Chapter 81
Alex P.O.V.
ALAS-OTSO na ng umaga pero wala pa rin akong ganang nakahiga sa kama. Tamad na tama akong pumasok sa trabaho dahil sa pagod lalo na't late na rin akong nakatulog kagabi sa pag-iisip sa walanghiyang Jake na 'yon.
Natigil lang ako sa pag-e-emote ng mag-ring ang phone ko. Ang caller ID ay si Abby. Agad kong sinagot ang tawag.
"Hello?"
"Mama!!! Good morning!!" malambing na bati sa 'kin ni Aris sa kabilang linya. Bumangon ako't sumandal sa bakal na headboard ng kama.
"Good morning, baby. Kumusta kayo ni Aura? Si Tita Abby?"
"Okay naman kami, Mama. Naka-loud speaker ka, ma, naririnig ni Aura."
"Good morning, Aura. Kumain na ba kayo, anak?"
I hear her small laughter na nagpangiti sa 'kin. "Opo. Nag-order si Tita sa hotel."
"That's good. Mabait ba kayo kay Tita? Baka nagpapasaway kayo, ha. Lagi ring kumain sa oras at matulog ng maaga," bilin ko. I can already imagine their faces. Nakanguso at kunot ang noo.
"Opo, mama."
"Okay. Kakausapin ko si Tita Abby. Nasaan siya?" Narinig kong tinawag ni Aris si Abby.
"Hello?"
"H, Abby. Kumusta kayo?"
"Okay naman po. Mamaya magpupunta kami sa lugar kung saan itatayo ang second branch ng A and A," anito.
Napatango ako. "Mag-iingat kayo, ha. Kung maari wag mong tanggalan ng tingin ang kambal. Kilala mo naman sila."
"Noted, ate. Ikaw po kumusta diyan? Yung pagkikita niyo ni Kuya Jake?" Humina ang boses nito ng banggitin niya ang lalaki.
Nagbuntonghininga ako. "Eh, di, ayun. Nabigla ako, pagkatapos hindi pa ko inaalisan ng tingin ng walanghiya. Hindi ko nga alam kung papasok pa ba ko ngayon sa trabaho."
"Problema nga po 'yan, Ate. Sana nandiyan kami para sa 'yo pero . . . matatagalan kami dito. Kaylangan bantayan ang restaurant. Kung gusto mo po uuwi—"
"NO!!!" mabilis kong pigil. "Diyan lang kayo! Mas okay na malayo ang kambal para hindi sila magkita-kita. Titingna ko pa kung fit si Jake maging tatay, ayokong masaktan ang mga anak ko kapag nagkamali siya," mariin kong ani.
I heard her sigh. "Sige po. Ahm . . . ate, kaylangan ko na pong umalis kasi papaliguan ko pa ang kambal."
Ako na ang nagbaba ng tawag. Limang minuto na ang lumipas pero nakatitig pa rin ako sa pader. Hindi na muna ako papasok ngayon, bukas na lang. Sasabihan ko na lang silang may hang-over pa ako. I-dinial ko ang number ni Deth, isang ring at sinagot na rin niya agad 'to.
"Yes, hello?" ani Deth sa kabilang linya. I can hear loud noises there. I frowned.
"Deth, si Crystal 'to," pagpapaalam ko habang nakikinig sa kabilang linya. Nawala ang kunot ng noo ko't nanlaki ang mga boses. Shit! Don't tell me—
"Oh, Crystal. Hindi ka papasok? Late ka na," anito.
I cleared my throat before answering. "Oo . . . I have a hang-over pa kaya hindi ako makakapasok. B-bakit nga pala maingay diyan?" kabado kong tanong.
"Ah. Nandito kasi ang mga kaybigan ni Sir. Tinitingnan yung café kasi magpapalit siya ng theme, 'di ba dahil papalakihan ang café. Lahat ng friends ni Sir ang gwa-gwapo kaya lang lahat puro may asawa na," nanghihinayang nitong ani.
"Okay. Update me sa problems ha."
"Okie!"
After our call ay lumabas na ako ng kwarto. I went to the kitchen to make myself a coffee and went back to my room. Pinatay ko lahat ng ilaw at nagbukas ng AC. Nagbabakasakaling makatulog ako't magising na panaginip lang ang lahat.
Jake's P.O.V.
INIP na inip akong naghihintay sa opisina ko kay Alex ngunit anong oras na pero wala pa rin siya. Nag-iisip na ko na baka hindi siya pumasok—or tumakas na naman siya't taguan ako! No!
"She can't fucking leave me again! Hindi na pwede!" galit kong sigaw at sabay tayo para sana lumabas pero naunang bumukas ang pinto ng office. Lumabas doon si Hunter at Benjamin. Kumunot ang noo ko't napa-upo ng pumasok sila sa loob.
"What the hell are you doing here?!"
Nagkatinginan silang tatlo bago lumakad palapit sa table ko. Hunter and Henry sat down to visitors chair while Benj looking around.
"Hindi mo kami sinabihan, Jake? Hindi mo na ba kami mahal?!" nasasaktang arte ni Henry.
Tiningnan ko siya ng masama bago binato ang lapis na nadampot ko. Magaling umilag ang gago.
"Paano niyo nalaman ang lugar na 'to? Wala pang nakakaalam nito except from Dad and my father-in-law."
"Well, nakakalimutan mo yata si Jessie. She's our friend," ani Benj na ikina-iling ko.
Bumuntonghininga ako at sumandal sa upuan ko. "Do you like coffee?"
"No, thanks. Kung may beer or juice iyon na lang. Ang init kaya ng panahon," ani Hunter.
"There's no beer here. Café nga, eh!" asar kong sabi. "Who's with you?"
"Our wives."
"Where are they?"
"Outside."
That's our cue to go out of the office. Naabutan ko sa labas si Zia na nakangiti ng malawak sa 'kin.
"Hi, Kuya!!" masiglang bati ni Zia.
Yumakap siya sa 'kin na ginantihan ko naman. Hinalikan ko siya sa noo.
"Hi. Where's Black?"
"Nasa labas may kausap," sagot nito at lumingon sa labas. Dahil salamin ang nagsisilbing pader ng café ay kitang-kita ang mga nasa labas. Doon ko nakitang may kausap na lalaki ang kapatid ko.
"Sino ang kausap niya?" tanong ni Hunter na nasa tabi na pala namin.
"I don't know. Basta pogi yung kausap niya, importante raw," ani Zia.
"Sinong gwapo, mahal ko?" malambing na tanong ni Henry sa kapatid ko.
Tiningnan lang naman siya ng masama ni Zia at nag-umpisa na silang mag-away doon. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. There's no sign of Alex. Mas lalong kinabog ng malakas ang dibdib ko.
Lumakad ako palapit kay Deth na nasa likod ng counter.
"Nasaan si Al—Crystal?" tanong ko. Anong oras na kasi. Hindi na niya ko pwedeng iwan. Hindi na.
"Ay, Sir . . . kakatawag niya lang sa 'kin. Hindi raw po makakapasok kasi may hang-over," ani Deth na nag-aayos ng kape.
Nagtataka ko siyang tiningnan. "Hang-over?" She barely drink last night and hang-over?! Ikinuyom ko ang kamao ko. Is this her way of avoiding me?
"Opo, Sir. Bukas po baka pumasok na siya," dagdag pa nito. Napatango naman ako at akmang tatalikod ng may maalala. "Alam mo ba ang bahay nila?"
Matamis siyang ngumiti sa 'kin. "Sa Hagonoy, Sir."
Tumaas ang kilay ko. Hagonoy? It sounds familiar. "Saan banda doon?" hindi ko napigilang itanong.
Nagsulat ang babae sa papel at inabot sa 'kin pagkaraan ng ilang minuto. Inabot ko 'to na may ngiti.
"Can I have her number para may connection na ako sa kanya," isa ko pang alok. Tumango naman siya at dinikta ang number ni Alex na ni-type ko in my phone.
Bumalik ako kina Benj nagpaalam na aalis muna ako dahil may importante akong pupuntahan. Ibinilin ko muna kay Deth ang café habang wala ako.
Sumakay ako sa kotse ko't pinasibad paalis doon. You're so dead, Alexandra Anderson. So dead!
Alex P.O.V.
"HMM" napatakip ako sa tenga ko ng marindi na sa ingay sa labas. Akala ko'y mawawala lang din 'yon pero hindi. Mas lalo pang lumakas. Inis kong inalis ang unang nakatakip sa mukha ko't bumangon.
Napahilamos ako ng mukha ng makitang past lunch na. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan 'yon. May ilang missed call rin galing sa unregistered number. Damn! Balak bang sirain ng kumakatok na 'yon ang pintuan ko?!
"SANDALI!!!" gigil kong sigaw ng makalabas ng kwarto. Lumapit ako sa pinto at inalis ang lock para lang tumambad ang mukha ng taong ayoko ng makita pa. Seryoso ko siyang tiningnan. How did he know where I lived?!
"WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE?!" Namewang ako.
Matamis niya kong nginitian sabay taas ng kanang kamay. Pinapakita ang hawak nitong plastic na may lamang kung ano. Pinag-krus ko ang braso ko sa 'king dibdib at tinaasan siya ng kilay.
"Deth said you have hang-over kaya dumaan ako sa restaurant at nag-order ng soup. It's already lunch kaya nag-order na rin ako sa fast food ng favourite mo." Inabot niya sa 'kin ang mga plastic na kinuha ko naman.
Of course, kay Deth niya nalaman. Nakalimutan kong sabihang huwag ipagsasabi ang place ko.
Akma kong isasarado ang pinto ng iharang niya ang kamay niya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ano na naman?!" inis kong ani.
Nginisihan niya ako. "Won't you ask me to come in? Hindi pa rin naman ako nagla-lunch."
Mariin akong pumikit at huminga ng malalim. Jusko naman!
Hinilamos ko ang palad ko sa 'king mukha bago malaking ibinukas ang pinto. Nakangiting pumasok sa loob ang lalaki.
"Wala kang gagalawing kahit ano dito! Wag kang maingat at higit sa lahat pagkakain mo aalis ka na!" pa-singhal kong utos.
Sunod-sunod ang pagtango nito na parang isang maamong tupa.
Siguradong pagsisisihan mo ang lahat ng 'to, Alexandra.
Umirap ako saka naglakad papuntang kusina. Naglabas ako ng dalawang plato't hinain 'yon sa mesa. Binaba ko na ang plastic at inilabas ang mga pagkain.
"Wala kang kasama?" malambing na tanong ni Jake habang naglilibot ng tingin. Maliit lang ang sala ko kaya naman makikita mo agad ang buong lugar.
"Nasa Baguio si Abby dahil may kaylangang asikasuhin," malamig kong sagot at kumuha ng kubyertos.
"S-sila ba ang—?"
"Sila ang alin?" nagtataka kong tanong.
Nilingon ko si Jake na ngayon ay nakatingin sa isang picture frame. Mabilis akong lumapit sa kanya at tiningnan ang picture doon.
It's the twins.
Namamangha siyang tumingin sa 'kin. Ang mga mata niya ay namumula kasabay ng pagtulo ng mga luha.
"Are they my c-children?"
Hindi ako nakasagot. Nanginginig ang kamay kong binawi ang picture frame at binalik kung saan 'yon nakalagay. Tumalikod ako sa kanya.
"I-I deserve to k-know the truth, Alex . . . k-kahit sa-sagutin mo man l-lang ako. T-they are still m-mine," his voice broke.
Napalunok ako at nilingon siya. His eyes are already swollen.
"Y-yes . . . s-sila ang anak ko." They are just mine. Naglakad ako papunta ng kusina. "Kumain ka na at umalis," tanging nasabi ko. Umupo ako at nagsimulang kumain.
Umupo siya sa tabi ko. "Anak ko rin sila. I'm their father!" paglalaban niya.
Tiningnan ko siya ng masama. "Wala naman akong sinabing hindi."
"What's their name?"
Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi. Pinagpatuloy ko ang pagkain ko.
"I want to know their names, please, Alex. K-kahit pangalan lang."
His voice! Damn his voice! He is begging!
"Aurora Light and North Polaris . . ." mahina kong ani.
"W-what's their su-surname?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro