Chapter 79
Jake's P.O.V.
I'M GOING to Bulacan today to visit the café Romano Alcantara sold to me. Nakatingin ako sa labas ng bintana ng kotse. Si Anton ang nagmamaneho tulad ng dati.
"Sir, bakit niyo napiling bumili ng café?" tanong ni Anton.
Nagkibitbalikat ako. "I don't actually know. Noong i-offer niya sa 'kin 'yon bigla na lang akong nakipag-deal without thinking everything." That's true. Hindi ko alam kung bakit, eh, pwede naman akong magtayo ng sarili ko.
"Sir, malapit na po tayo," pagpapaalam nito. Tumango ako at inayos ang suit ko. "Hindi, ho, yata kasama si Miss Jessie ngayon."
"May importante akong inutos sa kanya." Hanggang sa tumapat kami sa isang café . . . dito. Dito ko nakita si Alex noon. Na may kasamang lalaki. Sa isiping may iba ng mahal si Alex ay parang gusto kong manakal.
Pumarada ang kotse namin sa tabi. Nilingon ko ito. "You can go back now to Manila. Iwan mo na lang ang kotse," ani ko. Naglabas ako ng ilang libo sa wallet ko't inabot sa kanya.
"Sir, sobra-sobra po—" He tried to give the blue bill to me pero hindi ko na tinanggap.
"That's okay. Ibili mo na rin ng pasalubong ang mag-ina mo." Bumaba ako ng sasakyan, sumilip si Anton sa bintana.
"Hahanap lang po ako ng parking space, sir, baka mahuli dito, eh," anito.
Lumabas si Romano sa café ng makita niya ako. Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko na magalang ko namang tinanggap.
"Good day, Mr Anderson. Kumusta ang byahe?!" masiglang tanong nito.
"Fine. Can we start?"
"Sure! This way!"
Lumakad kami papasok sa café. Dumako ang tingin ko sa siang babaeng pumasok sa isang pinto. May isang babae pang nakatayo sa likod ng counter, nakangiti siya sa 'kin kaya tumango ako. Nilibot ko ang tingin ko sa buong lugar hanggang sa mahagip ng tingin ko ang lalaking kausap noon ni Alex.
Napatiim bagang ako.
Kinuyom ko ang kamao ko. This means only one thing. Malapit lang dito si Alex. Hindi imahinasyon ang nakita ko noon.
Hindi dapat ako pumalpak ngayon.
"Hinatayin lang natin yung secretary ko slash manager ng café. Nagbanyo yata," ani Romano. Tumango ako. I was looking outside the window. Katabi lang kasi ng kalsada ang café kaya pansinin. Magandang spot.
"Crystal's already here," ani Romano.
Napangiti ako ng maliit dahil nakapangalan pa niya ang asawa ko. Alexandra Crystal. Lumingon ako para lamang matigilan ng makita ang hinihintay namin. Kaagad akong nakabawi't hindi ipinahalatang nabigla rin ako.
"OH, MY GOD!" Halata ang pagkagulat sa mukha nito. I can't help but to smirk.
"By the way, he is Jake Gabriel Anderson. The new owner of this café, and your new boss," pagpapakilala sa 'kin ni Romano. "And Crystal, ikaw ang magiging secretary ni Jake for the mean time. You will teach him everything about the café."
Nagbaba ng ulo si Alex. Kabahan ka na, wife. Dahil hindi na kita papakawalan. I will never let you out of my sight again.
"Is that clear?"
Walang nagawa kundi tumango si Alex, which makes me happy. Now I already know why I bought this café. I just didn't know if Romano knew she's my wife.
Pinaglalapit na talaga kami ng tadhana.
"So . . . she's my secretary?" I asked huskily.
Alex became uneasy but still looking at me deadly. Giving me those death stare.
"Let me introduce you to everyone, Jake," Romano said. Lumapit si Alex sa tabi ng kasamahan niya. "This is Bernadeth Santiago, ang barista namin," aniya at tinuro ang babae kanina. "Siya naman si Ariel Nuñez, an gaming baker." Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Lagot ka sa 'kin. Ang lakas ng loob mong hawakan ang asawa ko. "At ang manager namin at taga-inom ng kape. Crystal Bonifacio."
Tiningnan ko siya sa mukha. Kaya pala hindi namin mahanap dahil ibang pangalan ang ginagamit niya. Ngumiti ako at nag-lean in sa kanya.
"Crystal Bonifacio, huh," mapait kong ani. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya. "It's been six years, wife," pinagdiinan ko ang salitang 'wife'.
Mabilis siyang lumayo sa 'kin at pilit akong nginitian.
"Sir, I'm Crystal, and let me tour you para alam mo na ang bawat lugar dito sa café, or gusto mong si Sir Romano na lang ang—"
"I want you," pagpuputol ko sa kanya.
Her eyes widened in shock. I cough.
"Ako na lang ang magto-tour sa kanya, Crys, you can go back to your work. Kaylangang buksan ang café ngayon," singit ni Romano.
Matalim kong tiningnan si Alex. Magkakasolo rin tayo, wife.
"This way," ani Romano at tinuro ang pintong nilabasan kanina ni Alex. Sumunod ako sa kanya pero bago ako pumasok ay nilingon ko si Alex. Nakatingin din siya sa 'kin. Ilang sandali lang nagtama ang mga mata namin bago ako ang unang nag-iwas. Pumasok na ako.
"This is the kitchen."
Inilibot ko ang tingin ko sa lugar. Medyo malaki, malinis at hindi magulo. "And nandoon ang comfort room and—"
"Why did you sell this café to me?" I asked him direct to the point.
Romano stopped talking, his forehead creased. "What do you mean?" Sumandal ito sa metal na lameda. Ako naman ay sa may pader.
"I know you know."
"Siguro."
Mariin akong napamura. "Don't play safe, Romano. Did you know that I'm her husband?"
Nginisihan niya ako. "So, hard headed. It's true na aalis ako ng bansa para puntahan ang Mama ko sa America. She's sick and needed someone to take care of her. I love this café kaya gusto kong mapunta ito sa alam kong mamahalin ang café."
"Kung mahal mo ba't mo bibitawan?"
Tipid niya akong nginitian. "Hindi naman lahat ng mahal kaylangang hawakan ng mahigpit. Besides I don't have a choice. Kaylangan kong pumili, my mom or the café. And like what they usually say, blood is thicker than water."
Huminga ako ng malalim. Tipid ko siyang nginitian.
"Thank you . . . for selling this one to me," I genuinely said.
"Welcome. At least before I leave I can be sure that the café is in good hands." He walk towards me and tap my back. "This is enough. Ipapakita ko pa sa 'yo ang stockroom nami," anito.
*******
SUMAMA agad ang timpla ko ng makarinig ng pamilyar na boses na nag-uusap sa kusina. Binuksan ko ang pinto, at naabutan kong tinapik ni Alex ang balikat ni Ariel. Masama ko silang tiningnan dahil doon. Lagi na lang ba niyang hahawakan ang asawa ko?
Lumingon si Alex na napatigil sa paglalakad ng makita kami. Nginisihan ko siya ng mapansing ilang beses siyang lumunok.
Yumuko naman siya at lumakad palabas. Nilingon ko si Ariel at tiningnan ng masama. I already giving him a warning look. Isang beses pa niyang hawakan ang asawa ko malilintikan na siya sa 'kin. Nilingon ko si Romano na nakangisi.
Tiningnan ko rin siya ng masama bago lumabas ng kusina. I noticed my wife writing something at napaka-diin magsulat. Nilapitan ko siya. I can see her beautiful face.
"Baka mabutas yung notebook," sabi ko.
Nanigas ang katawan nito. Mabilis akong nagtaas ng tingin making our eyes locked. I can feel he butterflies in my stomach and my heart is racing once again. Boy, I never thought I will feel this again since she left. Already found my heart.
"W-what?" Ilang bess siyang kumurap. "Sir . . . may kaylangan po kayo?"
Sir, huh? It's kind hot acting not knowing me.
Matamis ko siyang nginitian, "nothing—"
"Actually may sasabihin ako," pamumutol sa 'kin ni Romano. Tiningnan ko siya. "Mamayang gabi magkakaroon tayo ng despidida for me. Jake said na sagot na raw niya bilang treat sa lahat."
And when did I said that?
"Ay, hindi ako pwede!" tutol agad ni Alex.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Why?"
"Kasi—"
"Sasama siya," biglang singit ng lalaki kanina. "Sasama si Ma'am, Sir kai may ipapatikium akong cake sa kanya. Para rin matikman niyo kung pwede nating ibenta."
A good reason. Okay. Magkakasolo na kami ng asawa ko nito. Alex bit her lower lips that makes everything harder for me. Fuck, baby. Let me do that for you.
"Eh, kasi yung mga bata walang kasama—"
Mga?! Bakit, ilan ba ang baby namin?! Or nagkaroon siya ng ibang anak sa ibang lalaki?! Does she have another husband?!
"Ha? Akala ko ba isasama sila ni Abby papuntang Baguio?"
So, she still with Abby. Naglaho rin noon si Abby sa pinapasukan niyang eskwelahan. Hindi namin ma-trace kung saan siya lumipat.
"Paano mo nalaman?!"
"Tsismosa kasi ang nanay ko kaya nakapagpa-seminar na ako sa kanya."
Hindi ko maiwasang mapangiti dahil doon. Dumako ang tingin niya sa 'kin, hinuli ko ang mapupungay nitong mata.
"So, settle na mamayang gabi after your shift." That's a statement. Hindi ko hahayaang hindi pa kami matuloy ngayon.
Napipilitang tumango ang asawa ko na nagpalawak ng ngiti ko. After that ay niyaya ako ni Romano na pumunta sa office para makita 'yon. Sumalubong sa 'kin ang isang maaliwalas na silid.
"You can occupy this one whenever you want," ani Romano, umupo siya sa may visitor's chair. Lumakad ako papunta sa table at umupo sa swivel chair.
"Okay. Ikaw baa ng tumulong kay Alex?" tanong ko pagkalipas ng ilang minuto.
"Yeah."
"Thank you. Hindi ko mababayaran ng pera ang utang na loob na meron ako dahil sa pagtulong mo sa asawa ko. If you need help, financially o kung ano pa man just give me a call," ani ko.
Ngumiti siya sa 'kin. "I will remember that. Alex is like a sister to me, so is Abby kaya bukal sa loob ko ang pagtulong sa kanila."
"Paano mo nga pala sila nakilala?" nagtataka kong tanong.
"She's looking for work and saktong kabubukas lang ng café. Nagulat pa nga ako noong ibigay niya ang resume niya sa 'kin dahil nalaman kong mayaman pala siya. She told me everything ng pilitin ko. Malaki na ang tiyan niya that time kaya tinanggap ko na. Para rin sa panganganak niya at makapag-ipon na rin," saad nito.
Sumikip ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Malaki na ang tiyan ng asawa ko at naghahanap pa rin ng trabaho para sa panganganak at pag-aaral ni Abby. Damn, ang hirap ng pinagdaanan niya dahil sa 'kin.
"Thank you so much for helping them, Romano."
"Welcome. Alagaan mo lang 'tong café kasama ang mga tao ko," malungkot nitong sabi.
"Oo naman."
"Gusto ring bilhin ni Alex ang café," pagbubukas niya ng usapin.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit hindi mo na lang sa kanya binigay?"
Ngumisi siya sa 'kin. "Kasi mas nauna kang nagbayad. And sa kanya rin naman mapupunta 'to dahil mag-asawa kayo."
Napatango ako sa dahilan niya. Tama nga naman.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro