Chapter 80
Alex P.O.V.
KUNG maari ko lang pahintuin ang oras ay ginawa ko na sana. Panay ang tingin ko sa wall clock na nakasabit sa dingding. Four pm and we're about to close.
"Ni-cut pa ang oras ng shift dahil sa despidida sana kanina pa para di na tayo napagod. Saka mhie, baka naman matunaw 'yang orasan kakalingon."
Boses ni Deth ang nagpabalik saa 'kin sa reyalidad. Nagtataka ko siyang nilingon.
"Ha?"
"Kanina pa kita napapansin na kada thirty minutes tumitingin ka sa orasan," anito.
I pouted my lips. "Hindi, ah. Bilisan mo na diyan para matapos tayo agad." Inayos ko ang laman ng kaha.
Maloko niya akong nginisihan. "Ikaw, ha! Bakit? Gusto mo bang mapabilis ang oras para makasama si Sir Jake?" nanunukso niyang tanong.
Nanlalaki ang mga matang tumingin ako sa kanya. "Ano ba 'yang sinasabi mo? Kilabutan ka nga!" Kung alam mo lang ayoko siyang makasama! Gusto ko sanang idagdag 'yon pero pinili kong itikom na lang ang bibig ko.
Hindi na rin nagsalita pa si Deth pero nandoon pa rin ang mapanuksong mga tingin niya.
"Anong hinahanap mo, Miss Crystal?" tanong ni Ariel na nasa likuran ko.
Humarap ako sa kanya. "Nag-check lang ako. Nga pala, wala bang kulang na supply?"
"Wala naman po. Kasya hanggang Sunday. Pero kung gusto niyo rin po mag-order na tayo ng harina kasi baka tumaas na naman."
"Okay. Pakilista na lang din yung ibang kaylangan at kulang para masabi sa supplier," utos ko bago tumalikod pero naalala ko ang cake na sinasabi niya kanina. Nilingon ko ulit siya. "Nasaan na nga pala yung cake?"
Tinuro niya ang oven. "Nandoon pa po. Maya-maya pwede na 'yan." Tumango ako at lumakad paalis. Nag-aayos ako ng mga lamesa ng marinig ko ang boses niya sa likuran ko.
"You're so hardworking, wife."
Hindi ko nilingon si Jake, instead kay Deth ako tumingin para makita kung nakatingin ba siya sa 'min but she's nowhere to be found.
"Because this is my job, sir," madiin kong ani. Akmang lilipat ako sa kabilang table ng hawakan niya ako sa braso't ihinarap sa kaniya. Masama ko siyang tiningnan at sinubukang bawiin ang braso ko but he won't let go. "Let go of me!"
"Not so fast, wife. We still need to catch up," anito't hinila ako pa-upo. Bale nasa harapan ko siya.
Sumandal ako't tumingin sa labas ng bintana. Nakakainis! Sobra! Kung bakit ba naman kasi kaylangan naming magkita agad! Babalik naman na ako, ah. Napuno ng katahimikan ang pagitan namin.
"Kung wala kang sasabihin pwede na ba kong umalis dahil madami pa kong gagawin," masungit kong sabi. Akma akong tatayo ng hawakan niya ang kamay ko.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napalunok ako.
"How are you, wife?" mahina niyang tanong.
Gusto kong matawa. "I'm good. Happy. Satisfied!"
"Wouldn't you ask me?"
Dapat ko bang sabihin, he looks like a shit! Mahaba ang balbas. Madilim ang ilalim ng mata and his body . . . nangayayat.
"Actually I don't care about you anymore, Jake."
Bumalatay ang sakit sa mata nito. "Alex . . . you left me—"
"Oh, don't give me that crap, Jake! You know the reason why I leave! Sa nakikita ko naman ngayon buhay ka pa so, don't act like a victim."
Huminga ng malalim si Jake bago ako binitawan. Hinilamos nito ang palad sa mukha bago tipid na ngumiti sa 'kin.
"Where's our baby?" he asked.
Tumaas ang kilay ko. "May anak ka pala?"
Umawang ang labi nito ngunit agad ring napalitan ng galit.
"Don't play with me, Alex! Where's our son?"
Nginitian ko siya ng matamis at tumayo ng walang paalam. Anong son? Hindi lang son ang meron siya! Pati daughter meron ka!
Pumasok ako sa kusina at doon na lang pumuwesto para hindi na ulit makasalubong si Jake sa labas. Tss . . . he is acting like a victim! Damn him!
******
"ORDER na kayo ng kahit anong gusto niyo," ani Jake habang nakangiti. Pinigil kong umirap dahil doon. Napalingon ako kay Deth na kumalabit sa 'kin.
"Bakit?"
Tinuro niya sa 'kin ang menu. "Tingnan mo . . . ang mamahal!" Nakabukas na ang menu na hawak nito kaya naman nakita ko ang prices. At oo nga. Mahal nga dito. Sa hitsura pa lang ng restaurant mahahalata mo ng pang-may kaya.
In almost six years of me living in shadows ngayon lang ulit ako nakapunta sa ganitong lugar. Mas pinili ko na sa labas kumain kung saan maayos ang servings and lasa ng food sa abot kayang halaga.
"Yeah."
"Anong gusto niyo?"
Napa-angat kami ng tingin kay Jake na nakamasid sa 'kin. Kanina pa siya ganiyan. Para bang takot na takot na mawala ako.
"Kahit ano na lang, Sir. Hindi po kasi namin alam kung anong masarap dito, eh," nadinig kong sagot ni Ariel.
Inilabas ko ang phone ko para mag-text kay Abby. Nakalimutan kong sabihing i-update niya ako palagi lalo na kapag nakarating na sila sa Baguio.
To: Abby
Nasaan na kayo, Abby? Kumusta ang kambal?
Almost six na kasi and knowing my kids, they will be hungry this time. Nakakalungkot na uuwi akong wala ang mga anak ko sa bahay. I smiled. Bumaba ang tingin ko sa phone ng mag-vibrate 'yon.
From: Abby
Nasa hotel na po kami, Ate. Natutulog na ang kambal sa pagod kakalaro.
Napangiti ako sa nabasa ko. Akma akong magre-reply ng may sumipa sa paa ko. Nag-angat ako ng tingin, doon ko lang napansing madilim ang mukha ni Jake na nakatingin sa 'kin. Ano na naman?!
"Sinong ka-text mo?" tanong ni Romano.
"Si Abby. Kinukumusta ko lang," sagot ko saka binalik ang phone sa bag. Mamaya na lang ako magre-reply dahil may bwisit sa paligid. "Order na tayo."
Jake ordered for everyone dahil hindi raw nila alam ang ibang masarap. Okay naman lahat ng kinuha nito. My friends will like it surely.
Ako lang yata ang tahimik sa lamesa namin. Napaka-ingay kasi nina Romano, panay kwento ng kung ano-ano. Muli kong inilibot ang tingin ko sa paligid dahil sa boredom.
"Gusto niyo bang magdagdag tayo ng tauhan sa café tapos papalakihin natin?" biglang tanong ni Jake.
Natigil sila sa pag-uusap at napatingin kay Jake. Seryoso ang mukha ng lalaki.
"Talaga, Sir? Pwede 'yon?!" hindi makapaniwalang tanong ni Deth.
"Why not? Kung mage-extend tayo ng café pwede nating ipa-renovate and mas gaganda ang café. We can take the other unit."
"Mas okay 'yon, Sir," ani Deth.
"Magandang umpisa 'yon, Jake. Kilala na ang café kaya mas darami ang customer kapag naayos," ani Romano.
"Pwede rin po tayong magdagdag ng bagon products," ani muli ni Deth na tumingin kay Ariel. "Hindi ba may ginawa kang bagong cake?"
"Oo, nandito. Mamaya natin kakainin."
"Ano naman ang masasabi ng manager nating walang kibo?" baling sa 'kin ni Romano. Kung pwede ko lang talaga siyang sakalin ginawa ko na.
"Magandang idea 'yon tapos magdagdag pa tayo ng two workers para may tumulong sa paggawa ng cake and kape," mahina kong sagot.
"Then great."
Hindi na pa nasundan ang usapan dahil dumating na ang order namin. Naglaglag ang panga ko ng ma-realize kung gaano 'yon kadami. Halos napuno na ang table namin.
"Hindi ba masyadong marami 'to?" wala sa sariling tanong ko.
"Hindi, noh! Saka, Sir, pwede po bang mag-take out?" walanghiya-hiyang tanong ni Deth.
Jake nod, "oo naman. You can order na pang-take out if you want."
Kaloka. Kung hindi pa sila mabubusog dito, ewan ko na lang talaga. Inabot ko ang kubyertos at nag-umpisa ng kumain. Nagu-usap pa rin sila about sa plano sa café. Kapag kaylangan lang ay doon ako sumasagot.
After we eat ay nag-order ng isang bucket ng beer si Jake. Samantalang yung cake ay ginawa naming panghimagas.
"Sir, pwede ba kaming magtanong sa personal life mo?" ani Deth.
"Go on."
"May girlfriend na po ba kayo, Sir?"
Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong tubig sa tanong ni Deth sa lalaki. Ano ba naman 'yan?! Nakakaloka!
"Nah. I don't have a girlfriend," ani Jake while looking at me. Eh, ano? Ba't sa 'kin ka nakatingin?!
"Ay, sayang bakit po?"
"May asawa na kasi ako."
Tuluyan ko nang naibuga ang tubig na iniinom ko. Napa-ubo ako dahil may pumasok sa ilong ko pero hindi ako no'n napigilang tingnan ng masama si Jake. Huwag na huwag niya lang talagang sasabihing ako ang asawa niya kundi maghahalo ang balat sa tinalupan!
"Nasaan po siya, Sir? Makikita mo ba namin siya sa café?" segunda ni Ariel.
Tumawa ng malakas si Romano kaya sa kanya napunta ang atensyon namin. Kinuha ko ang table napkin at masama rin siyang tiningnan.
"Yeah. Makakasama natin siya sa café."
Kahit hindi ako nakatingin kay Jake ramdam ko ang mainit niyang tingin sa 'kin.
Nag-umpisang manuyo ang lalamunan ko. Inabot ko ang isang beer at inisang lagukan 'yon. Nag-iwas ako ng tingin sa kanila. Yung puso ko, sobrang kabog nito na parang anumang oras ay sasabog na.
"Ilang taon na po kayong kasal, Sir?"
"Six years. Umalis kasi siya kaya hindi kami madalas nagkikita."
"Ang tagal na pala, Sir. Dasal reveal naman po para magka-asawa na rin ako," ani Deth.
Nag-angat ako ng tingin sa kanila. Ngayon ko lang napansing nakatingin sa 'kin si Romano. Ngumisi ako sa naisip.
"Oo nga. Mabuti pa mag-asawa ka na, ayan si Ariel available," tukso ko sa dalawa. Nagkatinginan sila at pareho pang nagkahiyaan.
"Crystal! Nakakahiya kay Deth!" mahinang ani Ariel.
"Baka naman kinikilig!" dagdag ko pa.
"Tama na 'yan!" pigil ni Romano at tinaas ang bote ng beer. "Let's cheer for your new boss!" anito.
We raised our bottles and tap it lightly.
"For new boss!" sabay-sabay naming sabi.
After that Romano smiled at us that makes me emotional. I know that kind of smile. A goodbye one.
"Thank you for the six years of friendship, family and love . . . " he said while looking at Deth. "Hinding-hindi ko kaya makakalimutan. You make the six years of my life so memorable even were just in café. I wish all good things for everyone. Thanks again, people. Cheers!" masiya niyang sabi't nagtaas ng boses.
Ngumiti ako sa kanya. Tumango naman siya sa 'kin.
"We will miss you, Romano," umpisa ko. "Kahit hindi na ikaw ang owner ng café ay still part ka pa rin ng pamilya. Don't hesitate to comeback if you want to." Tinaas ko ang bote ko ng alak. "For Romano."
Nagtaas rin sila ng bote.
"For Romano!" sigaw naming lahat saka tumawa.
Naging masaya naman ang pagsasama-sama naming 'yon kahit naroroon si Jake. Hanggang sa natapos ang dinner. I was currently waiting outside the resto-bar.
"Mauuna na kami, Crystal, sabi ni Sir isasabay na raw niya kami kasi on the way naman," ani Ariel habang nakatayo malapit sa kotse ni Romano.
Nginitian ko sila. "Okay. Mag-ingat kayo. Bukas na lang ulit."
Nagpaalam na rin sila sa demon na nasa likuran ko ngayon. I waved my hands goodbye and watch their car leave.
Akmang tatawid ako sa kabilang kalsada ng tawagin ako ni Jake. Nilingon ko siya.
"Ano na naman?!" inis kong tanong.
"Ihahatid kita."
I rolled my eyes and umiwas ng akma niya kong hahawakan. Nginitiang aso ko siya.
"No need. Six years na kong umuuwing mag-isa, wala namang nangyari sa 'kin." Tumalikod ako pero mas mabilis siya dahil naharangan niya na ako.
"Alex don't push me. Kanina pa ako nagtitimpi. You hide for six years, hindi ko nakilala ang anak ko dahil do'n!" galit niyang saad.
Pinaningkitan ko siya ng mata. "Wala kang karapatang pagsalitan ako ng ganyan! Una sa lahat alam mong ikaw ang rason kung bakit ako umalis at nagtago! Pangalawa, may anak ka naman sa ibang babae kaya wag mo ng guluhin ang anak ko! Ikaw ang nagloko! Ikaw ang nambabae't hindi nakuntento!" Pinagsasampal at suntok ko ang mukha't dibdib niya. Wala na akong pake kung nakakagawa man ako ng eksena.
Hindi ko na-realize na umiiyak na pala ako. Siya pa ang may ganang magalit kahit siya ang may kasalanan sa 'ming dalawa. Kasalanan ko pa ba 'yon? Madiin kong pinunasan ang pisnge ko bago sumakay sa paparating na jeep na pauwing Hagonoy.
Ang iilang kasabay koy pinagtitinginan ako pero nag-iwas ako ng tingin. Suminghot ako bago naglabas ng phone to message Abby.
To Abby:
Ikaw muna ang bahala sa kanila, Abby. Nakita na ako ni Jake dahil siya ang bagong may-ari ng café.
I put the phone back to my back and cried silently.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro