Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 83

Alex P.O.V.

MAAGA akong gumising para hindi ma-late sa trabaho. I should become professional para hindi nakakahiya. Tapos na ang sa 'min ni Jake. Tapos na. Ang mga bata . . . pag-iisipan ko pa kung ipapakilala ko na sila kay Jake pero mauuna ko silang ipakilala sa mga magulang ko.

Kakaiba ang pagmamahal ng Lolo't Lola. Masarap sa pakiramdam. Nambubusog sila ng pagmamahal, literal na busog kaya noon palagi akong nasa farm namin sa Batangas dahil nandoon ang grandparents ko.

Hindi ako nagluto ng almusal. Tuloy ligo na ako. Medyo mabilis lang dahil malamig ang tubig. Matapos akong maligo ay lumabas na ko ng cr at nagpunta ng kwarto para maligo. Nagsuot ako ng summer dress na kulay puti. Hanggang tuhod ito. May dala rin akong jacket na pangtakip sa hita ko sa may jeep mamaya.

Sumimangot ako ng makita ang lalaking hindi ko na nais pang makita na naghihintay sa may tabunan.

"Anong ginagawa mo dito?!" inis kong tanong saka lumakad palapit sa kanya.

"Sinusundo ka," prente niyang sagot.

Tinaasan ko siya ng kilay. "At bakt mo naman ako susunduin, aber?! Tumabi ka nga diyan!" asik ko.

"I just want to make sure safe kang makakarating sa café," aniya.

Inirapan ko siya. "Don't be hypocrite, Jake. Baka naman kaya mo ko sinundo dahil sinisigurado mong papasok ako!"

Nginsihan niya ako.

"Of course it not, wife. It's my duty to protect you at isa na doon ang paghatid sundo sa 'yo sa trabaho. Alam naman natin ngayong delikado ngayon tapos babae ka pa. Naka-summer dress ka pa ngayon." His eyes were serious as fuck na para bang nakikita niya pati ang kaluluwa ko.

Tiningnan ko siya ng masama. "Huwag ka ngang ganyan, Jake! Saka matagal na tayong hiwalay kaya tigilan mo ko sa husband duty mo na 'yan!"

Humawak siya sa braso ko't hinila ako.

"Ano na naman?!"

"Sa 'kin ka na sumabay. I have my car."

"Ayoko!" mariin kong tanggi. Binawi ko ang braso ko ngunit napatili ako ng huhatin niya ko na parang isang sakong bigas.

"JAKE!!!" tili ko.

Pinagsusuntok ko ang likuran niya pero walang effect.

"I already told you, I'm not the Jake you know before. I've change!" prente niyang sagot, nagawa pa niyang palutin ang pwetan ko.

"Wala akong pakialam! Ibaba mo ko!!"

He just put me down when we near his car. Binuksan nito ang pinto at pinasakay ako doon. Sinubukan ko pang lumabas sa kabilang side ng kotse pero inilagay ng hudas na 'yon sa child safety mode.

Napalunok ako ng pumasok sa loob ng sasakyan si Jake. Inirapan ko siya at humalukipkip.

"Wife, anong gusto mong design ng shop?"

Umarte akong parang walang narinig. Tumingin ako sa labas ng bintana. Napalingon lang ako sa kanya ng hawakan niya ang kamay ko. Tiningnan ko siya ng masama.

"Wife, I'm asking you," may warning sa tono niya.

Tumingin ako sa kanya. "Sir, kayo ho ang magdedesisyon niyan. Hindi ako."

"Your still my wife kaya kung anong suggestion mo ay susundin ko," dagdag niya.

Umirap ako. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo, Jake Anderson na matagal na tayong tapos! Matagal na tayong hiwalay! Legalisasyon na lang ang kaylangan!"

Nakakaloko niya kong nginisihan. "At ilang beses ko rin bang sasasabihin as 'yo, mahal kong asawa, na hindi pa tayo tapos. At oo nga, matagal na tayong hindi nagkita at nag-usap pero hindi tayo hiwalay. Hindi naman ako pumayag at hindi papayag sa anumang hiwalayan."

Napa-irap ako sa hangin at tumahimik na lang. Nakaka-inis! Nakakagigil. Panay ang sulyap siya sa 'kin. Tanong siya nang tanong kaya tumatango't iling na lang ako.

Kaagad akong bumaba ng kotse ng makarating kami sa café. Mabuti na lang at sarado pa ito. Wala pa si Deth at Ariel. Kinuha ko ang susi ko sa bag ko at binuksan ko ang café. Pumasok ako sa loob at dumeretso sa locker room. Sinuot ko ang apron ko bago lumabas.

Naabutan ko si Jake na nakatayo malapit sa counter, tiningnan ko siya ng masama bago nagtuloy. Inayos ko ang gamit namin doon.

"Wife ko, kumain ka na?"

"Gusto mo ba ng coffee? I'll make you one."

"When is the birthday of the twins?"

Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang sarili ko na makapagsalita ng mali pero sadyang nauubos na ang pasensya ko.

"When can I meet—"

"ENOUGH!" malakas kong sigaw na nagpatigil sa kanya. Tiningnan ko siya. "Can you please stop?! Gusto kong kumilos in peace kaya wag kang maingay!" asik ko.

Mabilis naglaho ang saya sa mukha niya at napalitan ng lungkot. Nag-iwas siya ng tingin. Hindi ko alam pero biglang bumigat ang pakiramdam ko. I feel the guilt.

"S-sorry, wife . . . sa susunod hindi na ako mag-iingay masyado," mahina nitong paumanhin. "Y-you can find me in o-office," anito saka tumalikod paalis.

Napalunok ako. "I'm sorry."

Hindi na niya narinig dahil nakapasok na siya sa loob ng office. Mas tumindi ang guilt na nararamadaman ko.

"Hi, Miss Crystal!"

Lumingon ako sa pinto ng batiin ako nina Ariel at Deth na kadarating lang. Pilit akong ngumiti sa kanila.

"Good morning," mahinang bati ko. Dumeretso sila sa kusina, paglabas ni Deth ay naka-apron na siya.

"Aga mo ngayon, Miss Crystal. Dati-rati nauuna pa kami sa 'yo pero iba ngayon," nakangiting sabi nito.

Yeah, nakakapanibago niya dahil madalas akong late. Noong minsan ay na-lock sila sa labas kaya nagpagawa na ako ng ilang copy para tigi-tigisa kami. Ang kaibahan lang ay nasa akin ang susi ng lahat sa café sa kanila sa main door lang.

"Oo nga. Pero mas nauna sa 'kin si Sir. Nasa office," pagpapaalam ko at bumalik sa ginagawa ko kanina. Tumabi siya sa 'kin para tumulong.

"Sa tingin mo kaylan ipapa-renovate ni Sir 'tong café? Kasi syempre, kapag inayos 'to mawawalan tayo ng trabaho. Ending walang kita," anito.

"Hindi ko alam pero kung gusto mo ay itatanong ko sa kanya para alam natin ang details," ani ko, kinuha ko ang record at nagsulat.

"Sayang nga, noh, may asawa na si Sir," ani Deth na nagpatigil sa 'kin. Tiningnan ko muna siya bago bumalik sa ginagawa ko. "Ang swerte ng asawa ni Sir. Gwapo, mayaman at mabait."

Pinigilan kong umirap. "Paano naman naging swerte 'yon? Gwapo nga 'di ba? Habulin ng mga babae, sakit ng ulo." I pouted my lips, like duh?!

"Weh? Mukha namang loyal si sir, eh," laban ni Deth.

"Loyal pero faithful ba?"

"Bakit? May pinagka-iba baa ng loyal sa faithful?" naguguluhang tanong niya.

"Meron at malaki! Kung faithful ka, hindi ka na titingin sa ibang babae, never kang magkakagusto sa iba pero kung loyal ka lang. Magi-stick ka sa one person na sasabihing mahal mo pero magmamahal ka pa ng iba. Like example, may ulam ka ng adobo pero panay tikim mo pa rin ng ibang putahe pero sa adobo ka pa rin umuuwi," paliwanag ko.

Namilog ang mata ni Deth. "Hala siya?! Bitter ka, Miss Crystal?!" tanong nito. Umiling ako at saka tumalikod sa kanya. Nagpunta ako sa stockroom sa likod dala ang record book at pen para mag-check ng stocks namin.

I'm not bitter! I'm a butter melting in Jake's arm este better! Sinabunutan ko ang sarili ko. Hoy, Alexandra Crystal Villafuerte – Anderson soon to be single again! Umayos ka! Huwag kang marupok!

Jake's P.O.V.

I ADMIT, nasaktan ako ng sigawan ako ni Alex. Nasaktan ako sa mga salitang binitawan niya dati ang gusto ko lang naman ay bumalik kami sa dati. Gusto ko lang naman makilala ang mga anak namin.

Kaya ko silang ipahanap at paimbestigahan pero gusto kong manggaling ang impormasyon kay Alex para hindi niya maramdamang inaapakan ko ang pagkatao niya. Pero medyo . . . sobra na siya ngayon.

Tao rin akong nasasaktan at nagagalit. Napupuno. Masama bang magtampo ng kaunti sa kanya?

Bumaba ang tingin ko sa phone ko ng mag-ring 'yon sa ibabaw ng lamesa. Kaagad kong kinuha't sinagot.

"Yes, Dad?"

"Son, where are you? Wala ka sa office?" tanong ni Dad sa kabilang linya.

"Nasa Bulacan, Dad. I told you na may café akong binili at titingnan kung magiging maayos para makapagpatayo ng branches," ani ko.

"Okay pero ba't hindi mo sinama si Jessie? Hindi ka ba nahihirapan diyan? You don't have a secretary."

Huminga ako ng malalim. Should I tell them that I already find Alex? "I-I'm fine, Dad. Saka may iniwang secretary-slash-manager ang dating owner ng café kaya may katulong ako."

"Good. Bueno, bumalik ka sa May nineteen dahil anniversary namin ng Mom mo. You know her, gusto niyang magkakasama tayo tuwing anniversary namin," pagpapaalala niya.

I looked at a calendar in my side to look at the date. That's next week, today is May twelve. I can still talk to Alex to bring the kids to their special day.

"We'll see, Dad. I need to go. Take care and say I love you to Mom for me." I ended the call and put down the phone. Tatayo sa na ako ng biglang pumasok sa loob ng office si Amelia. "What are you doing here?"

Bored niya kong tiningnan bago niluwagan ng bukas ang pinto. Nakita ko sa labas si Zia and Black.

"We are here to help you! Nasabi ng asawa ko na ipapa-renovate mo raw itong café," she said.

Umiling ako sa kanya. "No need, Lia. Kaya ko na," ani ko.

"But Kuya, I can help you! I'm a designer, so I can do some interior design for you café," ani Zia sabay paita sa hawak niyang sketch pad.

"We will bring the life back in this boring café," dagdag ni Black.

Tumayo ako at hinila palabas ng office si Lia. Hindi pa dapat nila makita si Alex ngayon. Not now na nag-iisip na siyang iwan ako kapag bumalik siya sa dati niyang buhay.

"Halika na kayo. You have to go," may pagmamadaling ani ko sa kanila. I didn't bother to close my office door. Tinuro ko ang pinto. "Leave!" Nilingon ko ang counter, nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala doon si Alex. Maybe she's in stock room or kitchen. That's great. Para hindi sila magkita. Lalo na si Lia.

"Bakit ba pinagtatabuyan mo kami? Hindi ba pwedeng magkape muna kami?" puno ng pagtatakang tanong ni Lia saka naglakad palapit sa bakanteng lamesa at umupo. "Hindi ka ba na-touch? Tutulong kami ng free sa 'yo."

"Oo nga. Are you hiding something from us?" mapanuring tanong ni Black.

Huminga ako ng malalim at tiningnan sila ng marahan. "I'm not hiding anything, Black. I just want you to go home to take care of your childrens'."

"Sorry ka pero wala pa kaming baby ni Benjie-boy ko so walang aalagaan," nag-aasar na sabi ni Lia.

Mariin akong napapikit. Dumilat ako at magsasalita pa sana ng maunahan ako ni Klyzia na nakatingin sa likod.

"Ate Alex," pabulong na sabi ni Zia.

Marahas akong lumingon. I saw Alex standing like a statue. Naka-awang ang bibig nito at nanlalaki ang mga mata.

"Alex . . ."

And just like that . . . I'm doomed!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro