanong ko. Huminga ako ng malalim at nilayo ang phone sa tenga ko't tiningnan ang numero doon. It's Jake's.
"Alex? This is Lia, gising ka ba?"
Nabuhayan yata ako ng marinig ang pangalan na sinabi. Dumilat ako at tumingin sa telepono.
"Y-yes . . . why?"
"Jake is here kasi and lasing. He doesn't want to stay sa guest room. Gustong umuwi," napahinga ako ng malalim dahil sa sinabi niya.
"Bakit? Nasaan ba siya?" nagtatataka kong tanong.
"We are here at Hagonoy. Ikaw ba? Where do you lived?" tanong nito.
Namilog ang mga mata ko. "Hagonoy in Bulacan?"
"Yup! Taga-Tampok kami, sa dulo papuntang bukid."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa reyalisasyong iyon. Ibig sabihin ay sa iisang purok lang kami nakatira. What a coincidence.
"Sige, just give me one hour nandiyan na ako." I ended the call at bumangon. Kinuha ko ang panjama at loose shirt, sinuot ko 'to bago lumabas ng kwarto at bahay.
*****
NAKATITIG ako sa malaking bahay sa 'kin harapan. Dito kasi nakaparada ang kotse ni Jake. Hindi ko akalaing dito pala sila nakatira. Iba nga naman ang tadhanang kumilos.
I dialled his number again to make sure na dito talaga ang bahay nila. Huminga ako ng malalim.
"Nandiyan ka na?"
"Oo."
After a few minutes ay bumukas ang pinto ng malaking bahay. Lumabas doon si Lia kasama si Jake na tulog at mukhang lasing na lasing. Lumakad ako palapit sa kanila.
"Jake?" Hinawakan ko ang kamay ni Jake at tiningnan ang mukha nito.
"He is so drunk pati na rin si Benjie-baby."
Huminga ako ng malalim at tumingin sa paligid. Masyado ng malalim ang gabi. Kaylangan na naming umalis. Tiningnan ko si Lia.
"Thank you sa pag-asikaso sa kanya, ha," nakangiting ani ko.
Ngumiti siya sa 'kin, "wala 'yon. Gusto mo bang magkape muna sa lloob?"
"Hindi na. Sobrang late na rin. Nakaka-istorbo na kami sa inyo." Unti-unti lumapit sa 'kin si Jake, yumakap siya sa bewang ko at nagsumiksik sa leeg ko.
"Kaya mo ba si Jake? Gusto mong ihatid ko na kayo?" nag-aalalang tanong ni Lia. Umiling ako sa kanya.
"Maraming salama, Lia, pero hindi na. Masyado na kaming nakaabala pero salamat talaga. Magkita tayo sa susunod."
"Okay. Mag-ingat kayo."
Nag-wave ako ng ba-bye bago tumalikod. Isinandal ko muna si Jake sa kotse. Hindi na ako nahiya kay Jake at kinapa ko na ang bulsa niya para hanapin ang susi ng sasakyan. I found it in his left pocket. Mabilis kong dinukot 'yon saka binuksan ang kotse. Pinasok ko siya sa passenger seat bago ako sumakay sa driver seat.
******
"W-WIFE . . ."
Bumaba ang tingin ko sa kanya. His eyes are slightly open. Naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa hita ko. Inabot ko ang kamay niya.
"W-where are we going?"
"Uuwi," tanging sagot.
Ilang minuto lang ang biniyahe namin bago nakarating sa bahay namin. Pinark ko sa gilid ang kotse bago pinatay ang makina at bumaba. Umikot ako sa pwesto ni Jake at binuksan ang pinto.
"Jake, tara na," aya ko sa kanya.
Dumilat siya at bumaba ng kotse. Ipinatong niya ang braso niya sa balikat ko. I locked the car door before proceeding.
Nang maibaba ko si Jake sa kama ay nakahinga ako ng maluwag. Binuhay ko ang AC at tinapik siya sa braso.
"Jake, huhubaran kita, ha? Amoy alak ka," pagpapaalam ko. Umungol naman ito kaya tinanggap ko na 'yon bilang pagsang-ayon. Mabilis kong inalis ang pagkakabutones ng damit niya pero tinapik nito ang kamay ko na ikinagulat ko. Tiningnan ko siya ng masama.
"JAKE!! Sobra ka na! Ikaw na nga inaalagaan ko!" inis kong sabi. "Kung ayaw mo, edi, huwag!" Inis akong tumalikod bago lumakad palabas ng kwarto. Inayos ko ang pagkakasara ng kurtina bago lumakad papunta sa kama ni Abby.
Humga ako sa kama at tinutok sa 'kin ang isa pang AC. Pumikit ako at pinilit matulog, ngunit pagkatapos ng limang minuto ay bumaling ako sa kaliwa at pagkatapos ay sa kanan naman. Ngunit kahit saan ako bumaling ay hindi talaga ako makatulog.
Hindi ako komportableng naririto si Jake at natutulog kami ulit sa iisang bubong. Paano na lang kung gapangin niya ako? Chos! Tumagilid ako ng higa. Dumilat ako kahit na puro kadilim lang naman ang nakikita ko. Niyakap ko ang isa kong unan at 'di naglaon ay dinalaw na rin ng antok.
Jake's P.O.V.
HEADACHE. Fucking hang-over.
Iminulat ko ang mata ko. Sumalubong sa 'kin ang hindi pamilyar na silid. Nanlaki ang mga mata ko. The room is color pink and the bed sheets is flowery.
Bumalikwas ako ng bangon at mabilis na lumabas ng kwarto ng matigilan ako sa pinto. Bumalik ako at tiningnang mabuti kung sino ito. Umawang ang labi ko. Dahan-dahan akong lumakad palapit sa kama saka umupo sa gilid ng kama.
My wife . . .
She's sleeping peacefully. I'm in her house. I'm not fucking dreaming about last night.
Magaan ko siyang hinalikan sa labi bago lumakad palabas. Inalis ko ang suot kong mga damit at pumasok sa kusina. I opened the refrigerator to check if there's food and there's a lot.
I make us a breakfast. Halos eight am na ng matapos ako sa pagluluto. Nilagay ko ang pagkain sa mesa, saktong bumukas naman ang pinto ng kwarto at lumabas doon si Alex na magulo ang buhok.
Matamis ko siyang nginitian.
"Good morning, wife."
Natigilan ang babae, nagbalik-balik sa mukha ko at hapag ang tingin niya bago nagpumirmi sa mukha ko.
"Yeah . . . let's eat, wife. Do you want coffee?"
Naguguluhan siyang tumingin sa 'kin, pagkatapos ay unti-unti ring naglakad palapi sa lamesa. I didn't wait for her answer, pinagtimpla ko na siya ng kape. Nang lumingon ako ay naka-upo na ito. Lumakad ako palapit sa kanya at ibinaba ang tasa sa gilid.
Kinuha ko ang fried rice at pinaglagay siya sa plato, pati na rin ulam. She wanted to stop my hand by raising hers but I didn't budge. I remember before I don't do this often to her. She always serves me, now, it's my turn.
"Jake, wag masaydong marami," pigil nito. "Kumain ka na rin," anito sabay kuha sa plato sa kamay ko. Tumango ako sa kanya. Umupo ako sa tabi niya, pinanood ko muna siya bago ako nagpasyang magsimula na rin.
Tahimik ang naging almusal namin. She insisted to clean up our dishes kaya naka-upo lang ako. I watch her body moves. How it sways when she's moving. And it's so damn sexy! I can't stay still. I walk towards her and hug her from behind.
She froze.
Siniksik ko ang mukha ko sa gilid ng leeg niya at hinigpitan ang yakap sa kanya.
"Ahm . . . J-Jake . . . bi-taw," anito sabay subok sa pag-alis ng braso ko sa bewang niya. Umiling ako at mas hinigpitan ang yakap sa kanya.
Matagal na simula ng huli akong makaramdam ng ganitong klaseng init. Para bang kapag binitawan ko siya ay lalamunin na naman ako ng lamig.
"I'm—"
"Alex, let's go home," bulong ko na kinabigla niya.
"Anong h-home?"
Tumingin ako sa kanya. "Umuwi na tayo. Umiwi ka na sa 'kin. I promise na hindi na kita sasaktan ulit. Ayokong wala kayo sa 'kin."
Binaklas niya ang braso ko sa bewang niya at hindi makapaniwalang tumingin sa 'kin. Dalawang beses siyang umatras.
"Jake, huwag nating madalian, please. Yes, pinatuloy kita dito pero hindi ibig sabihin ay babalik na tayo sa dati. Marami nang nangyari at gusto kong maging—"
Natigil sa pagsasalita si Alex ng may biglang sumigaw sa likuran. Sabay kaming napalingon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro