Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 77

Alex P.O.V.

PINANOOD ko sina Aris na naglalagay ng paper hot cups sa take out carriers. Nilinisan ko ang isang table na walang tao. Actually, tatlo lang kami rito. Si Ariel na baker namin. Si Deth na coffee maker and ako na walang alam gawin kundi ang uminom ng kape.

Mas malamig kasing kape mas masarap. Lalo na kapag may lumulutang na langgam, charot!

Nilagay ko ang coffee mugs sa trays at pumasok sa kitchen. Binaba ko sa sinks ang mugs, lumapit ako kay Ariel na katulong si Aura sa ginagawa niya.

Gamit ang hintuturo ko ay kumuha ako ng kaunting harina sa lamesa at pinahid 'yon sa tungki ng ilong ni Aura. Malakas itong tumawa.

"Ang cute ng baby ko!" may pang-aasar kong sabi. Tumalikod ako't aalis na dapat ng hawakan ni Aura ang mukha ko at halikan ako sa noo.

I will find it sweet kung hindi lang sila tumawa nang tumawa. Ngumiti ako at tuluyan ng lumabas ng kusina. Tumabi ako kay Deth, tinulungan ko siyang mag-ayos ng coffee mugs and espresso cups. Napalingon ako ng maghagikgikan sila. I frowned.

"Bakit kayo nagtatawanan diyan, ha?" tanong ko at pinisil ang pisnge ni Aris.

Nakangiti silang umiling sa 'kin. "Wala, mama."

Kahit na nagtataka ay pinagkibit balikat ko na lang 'yon. Bumalik ako sa ginagawa ko kanina.

"Hindi niya alam, hano, Aris?"

"Opo po, hihihi!"

Nang matapos ako ay hinatid ko ang order sa table, tapos bumalik ako at naglabas ng phone para i-check ang sarili ko. Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makitang may harina pala ako sa magkabila kong pisnge.

Napapikit ako bago nilingon sina Deth at Aris na ngayon ay hindi makatingin sa 'kin dahil panay ang tawa. Umiling ako at kumuha ng tissue. Pinunasan ko ang pisnge ko.

"Saya-saya niyo."

"K-kasi mama . . . di mo napansin may f-flour ka sa face!!" natatawang-tawang ani Aris, nilingon ko si Deth nagpipigil ng tawa.

"Wag mong pigilin baka mautot ka pa diyan," inis kong sabi saka nagpuntag kusina. Naabutan kong nakataas ang kamay ni Aura na may harina nga. Nisingkit ko ang mga mata ko. "Ikaw ha. Kaya mo pala ko hinawakan sa pisnge kasi may kalokohan kang gagawin." Binasa kong maliit na tissue at nagpunas.

Pagkatapos ay lumapit ako sa locker at kumuha ng face towel. Ginamit ko upang patuyuin ang mukha ko.

"Masaya ka do'n, baby?" tanong ko.

"Opo! Sabi ni Tito Ariel 'yon, Mama. Hindi ako!" aniya at nanisi pa.

Nanlalaki naman ang mga mata ni Ariel at nilagyan ng harina sa mukha si Aura na ikinatawa nito.

"Anong ako? Hindi ba't sa kamay mo galing 'yon?"

"Eh, sino po ba anglagay ng harina?"

"Ako?"

"Sino pong may kasalanan?"

"Ako?"

Hindi ko napigilang tumawa dahil doon. Wala ka talagang panalo kay Aura. Susko.

Saan kaya namana ng anak ko ang pagiging pilyo at pilya nila?

Jake's P.O.V.

"WHAT the fucking hell did you mean?!" galit kong bulyaw sa private investigator kong inutusan para hanapin si Alex sa Bulacan.

"I'm sorry, Sir, but we can't really find her. Nahalughog na ho ng Team ko ang probinsiya pero walang Alexandra Villafuerte o Alexandra Anderson ang nage-exist doon," paliwanag nito.

My jaw clenched. "Fuck it! I'm paying you millions, so, do you fucking best!!!"

"Mr Anderson, were doing our best! Sadyang mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap," dahilan nito.

"Fuck! Six years mo ng sinasabi sa 'kin 'yan! Hindi ka pa ba naririndi?! May nakapagsabing nakita nila ang asawa ko sa Bulacan kaya bumalik kayo ulit do'n! Pabalikin mo sila't hanapin ang asawa ko!!! Get the fuck out!!"

Mabilis tumayo ang lalaki't padabog na lumabas ng office ko. Lahat ng mahawakan kong gamit ay nasisira sa pagkakahampas sa pader.

"Dammit!!! Fuck!!" pinagsisipa ko ng malakas ang table ko't pinagsusuntok ang ibabaw niyon. "FUCK! FUCK! SHIT!!! STUPIID"

Nang mapagod ako sa pagwawala, dumausdos na lang ako sa lapag. Ilang beses akong lumunok bago sumandal sa pader. Yumukyuk ako sa tuhod ko.

"Sir? Sir?!!"

"Leave, Jessie. Cancel my appointments—"

"Sir, mahahanap din po natin si Ma'am Alex. Hindi po ngayon pero sa susunod. God have a better plans for the both of you." Marahan niyang sabi at tinapik ang braso ko. "Maghintay lang kayo, Sir, pero tandaan niyo po lahat ng nagmamadali ay mabilis nagkakamali." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay lumakad na siya palabas.

Hindi ko namalayan kung ilang oras akong nasa ganoong pwesto. Lumabas ako ng office na madilim na. Sumakay ako sa elevator at bumaba sa parking lot. Lumakad ako papunta sa kotse ko't sumakay. Pinaandar ko 'yon paalis.

Wala pang masyadong tao ng dumating ako sa bar ni Henry. Pumasok ako sa loob at nagpunta sa counter. Umupo ako. Tinuro ko ang whiskey sa bartender.

"Two bottles of whiskey. VIP room." Tumalikod ako at pumanik sa VIP room na madalas naming gamiting magkakaybigan. Umupo ako sa sofa, sumandal bago pumikit. Bumukas sara ang pinto pero hindi ko na tiningnan kung sino 'yon.

Nang dumilat ako ay mag-isa na ulit ako sa silid kasama ang whiskeys ko. Hindi ko na sinalin sa baso ang alak, deretso ko na 'tong tinungga sa bote hanggang sa 'di ko na namalayang na-ubos ko na pala ito.

"A-Alex . . . mahaaaaaal sho shi Alex!!" sigaw ko. Tumungga ako sa hawak kong bote pero wala na 'yong laman. Inis kong hinagis 'yon sa tabi at inabot ang isa pang nasa lamesa. Napangiti ako ng malawak ng bumukas ang pinto at pumasok ang mga kaybigan ko.

"Oh . . . mah pwends! What are you doing here?!"

Tumabi sila ng upo sa 'kin, I can feel their stares at my whiskey. Mapag-angkin ko 'tong niyakap at tiningnan sila ng masama.

"Balak mo ba talagang sunugin 'yang baga mo?" tanong ni Hunter na akmang kukuhanin ang bote ko ng iiwas ko 'to.

"Nakakarindi na tanong niyo sa 'kin. Six years na 'yan."

"We heard alam mo na kung nasaan si Alex. Have you seen her?" pag-iiba ng tanong ni Benj.

Umiling ako. "Nope. W-walang mahanap sa kanya."

"Saan daw ba siya nandoon?" tanong ni Henry.

Binaba ko ang hawak ko at nginitian sila ng malungkot. "Bulacan . . . pero di siya makita ng private investigators ko. Milyon bayad ko pero hindi makita yung asawa ko. Wala pa ring lead kung nasaan siya."

Hinawakan ako sa balikat ni Benj at tiningnan sa mata. "Ako ng bahala sa 'yo, Bro. Tutulungan ka naming maghanap. Kahit maliit ang Bulacan ay maraming maliliit na barangay do'n kaya mahihirapan tayo."

Umiling ako. "Sabi ni Daisy sa café nakita asawa ko. Café!"

"Gago?! Kung kay Daisy pala galing 'yon . . . malay mo kung nagsasabi siya ng totoo!" giit ni Henry.

Tumingin ako sa kanya, tinaas niya ang dalawang kamay niya. "Bro, isipin mo, ex mo siya at asawa mo si Alex sa tingin mo ba sasabihin niya sa'yo ang totoo?"

Kumunot ang noo ko. "Lahat papatulan ko kung tungkol kay Alex. Mahanap ko lang siya. Lahat. Lahat."

"Lahat-lahat ano?"

"Tss! Napagdaanan din naman namin 'yan pero wag mong pagmukhaing tanga ang sarili mo," ani Hunter.

"Basta we will help. Gagawin namin lahat mahanap lang si Alex."

Instead of answering I drink the liquor and drowned myself in it. I don't remember is they stayed or not. My memory of what's happening is vivid but I can remember something before I passed out.

Once na makita kita, Alex. I promise, hinding-hindi ka na makakatakas sa 'kin.

I opened my eyes again. And I see my wife . . . sitting beside me. Napangiti ako. Hinawakan ko ang pisnge niya.

"Ang tagal kitang hinanap, wife," bulong ko.

"Ikaw lang. I'm always here for you, Jake, pero palagi mo kong tinataboy," anito. Ngumiti ako at hinila siya pahiga sa kama. Mahigit ko siyang niyakap.

"Mahal na mahal kita, wife. Sobra," sumubsub ako sa leeg niya. I feel her hands playing with my hair.

"Mahal din kita, Gabby."

Like in a dream. Everything turned black and dark when I heard that nickname. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Mabilis kong itinulak ang babaeng nasa tabi ko na ikinasigaw niya.

"WHAT THE FUCK ARE YOU DOING HERE?!!" nanggagalaiti kong tanong.

Pinaghalong galit at pagkapahiya ang expression ni Katherine habang papatayo sa lapag. Pinagpagan niya ang sarili niya. "Tsk! Sa tingin mo anong gagawin ko dito? You really think na hindi ko malalaman ang pinagsasabi mo sa anak mo?!" Humawak siya sa magkabila niyang bewang.

Nagdikit ang kilay ko bago umupo. "I only said the truth. Anong ginagawa mo dito?!" seryoso kong tanong. Nilibot ko ang paningin para lang mas mainis dahil kwarto namin 'to ni Alex.

"Kanina pa ako nandito bago ka hinatid nila Benjamin. Your driver and maids are not here dahil pinalayas ko na. Ang kakapal ng mukha nilang tumira dito tapos nagkakalkal pa ng ref!" umupo ito sa gilid ng kama.

"BAKIT MO SILA PINALAYAS?! YOU HAVE NO RIGHTS!" Napahawak ako sa ulo ko dahil sa pagsirit ng sakit ng ulo ko. Mariin akong pumikit at nang dumilat ay dumeretso ang tingin ko sa suot ni Katherine. "BAKIT SUOT MO ANG DAMIT NG ASAWA KO?!" mabilis akong dumeretso ng alis sa kama. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat.

"A-aray, Jake!! You're hurting me!!!"

While looking at the red dress I can only remember my wife, and now other woman is wearing it . . . parang nabahiran na ng dumi ang damit na kaylan man hindi na maalis.

"Jake! Nakakalimutan mo na yata na Ina pa rin ako ng anak mo!" galit niyang sigaw.

Nagdilim ang paningin ko't di ko namalayang nasa ere na ang kamay ko para samapalin siya. Pumaling ang mukha ng babae. Tumataas baba ang dibdib ko sa pinaghalo-halong emosyon.

"Hindi ko anak ang batang 'yon!" mariin kong sambit. Galit din siyang tumingin sa 'kin—puno ng takot.

Marahas niyang binawi ang braso niya't sinampal ako. Physical pain cannot hurt me anymore. I'm numb without my wife . . . without family. Ilang beses niya pa 'yong inulit hanggang sa mapagod ang babae.

"Done? Umalis ka na," walang emosyon kong utos. Tinuro ko ang pinto. "Leave!"

"Anak mo si Jaime!! Ilang beses ko bang sasabihin 'yon?! He is yours, Jake! Bakit ayaw mong tanggapin?!" nahihirapan niyang sigaw.

Mapait akonga tumingin sa kanya. "Dahil alam kong walang nangyari sa 'tin, Katherine. I will never cheat on my wife when I promised my life to her. You maybe fool everyone but you can't fool me. Ipapa-ulit natin ang DNA test!"

"It will turn out the same, Jake. Wag ka nang mag-aksaya ng pera!"

"Then don't be defensive na parang may tinatago ka. Can you fucking leave my house?! You know your way out!" I said in icy voice. Kinuha ko ang phone ko't pumasok sa loob ng banyo. Tinawagan ko sina Anton para pabalikin sa bahay. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro